You are on page 1of 7

ANG SINING NG PAGLALARO NG SALITA

German Gervacio
Sinasabing ang simula ay salita at ang sumunod ay laro. Ang naturalesa ng nauna ang
naging daan sa pag-iral ng sumunod. Ang paglalaro ng salita ang siyang pinakamataas na antas
ng paggamit na magagawa ng isang gumagamit ng salita. Sa ganitong paraan lamang
natutuklasan ang iba pang esensya ng salita na maaaring hindi matuklasan kung hindi ito
lalaruin.
Pagtuklas ng katotohanan ang paglalaro. Ang paglalaro ng salita ay pagtuklas sa
katotohanan ng salita. Iba't ibang katotohanan ang nalilikha ng iba't ibang pagtuklas. Isa sa mga
katotohanang matutuklasan sa paglalaro ng salita, ay ang katotohanang nais lumaya ng salita.
Mula sa karaniwang gamit niya tulad ng komunikasyon tungo sa pagkalas sa kinagawiang gamit.
Mula sa pagkakatali niya sa iba pang grupo ng salita tungo sa pagsasanib niya sa iba pang grupo.
Maihahalintulad ang pagnanais makalaya ng salita sa pagnanais ding lumaya ng mga kulay.
Halimbawa, nakagapos ang dilaw sa araw; ang bughaw sa dagat; ang itim sa dilim; ang puti
sa birhen; ang pula sa komunista; ang green sa pera; at ang pera sa Kano. Kung kukulayan natin
ang araw ng bughaw, pinalalaya ang bughaw sa gapos ng dagat at ang dilaw sa gapos ng araw.
Nakakikilala ang bughaw ng panibagong mundo sa sinapupunan ng araw. Kung kukulayan natin
ng pula ang dagat, makalalaya siya sa gapos ng komunista at makapaglulunoy sa dagat.
Maaaring nais ng puting maputikan. Nais ng itim ng kalinisan. Nais ng Pinoy ng pera.
Gayundin sa kaso ng salita. Maaaring nais nang humiwalay ng salitang babae sa salitang
lalake; ang rosas sa babae't binabae; ang demonyo, sa gobyerno; ang mahirap kay Erap; ang
inappropriate kay Clinton; ang lukoluko sa makata; ang salita sa simula.
Ang hamon ngayon sa gumagamit ng salita ay kung paano niya mapalalaya ito mula sa kuko
at kokun ng mga nakagawiang anyong bumibilanggo rito. Para malinawan natin ito, pahapyaw
nating tatalakayin ang ilang stabilisadong anyong nakagawian sa panitikang Filipinotulad ng
tula, maikling kuwento, sanaysay, dula at skrip.
May mga salita, grupo ng salita o paraan ng paggamit o pagsasaayos ng salita na hindi mo
maipapasok sa nasabing anyo dahil hinihingi ng batas at kasiningan nito. Kung gayo'y hindi
namamaximize ang potensyal ng salita at hindi buong katotohanan ang naipepresenta ng salita.
Kung hindi lumilikha ng anumang kuwento ang grupo ng salitang naisaayos, nangangahulugan
lamang na hindi ito maipapasok sa anyong pakuwento. Kung patula naman ang pagsasaayos sa
salita, hindi rin ito maaari sa sanaysay. At kung pasalaysay lang at walang dayalogo, hindi ito
pupuwede sa skrip (maliban na lang kung silent movie). Kung gayo'y nakagapos pa rin ang mga
salita at kailangang ihubog siya sa paraang mapagkakasya sa mga anyong nabanggit.
Ito ngayon ang layunin ng experimentasyon sa pagtuklas ng bagong anyong makapagbibigay
ng alternatibong espasyo sa salita. Ang layunin nito ay ikeyter ang potensyal ng salita na hindi
maaaring yakapin ng mga anyong nabanggit na. Isang maliit na hakbang sa pagbuo ng
katotohanan ng salita ang pagpiga sa potensyal ng salita. Isa sa mga katotohanang ito, ay ang
katotohanang ang salita lamang ang katotohanan. Walang katotohanang nasa labas ng salita.
1

Pansinin ang sumusunod na pangungusap na binigkas ng isang batang tatatluhing taon;


Napag-utusan ang baboy na lumakad sa kalan.
Ang ganitong ayos ng salita ay isang halimbawa ng isang katotohanang ang
gumamit/nagbigkas ng pangungusap ay nagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng
sarili niyang pag-unawa sa katotohanang ito kaugnay ng pag-unawa niya sa katotohanan ng salita
at sa sarili niyang pagpapaunawa. Sa isang taong nakatuklas na ng ibang katotohanan sa salita,
ang pangungusap ay maituturing niyang walang bisa dahil wala sa karaniwang ayos ng salita
batay sa pagkakaunawa niya sa katotohanan nito. Lumalabas ba ngayon na hindi na maituturing
na isang katotohanan ang pangungusap ng bata kung ibabangga sa pag-unawa ng isang may
ibang katotohanan sa salita? Marahil, sa lebel ng pag-unawa sa pangungusap, walang
katotohanan ang kanyang pangungusap. Subalit sa iba pang lebelsa lebel na nasa loob ng
salita ang lahat ng katotohanannagtataglay ang pangungusap na ito ng katotohanan dahil
binubuo ang pangungusap ng salita, at nasa loob ng salita ang katotohanan.
Pansinin din ito;
Eto u menja perehodnyu vozrast.
Sa isang hindi marunong ng Russian, mahihirapan siyang tukuyin ang kahulugan nito sa
unang basa. Subalit magkakaroon siya ng paraan (sumangguni sa isang Ruso, halimbawa) para
maunawaan ito at tuloy malaman ang itinatago nitong katotohanan. Subalit hindi magiging
ganito kadali sa kaso ng Napag-utusan ang baboy na lumakad sa kalan." Unang-una, tama ang
gramar ng pangungusap at malinaw na mauunawaan ang lahat ng salita subalit malabo ang
kahulugan. Napakaraming tanong na papasok sa isipan kung susubuking alamin ang katotohanan
ng pangungusap na ito. Halimbawa;
1. Sino ang nag-utos sa baboy?
2. Bakit ito inutusan?
3. Bakit baboy ang inutusan at hindi aso o daga?
4. Bakit pinalakad at hindi pinatakbo, pinaupo o pinahiga o pinadapa?
5. Bakit sa kalan?
6. May apoy ba ang kalan o wala?
7. Sumunod naman kaya ang baboy?
8. Kung hindi siya sumunod sa utos, ano ang ginawa sa kanya?
9. Kung sumunod naman siya, ano ang nangyari sa paglakad niya?
10. Ilang taon na itong baboy na ito?
11. Ano'ng kulay kaya ang baboyitim, puti, pink o batik-batik?
12. Ito kaya ang unang pag-uutos dito?
13. Saan nagaganap ang pag-uutossa bahay, sa restawran o sa kural?

Kung bibilangin lahat ang mga tanong, 13 lahat. Ito'y ilan lamang sa maitatanong kaugnay
ng ganitong pangungusap. Nangangahulugan bang posibleng makahanap ng katotohanan kung
susubuking masagot ang mga tanong na ito. Subukan natin:
Tanong #1 : Sino ang nag-utos sa baboy?
Sagot
: Isang muslim.
Tanong #2 : Bakit ito inutusan?
Sagot
: Kasi'y utusan naman ang partikular na baboy na ito.
Tanong #3 : Bakit baboy ang inutusan at hindi aso o daga?
Sagot
: Wala ang aso't daga, inutusan niyang mamalengke.
Tanong #4 : Bakit pinalakad at hindi pinatakbo, pinaupo o pinahiga o pinadapa?
Sagot
: May karapatan ang muslim na ipagawa ang gusto niyang ipagawa.
Tanong #5 : Bakit sa kalan?
Sagot
: Wala siyang gas range.
Tanong #6 : May apoy ba ang kalan?
Sagot
: Meron.
Tanong #7 : Sumunod naman kaya ang baboy?
Sagot
: Oo.
Tanong #8 : N/A.
Tanong #9 : Kung sumunod naman siya, ano ang nangyari sa paglakad niya?
Sagot
: Nalitson siya.
Tanong #10: Ilang taon na itong baboy na ito?
Sagot
: Isa.
Tanong #11: Ano'ng kulay kaya ang baboyitim, puti, pink o batik-batik?
Sagot
: Itim (naging redish brown nang malitson).
Tanong #12: Ito kaya ang unang pag-uutos dito?
Sagot
: Oo.
Tanong #13: Saan nagaganap ang pag-uutossa bahay, sa restawran o sa kural?
Sagot
: Sa bahay.

Bagamat nasagot ang lahat ng mga tanong, may susulpot namang grupo pa ng tanong
kaugnay naman sa isinagot sa unang grupo ng mga tanong. Upang mapalutang ang katotohanan,
kailangan na namang gumawa ng susog na pormularyo, kaya;
Tanong #1 :
Sagot
:
Tanong #2 :
Sagot
:
Tanong #3 :
Sagot
:
Tanong #4 :
Sagot
:
Tanong #5 :
Sagot
:
Tanong #6 :

Sino ang muslim na ito?


Isang muslim na nais subukin ang kanyang self-control.
Bakit naging utusan ang baboy?
Hindi ito puwedeng maging Health Secretary, kasi nga baboy.
Ano'ng bibilhin sa palengke ng aso't daga?
Mang Tomas sarsa ng litson.
Bakit may karapatan ang muslim?
Isang demokratikong bansa ang Filipinas.
Bakit wala siyang gas range?
May kalan na siya kaya hindi na siya bumili ng gas range.
Bakit may apoy ang kalan?
3

Sagot
:
Tanong #7 :
Sagot
:
Tanong #8 :
Sagot
:
Tanong #9 :
Sagot
:

In-on ng muslim.
Bakit sumunod ang baboy?
Isa talaga siyang masunuring baboy.
Ano ang ibig sabihin ng N/A?
Not Applicable.
Bakit siya nalitson?
Law of Naturekapag lumakad ang isang pig sa kalang may apoy,
nalilitson.
Tanong #10: Bakit isang taon pa lang ang baboy?
Sagot
: February 14, 1998 ngayon at February 14, 1997 siya ipinanganak.
Tanong #11: Bakit itim ang kulay ng baboy at bakit naging redish brown
nang malitson?
Sagot
: Itim, dahil mahilig itong magbilad sa araw dahil pangarap sana nitong
maging sitsarong malutong. Naging redish brown nang malitson,
dahil ito talaga ang kulay ng nililitson.
Tanong #12: Bakit ito ang unang pag-uutos sa baboy?
Sagot
: Dahil dati namang nagkukusa ang partikular na baboy na ito.
Tanong #13: Kaninong bahay nagaganap ang pag-uutos?
Sagot
: Sa muslim.

Bagamat nasagot ang lahat ng mga tanong sa ikalawang grupo , may susulpot na namang isa
pang grupo ng mga tanong kaugnay naman sa isinagot sa ikalawang grupo ng mga tanong.
Upang mapalutang ang katotohanan, kailangan na namang gumawa ng susog na pormularyo,
kaya;
Tanong #1 : Sa paanong paraan niya susubukin ang kanyang self-control?
Sagot
: Sa pamamagitan ng pagtetempt sa sarili niya na kumain ng litson.
Tanong #2 : Bakit hindi puwedeng maging Health Secretary ang isang baboy?
Sagot
: Obvious ba?
Tanong #3 : Para saan ang sarsa ng litson?
Sagot
: Obvoius ba?
Tanong #4 : Sigurado kang demokratiko ang Filipinas?
Sagot
: Hindi.
Tanong #5 : Ano ba ang kaibahan ng kalan sa gas range?
Sagot
: Ispeling.
Tanong #6 : Nang i-on ng muslim ang kalan, nag-apoy ba agad o inulit-ulit pa
ang pihit?
Sagot
: Nag-apoy kaagad.
Tanong #7 : Bakit siya naging isang masunuring baboy?
Sagot
: Nabuhay ang lolo niya noong Martial Law.
Tanong #8 : N/A.
Tanong #9 : Sino'ng legislator ang nagpasa ng law of nature?
Sagot
: Okey ka lang?
Tanong #10: Sino ang nagpaanak sa kanya?
Sagot
: 'Yung muslim.
4

Tanong #11: Bakit pangarap niyang maging sitsarong malutong?


Sagot
: Upang hindi siya ikahiya ng magiging biik niya at hindi magsilakad
ang mga ito nang nakatungo ang ulo.
Tanong #12: Bakit hindi na nagkusa ngayon ang baboy?
Sagot
: Ikaw ba'y magkukusa sa tiyak na kamatayan?
Tanong #13: May kasama ba sa bahay ang muslim?
Sagot
: Meron, 'yung baboy nga.

Bagamat nasagot ang lahat ng mga tanong sa ikatlong grupo , may susulpot na namang isa
pang grupo ng mga tanong kaugnay naman sa isinagot sa ikatlong grupo ng mga tanong. Upang
mapalutang ang katotohanan, kailangan na namang gumawa ng susog na pormularyo, kaya;
Tanong #1 : Kumain naman ba ang muslim ng litson o hindi?
Sagot
: Hindi.
Tanong #2 : Kung hindi siya pwedeng maging Health Secretary, baka pwede
naman siyang maging kongresman o senador?
Sagot
: Hindi rin.
Tanong #3 : Bakit gano'n ang ispeling mo ng "obvious?"
Sagot
: To err is human, to forgiev devine.
Tanong #4 : Bakit hindi ka siguradong demokratiko ang Pilipinas?
Sagot
: Obvious ba?
Tanong #5 : Bakit magkaiba ang ispeling ng kalan at gas range?
Sagot
: Wala lang.
Tanong #6 : N/A.
Tanong #7 : Bakit naging masunurin ang kahit sino noong Martial Law?
Sagot
: Obvious ba?
Tanong #8 : N/A.
Tanong #9 : N/A.
Tanong #10: Bakit yung muslim ang nagpaanak sa baboy?
Sagot
: Siya lang ang nandoon nang magleybor ang .
Tanong #11: N/A.
Tanong #12: N/A.
Tanong #13: Sino pa ang kasama ng muslim sa bahay bukod sa baboy?
Sagot
: Wala na.

Bagamat nasagot ang lahat ng mga tanong sa ikaapat na grupo, may susulpot na namang isa
pang grupo ng mga tanong kaugnay naman sa isinagot sa ikaapat na grupo
ng mga tanong. Upang mapalutang ang katotohanan, kailangan na namang gumawa ng susog na
pormularyo, kaya;
Tanong #1
Sagot
Tanong #2
Sagot

: Bakit hindi kumain ng litson ang muslim?


: Malakas ang kanyang self-control.
: Bakit naman hindi siya puwedeng maging kongresman o senador?
: Baboy nga siya pero hindi kanibal.
5

Tanong #3 : N/A.
Tanong #4 : N/A.
Tanong #5 : N/A.
Tanong #6 : N/A.
Tanong #7 : N/A.
Tanong #8 : N/A.
Tanong #9 : N/A.
Tanong #10: N/A.
Tanong #11: N/A.
Tanong #12: N/A.
Tanong #13: N/A.

Bagamat nasagot ang lahat ng mga tanong sa ikalimang grupo , may susulpot na namang
tanong kaugnay naman sa isinagot sa ikalimang grupo ng mga tanong. Upang mapalutang ang
katotohanan, kailangan na namang gumawa ng susog na pormularyo, kaya;
Tanong #1 : Bakit malakas ang self-control ng muslim?
Sagot
: Nung bata kasi siya ay tumira siya sa Tate at noong mga 60's,
Isa siya sa batang sinubok kung kakanin ang isang marshmallow
kapalit ng dalawang marshmallows kung hindi nila ito tsitsibugin
kaagad.
Tanong #2 : Ano'ng ibig mong sabihing hindi siya kanibal?
Sagot
: Hindi siya puwedeng lumamon ng kapwa niya pork (as in pork barrel).
Tanong #3 : N/A.
Tanong #4 : N/A.
Tanong #5 : N/A.
Tanong #6 : N/A.
Tanong #7 : N/A.
Tanong #8 : N/A.
Tanong #9 : N/A.
Tanong #10: N/A.
Tanong #11: N/A.
Tanong #12: N/A.
Tanong #13: N/A.
Bagamat nasagot ang mga tanong ikaanim na grupo, may susulpot na namang tanong
kaugnay naman sa isinagot sa ikaanim na grupo ng mga tanong. Upang mapalutang ang
katotohanan, kailangan na namang gumawa ng susog na pormularyo, kaya;
Tanong #1
Sagot
Tanong #2
Tanong #3
Tanong #4

: Paano mo nalaman ang lahat nang ito?


: Ako kasi 'yung baboy.
: N/A.
: N/A.
: N/A.
6

Tanong #5 : N/A.
Tanong #6 : N/A.
Tanong #7 : N/A.
Tanong #8 : N/A.
Tanong #9 : N/A.
Tanong #10: N/A.
Tanong #11: N/A.
Tanong #12: N/A.
Tanong #13: N/A.
Ngayo'y narito na ang kinalabasan sa pagpapalutang ng isang katotohanan;
Tanong #1 : N/A.
Tanong #2 : N/A.
Tanong #3 : N/A.
Tanong #4 : N/A.
Tanong #5 : N/A.
Tanong #6 : N/A.
Tanong #7 : N/A.
Tanong #8 : N/A.
Tanong #9 : N/A.
Tanong #10: N/A.
Tanong #11: N/A.
Tanong #12: N/A.
Tanong #13: N/A.
Ano ngayon ang katotohanan? Batay sa pagtigil o pagkaubos ng mga tanong, maikokonklud
natin, na wala nang nais pang makipag-usap sa tulad kong baboy.
Pasencia na kayo, boring naman talaga ang buhay naming mga baboy, forever e, kaya
napagtripan kong maglaro. Sige, hanggang sa muli. Ito ang kaibigan n'yong model ng Oink na
nag-iiwan ng isang mapayapang gabi at lagi n'yo sanang tatandaang "Huwag huhusgahan, ang
hindi nauunawaan." Ba-boy, este, Ba-bay! Magpapa-B.P. pa kasi 'ko, e!
KOKAK!

KOKAk!

KOKak!

KOkak!

Kokak!

kokak...

You might also like