You are on page 1of 1

MANGGAGAMIT

Meron akong 'igan


Lumalapit lamang siya
Pag may kaylangan.
PANGARAP
Buo ang isip
Aabutin kong pilit
Sana'y makamit
PAMILYA
Kasama lagi
Tuwa man o pighati
Suporta'y tunay.
Oras
Tik-Tak, turan ng relo
Oras ay tumatakbo
Kaybilis ng segundo
Parang buhay ng tao
Mata
Bintana ng katawan
Saksi sa karanasan
Paglabo'y katapusan
Mahali't alagaan
Edukasyon
Yamang nag-uumapaw
Gamitin araw-araw
Habambuhay tatanglaw
Di nila mananakaw

You might also like