Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa iligal na droga at ang epekto
nito sa kabataan. Kasama na dito ang epekto nito kalusugan ng isang tao at sa lipunang ginagalawan ng ating kabataan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon lamang na makuha ang pananaw ng mga estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas ukol sa mga epekto ng iligal na droga sapamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga estudyanteng ito ay ang mga mag-aaral sa 1F-Pharmacy sa ilalim ng pamumuno ni Propesor Joel Salvador. Walang tiyak na iligal na droga ang sinasaklaw ng pananaliksik na ito dahil ang layunin nito ay pag-aralan ang mga epekto nito. Hindi rin sakop ng pag-aaral na ito ang mga dangerous drugs at over the counter drugs dahil hindi sila iligal.