Professional Documents
Culture Documents
Dagli
Dagli
Bagamat walang
katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng
mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit
sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kwento.
Katangian at anyo
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang
Ang Dagling Tagalog: 1903-1936 ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isangpatriyarkal na
lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may
ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa
mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan
hanggang sa maging nakakahong kwento sa mga tabloid o tampok na kwento (feature story) sa mga kolum,
pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, natransform na ang dagli, hindi na ito
tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagananekdota, slice-of-life, day-inthe-life, at iba paat lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).
Dagdag ni Tolentino:
Mismong ang kasaysayan ang lumilikha ng porma ng panitikang magbibigay-representasyon sa kanya.
Umaangkop ang daglio anumang stilo ng porma ng panitikansa politika ng panahon batay sa politikal na
ekonomiya ng paglalathala. Kailangang linawin ang porma at estiloang porma ay ang genre (tradisyonal na
pagkakahati-hati at pagkatuto ng panitikan bilang prosa, tula, at dula), samantalang ang estilo ay ang sumatotal ng lahat ng kumbensyong ginagamit sa isang porma ng panitikan para magkaroon ng kakaibang dating
(effect) sa mambabasa. Tulad ng maraming estilo, ang dagli ay kwento pero ibang uri ng kwento.