You are on page 1of 2

Sicat, John Milton P.

2015 02263
Fil40 WFQ1
Bb. Vina Paz
Magbigay ng halimbawa sa bawat bahagi ng pananalita sa kung papaano nailalarawan ng wika
ang kultura
Salitang Pangnilalaman:
1. Pangngalan
Mapapansing may apat na uri ang pangngalan ayon sa kasarian; babae, lalaki, di-tiyak at
walang kasarian. Dito mababakas na iba ang pagtingin ng kultura ng Tagalog sa sekswalidad
(apat na uri) kumpara sa iba (na dadalawa lamang, tulad sa Ingles). Mas laganap ang mga ditiyak (na kasarian) sa mga terminong ginagamit, tulad na lamang ng guro, pinsan, kapatid,
asawa, at iba pa. Sa pagsusuri nito, makikitang hindi pa nabubuo ang social construct at
stereotypes na pangkasarian (halimbawa, ang guro ay kadalasang babae at ang minero ay lalaki).
2. Panghalip
Makikitang maraming ginagamit na panghalip ay tumutukoy sa mga di-tiyak ang
kasarian. Dito mababakas na wala pang konsepto ng sexism sa kultura ng mga Tagalog bago
dumating ang impluwensiya ng mananakop. Isang halimbawa nito ay ang he/she sa Ingles ay
katumbas ng siya sa Tagalog.
3. Pang-uri
Sa paggamit ng pang-uri, dito makikita kung anong mga katangian o bagay ang
kadalasang binibigyang halaga ng isang kultura. Sa mga Pilipino, maraming pang-uri ang
tumutukoy sa kapintasan ng tao, na maaaring indikasyon na alaskador ang isang typical na
Pilipino. Gayunpaman, ang mga itoy kadalasay dinudugtungan ng medyo o di kayay
ginagawang di gaanong direkta ang pagtukoy. Kadalasan ay nagbibigay tayo ng puwang sa
maaaring maramdaman ng tutukuyin natin, kayat ginagawa nating maligoy ang paggamit ng
mga salita (halimbawa, Medyo tumataba ka, sa halip na Ang taba mo, at Hindi ka gaanong

maganda imbes na Ang pangit mo.). Kadalasay naiisipang bastos ang isang tao kung sakali
mang direkta siya maglarawan.
4. Pandiwa
Dito makikita ang pagbibigay importansiya sa kasidhian ng ginagawang kilos, kung
sadya ba o hindi sinasadya, o kung gaano kataas ang antas ng pagkadarama ng aksyon.
Halimbawa, sinasadya mo ang pagsuntok sa isang tao kapag siya ay sinuntok mo, at di mo
naman sinasadya kapag siya ay nasuntok mo lamang. Isa pang halimbawa ay ang pagdama ng
sakit ng tao ayon sa kasidhian; mahapdi, makirot, at masakit o di kayay malasa, masarap, at
malinamnam.
5. Pang-abay
Dito lumalabas ang pagbibigay-halaga ng mga Pilipino sa kasiguraduhan ng paggawa ng
isang aksyon. Ang pagkabit ng na ay nagbibigay ng impresyong importante ang dapat gawin
(halimbawa, Pumunta ka na rito ngayon sa halip na pumunta ka rito). Ang pagkabit naman
ng salita, tulad ng marahil ay nagbibigay-kahulugan na walang kasiguraduhan ang gagawing
aksyon (Halimbawa, Marahil ay pupunta ako sa sabado sa halip na Pupunta ako sa sabado).

You might also like