You are on page 1of 20

The 2016 State of the Nation Address (Filipino)

August 15, 2016


Tags: Filipino (language), Rodrigo Roa Duterte, SONA 2016, State of the Nation
Address
State of the Nation Address of
Rodrigo Roa Duterte
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
[Delivered at the Batasang Pambansa Complex, Quezon City on July 25,
2016]
(FILIPINO VERSION)
Salamat. Ipermiso ninyo akong maging impormal. Mapapansin ninyo na ang tatlong
lalaki sa nakaangat na bahagi ng Kongreso ay mula sa Mindanao. So, wala talaga
kaming masabi. Pangulo ng Senado Aquilino Pimentel III, mga miyembro ng Senado,
Ispiker Pantaleon Alvarez, Pangalawang Pangulo Maria Leonor Robredo, dating
Pangulo Fidel V. Ramos, Pangulong Joseph Ejercito Estrada, at Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo, Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno, mga Mahistrado ng
Kataas-taasang Hukuman, ang Kaniyang Kamahalang Papal Nuncio at mga
miyembro ng diplomatic corps. Kailangan ko ring batiin ang Kalihim
Tagapagpaganap Salvador Medialdea, ang mga miyembro ng Gabinete, mga
kasama kong manggagawa sa gobyerno, mga kababayan ko.
Hindi tayo uusad kung hahayaan nating hilahin tayo ng nakaraan. Ang paninisi ay
maling pamamaraan. Kay hindi ko aaksayahin ang mahahalagang oras para sisihin
kung sinong may sala sa gusot na kinasasadlakan natin at pinagdudusahan.
Maliban siguro para makabuo ng aral o higit pa sa mga kamaliang ito, hindi tayo
papipigil dahil ang dapat pinahahalagahan ay ang kasalukuyan at ang hinaharap na
dapat nating pinaghahandaan.
Bak ako ay hindi maintindihan, gusto kong linawin, na ang mga nagtaksil sa tiwala
ng taumbayan ay maparurusahan at mabibigyan ng araw sa hukuman. At kung
sapat ang mga ebidensiya, may araw din sila para magdusa.
Nang magdesisyon akong tumakbo bilang pangulo ng bansang ito, alam ko ang
mga sakit ng bansa; alam ko ang mga dahilan; at sinabihan na ako kung sino ang
sentro ng mga sanhi ng lahat.
Narinig ko ang mga hinaing ng mga mamamayan sa kalye na ang katarungan ay
parang gungun na lang; na ang pagkapantay-pantay at pagiging patas at mabilis
na paglutas sa mga kaso ay nalusaw na parang ampaw na mga konseptong bagay
lang sa mga pandalubhasaang disertasyon. Ganyan dati, hanggang ngayon,
talagang nakalulungkot.
Bilang dating tagausig, alam ko ang mga pamamaraan kung paano pabilisin at
pabagalin ang takbo ng isang kaso. Ang ginawa ko ay tiningnan ko kung ilang beses

ipinagpaliban at ang petsa ng bawat pagpapaliban at ang susunod na pagdinig ng


kaso. Ganoon kasimple. Magiging masaya ako kung lahat tayo sa gobyerno ay magaasikaso sa importanteng bagay na ito.
Determinado na ko noon pa katulad sa pagiging determinado pa dahil ngayong ako
ay nasa posisyon, na maglunsad ng laban sa mga humahamak sa ating mga batas
at sa mga tao na ginagawang miserable ang ating buhay.
Tinitiyak ko sa bawat isa sa inyo na wala sa sistema ko ang pagiging mapaghiganti.
Katulad ninyo, ang gusto ko lang ay patas na pagtrato at proteksiyon para sa ating
mga kababayan.
Pero kailangan nating maging matapang para maipaglaban ang ating
pinaniniwalaan, na hindi tayo mapipigil ng takot na magkamali o matalo. Kay,
walang limitasyon ang katapangan, pero mayroon ang kaduwagan.
Sa puntong ito, marami pa akong gustong sabihin sa inyo tungkol sa mga detalye,
mga bilang, mga programa, mga plano, mga problema at solusyon, ang lahat ng
mga ito ay hindi dapat maglalaho o maliligaw.
Kay sa ating mga relihiyosong Obispo, mga pinuno, mga pastor, mga
tagapagsalita, mga imam ginagarantiya ko sa inyo na habang ako ay naninindigan
sa prinsipyo ng paghihiwalay ng simbahan at estado, pinaniniwalaan ko rin na dapat
wala ring paghihiwalay ng Diyos at Estado.
Sa inagurasyon ko noong 30 Hunyo 2016, sinabi ko na ang laban sa kriminalidad at
mga ilegal na gamot at korupsiyon ay di titigilan at magpapatuloy. Inuulit ko ang
pangakong iyan ngayon, kaya tinatawagan ko ang Pambansang Pulisya, ang mga
chairman ng barangay, mga meyor, mga gobernador, at lahat ng nasa
kapangyarihan at awtoridad, huwag magpahinga. Walang titigil sa kampanyang ito.
Doblehin ang mga pagkilos. Triplehin ang lahat ng ito kung kailangan. Hindi tayo
titigil hanggang sa huling drug lord, hulng kapitalista, at hulng pusher ay hindi
napasusuko o naipakukulong o naililibing, kung gusto nila.
Sa ating mga opisyal na pulis at sa iba pang opisyal, gawin ninyo ang trabaho ninyo
at asahan ninyo ang buong suporta ng Tanggapan ng Pangulo. Sasamahan ko kayo
hanggang sa huli. Abusuhin ninyo ang inyong kapangyarihan, at mayroon kayong
kalalagyan sa impiyerno, dahil magiging mas masahol pa kayo sa nilalabanang
kriminalidad.
Inuutusan ko ang National Police Commission (NAPOLCOM) na pabilisin ang mga
imbestigasyon at paghahatol sa mga kasong administratibo laban sa mga pulis na
sangkot sa mga gawaing kriminal at ilegal at magbalangkas ng mga patakaran para
sa lifestyle check sa mga miyembro ng PNP. Sa laban na ito, itinataya ko ang dangl
ko, ang bhay ko, ang pagiging pangulo ko.
Inuutusan din ang DILG na mahigpit na imonitor kung paano ginagawa ng mga LGU
ang tungkulin nilang pamahalaan ang mga pulis at ang mga napatunayang hindi
tumutupad sa kanilang tungkulin ay maparurusahan kabilang ang pagtitiwalag sa

NAPOLCOM. Inuulit ko ang babala sa lahat, huwag magdroga dahil kayo ang
magiging solusyon sa krisis na bumiktima, malawak na lumaganap sa bansa.
Gagawa tayo ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs na pagsasama-samahin
ang lahat ng mga pagsisikap at palalakasin ang pakikipag-ugnayan ng
mga stakeholder.
Ang mga reserbado ay pakikilusin para sa kampanyang pang-impormasyon laban sa
paggamit ng droga at pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga
programang rehabilitasyon na iniaalok ng gobyerno. Palalakasin din natin ang ating
Programang ROTC para maisapuso ang pagmamahal sa bansa at paggiging
mabuting mamamayan.
Uunahin din natin ang rehabilitasyon ng mga nagdodroga. Dadagdagan natin ang
mga pasilidad sa pagpapagaling at rehabilitasyong residensiyal. Tutulong ang
Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) sa mga paghahanda sa paggamit ng mga
kampo militar at mga pasilidad para sa rehabilitasyon sa pagdodroga.
Hindi kailanman magkakaroon ng tunay, nahahawakan, at nararamdamang
pagbabago nang hindi ipinadarama ang katiwasayan sa ating mga tao.
Dahil dito, magiging sensitibo ang aking administrasyon sa mga obligasyon ng
bansa para palaganapin at pangalagaaan, at tuparin ang mga karapatan ng ating
mga mamamayan, lalo na ng mahihirap, nasa laylayan at mahihina. Ipatutupad
ang katarungang panlipunan, habang pinananatili sa lahat ng sandali ang tuntunin
ng batas.
Ipatutupad ng aking administrasyon ang isang makataong tugon sa pagbabago at
pamamahala, habang pinabubuti ang kagalingang pangkalusugan at pangedukasyon, pagkakaroon ng sapat na pagkain at pabahay, pinangangalagaan ang
kapaligiran at paggalang sa kultura ng ating mamamayan.
Ang karapatang pantao ay dapat na nagpapataas sa dignidad ng tao. Pero ang
karapatang pantao ay hindi puwedeng gamitin bilang pananggalang o dahilan para
sirain ang bansa. Ang inyong bansa at ang aking bansa.
Sa ngayon, dahil may mga banta pa rin sa panloob na seguridad ng ating bansa na
pinalalal ng teroristang pangkat na Abu Sayyaf at ng mga gawain nito, ang buong
puwersa ng AFP ay pakikilusin para malupig ang mga kriminal na ito na nagtatago
sa gawaing panrelihiyon. Palalakasin ng AFP ang kakayahan nito na tugisin at
labanan ang mga huwad na elementong lumalabag sa batas.
Kailangan nating palakasin ang ating koordinasyon sa Indonesia at Malaysia para
mapigil ang pangingidnap sa katubigan ng ating mga kalapit-bansa. Palalakasin
natin ang ating mga programang panlaban sa terorismo sa pamamagitan ng pagaamyenda ng ibat ibang batas tungkol sa terorismo sa tao, pagtutustos sa
terorismo at cybercrime.
Ito ang sagot natin sa mga bantang hmong di-tradisyonal ng global na pagbabago,
mga krimeng transnasyonal at terorismong panatiko. Magiging priyoridad din natin

ang pagtugon sa global warming, pero sa makatarungang pag-aangkop. Hindi nito


dapat mapigil ang ating industriyalisasyon.
Dapat din nating sikapin na magkaroon at linangin ang pakikipagtulungan sa mga
bansang may kapareho ng mga problema sa Pilipinas; panatilihin at ipagpatuloy ang
mga pakikipagsanggunian at pakikipag-usap na bilateral at multilateral.
Palalawakin pa natin ang pakikipag-ugnayan sa pagtulong at pag-aksiyon kaugnay
ng disaster, seguridad pandagat at paglaban sa terorismo. Palalalimin natin ang
mga pag-uusap panseguridad sa ibang bansa para magkaroon ng higit na unawaan
at pagtutulungan.
Tungkol sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas (West Philippine Sea), na kilala rin bilang
Dagat Tsina (China Sea), pinaninindigan ng Pilipinas ang paggalang sa resulta ng
kaso sa harap ng Permanenteng Hukuman ng Arbitrasyon (Permanent Court of
Arbitration) bilang isang mahalagang kontribusyon sa isinasagawang pagsisikap
upang magkaroon ng mapayapang resolusyon at paglutas sa ating mga pagtatalo.
Sa aspekto ng ating mga prosesong pangkapayapaan kaugnay ng ating kompromiso
sa pandaigdigang pamayanan, mananatili ang Pilipinas sa pangako nitong
ipagpapatuloy ang lubos na pakikipag-usap sa ating mga pandaigdigang partner at
stakeholder para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa
bansa.
Masigla nating tutugunan ang mga karaingang paulit-ulit na idinadaing, hindi
lamang ng Bangsamoro, mga katutubo at iba pang pangkat para sa seguridad, pagunlad, pantay na karapatan sa pagpapasiya at pagtanggap sa mga pagkakakilanlan.
Ang pangmatagalang kapayapaan ay makakamit lang kung matutugunan ang mga
pangunahing pangangailangan ng bawat lalaki, babae, at bata.
Sa ating mga kapatid na Muslim, sa bansang Moro at sa mga kasapi ng
CPP/NPA/NDF, ito ang sasabihin ko:
Gusto nating lahat ng kapayapaan, hindi ang kapayapaan ng patay, kundi ang
kapayapaan ng buhy. Ipinahahayag natin ang ating kagustuhan at kahandaang
makipagnegosasyon, pero kinakargahan natin ang ating mga baril, umaasinta, at
kinakalabit natin ang gatilyo. Isa itong kabalintuaan at trahedyaat wala itong
wakas. Habang pinararangalan ang katapangan at kabayanihan ng ating mga
sundalo, gawin din ninyo ito sa kanilang mga kasapi at mandirigma, sa halip ang
nakikita ko ay mga nabiyuda at naulila. Nararamdaman ko ang kanilang sakt at
hinagpis, at hindi mababayaran ng anumang perang tulong o bilang ng medalya
ang mga taong nawalan ng buhay. Ikinalulungkot ito ng lahat ng antas ng lipunan.
Malalim at matagal ang sakt na idinudulot nito.
Kaya nakikiusap ako sa inyo ngayon. Sa mga kapatid nating Muslim, tapusin na
natin ang dantaong kawalan ng pagtitiwala at pakikidigma. Sa CPP/NPA/NDF,
wakasan na natin ang dantaon ng pananambang at labanang ito. Wala tayong
pupuntahan, at lalo itong nagiging madugo araw-araw.

Para matigil agad ang karahasan, ibalik ang kapayapaan sa mga pamayanan at
magkaloob ng kapaligirang nakatutulong sa muling pag-uusap na pangkapayapaan,
ibinabalita ko ngayon ang tigil-putukan sa CPP/NPA/NDF na magkakabisa agad,
nananawagan ako ngayon sa ating mga kapuwa Filipino sa National Democratic
Front at sa mga puwersa nito na sumunod.
Ito ang aking panawagan sa inyo: Kung hindi pa natin kyang magmahalan, sa
ngalan ng Diyos, huwag nating awayin ang isat isa, gaya ng sabi. Ganoon din ang
sinasabi ko sa inyo.
Sisikapin nating magkaroon ng permanente at pangmatagalang kapayapaan bago
magwakas ang aking panunungkulan. Iyan ang aking layunin, iyan ang aking
pangarap.
Tungkol sa pamamahalang macroekonomik, magpapatuloy at pananatilihin ng aking
administrasyon ang mga kasalukuyang patakarang makroekonomik, at
paghuhusayin pa natin ito.
Magagawa natin ito sa pamamagitan ng masisinop na patakaran sa pananalapi na
makatutulong para ang malaking pag-unlad ay mangahulugan ng higit na marami
at magandang trabaho at pagkabawas ng kahirapan. Sa pagwawakas ng aking
panunungkulan, umaasa ako at nananalanging maipapasa ko ang isang
ekonomiyang mas matatag, na kakikitaan ng pag-unlad, hindi sobrang pagtaas ng
presyo ng mga bilihin, matatag na reserbang dolyar, at malakas na katayuang
pampananalapi.
Sa pagbubuwis, magpapatupad ang administrasyon ko ng mga repormang
pambuwis para sa mas simple at mas makatarungan, at mas episyenteng sistema
ng pagbubuwis na nakakapaghikayat ng pamumuhunan at paglikha ng mga
trabaho. Bababaan natin ang buwis sa ktang personal at pangkorporasyon at
luluwagan ang batas sa bank secrecy. E naging Presidente ako, ayaw ko sanang
makialam dito, sa mga ito. Alam mo na. Anyway, sa pagpapatuloy.
Sa sambahayan, dapat ay sapat ang kita ng lahat ng mga Filipino para matugunan
ang mga pangangailangang pagkain at di-pagkain ng kani-kanilang pamilya.
Patuloy nating hihikayatin ang pamumuhunan na lilikha ng libo-libong trabaho sa
taon-taonsa mga trabahong nababagay sa mahihirap at walang gaanong
kasanayang manggagawa.
Ipag-aatas ang mga reporma para tiyakin ang ating kakayahang
makipagkompetisyon at para itaguyod ang madaling pagsasagawa ng negosyo.
Pagpapaluwag sa mga restriksiyon ng konstitusyon sa ekonomiya para higit tayong
maging kaakit-akit sa mga dayuhang namumuhunan. Ipatutupad ang pagpaparami
ng mga industriyang nangangailangan ng mga manggagawa tulad ng
manufacturing, agrikultura at turismo.
Dapat din tayong mamuhunan sa tao at garantiyahin ang pantay-pantay na
pagkakatang pang-ekonomiya.

Kailangang maipatupad na ang Batas sa Responsible Parenthood and Reproductive


Health para ang mga mag-asawa, lalo na ang mahihirap, ay magkaroon ng kalayaan
sa pagpili sa dami at pag-aagwat ng mga anak na kaya nilang alagaan at tustusan,
at sa huli ay mapabilang sa mga higit na produktibong puwersa ng paggawa.
Kapag hindi makapagtatrabaho, gaya sa mga masyadong probinsiya, itataguyod
ang pagnenegosyo.
Pagagandahin din natin ang lokal na negosyo sa pamamagitan ng pagtanggal sa
mga rekisitos na nagpapatagal sa pagpaparehistro at pagpoproseso ng negosyo,
pagbawas sa proseso ng kahilingang makapagnegosyo at pag-iisa sa mga serbisyo
ng ibat ibang opisina ng gobyerno.
Ang mga Institusyong Pampananalapi ng Pamahalaan (GFI) ay gagawa ng mga
financing package na madaling maisagawa para magkaroon ng kakayahan ang mga
may maliliit at medyo malaking negosyo.
Sa larang ng turismo, magpapatay tyo ng mas maraming kalsada at mga
sentrong panserbisyo na panturismo.
Ang paggawa ng mga kalsada ay dapat umayon sa layuning maglaan ng
modernong impraestrukturang pang-agrikultura sa pamamagitan ng pagpapalawak
at pagpapahusay sa konstruksiyon at rehabilitasyon ng mga pasilidad sa patubig at
pagkakaroon ng mga modernong pasilidad sa pag-aani at pagkaani para
mabawasan ang mga pagkalugi.
Magsasagawa rin tayo ng pagsusuri sa lupa sa buong bansa para matiyak ang mga
lugar na pinakaangkop sa pagtatanim ng palay para mapataas ang produksiyon sa
pamamagitan ng paggamit ng mabisang rehabilitasyon at pagpapataba ng lupa.
Mahigpit nating ipatutupad ang mga batas sa pangisdaan, lalo na ang tungkol sa
ilegal na pangingisda at itataguyod natin ang aquaculture sa mga tabing-ilog at sa
likod-bahay.
Sa kabilang banda, pabibilisin natin ang paggastos para sa impraestruktura sa
pamamagitan ng pagpapaganda ng mga kalsada at tulay at pagpapatupad sa
Mindanao Logistics Infrastructure Network at iba pang mga plano para sa mga
kalsada. Ipatutupad natin ang mga proyektong magdurugtong ng mga isla.
Isasakatuparan natin ang mga hakbang sa pagpapagaan ng estruktura, para
matugunan ang tan-tang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Magtatay tyo ng mga bagong pumping station sa mga estratehikong lugar.
Ang muling pagbuhay sa Pasig River Ferry Service System ay isang solusyon sa
matinding trapik sa Metro Manila. Ito ay magsisilbing alternatibong paraan ng
transportasyon para sa mga pasahero lalo na sa mga nanggagaling sa silangan ng
Metro para makarating sa mga destinasyon sa mga lungsod ng Maynila,
Mandaluyong, Pasig, Taguig, Marikina, at Quezon.
Palalakasin din ang ating kampanya laban sa kolorum at paghuli sa mga
lumalampas sa kanilang ruta pati na rin ang mga ilegal na terminal.

Upang matugunan ang kakulangan sa mga kalsada sa Metro Manila, lulubusin ang
paggamit sa mga kalsada. Kaya, kailangang makipagtulungan at makipag-ugnayan
sa mga LGU upang maisaayos ang daan ng mga alternatibong ruta at
makipagsanggunian sa ibat ibang stakeholder, kabilang na ang opereytor ng
sasakyang publiko.
Marami sa gobyerno ang makatotohanang nagpapalagay, at mahigpit kong
sinasang-ayunan, na ang lumalalang sitwasyon ng trapiko ay lohikal na masasagot,
kung bibigyan din ang Kongreso ng emergency powers ang mga kinauukulang
ahensiya. Ayaw mo? Okey lang din. Pakita namin kung gusto ninyong madalian.
Alam naman talaga ninyo sagad na. Nasa inyo iyan, kung ibibigay mo, sige. Kung
hindi ninyo ibibigay, idadaan natin sa mas mahirap na ruta na mas matagal. At
tanggapin ko iyong pagmumura ninyo, huwag lang sa malapit. E ganoon talaga e
kailangang solusyunan na ito. Gusto ninyo madali, okey. Pag ayaw naman ninyo,
dahil baka sabihin ninyo graft and corruption lamang, di okey. Ginarantiya ko sa
inyowala ito sa script Ginagarantiya ko sa inyo, magiging malinis ang
gobyernong ito. Kung iyon lang ang inaalala ninyo, naiintindihan ko kayo.
Wala na ito sahabawala na ito sa script. You know, ako makagarantiya, 101%
magiging malinis ito. Ang problema ay makakagawa lang ako sa pamamagitan ng
mga ahensiya at departamento. Kaya sinasabi ko inyo na maski konting maliit lang,
wala akong ano doonwala na akong politika, wala na lahat. Tapos na ako sa
listahan. Hindi ko lang magarantiya ang katapatan at galng nila sa lahat ng
pagkakataon. Yung mga miyembro ng gabinete, oo. Pero iyong sa bab
procurement, iyong bidding diyanpero sa pagkakaalam ko malinis talaga ito.
Basta pag-uusapan namin sa likod about federal system.
Alam nyo, ang payo ko sa yo ay: magkaroon ng federal system, isang
parliyamentaryo, pero garantiyahin ninyong may Presidente. Huwag, hindi na ako
niyan, disqualified na ako at sa mga panahon na iyon wala na ako dito. Pero
maipapangako ko ngayon, sa Republika ng Pilipinas at sa sambayanan, kung
bibilisan ninyo ang federal system ng gobyerno at maisusumite ninyo ito sa mga
Filipino sa ikaapat at ikalimang taonkasi proseso yan etumawag kayo ng
referendum at pagkatapos ay presidential election, aalis ako.. Sibat na ako. Pero
dapat mayroon kayong Presidente, gayahin ninyo ang sistema ng France. Huwag
mong hayaan yang puro parliament, delikado. Kailangan ng mahabang panahon
para saiyong kagaya ng England no, dahil sa pambobombaalam mo double
deck, natagalan din sila. Just no one apparatus for the Commander-in-Chief down.
Hindi ka puwedeng maging presidente, puwede kang humalal. Puwedeng si Tito
Sotto ang susuwertihin sa mga panahong iyon. O di, limitahan mo lang.
Ang mga kapangyarihang panseremonya, kapangyarihang magresolba,
kapangyarihang mag-off set ng resolusyon o anuman. Uutusan ko kayo, gawin
iyano mga kapangyarihang panseremonya, maliban sa mga panahon ng
pangangailangan. Sabi ko kung maibibigay mo sa akin ang dokumentong iyan,
hihikayatin ko kayong mag-conduct to order ngmaghalalan sa susunod na araw,
sa susunod na linggo. At kahit na dalawang taon pa, tatlong taon, Aalis na ako.
Okey na ako. Huwag ninyo akong alalahanin. I am intomarami na akong

ambisyon. E nanalo pa e. Hindi ko nga alam kung bakit ngayon, noon nandoon lang
ako o. Totoo man. Sino ba sa inyo nagsuporta sa akin dito? Wala man. Kahit na
isang kongresista, maliban sa dalawang probinsiya, gobernador. Iyon lang. Wala
akong barangay captain, wala akongwala lahat. Pero ngayon[Palakpakan]
Paiikliin ang panahon ng pagpoproseso sa pag-iisyu ng mga permit at. Sa aking
lungsod, palaging tatlong araw para sa mga pamahalaang lokal. Iyon ang magtatali
sa Tanggapan ng Pangulo hanggang sa huling barangay. Tatlong araw, tatlong araw,
pamahalaang lokal. Permit sa negosyo, mga clearancehindi, teka lang. Walang
follow up.
Bigyan mo ng stub, bumalik sa susunod na linggo, tingnan mo iyong work load at
hihingan ko ang bawat departamento, iyong dito sa itaas, dapat may logbook sila.
Huwag sa kompiyuter, okey, itong ganito na mai-erase yan. Ilagay mo ang araw,
oras, tinanggap ko ang dokumento ni Rodrigo Duterte, pagkatapos ay gamitin ang
kompiyuter, dapat ay may actuarial projection doon. Tingnan ang dami ng trabaho,
napakabobo mo naman o gaano kadami ang trabaho ninyo, tapos pag bumalik ka
dito August 3, 3:00 oclock, ibigay mo, ibigay mo. Ngayon, itinatatag ko ang 8888
para lamang sa korupsiyon. Pag may marinig ako sa Executive Department, kahit
bulong, kahit bulong, hiwalay-hiwalay na tayo. Marami riyan sa, diyan sa gallery,
marami riyan walang trabaho, nag-a-aplay hanggang ngayon. Hindi naman lahat
kasi mayayaman iyan e, mga asawa ninyo ata iyan.
Samantalang ang pag-iisyu at distribusyon ng mga plaka ng sasakyan sa bilihan o
sa mga dealer ng sasakyan ay isasaalang-alang. Wag na sa LTO kasi hanggang
ngayon, panahon pa ni Hesukristo iyong unang plaka nila hanggang ngayon wala
pa. Bayad na iyon, hanggang ngayon sa awa ng Diyos.
Para sa mga lisensiya ng drayber, ang bisa nito ay pahahabain mula sa
kasalukuyang 3 hanggang limang taon.
Para mabawasan ang pila sa mga bilihan ng tiket, maglalagay ng mga bilihan ng
tiket ng tren sa mga mall, stall, at mga tindahan, ipinagbibili mo iyon sa diyan mo
na ibigay, akreditado. Wag doon banda sa Recto kasi sigurado pekein iyan ng mga
ulol.
Muli akong magsasalita sa Pilipinas. Ako po ay doble ang pagod para sa inyo, para
sa kapakanan ng bayan. Seryoso po ako. Kayong mga ganoon, tiket-tiket at
magkaroon ng gulo, huwag ho ninyong gawin iyan. Ito na iyong babala ko, you
know, huli. Wala nang iba, hindi ko na gagawin, wag ninyong sirain iyong mga
bagay-bagay na ginagawa namin para sa kapanakan ng tao. Mabuti iyang
magkaintindihan tayo. Kaya wag ninyong gawin. Simple lang iyan e. Para walang
away sa gobyerno iyong mga bagay na ilegal at masama at hindi tama, wag mong
gawin at hindi kami mag-aaway dito. Pati iyong pari, pati si Pope tinamaan.
Magkalinawan tayo sa isat isa, ako ay para sa kaginhawahan at kapakanan ng mga
Filipino. Kayo namang hindi pa bungog diyan, hindi pa pumasok iyang mga droga,
kung ayaw ninyong mamatay, ayaw ninyong masaktan, wag kayong umasa diyan
sa mga pari, pati karapang pantao, hindi nakakapigil iyan ng kamatayan. Kaya, wag

ninyong gawin. E tapos nandiyan ka nakabulagta at nakikita ka sa mga diyaryo na


parang Inang Maria na kalong ang patay, ang bangkay ni Hesukristo.
Ayan ang mga yan e. Magdadramahan pa tayo dito. Dito ako nakatingin kasi nandito
iyong publiko h. Alam mo ilang beses ko nang sinasabi, sa Davao huwag mong
gawin, kasi magkakaproblema tayo. Siya na dahilan ng dahilan ang dahilan ng lahat
ng ito. Ikaw iyong nag-umpisa, lunukin moulitin ko ha, siya na dahilan ng dahilan
ang dahilan ng lahat ng ito. Kami nagtatrabaho lang. Mayroon tayong bansang
binabantayan. Kailangang maging malusog ang milyon-milyong tao. Tungkol ito sa
droga, tungkol ito sa interes ng publiko, kaayusan ng publiko. Kita mo nabawasan
ang mga krimen, wala na kasing magnanakaw, wala nang nanghoholdap. Kasi para
yanbakit itatapon sabi nila e maliliit lang iyan. Gamitin mo utak mo.
Kung mahahawahan ka, kagaya ng negosyo ng mga Chinese, pakyawan sila. Maski
konti-konti, kung ang buong pondo kontaminado, pera yan. Hindi ko sinasabing sa
Chinese gawain itong pakyawan/patingi-tingi, maski na kumita lang ng piso dyan,
okey na iyan. Kasi paramihan e. Yan ang ibig kong sabihin.
Umaasa akong magrereklamo ang militar at ang pulis sa bagay na itobahagi ito
ng malalim na imbestigasyon na nakuha namin. Obligado akong humarap sa publiko
kasi iyong mga pari nag-aano. Alam mo, kayong mga midya, naghahanap kayo ng
nasaan ang malaking isda? Saan iyong bilyonaryo na mayaman, iyong mga may
kotse, may mga Mercedes, maam nandoon yan sila sa labas, wala dito. Maghanap
ka ng isang batalyon ng pulis para hulihin natin doon, kung kaya natin. Doon nila
dinadala ang droga sa kanila. Meron silang ganito, malaki, sa oras na ito nakikinig
sila ngayon dito. Sandaat isang porsiyento na nakikinig sila dito. Saan doon? Doon
lang. Isosoli nila sa pondo, o itapon mo diyan, tapos umalis ka kunin sa tindahan
yung bag o package. Di ba sabi mo nakikita ng midya. Kayo lang ang nagba-brand
niyan na drug lord eh. Hindi sila ang mga drug lord, mga tinyente, delivery boy iyan,
kung baga LBC lang yan, pati DSL, Federal.
Pati iyong tawag nila basura, iyon yung banta anohuwag kayong maghanap.
Gusto ninyo sabihin ko sa inyo, puntahan natin. Ibibigay ko ang mga pangalan.
Ipakikita ko sa inyo ang datos ng intelehensiya. Pero bigyan mo ako ng garantiya na
may gagawin ka. Kasi bibigyan kita ng pangalan, bibigyan kita ng bansa, kung wala
pa ring gagawa, mag-shut down tayokaya hindi lang kami hindi tayo kailangang
maging lubhang personal tungkol sa ating gawain dito. Sinasabi ko nadito oh,
balik na tayo. Kasi iyong hindi nakakaintindi na mga Tagalog, ano na iyong, tagal
naman nitongTutugunan ang pagsisikip ng mga pasahero sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng bilang ng tumatakbong tren mula sa kasalukuyang 16 na tren na
may kabuuang 48 kotse bawat oras, hangang 20 tren na may kabuuang 60 kotse
bawat oras; dagdagan ang bilis ng tren mula 40 (kph) hanggang 60 (kph).
Ang problema nito, iyong mga daangbakalhindi na ito kasali diyan; huwag kayong
maniwala dito. Dalawang-katlo nito ay akin, ang sangkatlo aykorek iyong gramar
ko. Ayaw lang nila Animnapung kilometro bawat oras, problema nito, at kailangan
ninyong umayon sa akin na matanda na ang mga riles. Karamihan sa mga riles
siguro. Noon pa yan sa panahon ni Marcos, Imelda. Nandiyan pa. Ngayon, sabi ni
Tugade, Sir, ito sa akin ha, sabihin ko 40 hanggang 60 kilometro bawat oras. Sabi

ko, Art, sigurado ka maka-hold ang riles niyan? Baka maputol iyan, magdiretso ang
rren sa Cavite. Dumiretso sa Cavite, maglipad, doon kay Tolentino, Oh, bakit may
tren dito sa Tagaytay? Medyo mabilis ito, medyo mabilis, 60 kilometro bawat oras
at may hinihila itong mabigat. Kapag umandar na talaga ito mawalan ng ano
umaandar ito nang mabilis na may mabigat na dala na masyadong mabilis, mahirap
mong sumasadsad kasi mabigat eh. At umiikli ang oras ng biyahe mula 5 minuto
hanggang 3 minuto. Mahina lang tayo ngang plano ni Tugade, mahina lang tayo
ng isang minuto sa Hong Kong. Dalawang minuto, kaniya tatlong minuto eh. Art,
ambisyoso ka. Kaya mo kaya ito?
Espesipiko para sa LRT, ang oras ng operasyon ay palalawigin mula 9:30 hanggang
10:30 n.g. So marami pang batang uuwi niyan. At para mas marami pang
pasahero ang makasasakay, agad nang tutugunan ang mga atraso sa pagbili ng
dagdag na mga tren.
Ngayon, iyan ang sinasabi ko. Kung gusto mo akong makilala, mabuti. Wala akong
problema. Sabihin ninyo na doon ang gawin natin sa normal na paraan. Kung
nagawa mo ang 46. Ang maganda nito, napirmahan ko na ang Executive Order sa
amin, FOI. Naunahan ko kayo. Nandoon na sa akin. Oo, tapos na ako. Ilalabas ko na.
Lalabas ito ngayong araw. Alam ninyo, sabi ko, unahan ko ang Kongreso puro
mayayabang ang ano diyan. Susunggaban natin ang stealing ones thunder.
Unahan na natin. Para maitutuloy na natin ang mga proyektong panriles sa Metro
Manila at sa mga pangunahing lugar sa bansa kabilang ang Mindanao Rail Project.
Hindi ako nagyayabang pero totoo talaga ito. Nasa . tayo depende sa Federal pero
sa anim na taon, lalabas talaga ito. Ginagarantiya ko sa inyo dahil magkakatotoo
ito. Mga proyektong panriles, Davao Transit System, ang Cebu Transit System, ang
North at South Luzon Railways at ang proyektong Panay Railways. Panay! E
tagasaan si ano, Panay. Panay ang bigay natin parasabihin naman ni Senador
Drilon, bina-backbite dito. Lalagyan daw ng isla ng tren. May tawa pa. Bina-backbite
ka dito. Isumbong mo iyan. Tingnan mo. tan-awa diha.
Ibat ibang pamamaraan ang pinag-aaralan para mapaluwag ang NAIA kasama na
ang posibleng paglipat ng kabuuang aviation. Ang estilo ko kasi, ganito, hindi
naman ako Hindi ako bagay sa pormalidad. Itong trans-general aviation, alam
nyo kung sino ang tamaan niyan? Kayong mayayaman. Kayong may mga helikopter
pati eroplano, ililipat ko kayo. Alam mo iyong general aviation, iyong mga Lear Jet,
iyong sa mga kompanya, ilagay ko kayo sa Batanes para walang air traffic. Iniaalok
ko ang Sangley Point. Kasi kailangan isang runway yan. Puwede akong gumawa ng
isang bagong runway doon. Sabi ng mga eksperto sa aviation, pero tumbok niyan
ay ang Merville Subdivision. Maka isa pa akong runway dito sa Metro Manila. Pero
kung hindi doon, magiging Clark ito sa isang kondisyon na mayroon kayong mabilis
na tren. Sabi ko, mga isang oras ng biyahe. Sabi ko kay Tugade, hindi ito katanggaptanggap. May riles doon, bago, marami pa. Ang bow ng araw aybullet train. Ilagay
mo iyan sa Filipino na drayber, sa point ko, hilo. Maglampas kayo dito. Puwedeng
gamitin ang Clark Airport para ilipat ang ilang operasyon ng ating domestiko at
internasyonal na eroplano.

Gagawa din ng isang one-stop shop ang sa loob ng Clark civil aviation complex para
sa mga Filipinong nasa ibayong dagat. Ito mangyayari na ito.
Para lalong mapakinabangan ang Clark Airport, kailangang magtayo ng mga
mayroon kang riles na idurugtong.
Tungkol naman kapaligiran, inaatasan ang militar na palakasinmakinig kayo, hindi
tawa diyanang suporta laban sa ilegal na pagtotroso, ilegal na pagmimina
andiyan pa naman si Gina Lopezat iba pang gawaing nagpapalala sa pagkasira ng
ating likas na yaman. Kailangan kong pangalagaan ang bansa. Marami ang
nagrereklamo sa pagkakahirang kay Gina Lopez. Pero si Gina at ako, pareho kami ng
paradigm: ang interes ng bansa ay una sa lahat. Hindi ko naman sinasabi, may
batas na nagpapahintulot sa pagmimina. Si Gina Lopez at ako ay nagsasabi lamang
sa inyo, sumunod sa mga pamantayan ng gobyerno. Huwag ninyong siraan ang
kapaligiran. Sundin ito nang tama. wala tayong problema. Magbayad lamang ng
tamang buwis; sumunod sa mga pamantayan. Ginagawa lang ni Gina Lopez ang
kaniyang trabaho. Alam ninyong totoong krusado siya. Iyan angganiyan ko
mailalarawan ang kaniyang persona: Krusado. Kaya palagay ko tama iyan. Bakit?
Nandiyan ba si Maam Gina Lopez, Kalihim Lopez? Ganito iyan, pumunta siya sa
Davao. Gabi na mga ala-una, dahil sa mga unang araw ng aking nang manalo ako
pero hindi pa ako nakapanumpa. Marami na ang nagpuntahanpagbati, mga
congratulation. Eh si Maam, pumunta nang dalawang beses. Palagi niyang
ipinakikita ang pagkasira ng ito na nga. Tapos dalawang oras na naman,
mukhang hindi na matapos. Sabi ko, Maam, huwag kayong masasaktan, totoo
man. Wag kang magagalit dahil ito ang katotohanan. So mag-aalas tres na, Rody,
ito hindi. Tapos tuloy-tuloy na, para ring congresman. Sabi ko, Maam, mag-aalas
kuwatro, Maam. Ano kaya kung ikaw na lang ang DENR? Bigla din siyang sumagot,
totoo ka? Sabi ko, oom. Hindi yung, oo, Siya, siya, Konsultahin ko ang
pamilya ko at itanong ko sa aking
Nang sumunod na araw, tawag siya kay, sa aide ko, kay Bong. Sabi niya, Bong,
okey na tinanggap na, sabi ng pamilya ko, okey na. Sabi ko, haay bantay ka sa
Pero alam ninyo, hindi ako pipili ng sinuman na kaiba sa pag-iisip ko. Kukunin ko ang
isang tao na kapareho ng pagtingin ko sa buhay, lalo na iyong pagkasira Tama
iyan, isa siyang krusado at magpapatuloy siya. Inuutusan din ang DENR na tingnan
ang lahat ng permiso na naipagkaloob sa pagmimina, pagtotroso, at iba pang
sensitibong aktibidad na pangkapaligiran, garantiyahing sumusunod sa istandard ng
gobyerno at kung siguradoito na iyong pinakamagandaamyendahan,
suspindehin, o ipawalambisa ang mga permiso, sige ituloy. Gusto kong pasalamatan
ang Diyos na nagkaroon ako ng pagkakataong ito, totoo. Hindi ako wala namang
ano, hindi ko naisip na aabot ako dito. Ive always had that crank sa isip ko mahirap
itong ano.
Gaya nitong Laguna Lake, naubos na ang mgawala na ang mga mangingisda. Yun
na lang kaibahan ng isang malaking palaisdaan sa iba, iyon na lang ang sa mga tao.
Makikita mo sa eroplano, tuwing pumupunta ako sa Davao at dumaraan sa lugar na
iyon. Palagi, nakita ko talagang wala nang ano. At nagrereklamo na ang mga
mangingisda tungkol sa pagkalugi. Talagang wala na sila. Kasi ang maliit na lugar,

iyon lang ang kanila. So dito pinadaan ko lang sa diplomasya na ang Laguna Lake
ay magiging isang aktibong economic zone na nagpapakita ng ecotourism sa
pamamagitan ng paglutas sa negatibong impact dulot ng pagkasira ng watershed,
kumbersiyon ng lupa at polusyon. Ito ang nilagay ko. Ito ang sinasabi ko sa inyo
ang mahihirap na mangingisda ang may priyoridad sa pagmamay-ari nito.
Ang utos kay Gina ay, ayusin mo, Maam. Huwag mo namang ipitin, pero
kailangang bawasan nila ang lugar na ookupahin. Hindi puwedeng iyo lang lahat ng
pakinabang. Sila na iyong may pera, kailangan itong matigil. Kung sakaling tanungin
kung sino ang may ari niyan, simple lang, mga Heneral, mga Meyor, Gobernador,
baka Kongresista. I mean, hindi ito personal. Palagay ko kailangan kong gawin ang
bagay na ito, dahil ito ang tamang gawin.
Para magkaroon ng sapat na pasilidad sa pagtatapon ng basura para sa Metro
Manila, ang pinal na pagsasara at rehabilitasyon ng Carmona Sanitary Landfil ay
ipagpapatuloy habang pinag-aaralan ang paggamit ng tamang pasilidad sa wasteto-energy. Marami iyan, napakabilis ng pagdating ng teknolohiya. Sa bahagi ng
pamamahala kailangang palakasin ang ating pagsisikap sa bagay na ito. Taas mo
na, mataas yang paragraph na iyanpiliin ang pinakamagaling, anong sabi ang
taas nitomabubuang ka.
Para mas maayos ang pamamahagi ng publikong impormasyon, kinakailangang
magpasa ng batas, sinasabi ko sa Kongreso, na likhain ang Peoples Broadcasting
Corporation, kapalit ng PTV-4, ang estasyon ng TV na pinatatakbo ng gobyerno, na
gusto ngayong gayahin ang mga broadcasting network ng ibang bansa. Ang mga
grupo gling sa mga international news agencygusto kong banggitin na, iyong
mga interesado, BBCay nakatakdang dumalaw sa bansa sa lalong madaling
panahon para sanayin ang tauhan ng mga government-run channelito ang gusto
ko, tutal pera naman ng tao ipatupad ang editoryal na kalayaan sa pamamagitan
ng mga makabagong programa at matalinong pagtrato at pag-analisa ng mga
pagbabalita, gayon din ang mga mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng
bansa.
Ang Kawanihan ng mga Serbisyo sa Brodkast ng gobyerno, mas kilala bilang Radyo
ng Bayan, ay sasailalim din sa modernisasyon para maging praktikal at maaasahan
para sa wasto, malaya, at mga malinaw na balita at komentaryo. Isasanib ang
Radyo ng Bayan sa PBC.
Habang naghahanda ng isang Presidential Communications Satellite Office sa
Lungsod Davao, magtatayo rin ang PBC ng mga broadcast hub sa Visayas at
Mindanaw. Sa Lungsod Davao rin matatagpuan ang kauna-unahang tsanel na
Muslim, tatawaging Salaam Television, at ang unang tsanel na Lumad.
Makikipag-ugnay ang PCO sa Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap at sa
Presidential Legal Counsel sa pagpapatupad ng bagong pinagtibay na EO sa
Freedom of Information. Inilabas na ang Executive Order na ito. Bilang halimbawa,
sa bahagi ng Sangay Ehekutibo, para gawing sukatan ng mga gawain ng gobyerno
ang transparency at integridad, ang savings at gastusin

Ang PCO, sa pakikipag-ugnayan sa Tanggapan ng Kalihim Tagapagpaganap, ay


naghahanda ng Atas Pampangasiwaan sa Presidential Task Force tungkol sa
mga media killing.
Hindi tinatanggap ng gobyernong ito ang karahasan at paniniil sa midya. Ang bona
fide media, bona fide media, kung minsan binibigkas itong bona fid, pero anuman
ito, ang tunay na midya ang siya nating laging kapartner sa pagbabago. Medyo
hindi klaro yan. Hindi, anong gawin mo sa hindi bona fide media? Yan ang problema.
Para matugunan ang mga backlog at mabagal at hindi episyenteng pagsasagawa
ng prosekusyon, ang mga proseso ng imbestigasyon at paghawak ng kaso ay
gagawing streamlined, pati na ang para sa mga ilegal na droga at mga heinous
crime.
Para wakasan ang laganap na kultura ng takot at pananahimik na bumabalot sa
ating sistema ng hustisya, hinihingi ko sa Kongreso, kayo, na isabatas ang
Whistleblower Protection Law samantalang ang kasalukuyang Witness Protection
Program ay palalakasin. Hirap maging Presidente, maski dito lang.
Ang bilang ng mga abogado at pantulong na tauhan sa PAO, ang Public Assistance
[Attorneys] Office, mga tanggapang rehiyonal at pandistrito ay dadagdagan para
higit na maserbisyohan ang mga mahihirap.
Sa ngayon, inatasan ko na ang DILG na magpakalat ng impormasyon at kampanya
sa buong bansa tungkol sa pederalismo, sa pakikipag-isa sa ibat ibang kaalyado at
sa mga LGU, lipunang sibil, masa, at mga organisasyong pampananampalataya.
Hinto muna ako dito, itong federalism.
Ewan ko kung tama, alam mo itong bayan natin, uulitin ko, alam kong alam ninyo
ito. Noong 1521 o 1526 dumaong si Magellan sa LeyteKumare ko man ito, salamat
mare ha. Isandaang taon nang Islam ang Mindanao. So ano ito, imperyalismo ito.
Nagkaroon ng kawalang katarungan sa kasaysayan laban sa mga Moro. Kailangan
nating itama ito, pero imposible ito ngayon. Kaya kayong mga kapatid kong Moro,
alam naman ninyoako, dumayo ang tatay ko roon, kaya may halo ang dugo ko,
Moro pati Kristiyano. Pero alam ninyo, intindihin na lang natin ito na hindi natin
maibabalik sa inyo ang lahat ng nakuha ng mga Amerikano, Espaol, pati iyong
mga Filipinong mga kapitalista. Ang mga nagsamantala sa Mindanao gamit ang
slogan na, pumunta sa Mindanao dahil ito ay lupa ng pangako. Dahil sa pagpasok
ng napakaraming tao na karamihan ay nanggaling sa Bisaya, nagkaroon tayo ng
hindi natin ito masosolusyonan sa paraang gusto ninyo. Kailangan nating
magkaintindihan, pagkatapos ay kailangan ninyong mamuhay kasama ang bawat
isa, pero susubukin natin.
Ang sinasabi ko lang, babalik ako, dahil sa federalism, sina Misuari, Sema at ang
lahatkahit ang mga lider na politiko ng Mindanao ay sasang-ayon dito. Hindi natin,
maaalalang hindi ko masyadong dinidikdik ang Abu Sayyaf dahil konektado talaga
ito sa mga unang pag-uusap nina Misuari, ng mga Pangulo mula kay Pangulong
Marcos at ngayon, hanggang ngayon. Ang tanging paraan, sabi nila upang matamo
natin ito, iyong BBL ibigay na natin, alisin na lamang ang mga bagay na hindi ninyo

gusto, iyong mga isyung konstitusyonal, tanggalin muna natin. Ibigay ko iyong
lugar, nandiyan na iyan e. Kaya hinihiling ko sa inyo, pagtibayin na ninyo ito huwag
na lang isama ang mga isyung kontra sa Konstitusyonal. Ibigay na natin at kapag
may sistema nang federalismo, isali mo na sa package kasama si Misuari. Iyan ang
solusyon para sa Mindanao, wala nang iba, maniwala kayo, wala nang iba pa ang
puwedeng solusyon. Pag-isipan ninyong mabuti ito, pagnilay-nilayin, dahil iyon ang
tanging paraan para magpatuloy.
Sa hiling ng ating mga mamamayan tungkol sa mabilis na pag-iisyu ng mga
pasaporte ng Pilipinas, sisikapin ng gobyerno na maamyendahan ang 1996 Batas sa
Pasaporte para mapatagal ang bisa ng mga pasaporte mula sa kasalukuyang limang
taon para gawing sampung taon. Tutal, kayo naman ang maggagawa ng batas, kayo
ang magpapatibay ng batas, kahit na gawin pa ninyong 30 taon, okey ako. Bahala
kayo. Basta, patagalin lang ninyo nang kaunti dahil ang limang taon ay karaniwan
na lang. Matagal pa naman itong passport, mag-aplay ako ng mga 10 arawalam
mo, gusto kong tawagin ang atensiyon ni Kalihim Yasay.
Kung pupunta ka sa Davao, tumingin ka doon sa tumingin ka sa likod, likod ng
itong mall, yung malaking mall. Sige, pangalanan na natinSM. Doon, iyong mga
tao nandiyan sa pavement natutulog. Sa maraming beses na nadaan ako na walang
ulan, doon yan sila. Sapagkat first come, first served at ang nag-iisang outlet doon,
ang outlet ng iyong departamento ay iyong sa SM. So iyong mgamaawa ka roon
parang dito sa side ng Cotabato, lahat ng Cotabato, doon sa Davao. Karamihan
niyan walang mga bahay, kung ikaw ay isang aplikante sa Davao City, mabuti kung
gayon.
Pero alam ninyo kung walangmahirap kasi ano.. Maka-remind yan mga Moroano,
naghihiga sa mga pavement, nasasaktan talaga ako. Masakit e. Buong gabi
maghintay diyan hanggang magbukas ang SM, kasi first come first served. Kaya
sabi koinadres ko ito sa lahat ng miyembro ng Gabinete, gamitin ang computer.
Ayokong makakita ng mga tong nakapila sa init ng araw. Ayokong makakita ng
mga tong nakapila sa ulanan na may mga ganun. At gusto ko itong Labor wala
na ito sa script. Iyong prompter natutulog na siguro ito, papindot-pindot diyan.
Alam mo, nandiyan naman iyan. Sabi ko, ang gusto ko ay isang journal. Kapag
iniharap ng aplikante ang mga dokumento, bigyan ninyo siya ng shopping list,
huwag ninyong dagdagan o bawasan iyon, iyon na iyong final. At kapag nasunod na
niya iyon, mabuti, wag mo na siyang pabalikin. kasi kung magtawag iyan sa 8888,
my God puntahan ko talaga kayo, yan ang bisyo ko nung meyor ako. Making a
difference ito, meyor-presidente. Puntahan talaga kita at hiyain kita sa maraming
tao. At tatanungin kita sa harap ng marami kung ano ba ang nangyari at
nagkaganito.
Pupuntahan ko talaga kayo. Lokal, barangay, pulis, militar, lahat, bigyan mo ng
shopping list, wag mo lang pabalikin dahil pag magtawag ng 8888 iyan, tapos
makita ko na balido ang reklamo, bahala ka, anong walang panahon, pupuntahan
kita sa opisina mo at tatanungin kita, bakit? Bigyan mo ng stub, kailangan mong
gumamit ng actuarial ability, madali yon. Pero pagtanggap mo ng tao, ang
pinatutungkulan ko ay ang aking sarilijournal, papirmahin mo siya, lagyan mo

doon, tingnan mo sa computer, magkonek ka doon sa actuarialhindi mo kailangan


ng bobo diyan e. Kasi matatapos siguro iyan mga susunod na buwan, tapos na.
Projections lang naman. Balik ka dito August 15, 3 oclock, pagdating ibigay mo.
Ngayon kapag nagpunta siya sa Malacanang, at sinabi niya ang tungkol ditopara
sa mga may balidong dahilan para magreklamo tungkol sa katiwalian, buks ang
gate ng Malacaang. Doon ka. Magsumbong ka, at sasabihin sa akin ng aking
military o aide o yung si anoitong nagbigay ng tubig, Sir, dito marami kang
At ang dahilan kaya hindi ako lumalabas, hindi ako tumatanggap ng mga imbitasyon
dahil tuwing magbibiyahe ako sa paligid ng Maynila nagiging sanhi ito ng grabeng
pagsisikip ng trapiko. Kasi pati itong pag-uwi ko, ito rin ang nakikinita kopaglabas
ni presidente, ano yan picture taking, ganoon at sisimulan nilang harangan ang
iyong mga daan patungo sa ganoon iyan tuwing lalabas ang Pangulo, ganoon
iyan. So paparahin nila iyan, sabihin nila dadaaan iyan sa ganitong oras, samantala
sarado iyan, di paglabas ko kala mo Biyernes Santo, walang sasakyan diyan. Yun
pala naging grabe na ang trapiko, ang dulo ng trapiko ay nasa kung saan, limang
kiloat mga dalawa hanggang tatlong oras bago bumalik sa normal ang lahat. Kaya
hindi ako tumatanggap nangat ayaw na ayaw kong magbiyahe. Kasi talagang
lilinisin iyan e, ito namangang taas kasi ng entourage Presidente, dulo sa dulo
may ambulansiya. Hindi lang entourage, parang prusisyon na. Sabi ko dalawa, tatlo
tama na, sa gitna lang ako. Pero ang totoo mag-taxi lang ako dito sa likod, sunod
lang ako, E takot ba sila naano ba ang makuha mo kung patayin mo ako? Para
ano, may ambulansiya roon, dagdagan mo na lang punerarya.
Inatasan ko na rin ang DFA para gawing simple ang mga kailangang dokumento
para sa aplikasyon sa pasaporte at magbukas ng mga dagdag na Consular office sa
mga estratehikong lokasyon para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila at
maiwasan ang mahahabang pila na nagiging sanhi ng paghihirap at pagdurusa ng
mga nag-aaplay ng pasaporte.
Inatasan ko rin ang bagong likhang DICT, Information and Communication
Technology, na bumuo ng isang National Broadband Plan para mapabilis ang
pagkakabit ng fiber optic cables at wireless technologies para mapabilis ang
internet. Ito para ito sa alam ko, Mahal kong mga kababayan maligayahan kayo
nito. Pagpaano mo lang yung Tagalog ko, kasi e kayo hindi kayo marunong magVisaya, e di.
Magkakaroon ng libreng wi-fi access sa mga piling publikong lugar, kabilang na ang
mga plaza at mga parke, mga publikong aklatan, mga eskuwelahan, mga
gobyernong ospital, mga estasyon ng tren, mga paliparan at mga daungan.
Ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan ay inaatasang pagsumitehin ang kanilang
mga kliyenteng ng mga aplikasyon para sa koordinasyon, ng mga pinagsamasamang iba pang ahensiya. Taas mo, wala na iya, ayaw mo magsalita. At national
portal, oo, dahil ito ay ating parang website.
Ito: Palalakasin natinmainit talaga ako dito. Para sa akin, kapantay ito ng
pagturing ko sa droga. Palalakasin natin ang giyera laban sa mga human trafficker
at mga illegal recruiter na nambibiktima sa ating mga migrante.

Para magarantiyahan na ang pinaghirapang pera ng ating Overseas Filipinos ay


nasa mabuting kamay, dapat itaguyod ang isang mandatoryong edukasyong
pinansiyal para sa lahat ng pamilya ng mga migrante at ang kanilang mga
komunidad kasama na ang mga insentibo upang mahikayat silang magnegosyo.
Tinatawagan ko rin ngayon ang Kongreso na isaalang-alang ang paghahanda ng
mga panukalang-batas para pag-isahin at pagsamahin ang mga ahensiya at
tanggapang may kinalaman sa Overseas Filipinos sa isang kagawarang magpopokus
at mabilis na tutugon sa mga suliranin at pangangailangan nila.
Kailangan mo ng isa. Ngayon sinabihan ko ewan ko, nandito ba si Kalihim Bello?
Bebot. Wala? Absinero talaga iyan. Maski sa Gabinete absinero iyan. Gusto kong
magrenta siya, umupa ng ilang gusaling malapit sa para sa mga nangingibangbansa lamang. At lagyan ko naatas na ito sa lahatBIR, lahat na. Lahat ng may
kinalaman sa mga clearance ng pulis, sa isang gusali, may booth lang. Sabi ko,
Diyos ko, gamitin ang computer. Kaya doon lang siya mag-ikot sa isang gusali.
Ang Filipino, hindi na siya magpunta doon sa Statistics, hindi na magpunta doon sa
ano, diyan, diyan sa opisinang iyan. Gamitin ninyo ang computer at makukuha
ninyo agad ang mga resulta. Bakit kailangang magpunta pa niya sa Malate, at
pagkatapos ay magdusa sa trapiko, isang dokumento lang ang kaya niyang
matapos sa isang lakad.
Ang mga NBI clearance ay doon na ninyo ibigay, lahat na doon na. At kung dapat
may awa itong si Bello, pakainin ninyo iyong mga tao doon, lalo na sa
probinsiya.Pag tingin ninyo taga-probinsiya, tapusin ninyo agad. Gamitin ang
computer. Kapag hindi ninyo ginamit iyan, tapon na lang ninyo. Itapon na ninyo ang
inyong mga computer at nauunawaan ko yan. Gamitin ang mga computer. Taas mo
na yan, wala na iyan.
Para maiwasan ang parang iskuwater sa mga relocation site, hinihiling namin ang
mga utilities na gaya ng Meralco at kooperatibang pang-elektrisidad na
makapagserbisyo sa pamamagitan ng direktang koneksiyon sa mga relocation site
at mahihirap na lugar.
Alam mo kung bakt? Hindi na nila nilagyan diyan e. Yan ang dahilan kaya kailangan
ko kayong kausapin nang ganito. At bakit? Dahil walang koryente pagka mahirap
ka. Hindi mo pag-aari ang lupa, ang City Engineer ay hindiyan ang karanasan ko,
23 taon, bilang meyor. Hindi yan magbigay ng direct connection, kasi hindi ikaw
may-ari ng lupa. Pero ang iskuwater na iyon ay nandoon na nang 20 taon. Kaya
magconnect-connect sila. Pagka-connect-connect nila, ang gamitin nila iyong wire
naiyong pinakamura. So, nag-o-overheat kasi connect-connect na sila kung
sinongminsan magnakaw. Alam mo, kailangan nating gumawa ng mga
adjustment. Hindi ang mga taong ito ang magkokorek, dahil wala sila sa posisyon
para gawin iyon. Kayo ang dapat mag-adjust sa pangangailangan ng mga tao. Tutal
iyan namang iyan naman iskuwater na iyan, hanggat ako ang nakaupong
Presidente, walang magiging demolisyon kung walang relokasyon. Hindi talaga ako
papayag. Hindi naman aso iyan nagaya ng sa Davao. Gusto kong
makipagdiyalogo sa mga negosyante. Sir, magkano man ang inyong invest sa
lupang ito, ang bili mo sa mga iskuwater? So, binili ko ito ng mga 60 milyon?

Dagdagan mo ng 20 milyon, ako na ang bahala. Sabihin ko doon sa mga tao,bili


tayo ng relocation site o bibigyan ko kayo. Kukunin ng gobyerno. Gagamitin ko ang
kapangyarihang kumuha. Gawa ko ganoon sa Davao e. May 20 ektarya ako doon.
Kukunin ko ang ibang lupa doon, iyong malapit lang. Tapos sasabihin ko, ang 20
milyong ito ay maakatulong na makalipat kayo sa bagong lote. At hihimukin ko ang
bawat isa, iyong bagong factories doon sila magtayo.
Magtiis-tiis lang muna kayo pansamantala, para mabawasan ang mga paghihirap ng
mga tong itoiyan lang ang paraan upang magawa ito. Pero sa halip na
demolisyon, walang matirahan ang tao. Tutal, maraming taon na ninyong hawak
ang inyong mga karapatan, e bakit ngayon pipilitin mo akong magkaproblema ng
ganoon. May iba kasi hinahayaan nila ng sampu, 20 taon nang wala silang
ginagawa. At pag dumating na ang oras na ipagbili lang nila, e tayo ngayon ang
distorbohin. O di gumastos ka para mas madali, magdagdag ka lang ng konti at
magkakaroon ng kapayapaan. Pag hindi, wala iyan away na naman talaga iyan
ng gobyerno at ngtawag nila iskuwater. Mga iskuwater naman talaga iyan.
Masasaktan lang, mamatay nang wala kahit anong dahilan. E kung mayaman ka,
bigyan mo naman ng konting ano, bigyan ng relokasyon at matutuwa akong
makikipag-usap sa mga tao at sasabihing,umalis kayo, hindi ito sa inyo.
Inatasan ko na ang kinauukulang ahensiyang nagpapatupad na ipriyoridad ang pagiisyu ng mga kailangang permit para sa pagpapaunlad ng enerhiya. Okey iyan sa
akin. Ang problemasandali lang to. Para ka diyan. Iyong mga environmentalist,
mayroon tayong ano kasimarami tayong coal, pati iyongito nga, itong energy
emissions, wala naman akong problema diyan. Pero wag mong sabihin sa akin na
kung ikawambassador ka tapos sabihin mo sa akin na medyo hanggang diyan
kayo, kasi kami hanggang dito lang din kami. Ano? Kayo umabot diyan. Nasa tuktok
na kayo ngayon ng pagiging industriyalisado, pero kayo ang nauuna America,
China, Europe. Kayo bongggang-bongga na hanggang ngayon ay wala itong
naitutulong.
So, kung marami kayong restriksiyon doon sa kasunduang iyan, ang kasunduang
sinisikap nating naririto pa ito sa Senado. Linawin nating mabuti ito. Kailangan
nating maging industriyalisado. Kailangan natin ng koryente, at dahil diyan,
kailangang ikonsidera ang mga emisyon. Hindi ko lang masabi ito. Nagtatag ako ng
limang economic zone dito at sasabihin mo namarami kang sinasabi, carbon
footprints, mahirap iyan. Ang ibig kong sabihin, mahirap iyan.
Hindi ako basta-basta sasang-ayon sa kahit anong bagay na makaka-delay anim
na taon lang ako sa puwesto. May gusto akong gawin sa panahon ng aking termino.
Ngayon, tiyak kong darating na ang malalaking makina at kahit ang koryente.
Pinakamura ang coal. So, ito naman sa lokal, magkakaproblema kayo kay Gina. So,
mag-usap na lang tayo, sa Gabinete na lang. Si Gina naman ay matalino, huwag ka
lang magsimangot sa harapan niya. Bigyan ka niya permit maski lima. Magsimangot
ka, zero. Ang kailangan lang ngayon ay maging magiliw kayo sa kaniya, yun lang.
Ang kailangan lang ay makipag-usap at magpaliwanag sa kaniya. Pero kung ang
kung gumagamit ka ng state-of-the-art technology, at nakita ko iyon nang ilang
beses sa ibang mga planta ng koryente sa bansa, kung maganda talaga ito,

ikokonsidera natin. Sinabi ko dahil kailangan natin ang enerhiya para sa ating
industriyalisasyon.
Para mapalakas ang paghahatid ng serbisyong panlipunan, palalakasin ng gobyerno
ang mga programa para sa proteksiyong panlipunan para magamit ang resources at
kaalaman sa pagpapabab ng level ng kahirapan sa bansa.
Ang gusto natin ay tunay na mabawasan ang pagdurusa ng ating mga kababayan,
matutong makabawi at ma-empower ang mga indibidwal, mga pamilya, at mga
komunidad.
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay gagawing independiyente kapag nakagradweyt na
sila sa programa. Layunin nating mabigyan sila ng iba pang mga uri ng tulong para
makatayo na sila sa kanilang sariling mga paa.
Pero ngayon, inatasan ko na ang DSWD na pangunahan ang pagbibigay ng
pantulong na bigas sa pinakamahihirap na pamilyapara makakain man lang bawat
buwan. Iyong sako na ano
Plano naming dagdagan ang badyet para sa batayang edukasyon at isama dito ang
kailangang edukasyon tungkol sa masasamang dulot ng droga.
Papalawigin din namin ang programa ng Alternative Learning System. Magbibigay
din ang gobyerno ng panlahatang pangkalusugang seguro para sa lahat ng
Filipino Sali na lang natin sa Philhealth.
Palalakasin ang propesyonal na kahusayan at kakayahan sa pagpapatakbo ng lahat
ng ospital at pangkalusugang pasilidad ng pamahalaan.
Sang-ayon sa internasyonal nating tungkulin at sa pagtalima sa pambansa nating
mandato, pinapangako ng administrasyong ito na poprotektahan ang karapatan ng
kababaihan katulad ng sa karapatang pantao. Dahil hindi katanggap-tanggap ang
pang-aabuso sa ating kababaihan mambugbog ka ng babae.
Kaya naman, inaatasan ko ang lahat ng ahensiya, mga oversight body, at lokal na
yunit ng gobyerno hanggang sa mga barangay na ganap na isagawa ang Magna
Carta ng Kababaihan. Sa paggawa nito, magagarantiya natin na ginagampanan ng
lalaki at babae ang tungkulin bilang magkatuwang para sa pag-unlad na ekonomiko,
panlipunan, pangkultura, at politikal ng ating bansa.
Para naman sa mga kapatid nating Lumadat narito sila, siguro sa labassa labas,
sigurado ako. Sinabihan ko ang mga guwardiya na papasukin sila kung gusto
nila. Sa kanila man to. Ito ang masasabi ko: Ginawan na kayo ng pamahalaan ng
Katibayan ng Titulo ng Lupang Minana na sumasakop sa malalawak na lupain, lalo
na sa isla ng Mindanao. Naririyan ang Indigenous Peoples Rights Act, at
Pambansang Komisyon sa Katutubong Mamamayan para protektahan at gabayan
kayo.
Binigyan na kayo ng pamahalaan ng legal na kasangkapan para pagbutihin ang
mga sarili ninyo, sa usaping pinansiyal, ekonomiko, at panlipunan. Gamitin ninyo
ang inyong lupang minana. Huwag niyong hayaang matengga ito.

Pero handa man lagi ang pamahalaan na tulungan kayo, kailangan niyo munang
tulungan ang mga sarili ninyo. Hindi kami makagagawa ng batas para payamanin
kayo. Kayo lang ang makakagawa noon. Hawak ninyo ang tadhana ninyo, pero
gawin ninyo ito nang ayon sa Konstitusyon at batas.
Pagkatapos nating masalanta ng mga natural at gawang-tong kalamidad sa
nakalipas na ilang tan, hindi pa tayo ganap na nakababawi sa sakit ng pagkawala
ng mga mahal natin sa buhay, maging sa kagamitan, mga bahay at kabuhayan
nating nawala.
Marami sa atin ang sariwa at masakit pa ang sugat ng damdamin. Hindi natin
mabura sa ating alaala ang imahen ng kamatayan at pagkawasak. Hindi natin
maalis ang masangsang na amoy ng nabubulok na laman. At marami pa rin sa atin
ang naghihintay sa pinangakong tulong. Napalitaw rin ang laki sa problema ng
droga sa bilang ng mga sumusuko sa atin na dumadami nang paisa-isangdaan
bawat araw na lumilipas. Mula 1 Hulyo, mayroon nang 3,600 naaresto kaugnay ng
droga. May 120 (120,000) lulong sa droga na ang sumuko at 70,000 (7,000) dito
ang mga pusher.
Tingin ninyo maliit lang itokakailanganin ang lahat ng kayamanan at kakayahan
ng gobyerno para labanan ang giyerang ito. Interes lang ng bayan ang nasa isip ko.
Pero ang iniwan ng giyerang ito dahil sa sinabi ng PDEAnasaiyon ay pahayag na
inilabas ng Ahensiya ng Pilipinas sa Pagpapatupad ng Batas Laban sa Bawal na
Gamot/Philippine Drug Enforcement Agency.
Dalawang taon na ang nakalipas, naglabas ang PDEA ng pahayag na mayroong
tatlong milyong adik sa ating bansa. Dalawa o tatlong taon lang ang nakalipas.
Gaano na kalaki sa tingin ninyo ang dumagdag kung bibilangin natin ngayon.
Maging liberal tayo sa pagdadagdag, sigurolagyan natin ng pitong libo. So, tatlong
milyon at pitong daang libo. Malaki-laki at nakatatakot ang bilang na iyan. Wala dito
ang mga drug lord na gusto ninyong sakalin. Walang mga bilyonaryo dito. Ang mga
nahuhuli lang natin ay mga tenyente. Ginagamitan nila ng teknolohiya. Niluluto nila
ang droga sa internasyonal na dagat. Tinatapon niya iyan bulto, balde-balde, dikitan
nila ng GPS. So makikita agad.
Hindi na kami nahihirapan sa intelligence dahil nag-imbento sila nitong direct
satellite. Hindi na magdadaan iyan ngita-triangulate na lang nila kung saanpagikot noon. At sobrang dami nilanasa maliliit na look. Kung hindi natin tutulungan
ang mga kaibigan natin dito sa Asia at Amerika at Europa, ang dami pa lang at
problema, maniwala kayo sa akin, malulunod na tayo bilang republika.
Kayo, tingnan ninyo ito. Paano ko malulutas ang problema ngayon sa pag-aresto?
Hinahanap ko matagal na akong presidente. Gusto kong patayin, ang problema
pupunta pa ako doon, tapos manghihingi ako ng permiso sa bansang pupuntahan ko
dahil papatayin ko ang mga hunghang na ito dahil sinira nila ang bansa ko. Ganoon
iyon e. Hindi lang kasi naintinayaw pa naman bitiwan, kasi ayaw naman kasi ng
militar, pati ng pulis.

Pero alam ninyo, sabi ko, magsasalita ako sa harap ng Republika sa pamamagitan
ng mga kinatawan nito, para sa mga tao. Kaya sasabihin ko na ngayon paano natin
malulutas ang problemang ito? Sabihin ninyo sa akin. Ako naman okey lang e. Sige,
isapubliko natin. Isekreto natin, kung pumunta ka kay meyor, pumunta sa iyo, sa
bahay mo, okey. Pero ganoon na talaga kalaki ang problema. Sa sobrang laki nito,
natatakot ka nang galawin ito. Dahil alam mong hindi mo rin naman ito
mapipigilan.
Mabunggo mo isa dito, hinulog sa dagat e marami namang nagluluto doon. Labolabo na ang mga kriminal ngayon. Kung ako, kung may eroplano at oras lang ako,
sinasabi kong kaya kosabi ko roon sa militar, pag nakita ninyo, e di pasabugin mo.
Maski sumuko na iyan, may puting bandera, panggiyera lang iyan, hindi iyan
pangkriminal, pasabugin mo.
Huwag kayong maawa sa kanila, dahil hindi rin naman sila naaawa sa atin. Bakit
ako mag iyan ang problema.
Pero hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Tulad nga ng sinulat ng iba, it is when
the night is darkest that dawn breaks.
Napuno na tyo ng katatagan na sinubok at napatunayan sa mga panahon ng
kagipitan. Katulad sa mga nakaraang panahon, kailangan nating magbuklod at
kumilos nang sama-sama. Dapat tyong magtulungan. Dahil doon lang tyo tunay
na mananaig.
At ang Filipino, displinado, maalam, nakikialam, ay babangon mula sa guho ng
lungkot at sakit at sa mga salamin sa mundo ay makikita ang mukha ng sigasig na
nakapagbago sa bayang ito.
DAGHANG SALAMAT!

You might also like