You are on page 1of 1

Buod

Maganda ang gabi. Ang peryay punong-puno ng panonoorin at manonood.


Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds.
Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang
nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at
Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang
makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani namay
inis sa bawat tumititig kay Paulita.
May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina
Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb.
Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong
Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang
damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon
kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon.
Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o
prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng
isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya
sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito.
May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang magaalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorray natakot na baka pagbayarin
nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka
natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds.
Makikita ninyot ang lahat ay sa salamin lamang.

You might also like