You are on page 1of 1

Gumawa ng iskrip batay sa sumusunod na impormasyon.

1. Gumawa ng isang live report tungkol sa kasalukuyang aktibidad ( District Schools Press Conference)
2. Umamin na nag actor na si Benjamin Alvez na exclusively dating na sila ng singer na si Julie Anne San Jose.
Naging straightforward at honest si Benjamin kung kayat marami ang humanga sa kanya. Marami naman ang
natutuwa sa blossoming romance sa pagitan ng dalawa at sinsabing bagay sila sa isat isa.
3. Napipintong iluklok si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang isa sa 12 na
deputy speakers. Inihayag ni House Majority Leader Rodolfo Farinias na si Arroyo ay kabilang sa
ikinukunsidera na maging deputy speaker sa Central Luzon. Ayon naman kay Rep. Martin Romualdez, shairman
ng Lakas NUCD, si Arroyo ay qualified at competent para sa posisyon.
4. Nasawi ang 38 katao sa landslide sa Mexico matapos ang pananalasa ng tropical storm Earl doon. Sa estado
ng Puebla, 28 ang namatay kabilang ang 15 kabataan makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang mga
kabahayan. Ang 10 nasawi ay mula naman sa estado ng Veracruz. Nawalan ng tahanan ang nasa 200 katao
bunsod ng landslide.
5. Nakasungkit ng isang silver medal si Pinay weighlifter Hidilyn Diaz sa Rio Olympics sa Brazil.
Pumangalawa si Diaz s 53 kgs. Weightlifting division na may kabuuang score na 200. Una ng naging bronze
medallist si Diaz sa nakaraang 2015 World Weightlifting Championship. Siya ang unang nakapagtala ng
Olympic medal para sa Pilipinas mula pa noong 1996 Olympics.
6. Optional ang balitang panahon.
7. Infomercial: Pag iwas sa dengue

You might also like