You are on page 1of 2

MPs 10 - Prof.

Will Ortiz
Hazel Marie A. Perez
Soneto
Oktubre 4, 2016

Pelikula
Malalaman mo raw kung siya na nga ang the one for you
Kapag lumiwanag ang paligid, mundo ay nagslow-mo
At biglang tutugtog ang background music na romantiko
Ngunit nang unang magtagpo, walang nadama ang puso
Di tayo sabay iniluwal sa isang paanakan
Walang candlelight dates o harana habang umuulan
Di ako naniniwalang destiny ang naging daan
Upang tayo ay magka-ibigan at magkatuluyan
Di tayo nagsimula gaya ng isang pelikula
Walang budget at lalong hindi tayo mukhang artista
Ang atin ay kuwentong totoong buhay ang humulma
Simple pero special pa rin dahil ikaw ay kasama
Mahal, hinding-hindi kita bibigyan ng happy ending
Pagkat di ako matatapos na ikaw ay mahalin.

Kuntento na tayo sa kape at tawanan sa umaga


Simple ngunit nagiging special dahil sa bawat isa
Love story natin ay naging espesyal dahil magkasama
Dama sa bawat kape at kuwento tuwing umaga

You might also like