You are on page 1of 3

Mahabang Pakikipagrelasyon at Performans sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng

Kolehiyo
(Pagpapakahulugan)Ang adolesens ay isang kritikal na yugto ng buhay na nararanasan
ng mga kabataan. Ayon kay Erikson (1968), ang adolesens ay isang panahon ng
masusing pagbabago sa pisikal, sikolohikal, at kognitibong katangian ng isang
indibidwal na siyang magdadala sakanya sa yugto ng pagtanda (nabanggit nina
Lascano, Galambos , and Hoglund, 2014). Ayon naman kina Furman, Brown, at Feiring
(1999), sa yugto ng adolesens, ang mga teenagers ay nagiging interesado at
nasasangkot sa isang relasyon, sanhi ng kanilang mas pagbibigay-importansya sa
heterosekswal na relasyon (nabanggit nina Giordano, Phelps, Manning, at Longmore).
Dahil dito, pwedeng maapektuhan ang mga performans ng mga teenagers sa kanilang
pag aaral.
(Mahahalagang natuklasan) Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Pham, Keenan, at Ham
(2013), kanilang inimbestigahan ang mga epekto ng pakikipagrelasyon sa performans
sa pag-aaral ng mga magaaral ng ika-siyam na baitang sa edad na 12-16. Dito,
kanilang nadiskubre na merong halong epekto ang pakikipagrelasyon ng mga magaaral sa kanilang performans sa pag-aaral. Ang mga madalas na dating behaviors ay
may negatibong epekto sa pag aaral, samantalang ang katamtamang dalas ng dating
behaviors naman ay may positibong epekto.
Sa pag-aaral na ito, limitado lamang sa mga mag-aaral na nasa edad na 12-16
ang kanilang mga respondente kaya hindi pa nalalaman ang panig ng mga nasa mas

mataas pang edad. Ngunit sa aming patuloy na paghahanap ng mga iba pang pagaaral, kami riy nakahanap ng kasagutan sa kakulangang iyon.
Ang pag-aaral na isinagawa nina Jimenez at Tatem (2007) tungkol sa kaugnayan
ng pagkakaroon ng committed na relasyon at performans sa pagaaral ay naka pokus
sa mga babaeng nag-aaral sa kolehiyo na kung saan ang edad ng karamihan sa
respondente ay 20. Dito, kanilang binigyang-kahulugan ang committed na relasyon
bilang isang monogamous at supportive na relasyon ng isang estudyante at ng
kanyang katipan. Dito, kanilang nadiskubre na mas mataas ang grado ng mga babaeng
estudyante na nasa isang committed na relasyon kung ikukumpara sa mga nasa hindi
committed na relasyon.
Dahil sa mga babaeng nag-aaral sa kolehiyo lamang ang kanilang respondente,
kamiy kumalap pa ng mga karagdagang pag-aaral kung saan pati panig ng lalake ay
nabigyang pansin.
Sa isinagawang pag-aaral Whitton, Weitbrecht, Kuryluk, at Bruner (2013),
kanilang isinama ang mga lalaking nag-aaral sa kolehiyo sa kanilang mga respondente,
at ang edad ng mga ito ay 18-25. Ipinapahiwatig ng kanilang pag-aaral na ang
pagkakaroon ng committed na relasyon ay may kaugnayan sa mas mabuting
performans sa pagaaral. Lumabas din na mas negatibong naaapektuhan ang mga
babae kesa sa lalaki.
(Hindi nalaman)Sa lahat ng aming nakalap na mga isinagawang pag-aaral, aming
napansin na wala pang pag-aaral na ginawang basehan ang tagal ng isang relasyon sa

performans sa pag aaral at hindi gaanong binigyang-pansin ang kurso ng mga magaaral.
(Pangkalahatang Suliranin) Kaya, ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang malaman
ang kaugnayan ng mahabang pakikipagrelasyon sa performans sa pag-aaral ng mga
nasa kolehiyo. (Tiyak na tanong)Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na
tiyak na tanong: Una, Ano ang kaugnayan ng mahabang pakikipagrelasyon sa
performans sa pag-aaral ng mga nasa kolehiyo?; Pangalawa Ano ang kaugnayan ng
mga sumusunod na baryabol sa mahabang pakikipagrelasyon at performans sa pagaaral? : Edad, kasarian, taon at kurso at; Pangalawa, Ano ang naidudulot ng
pagkakaroon ng mahabang pakikipagrelasyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo?
(Kahalagahan)Layunin ng pag-aaral na ito na gabayan ang mga mag-aaral sa kolehiyo
sa kanilang pakikipagrelasyon at performans sa pag-aaral. Hindi biro ang pagbabalanse
ng mga ito dahil kung mas nabigyang pansin ang isa, mapapabayaan na ang isa.

You might also like