You are on page 1of 1

PANGALAN: REA F.

TULOD

PETSA: 9/28/16

TAON AT SEKSYON: 10 DIAMOND

ESP 10

Malayang Bilangguan
Ang buhay sa loob ng rehas na bakal ay dinesenyo upang mapagnilaynilayan ng mga buhong kriminal ang kanilang mga ginawang kasalanan. Ito ay
ginawa upang magsilbing parusa sa kanilang paglabag sa batas. Subalit sa halip
na pagsisihan ang ginawang kamalian, lumulubha ang kanilang kalagayan. Ang
pangunahing dahilan? Katiwalian.
Droga, alak, armas, gadgets at prostitutes iilan lamang ito sa mga bagay
na malayang nakakapasok sa New Bilibid Prison. Sino ang nakikinabang? Mga
VIPs (Very Important Prisoners) na kinabibilangan ng mga makapangyarihang
drug lords. Sila ang nagpapatakbo sa ilegal na operasyon na ito sa loob at labas.
Ang tanong paano ito nanatiling tago sa mata ng gobyerno noong nakaraang
administrasyon? Kung bakit ngayon lang ito lumitaw sa loob ng anim na taong
pamamahala ng dating pangulong Aquino ay kataka-taka.
Hindi na maitatanong kung bakit hindi maubos-ubos ang mga kontrabando
sa loob ng kulungan. Protektado ng mga malaking tao ang mga bilanggong
handang humalik sa kanilang paa. Subalit sa kabila ng mga marurupok na
bilanggo, mayroon din namang handang tumestigo sa harap ng senado. Noong
nakaraang linggo, ikadalawampu ng Setyembre ay lantarang tumestigo ang
iilang mga bilanggo at NBI agents sa harap ng House of Representatives na
nag-iimbestiga sa ilegal na droga sa bilibid. Ipinahayag nila ang lahat ng
kabulukang nangyayari sa loob ng New Bilibid Prison at itinuturo si Senator Leila
de Lima na nakinabang sa kita ng ilegal na droga. Ang pondo ay para sa
kandidatura umano ni de Lima sa 2016 elections.
Isa sa mga pangunahing testigo ay si Herbert Colanggo na nagsabing tatlong
milyon ang buwanang payola na ibinibigay niya kay De Lima, kapalit ng proteksiyon
para sa kanyang ilegal na kilos at pinatatakbong negosyo sa Bilibid. Kabilang sa
ilegal na gawain ay ang pagbebenta ng shabu at beer at kanyang pagko-concert.
Kumikita umano si De Lima ng milyong piso sa beer sapagkat mahal niya itong
naibebenta. Wala umanong jailguard na sumisita sa nagdedeliber ng beer sapagkat
malakas nga umano siya kay De Lima. Para patunayan ang kanyang alegasyon,
sinabi ni Colanggo ang numero ng cell phone ni De Lima. Nakumpirma naman na kay
De Lima nga ang number ng CP.
Sa kasalukuyan ay hinuhukay pa ang mga kabulukan sa New Bilibid Prison. Sana
may mapaparusahan dito. Hindi sana mahantong sa walang bahala ang ginagawa ng
mga mambabatas. Dahil kung may angkop na kaparusahan, unti-unting mawawasak
ang katiwalian. At kung mawawasak ang katiwalian, wala ng kriminal na mabubuhay
sa malayang bilangguan.

You might also like