You are on page 1of 12

Maraming tao ang nag sasabing kilala na nila ako ngunit hindi nila

alam kung sino nga ba ako sa kabila ng kanilang nakikita. Ano nga
ba ang aking naging simula? Ako ang pang apat sa aming limang
magkakapatid. Ako si Jonah Rivera Comia. Ang aking mga kapatid ay
sina Argel, Elaine, Joshua at ang bunso si Daniel. Bunga kami ng
pagmamahalan ng aming mga magulang na sina Zosimo Comia at
Loida Rivera Comia . Ang aking ama ay dating tricycle driver at ang
aking naman ay isang simpleng may bahay. Ipinanganak ako sa
kalagitnaan ng gabi noong Disyembre, dalawampu't isa ng taong
labing siyam, siyamnapu't apat araw ng miyerkules. Sa aking pag
silang, bagamat hindi ako ang panganay sa aming magkakapatid ay
nag hatid ako ng kasiyahan sa aking mga magulang at mga kapatid.
Lumaki ako sa pangangalaga ng aking mga ama at ina.
Lumaki ako kasama nag aking pamilya. Naranasan kong maglaro
kasama ang aking mga kaibigan, mag laro ng bahay-bahayan, tagutaguan hanggang mapagod at maligo sa ulan. Naranasan ko ang
simpleng buhay nasa maynila ay tila imposible. Isa sa
pinakamasayang ala-ala ang aking pagkabata. Naalala ko ang pag
akyat sa puno kasama ang aking mga kalaro at mga kaibigan, pag
papalipad ng saranggola sa kalsada, pag lulutu-lutuan, pag lalaro ng
mga larong kalye kasama ang mga batang hindi ko kilala at
mamingwit ng isda sa dagat kasama ang aking mga pinsan pag sila
ay dumadalaw sa amin tuwing may okasyon. Ang aking bayang
kinalakihan ay biniyayaan ng magagandang tanawin. Ang aking ina
ang unang naging guro sa akin siya ang nagturo sa akin kung paano
bumasa at sumulat noong ako ay bata pa.
Sa pagpasok ko ng eskwelahan bilang isang kinder ay
kasama ko ang aking nakakatandang kaptid pareho kami ng
eskwelahang pinasukan. Sa bayan ding ito ako nag aral sa unang
baitang ng elementarya sa San Pablo Central School. Pebrero,
dalawampu't dalawa ng taong isang libo't isa ipinanganak ang aking
bunsong kapatid na aming pinangalanang Daniel. Inienroll ako ng
aking mga magulang sa eskwelahang iyon. Isa itong malaking
pagsubok sa aking sapagkat wala pa akong alam sa dapat kong
gawin. Subalit ganun pa man napatunayan ko sa sarili ko na kaya
ko. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan at siya kong nalalapitan
pag ako ay malungkot at may problema. Sa unang araw ng pasukan
maraming mga bata ang aking nakikita, iba't ibang mukha mga iba't

ibang ugali may mga batang mabait, palakaibigan at mga pilyo at


pilyang mga bata. Sa loob ng classroom, una sa lahat ang gagawin
ng teacher ay mag roroll call para sa attendance at para narin
malaman kung sinu-sino pa ang mga wala kong kamag aral.
iniarangwe kami alphabetically hindi ko na matandaan kung saan
akong row noon. Pagkatapos noon ay ang taon taong selfintriduction hanggang ngaun. Marami ang nahihiyang pumunta sa
unahan upang magpakilala ng sarili. at isa na ako sa kanila =). Bago
mag simula ang klase tuwing lunes ay nzpunta kaming mga
estudyante at pati narin ang mga teacher sa may covered court sa
tapat ng gym upang mag flag ceremony umawit ng Lupang Hinirang
ang ating pambansang awit. Pagkatapos noon ay manunumpa ng
panatang makabayan at panunumpa sa watawat ng Pilipinas na ang
tawag ngaun. Tanda ko pa noon pag katapos ng flag ceremony ay
kasunod na nito ang pag eehersisyo na kalimitan naman ay hindi
ako nakakasabay dahil minsan lagi akong late sa pag pasok.Bago
mag simula ang pagtuturo ng aming teacher dati ay may akunti
muana siyang aktibiti,un bang parang may intermission # muna ang
isang estudyante pakakantahin, pasasayawin,o ipapakita ang
talentong meron sila. buti nalang hindi ako tinatawag ng aking guro
para mag ganun sa unahan. Araw araw ang sakit ng aking kamay sa
kakasulat ng mga lectures at ahlos makuba na ko pag dadala ng
marami at mabibigat na libro na hindi naman masyadong ginagamit.
Sa umaga pag katapos ng ilang subjects ay ang favorite subject ng
bawat estudyante ang recess o break time. Ang mga kaklase ko
yung iba ay may dalang pagkain samantala yung iba naman na
katulad ko ay nabili na lamang sa canteen wala na kasing panahon
ang aking ina na mag handa pa ng aking babauning pagkain sa
school. Pagkatapos ng break time ay isang subject nalang at awasan
na. Binibigyan kami ng isang oras para kumain, umuwi at gawin ang
aming gustong gawin. Noong grade one ako sinusundo ako ng aking
tatay para umuwi at kumain sa aming bahay. Tapos ihahatid ako sa
school. Malimit kaming pasulatin ng parag essay at isa na doong
ang pinamagata na "My Ambition" at ang pangarap ko naman noon
ay maging engineer, doctor, nurse, teacher at marami pa akong
pangarap na maging dati. Pagkatapos ng Filipino (ang paborito kong
subject), science, hekasi, at english ay uwian na pero hindi
mawawala ng assignment sa araw-araw. Bago ako umuwi ay dapat

mag linis kami ng aming silid aralan kasama ang aking mga
kagrupo. Habang ang ibang bata naman ay naglalaro pa habang nag
aantay ng kani-kanilang sundo. Ako naman pag katapos mag linis ay
tahimik lang akong mag aantay sa aking kuya at sa aming sundo
ang aming tatay , haindi ako nakikipag laro sa ibang bata dahil
nahihiya ako dahil hindi ko naman sila kilala.
Tuwing Holiday Vacation o kung anu pa mang vacation basta
walang pasok ay tuwang tuwa ako. Hindi kailangang gumising ng
maaga at gawin ang iba ko pang daily routines. Pero pag balik sa
school ang laging pinapagawa ng aing guro ay isng pag hahalad ng
aming mga ginawa ng buong bakasyon. Sa pag tatapos ng bawat
school year ay hindi nawawala ang pag papasulat sa amin ng aming
mga natutunan sa buong taon ng aming pag aaral take note 100
words and above dapat.
Nag tapos ako ng elementary sa San Pablo Central school sa
pag tuntong ko sa mataas na paaralaan sa katabi lamang ng aming
school ako pumasok. Sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High
School. Sa gulang na 13 ay tumuntong ako ng sekondaryang lebel.
Dito ko naranasan ang pinakamsayang parte ng aking buhay ko na
kailanman ay hindi ko malilimutan. Dahil dito buong klase ay mag
kakaibigan. Dito ko natagpua ang aking taong hinahangaan. Dito ko
rin naranasang mag sayaw sa harap ng ibang tao. Ang pag gawa
namin ng doxology, pag sasadula ng ibong adarna at ang hindi ko
malilimutang nutri jingle. Bagamat hindi namin nakakmit ang
matataas na pwesto ay naktulong ito sa amin upang mas pag
butihin pa sa mga susunod na mga contest. Nag bunga ng maganda
ang aming pag kakaisa. Nakuha namin ang pangalawang pwesto sa
Florante at Laura at nag champion kami sa naganap na cheerleading
competition? Naging masaya ang aming pag lalaro sa naganap na
mini olympics ang pag sali namin sa football, soccer,volleyball at
basketball. Hindi ako naging masyadong naging aktibo sa iba pang
mga gawaing pampaaralan.
Kailanman ay hindi ko ipagpapalit angmga karanasan ko
dito. Lubhang napakalaki ng naging papel ng eskwelahang ito sa
aking pag hubog bilang isang tao. Dito ko nakilala ang mga

kaibigan kona handang dumamay sa kasiyahan at kalungkutan, ang


mga taong naging inspirasyon ko. Sa eskwelahang ito nabuo ang
aking prinsipyo , lakas ng loob, at mga pangarap dito ko natutunan
ang pakikipagkapwa at pakikisama sa mga ibang estudyante. Bilang
isang estudayante at anak nag aral ako sa abot ng aking makakaya
sinikap kong maging magaling na mag aaral.
Sa aking nalalapit na pag tatapos sa darating na Abril ay
lubos akong nagagalak dahil nakakatuwang isipin na ako ang
batang dating walng muwang sa mundo ay makakatapos na ng high
school. Itong aking pag tatapos rin ang aking magiging
pinakamalungkot na bahagi ng aking buhay. Hindi ko inaakalang sa
ikalawang pag kakataon ay mahihiwalay akong muli sa aking mga
naging kaibigan. Hindi ko matatawag ang aking sarili bilang isang
simpleng tao. Marami akong pangarap na maaring sa iba ay malayo
sa riyaldad. Nais kong mag ligtas ng buhay. Naniniwala akong hindi
kailangang mamuno para mag silbi , ang bukal sa loob na pag
tulong o paglilingkod ang mas mahalaga. Lahat ng mga karanasang
ito ay itinuturing kong yaman ng aking buhay at parte ng aking
pagkatao.
Ito ako sa iyong pag babasa ng aking maikling talambuhay
ay may nalaman ka tungkol sa akin.ngunit sa kasamaang palad ay
kakaunti pa lamang iyan. Kung ako'y pakikisamahan marahil sa pag
kakataong iyon ay tunay moh akong makikilala at ganoon din ako sa
iyo
Ako si Jelyn Joy Llorico Llagas. Ipinanganak noong Enero 30, 1995 sa Ospital ng
San Pablo City.Habang ako ay ipiagbubuntis ng aking ina, sila ay nakatira pa
noon sa Bagong Silang. At lumipat na dito sa San Pablo City para magsimula ng
panibagong buhay. Madalas akong tawaging jelyn,jelyntot,lagas,inday,at marami
pang iba. Ninang ko ang nagbigay ng pangalan ko sa akin. Ang aking mga
magulang ay sina Arieste Revilleza Llagas at Virginia Llorico llagas. Kami ay
tatlong magkakapatid. Ang panganay sa amin ay si Jamaica L. Llagas. Ngayon,
siya ay nasa kolehiyo na. Ang kanyang kinuhang kurso ay nursing dahil ito ang
nakahiligan niya nung kami ay mga bata pa lamang. Ako ang sumunod sa kanya
at ako ngayon ay malapit ng magtapos ng haiskul. Ang bunso ko naming kapatid

ay si Jamilyn L. Llagas. Medyo malaki ang agwat n gaming edad dahil siya ngaun
ay siyam na taong gulang pa lamang at nasa ikaapat pa lamang na baitang.

Ito ang aking ama.

Kaming magkakapatid.

Noong ako ay bata pa lamang, mahirap pa ang aming buhay.


Wala kaming sariling bahay at kami ay nakikitira lamang sa mga kamaq-anak na
aking ama. Marami ang nag-alaga sa akin noong ako ay bata pa lamang. Sinabi
sa akin ng aking ina na palagi daw may nanghihiram sa akin na mga kapit-

bahay nila noon dahil gusto daw akong alagaan ng mga ito at dahil natutuwa
daw ang mga ito sa akin. Minsan pa nga daw ay palagi akong hinahanap ng
aking lolo kaya agad itong napunta sa amin. Binubuhat daw ako nito kahit ito ay
lasing at palagi akong itinatakbo sa labas ng aming bahay kayat palaging
nakasunod ang aking ina kapag ako ay kinukuha nito dahil siya daw ay
natatakot at baka kung anung mangyari.

Nung nakatapos na ako ng kinder.

Noong ako ay kinder na, lumipat kami ng tirahan dahil marami


ng nakatira sa bahay na aming tinitirahan. Tatlong pamilya kaming nakatira
doon kayat napilitan ang mga magulang ko na mangupahan. Malapit lang ang
pinapasukan ko noon sa aming bahay kung kayat hindi nahihirapan ang aking
mga magulang sa paghahatid at pagsundo sa akin. Noong ako ay nagsisimula
pa lamang sa pagpasok, takot akong makipag-usap sa ibang bata dahil hindi ako
sanay na makihalubilo sa ibang tao. Ngunit nagawa ko rin naming makisama sa
iba nung tumagal na. Sa nilipatan naming bahay, katabi nito ang bahay ng mga
kinakapatid ko. Palagi akong nasa kanila at kung minsan ay inaabot ako ditto ng
gabing-gabi dahil masiyado akong nawiwili sa paglalaro. Gustong-gusto kong
palaging nasa kanila dahil malaki ang kanilang bahay at dahil marami silang
mga laruan. Masiyado akong pakialamera noon pag ako ay nasa kanila. Minsan
ay may nakita akong mga shell ng itlog sa may lababo nila. Kinuha ko ang mga
ito at itinapon ko sa kanal. Hindi ko alam na kailangan pala ito ng isa kong
kinakapatid dahil gagamitin pala niya ito para sa kanyang proyekto. Napagalitan
ako noon at ako ay nahihiya ng pumunta sa kanila dhil sa nagawa kong ito. Hindi

nagtagal at bumalik na ulit kami sa dati naming tirahan. Nagkatrabaho na noon


ang aking ama bilang konsehal sa aming barangay. Ang ina ko naman noon ay
nagtitinda ng inihaw sa may kalsada.

Bilang isang bata, madami akong bagay na ginawa noon


sapagkat ako ay masiyadong curious sa mga ito. Minsan kumain ako ng
orange. Ako ay nabanguhan sa balat nito kung kayat inilagay ko ang mga ito sa
ilong ko. Buti na lamang at napansin ito ng tiya ko at agad na tiningnan kung
anung meron sa aking ilong. Natanggal naman niya ito lahat at ako ay
napagalitan niya. Pagkatapos nito, buto naman ng dalandan ang nilagay ko at sa
tenga ko naman ito inilagay(haha). May nakakita sa akin noon at ako ay sinuway
nito agad at sinabing hindi ko daw ito dapat ilagay sa tenga ko sapagkat baka
daw kung anung nangyari at baka daw bumara ito ditto. Madalas din akong
nanghuhuli noon ng butiki dahil natutuwa ako sa mga ito. Pinapakawalan ko din
naman agad pagkatapos ko silang hulihin. Naqawa ko ding mag-opera ng daga
noon. (Yuck! haha)
Masasabi kong mahirap talaga ang buhay namin noon dahil hindi
naman sapat ang kinikita ng aking mga magulang. Madalas silang
nangungutang ng pera o kaya ng makakain sa katabi naming tindahan dahil
wala talaga silang maipakain sa amin. Kahit sa pang-bili lamang ng aming mga
damit at gamit sa eskwelahan ay inuutang pa nila. Kapag binibigyan ako ni
mama o kaya ni papa ng oiso ay natutuwa na agad ako at pupunta na agad sa
tindahan para bumili ng lollipop o kung anumang candy na magustuhan ko. Ang
madalas naming laruin noon ng mga kaibigan ko ay bahay-bahayan,lutulutuan,taguan,takutan at kunq anu-anu pa. Kung minsan naman ay si papa ang

nagiging kalaro naming ng ate ko. Palagi niyang sinusuot ang daster ng mama
ko tapos ay naglalagay din siya ng mena sa kanyang muka. Putting-puti ang
muka ni papa kung kayat natatakot kami sa kanya. Hinahabol niya kami kaya
kami naman ay unahan na sa pagtakbo at kung minsan ay nadadapa pa. pag
kami ay nahuli ni papa, sigaw na kami ni ate ng napakalakas(hahaha). Naging
matatakutin kami nung kami ay bata pa lamang dahil palagi kaming
kinukwentuhan ng aking papa ng mga naranasan niya nung sya ay bata pa
lamang. Hindi kami kailanman nagawang pagbuhatan ng kamay ni papa kung
kayay iba ang nagging pagmamahal ko sa kanya.
Nagkaroon kami noon ng alagang aso. Mula pa nung bata kami
ay alaga na siya ng aking papa. Itinuturing na din niya ito bilang anak at bilang
kapatid na din namin. Kahit nga sa pagkain ay kasalo ito ni papa. Mahal na
mahal namin ang asong ito dahil naging kalaro namin siya ng ate ko. Minsan ay
nagkasakit na ito dahil sa sobrang katandaan. Umalis kami noon ng tatlong araw
at kailangan namin siyang iwanan dito. Pagkabalik namin, naabutan na lamang
namin siyang nahihirapan na at hindi na nito magawang makatayo o malakad
man lang. Kaagad itong nilapitan ni papa at hinimas ang ulo at ang katawan
nito. Ilang oras lang din at namatay na din ito. Hindi napigilan ng aking ama na
mapaiyak dahil sobra niya itong minahal. Kahit kami ay umiyak din
noon. Marahil ay inintay lang kami nito bago siya mamatay. Inilibing ito ng papa
ko sa tapat ng aming bahay. Mula noon ay hindi na kami nagkaroon ng alaga.
Nang ako ay magsimula ng pumasok sa unang baitang, natatakot
ako kapag iniiwanan na ako ng aking papa sa aming silid dahil natatakot ako
noon sa aking guro. Naaalala ko noon na sa tuwing kami ay pababasahin, ako ay
palaging kinakabahan sapagkat hindi na ako masiyadong magaling magbasa.
Dito ko rin nakilala ang first crush ko(hahaha! Ang kire ii). Palagi kami nitong
magkasama at kung minsan ay palagi pa kaming magkalaro. Masaya ako kapag
magkasama kami pero lumipat siya noon ng ibang paaralan kung kayat hindi ko
na siya nakita pang muli. Ako ay madaldal nung ako ay bata pa kayat nunh
minsan ay napagalitan ako ng aking guro at pinatayo ako nito sa unahan ng
aming klase at sinabi niya na hindi daw ako pwedeng umalis doon hanggat wala
siyang sinasabi. Para ako ay kaniyang paupuin, nagkalat ako ng chalk sa aming
sahig. Nakita ito n gaming guro at ako ay napagalitan na naman niya pero ako
ay pinaupo na niya. Naranasan ko din dito ang makipag-away. Nakaaway ko ang
isang estudyante na katabi n gaming silid. Nagalit siya sa akin dahil nakita niya
akong nakatingin sa kanya tapos inasar ko pa siya kaya naman sinabunutan ako

nito at nauwi sa pag-aaway sa tapat ng aming silid. Wala an gaming mga guro
noon dahil merong meeting ang mga guro. Umiyak ako noon dahil ang sakit ng
sabunot niya sa akin. Isinumbong ko siya sa kanyang guro at siya ay napagalitan
nito. Tuwang-tuwa ako dahil kitang-kita ko habang siya ay pinapagalitan.
Masasabi kong ako ay isang malditang bata noon pero nabao ko naman ito at
hindi na naulit ang pakikipag-away ko. Naging makaibigan naman kami nung
aking nakaaway dahil humingi ako ng tawad sa kanya. Alam ko naman kasing
ako ang may asalanan kaya humingi ako ng tawad sa kanya. Naging Model Pupil
ako noon sa amin dahil paborito ako ng aming guro. Sinabitan ako ng medalya
at tuwang-tuwa ang mga magulang ko dahil dito.
Noon namang ako ay nasa ikalawang baitang na, naging paborito
na naman ako ng aking guro noon at ako ang kanyang pinagkakatiwalaan.
Kapag wala siya, ako ang inuutusan niya para magbantay sa aking mga kaklase.
Taga-lista ako noon ng maiingay dahil ayun ang ipinagbibilin niyang gawin ko.
Sa ikatlong baitang naman, naging mahilig ako sa pagsasayaw.
Kapag may mga okasyon, ako at ang aking ibang kaklase ay palaging nagbubuo
ng sayaw para magkaroon naman ng konting kasiyahan. Tuwing tanghali, lagi
kaming naglalaro ng sikyo sa tapat n gaming klase. Napapagalitan tuloy kami
ng aming guro.
Sa ikaapat naman na baitang, naging masikap ako sa aking pagaaral kung kayat palagi akong nangunguna sa aming klase. Palagi akong Top1
noon. Ako din ang naging secretary sa aming section noon kaya ako lagi ang
taga-sulat n gaming guro. Palagi din akong nauutusan na maglista ng mga
maiingay kapag siya ay may kailangang puntahan o asikasuhin. Naging tagapalo
din ako noon. Pinapalo ko ng stick sa kamay ang mga kaklase kong napapalista
para naman sila ay matuto. Kapag Christmas party, ako din ang nag-aasikaso ng
aming mga gagawin. Ako ang nagawa ng mga palaro at ako din ang nabili ng
mga papremyo para sa mga mananalo. Ako din ang napili ng aming guro para
maging Model Pupil kunha kayat nasabitan na naman ako ng medalya.
Noong nasa ikalimang baitang naman ako, medyo nahirapan na ako
dahil naging mataas na ang aking seksyon at hindi ko na nagawang manguna sa
aming klase. Naging Top8 na lang ako noon pero ayus lang un sa akin dahil alam
ko namang ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Naaalala ko noon habang ako
ay nagsusulat sa pisara, hinila ng aking guro ang aking jogging pants kung

kayat nakita ng iba kung mga kaklase ang aking underwear at sila ay
nagtawanan. Buti na lang at kulay pink ang suot kung underwear noon dahil ang
gusto ng guro naming ay palaging pink ang suot na underwear.
Dito ko nakilala ang mga naging tunay kung kaibigan. Sila ay sina
Gladys,Maricris,at Raella. Masaya ako dahil nakilala ko sila at dahil dumating
sila sa buhay ko.
Noong ako ay nasa ikaanim na baitang na, nagkaroon ng
pagkakataon ang aking ama para makapagtrabaho sa ibang bansa. Nakapunta
siya sa South korea at malaki ang naitulong nito sa aming pamilya. Hindi
nagtagal ay nagkaroon naman ng malubhang karamdaman ang aking panganay
na kapatid. Nagkaroon siya ng komplikasyon sa kidney kayat naging mabigat
itong problema para sa aming pamilya. Mabuti na lamang at nakaalis na noon si
papa. Kung hindi, baka nawalan na ako ng panganay na kapatid dahil wala
naman kaming pampapagamot sa kanya. Palaging iniluluwas ang aking kapatid
sa maynila upang doon magpagamot. Malaki ang nagastos ng aking mga
magulang para sa kanyang pampagamot dahil madaming proseso ang ginawa
sa kanya ng mga ito. Naaawa ako noon sa ate ko dahil kitang-kita ko kung paano
siya pinahirapan ng kanyang karamdaman. Malaki ang utang na loob naming sa
Panginoon dahil hindi niya pinabayaan ang kapatid ko.
Noong graduation naming ng grade 6, naging malungkot ito para sa
amin at siyempre para sa aming magkakaibigan. Magkakahiwa-hiwalay na kasi
kami pero hindi naman talaga ito maiiwasan at kailangan din naman naming
makakilala ng iba pang mga tao para maging bahagi n gaming buhay. Alam
naman naming magkikita-kita pa din kami pero siyempre mag-iiba na ang
pakikitungo naming sa bawat isa. Maaaring hindi na rin magpansinan minsan
kasi nakakahiya na o nakakailang na din na magbatian.

Litrato nung aming graduation.

Ang buhay haiskul para sa akin ay napakasaya. Dito ko naranasan


ang ibat-ibang bagay na lalo pang nagpaganda ng aking buhay. Halimbawa na
nito ay pakikilahok sa aming field demo,ang paglaban namin para sa
pagsasadula ng Ibong Adarna nung 1st year, paglaban sa nutri jingle,paglaban sa
Florante at laura nung 2nd year,pagsali sa mini Olympics ngayong
4th year,pagsali sa js nung 3rd at ngayong 4th year at madami pang iba. Dito ko
din nakilala ang mga naging kaibigan ko hanggang ngayon. Sila ay sina
Elaine,Reychelle,Sharmaine,Shiara,Anjanette,at Jazzy. Masasabi kong kung wala
sila, hindi magiging ganito kaganda ang mga nangyari sa akin. Mula
1st hanggang 4th year ay magkakaklase kaming magkakaibigan. Kami ay
kabilang sa pangkat A. Halos kami din ang magkakaramay kapag may
pinagdadaanang mabigat na problema ang bawat isa sa amin.
<>

<>
<>

kuha nung aming JSprom.

Ako ngayong 16 years old.

Marami akong pangarap na gusto kung matupad. Pero simple lag


talaga ang gusto ko. Ito ay ang maiahon ko ang aking pamilya sa kahirapan at
ang mabigyan sila ng magandang buhay. Nais ko lamang na masuklian ang mga
paghihirap na kanilang ginawa para sa aming magkakapatid. Kaya hindi ako
susuko hanggat hindi ko ito nagagawa.
Hanggang dito na lamang ang aking talambuhay .

You might also like