You are on page 1of 3

Katitikan para sa Oktubre 06, 2016 (Huwebes)

SICAT, John Milton P.


SY, Marvin Justin T.
PanPil19 THW1
Nagbigay ng ilang mga karaniwang pananaw tungkol sa pag-aanak at reproduksyon (na
kadalasay mga babae mismo ang nagsasabi), at binigyang interpretasyon ang mga ito sa
klase. Mga halimbawa:
Malayang babae ay nangangahulugang maraming lalaki.
Nagpapakita ng pagiging active o slut ng isang babae.
Karaniwan lang ang pambabae, kahit nga mambobote ay maraming babae.
Nagpapakita na tanggap ang pambabae, kahit ano pa man ang kinabibilangang social
class.
Kadalasay sa babae pa nanggagaling ang mga katagang ito, nagpapatunay na nainternalize ng mga babae ang mga negatibong konsepto sa lipunan.
Ako pa naman ang inuuwian.
Sinasabi ng babaeng may asawa na ayos lang mambabae ang kanyang kabiyak kung
siya pa rin ang inuuwian nito.
Ang babae ay palamuti lamang.
Nagpapakita ng dominance ng lalaki
Kadalasay tinuturo na rin ng matatanda sa mga batang babae kung paano
mapapakinabangan sa gawaing bahay at makakatulong sa magiging asawa.
Pagiging trophy wife, disposable, at replaceable.
Ang babae ay pampalipas oras lamang.
Entertainment value ng mga babae
Kadalasay sinisisi rin ang mga babae kung mapapariwara ang mga anak.
Natatanggalan ng karapatang magtakda ng family planning ang mga babae dahil sa ang
anak ay bigay at pagpapala ng Diyos na siyang nagbubunga sa pagkakaroon ng
iresponsableng magulang.
Karaniwan sa mayayamang tao: ang maraming anak ay isang pagpapala
Karaniwan sa mahihirap na tao: ang maraming anak ay magpapagaan ng paghahanapbuhay ng mga magulang.
Maraming misconceptions sa contraceptives (e.g. IUD, condom, pills, vasectomy,
ligation, etc.) ang natalakay sa klase. Nagbubunga ng pag-ayaw sa mga contraceptives
kahit na makakatulong ito sa family planning ng pamilya.
Natatakot sa IUD dahil baka pumasok at di na matanggal.
Kadalasang kahirapan (poverty) ang dahilan; walang pambili ng contraceptives; di
kasya sa budget; ang pera pinambili ng contraceptives ay maaaring ipangkain na
lamang ng pamilya.
Kung walang pambili, maaaring maging tugon ng pamahalaan ang free family
planning services.

Ayaw ng lalaki ang contraceptives dahil nababawasan ang pleasures sa


pakikipagtalik.
Vasectomy ay ligtas gamitin dahil sperm lang ang mawawala matapos ang ejaculation
ng lalaki. Iba sa pagkakapon ng mga baboy (castration)
Kadalasay ayaw ng mga lalaki dahil nakakabawas raw ng pagkalalaki.
Ang mga misconceptions sa contraceptives ay nagbubunga ng mas mababang
pagtingin sa mga babae

Nagkaroon ng pagbabahagi ang ilang miyembro sa klase ukol sa mga nabasang artikulo para
sa ikalawang yugto ng semester. Nagbigay ng buod, isyung pang sekswalidad at mga
pananaw ang mga nagbahagi.
Boxer Codex
Isang primary document sa kasaysayan na dumaan sa lente ng mga prayle.
Sinasabing isinulat ni Dasmarias
May tatlong pangunahing inhabitants ang Pilipinas; ang Indians (indio), Visayans at
Moros.
Pananamit: ang lalaki ay nakabahag; ang babae ay nakabalot ng mahahabang damit at
madaming alahas
Pagpapakasal: nililigawan ang babae ng lalaki, di maaaring magpakasal kung wala o
kulang ang dowry na ibinigay. Ang babae at ang pamilya nito ang bibigyan ng dowry.
Mas kilala sa Pagkuha ng kamay ng babae.
Visayans: maaaring mag-asawa ng marami ang lalaki at hindi siya mapaparusahan.
Kapag babae ang may kaapid, maaaring maghiwalay ang mag-asawa at
papataying ang adulteress. Babawiin ng lalaki ang lahat ng naibigay sa babae.
Maaaring mag-asawa ng marami ang lalaki bastat iiwan niya ang dowry sa unang
asawa at magbibigay ng panibago sa kabit.
Moros at Indians: iba ang kultura sa Visayans
Kapag buntis ang babae, kailangan siyang alagaan ng lalaki. Hindi maaaring
maggupit ng buhok ang lalaki hanggat hindi nanganganak ang asawa. Hindi
mabubuhay at mailalabas ang sanggol kapag naggupit ng buhok ang lalaki.
Indians o Katutubong Pilipino
May pagkakaiba sa pagtuturo sa mga bata; mga gawaing bahay at pag-aalaga para
sa mga babae; paggamit ng sandata at pangangaso para sa mga lalaki.
Sumisimbolo sa gendering o gender roles sa pagpapalaki ng mga bata.
Usog, Pasma, at Kulam ni Michael Tan.
Focus sa teorya ng paniniwala ng mga ninuno; mga dahilan kung bakit nagkakasakit
ang tao, nuno sa punso, atbp.

Diskriminasyon sa babae: kapag may-regla


madungis at di maaaring magtrabaho, bawal magtanim dahil masisira ang
pananim kapag napatakan
bawal humawak ng bulaklak dahil mamamatay ang halaman.

Binabalot ang babae dahil bawal mahanginan at baka mabaliw (di pinapalabas).
Mahipan ng hangin.
Inilulublob sa dagat sa ikaapat na araw (tila act of cleansing ng mga babae).
Buntis na babae
bawal ang madudulas na pagkain dahil baka malaglag ang bata
namamana ang pagiging buntisin ng babae kaya overprotective ang mga
magulang sa babaeng anak.
Sa Tagalog: bawal kumilos ang babaeng buntis. Bawal maghukay para sa taniman
at pag-aayos ng damit dahil parang naghahanda ng libingan nito.
Bawal magpasuso ng bata kapag galit, at masama ang loob dahil nakakaapekto sa
kalidad ng gatas. Masususo ang sama ng loob.
Parang double burden, kailangang magtrabaho pero bawal ang sobra. Kapag
napagod maaaring mapalitan ang kasarian ng anak.
Naaawa ang lalaking may kabit kapag kasama niya ang isang lalaking walang kabit.
Parang nababawasan ang pagkalalaki
Nakakahawa ang pangangabit dahil may kundisyong magkaroon ng extra-marital
relationship. Nasasaktan ang pride kaya nanggagaya.
Ang mangkukulam ay kadalasang lalaki dahil kailangan maging matapang sa pagsuyo
or pagbiktima sa mga babae
Ang aswang ay kadalasang babae dahil sila ay laging nakatago o secluded
Stereotype sa babaylan: kadalasang nakikita bilang aswang dahil mahaba at magulo
ang buhok, mahaba ang kuko, nanlilisik ang mata at minsan malandi (erotic)
Manggagamot ang mga babaylan pero pumangit ang imahe nila dahil sa mga
prayle.
Kahit nakakatakot, tanggap pa rin sa lipunan dahil ginagamit pang-torture sa
bilanggo.
Sa pagkain, kailangang maubos muna ng lalaki bago magsimula ang babae. Mas
marami ang pagkain ng lalaki dahil mas maraming sustansya ang kailangan nito para
sa trabaho niya.

You might also like