Professional Documents
Culture Documents
Liham
Liham
1. Maging tiyak kung ano ang iyong layunin sa pagsulat ng liham. Dito kailangang
may sapat kang kaalaman ng mga uri ng liham. Kung nais mong maging pormal o ito
ay gagamitin mo sa iyong negosyo o kalakal, kailangang may kaalaman ka sa mga
striktong ipinatutupad upang maging maayos ang iyong ipapadalang liham. Marami
akong mga isinulat sa pahinang ito LIHAM tungkol sa mga uri, bahagi, anyo,
katangian ng maayos na liham at paggamit ng mga bantas.
2. Kapag malinaw na sa iyo ang iyong layunin sa pagsulat ng liham, isulat mo na ang
iyong mga nais na ipahiwatig sa iyong sinusulatan. Ito ang iyong "draft" muna. Hindi
mo muna kailangang maging strikto sa iyong pagsusulat. Ang importante ay mailahad
mo ang lahat ng iyong nais sabihin.
3. Ang iyong "draft" ang magiging gabay ng iyong susunod na dapat gawin. Ito ay ang
pag-sulat na ng iyong liham. Mag desisyon na kung anong anyo ng liham ang
nararapat gamitin. Ito ay naaayon sa kung anong uri ng liham ang kailangan mo.
Kapag napagdesisyunan mo na kung anong uri at anyo, maari mo nang simulan ang
iyong pangalawang "draft". Isulat na doon ang mga bahagi ng liham. Ang pamuhatan,
patunguhan, bating panimula, at iba pa. Siguraduhing tama ang pagbaybay mo ng
mga tirahan o "address", pangalan, at petsa. Pumili rin ng nararapat na bating
panimula at pang wakas.
4. Pagnatapos na ang iyong pangalawang draft at naiwasto na ang mga pagkakamali.
Maaari mo nang simulan ang iyong maayos na liham. Siguraduhing bago ito i-print,
ay tingnan muli, kung may pagkakamali pa. Pumili ng maayos na papel at
siguraduhing hindi ito gusot o madumi.
5. Ipadala sa nararapat na paraan ang iyong liham. Kadalasan ito ay nilalakip sa
email o ipinadadala sa koreo. Ang iba ay personal na dinadala ang liham sa tirahan ng
sinusulatan.
Uri ng Liham
1.liham pangkaibigan
2.liham pangangalakal
3.liham paanyaya
4.liham paghingi ng paumanhin
5.liham patanggi
6.liham pagtanggap
7.liham pakikiramay
Stuck by Darren
Espanto
if...
I'm still stuck on you...