Professional Documents
Culture Documents
Street Foods
Street Foods
Ano nga ba meron sa isang pagkaing kalye na kinahihiligan ng mga Pilipino, mapae
lementarya man o kolehiyo? Ano nga ba talaga ang pagkaing kalye? Bakit nga ba ma
halaga nating talakayin ang ating pagkain dito sa bansa, lalo na ang street food
? Hindi ba sapat na alam natin na kinakailangan natin ng pagkain upang mabuhay?
O baka, may mas makabuluhang kaisipan ang nakatatak sa mga pagkaing ito?
Tayong mga Pilipino ay sadyang napakahilig magsikain. Bahagi na ng ating kultura
at kaisipan bilang mga mamamayang Pilipino ang pagkain ng kung anu-anong bagay,
mapagka sosyal man yan, sobrang exotic, o pangkaraniwan na street food na nasa
kalye. Subalit,Ang pagkain para sa iba ay simple lamang: Ito ang kailangan upang
mabuhay sa mundong ito. Kung wala ka nito, ikaw ay talo. Manghihina ka, magugut
om, hanggang magkasakit ka at mamatay. Ngunit, sa ibang mga dalubhasa, iba rin a
ng kanilang pananaw ukol rito. Para sa kanila, ang pagkain ay isang bagay kung s
aan kaya nitong ilahad ang ating kultura at kasaysayan sa isang tikim lamang. Ma
rami sa atin ang maaaring tanggapin na, may kaugnayan ang kultura at kasaysayan
sa mga pagkaing mamahalin tulad ng fettucine, asparagus, steak, at iba pa at mga
pagkaing kakaiba tulad ng daga, paniki, palaka, ahas, at kung anu ano pa. Nguni
t, paano naman ang street food, o ang mga pagkaing kalye tulad ng squid balls, f
ish balls, kikiam, sisig at marami pang iba? Hindi ba nila kayang isalamin ang a
ting kultura? Ayon nga sa isang artikulo mula sa Sun Star Pampanga, ang pagkain
ng street food ay ang pagkain din ng ating sariling kultura. Napapanahon na atin
g talakayin ang kahalagahan ng street food sapagkat dumarami ang tumatangkilik a
t may nandidiri at hindi nabibigyang halaga ang mga pagkaing tulad nito.
at sa mga insektong dumarapo dito. Kaya naman pagdidiinan ng pansin ng mga manan
aliksik ang mga pwedeng maging epekto ng pagkain ng mga ito at ang maling pamama
raan ng paghahanda nito. Hindi maitatanggi na kahit na maraming maaring sakit an
g makukuha pero ang mga ganitong klase ng pagkain ay nanatili pa rin tinatangkil
ik. Isang sikat na pagkaing kinahihiligan ng Pilipino ay ang mga pagkaing kalye
o ang mga street foods. Ang street foods ay ang mga pagkaing nilalako sa kalye.
At dahil sa sobrang pagtangkilik ito ay naging bahagi na ng ating kultura. Karan
iwang sa palengke o sa may gilid ng kalsada makikita ang mga naglalako ng mga st
reet foods o ang pagkaing kalye ngunit kadalasan ay sa harap o likod ng paaralan
makikita ang mga ganitong pagkain dahil ito ay kinahihiligan ng mga mag-aaral,
hindi lang sa elementary o secondarya kundi ang mga kolehiyo din. Kahit ito ay m
arumi man o delikado, sa nakikita ng mananaliksik mas marami pa rin ang tumatang
kilik o kumakain ng street foods. Marami ang mga mag-aaral na mahilig magmiryend
a at karaniwang kinakain ay ang mga pagkaing kalye. Hindi lang dahil sa ito ay m
ura kundi ito ay napakasarap pa. napakaraming uri o klase ang street foods na ki
nahihiligan ng mga mag-aaral tulad ng kwek-kwek, fishball, kikiam at iba pa ngun
it sa sarap na dala nito may nakatagong epekto ito sa ating kalusugan na maaring
ikamatay ngunit sa nakikita ng mananaliksik gustong-gusto pa rin ng mag-aaral a
ng pagkaing kalye.