You are on page 1of 1

Yvonne Kesha A.

Diaz
Gr. 9-Narra

Enero 7, 2016

Pagbabagong Nagaganap Sa Ating Lipunan


Pagbabago ito lang ang isang katagang hindi magbababago, lahat nagbabago. Noong
panahon ng paninilbihan ng pinakamatagal na pangulo ng ating bansa na si Ginoong Ferdinand
E. Marcos, mura ang lahat ng bilihin, mababa ang palitan ng piso sa dolyar, dito mo makikita na
ang ekonomiya ng bansa bagamat mabagal ngunit itoy sigurado naman sa paglago.
Mayroon ding karahasan na mga nangyari pero kontrolado ng Malacanang ang
paglabas ng balitang ito sa medya. Sa madaling salita hindi gaanong malaya ang mga tagapaghatid ng balita sa mga mamamayan.
Taong 1986 naman ng nailuklok sa pagkapangulo ang maybahay ni Benigno Aquino Sr.
na si Gng. Corazon Aquino, demokrasya ang ipinaglaban na makamtan. Binago ng
administrasyon nya ang konstitusyon, tinanggal ang hatol na pagbitay sa mga nakagawa ng
karumal-dumal na krimen. Ngunit sa tingin ko imbes na mabawasan ang karahasan, lalo pa
yatang lumala. Nauso rin ang kabi-kabilaang massacre.
Binuksan din ang world trade, ito ay ang malayang pagpasok ng mga kalakal galling
ibang bansa. Tinangkilik ang imported at napag-iwanan ang lokal na produkto ng Pilipino.
Makikita mo sa aktong ito na humina o nawala ang pagkapatriyotismo natin.
Marami ring naganap na Coup de etat/kodeta na pinamunuhan ni Senador at ngayon
tumatakbong Bise Presidente na si Gringo Honasan at Oakwood Mutiny ni Sen. Trillanes.
Nagkaroon din ng pangalawang peoples revolution, Evil Revolution ang tawag sa
pamumuno ni Erap. Ang kontobersyal ding Hello Garcy ni Gng. Gloria Macapagal Arroyo at
ang I am sorry nya sa mamamayan. Hostage taking sa Quirino Grand Stand na pumalpak ang
pag-rescue dahil sa iresponsableng pag-shoot ng live ng mga mamamahayag.
Tunay ngang matuwid ang daan ngayon dahil sa kabi-kabilaang road widening na
programa ni Pnoy dahil daw mapapadali ang mabilis na paglago ng ekonomiya kung ang farm
to market road ay maayos. Sinubok din ang kanyang pamamahala sa walang habas na
pagpatay sa SAF 44 sa Mamasapano na hanggang ngayon wala paring nakamit na katarungan
ang mga naulila nila.
Kung meron mang magandang pagbabago sa ngayon ay ang pagkakadiskubre ng
cellular phone at mga makabagong gadgets, dahil ditto napapawi kahit paano ang lungkot at
pagka-miss o homesick ng mga OFWs na nawalay sa kanilang mahal sa buhay dahil sa
trabaho. Madali rin nahuhuli ngayon ang mga kawatan ng dahil sa CCTV.
Hindi masama ang pagbabago lalo na kung itoy ikabubuti at ikauunlad ng bawat isa sa
atin at hindi benepisyo lamang ng iilan.
Salamat po.

You might also like