You are on page 1of 2

Lean Irene T.

Inocencio
Archimedes

IV ANEKDOTA
Natatanging Sorpresa

Noong nakalipas na buwan ng Enero, isang pangyayari ang naganap sa aking buhay.
Isang pangyayaring nagdulot ng kasiyahan at kagalakan sa akin, nag-iwan ng ngiti sa aking
mukha at isipan, at naging dahilan para akoy humanga sa isang natatanging tao. Noong
mga araw na iyon, masakit ang aking lalamunan, naalala ko nagpaalam pa ako sa aking
guro para pumunta sa klinika ng maibsan kahit papaano ang hapdi ng aking lalamunan.
Linggo noon, ika-8 pa lamang ng umaga, sa hindi ko maalalang dahilan ako ay gising
na sa oras na iyon. Wala ang aking mga magulang dahil sila ay namamalengke, habang ang
aking mga kapatid ay mahimbing pa ring natutulog sa kanilang silid. Ganito lagi ang
karaniwang umaga ng bawat Linggo sa aming tahanan. Gumagamit ako ng kompyuter sa
ikalawang palapag ng aming bahay nang dumating ang aking mga magulang, pero hindi ako
bumaba para sila ay aking salubungin. Marahil may tinatapos pa akong gawain o kaya akoy
masyadong nalilibang ng may naghanap sa akin at tumawag sa aking pangalan. Ngunit
hindi iyon ang aking mga magulang, ang boses ay mula sa labas ng bahay, narinig ko pa
ang aking tatay na sumagot ng Teka lang ha.. Pagkatapos ay ang nanay ko na ang
tumatawag sa akin. Kaya ako ay bumaba at lumabas ng bahay para harapin ang taong
naghahanap sa akin, ni hindi ko naisip na dumungaw muna sa bintana para malaman kung
sino iyon. Sa aking pagkakakita sa taong naghahanap sa akin, kilala ko ang taong ito, at
alam kong bakas sa aking mukha ang pagkagulat na makita siya sa araw na iyon. Kasama
niya ang kanyang kaibigan na nakaupo sa hindi kalayuan, kanina pa pala sila naghihintay.
Nag-abot siya sa akin ng isang maliit na supot, sabi niya Pumunta ako dito para lang diyan,
magpaggaling ka ha.. Ang iniabot pala niya ay gamot. Hindi ko alam ang aking sasabihin.
Ang mga kaibigan ko lang naman ang may alam ng pagsakit ng aking lalamunan. Agad
akong nagpasalamat at nagpaalam sa kaniya. Nakatingin sa akin ang aking mga magulang
ng pumasok ako sa bahay. Pinuri siya ng aking mga magulang sa lakas ng kaniyang loob, na
kumatok kahit na alam niyang na andiyan sila. Sinabi pa ng nanay ko na nakita daw niya
ang magkaibigang naghihintay sa tabi ng aming bahay, ng pumarada ang sasakyan na
sinasakyan nila ng aking tatay. Pero sabi ng tatay ko hindi naman daw yun ang pangalan ng

gamot na nakasanayan kong gamitin, kaya inabot sa akin ng nanay ko ang gamot na
nakatago, para iyon ang aking gamitin. Ako man ay nasorpresa, napabilib at napahanga niya
sa kaniyang ginawa. Ikaw, ano ang iyong madarama kapag ikaw ang nakaranas ng ganito?

You might also like