You are on page 1of 5

AJM

MCHS

Saan Ako Nagkamali

Mga Karakter at Gumanap:


Estudyante 1: Angel Medina
Estudyante 2: Trisha Ong
Nagkamaling Jornalist: Angelica Peralta
Iba pang Jornalist: Crizia Domingo
Vannesa Pulgar
Punong Heneral ng Espanyol: Bianca Bala
Mga Amerikano: Crizia Domingo
Trisha Ong
Mga Hapon: Vannesa Pulgar
Angel Medina
Mga Guerilla: Micah Cumlat
Mica Sabado
Mga Ekstra: Katrina Lopez-Vito
Mica Sabdo

Direktor: Katrina M. Lopez-Vito


Punong Tagasulat ng Tanghalan: Mica Sabado
12-Orosa

Panimula ng Direktor: Paano kung lumaki tayo sa isang maling ideya tungkol sating
pagkatao? Paano kung mali ang mga nakasaad sa libro, at lahat ng gulo na dulot ng
kahapon ay maiiwasan naman pala, ano kaya ang itsura ng Pilipinas? Ngayon, kami ay
magtatanghal ng isang dula na magpapakita sa maaring mangyari kung nawala ang diwa
ng akademikong pagsusulat. Dahil minsan kailangan mong balikan ang nakalipas at
tanungin, saan nga ba ako nagkamali?
(PATAYIN ANG ILAW)
Buksan >(VIDEO; NAKAUPO SA GITNA ANG 2 ESTUDYANTE)
Angel: Hindi ko maintindihan!
Trisha: Malabo, parang may mali.
Angel: Oo nga! Hindi ko lubos maisip kung paano nagsimula ang mga giyera. Nasaan ang mali?
Trisha: Alam ko na, tumungo tayo sa silid-aklatan at baka naroon ang sagot!
(NAGHANAP SA SILID-AKLATAN, AT NAKAKUHA NG LIBRO, BINUKSAN)
Angel: Ang nakasabi rito, noong 1889 mayroong isang tanyag na publikasyon ang La
Solidaridad Ipinalabas ang unang isyu nito sa buong Pilipinas at nakaabot ang balita sa mga
Espanyol.
(PATAYIN ANG ILAW)
BUKSAN >(PASOK MGA EKSTRA NA CITIZENS AT SI JECKAY NA
NAGLALAKAD)
(MAIPAKITA ANG KANILANG PANG ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY;
KAPAG GABI AY NAGBEBENTA NG BALOT AT PENOY; MAY SAYAWAN SA
KABILANG BAHAY)
(PUMUNTA SI JECKAY SA ISANG TINDHAN NA NAGBEBENTA NG KAPE)
Jeckay: Ale, pabili naman po ng kape. Bayad po.
(IBIGAY ANG MGA BARYA-BARYA)
Ekstra: Teka, ipagtitimpla lang kita.
(HABANG NAGTITIMPLA ANG EKSTRA)
Ekstra: Iho, matanong ko lang. May mahalaga ka pa bang kailangan gawin at hindi ito puwedeng
ipagpabukas na lamang? Masyado na atang gabi na para magkape.
Jeckay: Ay oo po, Ale-eh. Sa sobrang halaga nga po nito, pakiramdam ko po nakasalalay sa akin
ang kasaysayan ng bansa. Kaya nga ho kailangan ng kape, para manatiling gising sa mahaba kong
gabi!
(MANGHANG-MANGHA SI EKSTRA)
Ekstra: Talaga?! Ah siya, sige! Ito na ang iyong kape! Pagbutihan mo ha! Tandaan mo,
maramingng nangyayaring masama pag lagpas ng a las dose ng gabi.
Jeckay: Opo! Salamat po!
(NAGLAKAD SI JECKAY)
(PAPASOK SI JECKAY SA PABRIKA NA MAY DALANG KAPE)
(BACKGROUND: MAKALUMANG PABRIKA)
pagpasok kailangan > (MGA NAKAUPONG NAGTATRABAHONG
MANUNULAT)
Crizia: Magandang gabi! Kailangan natin bilisan dahil 20 minuto na lamang at takda na ito!
Jeckay: Oo, huwag kayo mag-alala, tapos na ako psh!
Vanne: Maasahan namin yan ah! Buti na lang may kape kang pampagising!
Crizia: Oh siya, maiwan ka namin
Vanne: Mag-ingat ka!
(UMALIS ANG DALAWA, AT NATIRA SI JECKAY NA MASAYA)
Jeckay: Marami pang oras!

(INOM NG KAPE)
(TITLE CARD: 15 MINUTO ANG NAKALIPAS)
(SOUND EFFECT: ORAS NA LUMILIPAS)
Jeckay: Kailangan ko ng panibagong papel!
(TUMAYO SI JECKAY, NATAMAAN ANG BASO AT NATAPON ANG KAPE)
Jeckay: Naku! Paano na yan?! 5 minuto na lamang at takda na ito!
(NAGULILAT SI JECKAY, NAGLAKAD PABALIK-BALIK)
Jeckay: Haist, bahala na! Basta kailangan matapos na to!
(KUMUHA SI JECKAY NG PAPEL)
(NAGSULAT NG MABILIS SI JECKAY)
(SOUND EFFECT: MABILIS NA PAGSULAT)
(JECKAY CRAMSAT TINAPOS ANG PAPEL)
Jeckay: Ayan! Tapos na! Gabayan nawa ng Diyos ang balitang ito!
(PATAYIN ANG ILAW)
(PASOK MGA EKSTRA AT TAGABIGAY NG DIYARYO)
Tindero: Bili na kayo! La Solidaridad! La Solidaridad! Indio Kumampi sa Kastila Kuha na
kayo!
Ekstras: (CHISMIS) TOTOO BA ITO? NAKO! TOTOO RAW BA? ANO SABI? May
kasunduan?! May ayaw? May kasunduan?
(PATAYIN ANG ILAW)
(BACKGROUND: BAHAY NG HENERAL)
(HENERAL AY NAG-AAOS NG MGA PAPELES)
(PASOK EKSTRA KASTILA PARA IBIGAY SA HENERAL ANG LA
SOLIDARIDAD)
Kastila: Punong Heneral, kailangan niyo po malaman ito!
(NILATAG ANG LA SOLIDARIDAD)
Heneral: (BINASA, NAGALIT, TUMAYO, AT NAGDABOG;
(DUNDUNDUN SOUND EFFECT) Ihanda ang ating batalyon at armas!
(PATAYIN ANG ILAW)
(PASOK BATALYON NG ESPANYOL SA TERITORYO NG MGA PILIPINO)
(SOUND EFFECT: SINIPA NA PINTUAN)
Heneral: Himagsikan!
(SLOW MOTION)
(SOUND EFFECT: DRAMATIC)
(NAGLABASAN NG MGA ESPADA)
(SOUND EFFECT: SWORD FIGHT)
(NASINDAK ANG MGA GUERILLA)
Trisha: At dahil sakanyang pagtataksil, nagalit ang kanyang kapwa Pilipino
Angel: Grabe, Trisha! Dahil lamang sa maling balita naunahan tayo ng mga Espanyol!
Trisha: Oo, dahil alam nila na mas masakit ang makita ang sarili mong kababayan na lumalaban
sayo.
(GIYERA NG MGA ESPANYOL)
(KUNG MAWAWALA KA)
Angel: Pagkatapos noon, sumunod-sunod na ang gulo.
Trisha: Dumating na rin ang mga Amerikano dahil hindi nagkaintindihan na may mangyayaring
giyera pala.
(PASOK MGA AMERIKANO)
Angel: At dahil rito, naputol ang kasunduan nila sa mga Hapon
End (KUNG MAWAWALA KA)

(FREEZE WAR SCENE)


Trisha: Grabe pala ang nangyari! Dahil lamang napadala siya sa bugso ng i-stress, mali-mali ang
pagkakalat ng impormasyon! Dulot pa ng maling pagsusulat niya!
Angel: Tama! At hindi ito naituro, ang ipekto ng akademikong pagsusulat satin! Pero isipin mo,
paano kung hindi nangyari lahat ng ito at ang isang porsyento na yon ay hindi nagkamali
(REWIND SOUND)
Trisha: Oo nga! Isipin natin na tahimik ang kalye,
Angel: At pumasok ang diumanog salot sa lipunan sa pabrika,
Trisha: At wala na siyang hawak na kape,
Angel: At hindi na papabayaan pa ang takda
(BACKGROUND: MAKALUMANG PABRIKA)
(JECKAY RENACTS THE NARRATION)
Crizia: Magandang gabi! Kailangan natin bilisan dahil 20 minuto na lamang at takda na ito!
Jeckay: Tapos ko na!
Vanne: Mabuti!
Crizia: Oh siya, maiwan ka na namin.
Vanne: Paalam!
(UMALIS ANG DALAWA, AT NATIRA SI JECKAY NA MASAYA)
Jeckay: Natapos ako ng maaga, mapiprinta ito ng maaga
(PASOK MGA EKSTRA AT TAGABIGAY NG DIYARYO)
Tindero: Bili na kayo! La Solidaridad! Maganda at ang totoong balita! Kasunduan ng Kastila at
Ni Juan
Ekstras: (CHISMIS) Maganda ngang balita! Ang kakampi pala ay Indio at ang kasunduan pala
ay para sa ekonomiya!
Trisha: Nakakatawa, hindi naman pala siya taksil! Dito papasok ang barter trade!
Angel: Kung walang kape, tama ang pagsulat, tama rin ang balita
Trisha: At pagdating ng diyaryo sa Heneral pinalabas niya ang mga sundalo para tumulong sa
pagsasaka
(BACKGROUND: BAHAY NG HENERAL)
(HENERAL AY NAG-AAYOS NG PAPELES)
(PASOK EKSTRA KASTILA PARA IBIGAY SA HENERAL ANG LA
SOLIDARIDAD)
Kastila: Punong Heneral naihatid na po ang magandang balita
(NILATAG ANG LA SOLIDARIDAD)
Heneral: Mabuti ito at makapagsisimula na ang operasyon!
(NAGTULUNGAN ANG KASTILA AT PINOY)
Angel: At dumating ang mga Amerikano dahil nakarating sa kanila ang magandang balita ng La
Solidaridad at sumangayon na bilhin ito
(REENACTMENT)
Trisha: Nagkaroon pa ng Kasunduan sa Paris at nagkaroon ng sinasabing barter trade at dito
pumasok ang mga Hapon para bilhin sa mga Amerikano ang gawang Pinoy
(REENACTMENT)
(NAGTUTULUNGAN AN LAHAT)
Angel: Makulay ang maaring mangyari kung naitama sa una pa lang ang sulatin.
Trisha: Ang aral dito ay maaaring ulitin lamang ng kasalukuyan ang nakaraan.
Angel: Nakakalungkot na mananatili nang mali ang kasaysayan
Trisha: Ngunit, may pag-asa pa! Puwedeng tayo mismo ang gumawa ng bagong saliksik ukol
dito
Angel: Oo nga, sana ganoon na nga lang kadali.
Trisha: Hindi na sana kinakailangan na tanungin kung saan siya nagkamali
Angel: Dahil, ang totoo, hindi natin alam ang totoo, at tayong lahat ang nagkamali.

Trisha: Tara! Simulan na natin.


-END-

You might also like