You are on page 1of 2

AJM

MCHS
Sophia Ivy Hanga-an
12 Lehmann

17
10/17/16

Isang Mitolohiya: Analysis ng The Distance of the Moon


Ang pelikula ay batay sa teorya ni George Darwin na kung saan ang buwan ay malapit sa
mundo. Sa kabilugan ng buwan, mataas ang laki ng tubig at halos mabasa na ang buwan sa
tubig-dagat sa sobrang baba nito. Ayon sa salaysay ng isang aso ang istorya; Kasama ng
tagapagsalaysay ang iba pang tauhan sa bangka, iyon ay ang Kapitan (Captain), Binging Pinsan
(Deaf Cousin), Binibining Vhd Vhd (Ms. Vhd Vhd) at paminsan-minsan sinasamahan sila ng
isang palaka na si Xlthlx. Umakyat muli ang binging pinsan sa buwan at doon nagsimulang
mapagtanto ng tagapagsalaysay ang kanyang pagtingin sa dalagang kasama nila. Naoobserbahan
niya na may pagtingin si Ms. Vhd Vhd sa kanyang pinsan at lagi itong nababahala kapag
umaakyat ang pinsan sa buwan. Sinundan ng binibini ang pinsan sa buwan, walang napansin ang
pinsan dahil siya ay abalang-abala sa kanyang mahal na buwan. Nagseselos ang aso sa kanyang
binging pinsan habang ang binibini ay nagseselos sa buwan. Napansin ng tagapagsalaysay na
parang may kakaiba, ang buwan ay unti-unting lumalayo. Nakatalon kaagad sa bangka ang bingi
ngunit lumutang lamang ang binibini sa paligid ng buwan. Inabot ng aso ang alpa ng dalaga para
may pagkakapitan ito ngunit siya rin ay lumutang paitaas. Ang tagapagsalaysay at ang binibini
ay naiwan sa ibabaw ng buwan at patuloy na umatras papalayo ang buwan sa mundo. Masaya
ang aso dahil sa wakas, masosolo niya ang dalaga, kagaya ng pinsan at buwan na pinagseselosan
nilang dalawa. Lumipas ang mga araw at gabi, naaalala lagi ng tagapagsalaysay ang mundong
pinaggalingan nila, gusto na niyang bumalik samantala ang binibini ay walang pakialam, hindi
man lang siya lumingon o tumingin sa mundo. Napagtanto ng binibini na ang tanging mahal ng
pinsan ay ang buwan at ngayoy gusto na niyang maging buwan. Pagkatapos ng ilang araw,
lumapit muli ang buwan sa mundo, agad na tumalon ang aso pabalik sa mundo. Lumayo muli
ang buwan at naiwan ang binibini doon.
Ang istorya ay batay sa teorya ni George Darwin, ang pangalawang anak ni Charles Darwin.
Ayon sa kanyang teorya, ang buwan daw ay hango sa lusaw na Earth gamit ang solar tides. Ang
nasabing haka-haka ay itinuturing na mali ngayon ngunit masasabing si George Darwin ang
kauna-unahang siyentista na nag-akda ng palagay kung paano nabuo ang buwan base sa
matematikal na pagsusuri at geopisikong teorya pero ang mga nakalap niyang datos ay malimali.Sa kabilang banda, ang ginamit na musika ay ang Gnossiene No. 1 ni Erik Satie, isang
pranses na pianista at kompositor. Si Erik Satie ang unang gumamit ng terminong Gnossiene
na nagsasabi na ang piyesang ito ay bago. Sinasabing ang Gnossienne ay hinango sa salitang
griyego na gnosis na ang ibig sabihin ay kaalaman o knowledge. Ngunit may ibang inilimbag
na salaysay na galing daw ito sa Kritong salita na knossos o gnossus at inuugnay ang

Gnossiennes sa mito nina Theseus, Ariadne at ng Minotaur. Ayon sa Dictionary.com, isa sa ibig
sabihin ng gnostic ay of or relating to knowledge, especially esoteric mystical knowledge. Ang
esoteric knowledge ay kakaunti lamang ang nakakaintindi o nakakaunawa ng kaalaman na ito.
Kapag pinag-ugnay-ugnay ang mga impormasyong ito, masasabi na ang teorya ni George
Darwin ay isa lamang mito sa panahon ngayon. Isa na lamang itong esoteric knowledge, kung
may nakakaintindi man ng mga ebidensya niya sa haka-hakang iyon ay kakaunti lamang. Iilan
ang susubok na ungkatin at unawain ang palagay na ito.
Kung ang mismong mga pangyayari ang pagbabatayan, maraming mapupulot na aral at ideya
rito. Kung ating titignan si Ms. Vhd Vhd, masyado siyang nagselos sa pagmamahal ng Binging
Pinsan sa buwan at sa bandang huli, naging parte na lang siya ng buwan at hindi na nakabalik sa
mundo. Mapagtatanto na kapag ang isang taoy nagnanais ng bagay na malabong matupad, siyas
mapag-iiwanan ng panahon. Nagawang tanggapin ng tagapagsalaysay na kailanman hindi siya
mamahalin ng binibini at kuntento na lamang siya na alalahanin ang kanyang nadarama para
dito.

You might also like