You are on page 1of 3

PARA KAY NENITA

Sa mabatong daan ng malawak na gramatika


Sa naglalakihang talahib na dooy makikita
Sa malayong paglalakbay na pilit iniinda
Matatagpuan ang babaeng sakay ng kanyang agila
Kanyang napatunayan na di kailangang maghirap
Sa pagtawid sa daan na syang pinapangarap
Sa matinding pagod, hirap at puyat
Hindi kailangang lakarin bagkus ay lumipad
Masasabi mang maliit sa tikas at tindig
Sa taglay na isipay lahat kayoy manliliit

Pagkatuto ng ABAKADAy akala koy tapos na


May naghihintay pa palang hagupit ng ponema
Isama pa ang matalik na kaibigang morpema
Halinat tuklasin ang mundo ng gramatika
Mahabang nang at ng aming natutunan
Singhaba ng pasensya na sa amin ay inilaan
Minsan may sasabog na sa aming kakulitan
Papatulan ay hindit tatawanan na lamang
Sa galing niyang kumilala ay mabibilib ka
Sa dami ng kakilalay daig pa ang mayora
Ibat ibang angkan memoryado pa niya
Kung eleksyon nga lamang tiyak na mangunguna

Pangngalan, Panghalip, Pang-urit Pandiwa


Di mo aakalaing may kapatid din pala
May pinsan, may tiyo at mayroon ding lola
Sa dami nitoy, angkan moy walang panama
Sa kanyang klasey siguradong maluluha ka
Sa pagpipigil ng hikab na pilit kumakawala
Mag-ingat ka lamang at baka mahuli ka
Ng matalas na mata ng kanyang sekretarya
Panuntunang itoy wag gawing masama
Sapagkat sinusukat lamang ang iyong disiplina
Ang gusto niya lamang ay matuto ka iha
Na ang pag-aaral ay bigyan mo ng halaga
Sa dami ng aral at
Tunay ngang masarap matuto ng gramatika
Tunay ngang

You might also like