You are on page 1of 2

Panahon na naman.

Panahon na naman ng maingay na pagputak ng mga


manok na animo'y nakawala sa kani-kanilang kulungan. Panahon na naman
na kung saan sila ay nagiging isang masarap na putahe. Panahon na naman.
Parang kailan lang nang ang mga ito'y tahimik na tumutuka sa kani-kanilang
lungga. Ngunit heto na naman ang panahon na matagal na nilang hinihintay.
Ito ang panahon na matiyagang hinintay partikular na ng limang manok na
ito.
Una na riyan ang manok na laging tuwid ang pagtayo at para bang laging
tumatahak sa tuwid na daan. Tuwid din ang kanyang pagsasalita dahil hindi
niya pinapansin ang tuldok hanggang sa maubusan lang siya ng hininga at
tsaka niya ititigil ang kanyang sasabihin. Mapapansin din na medyo manilawnilaw ang kanyang balat at aakalain mong may dumapong sakit sa kanya.
Nariyan rin ang manok na maituturing na pinakamagalang sa lahat. Lahat ng
kanyang pangungusap ay nagtatapos sa "po" at minsan naman kapag
sinisipag ay isinisingit niya ito sa alinmang salita sa kanyang pangungusap.
Malinis rin siya sa lahat lalung-lalo na sa kanyang damit. Dahil na rin sa ito
ay nilabhan ng kanyang inang "champion" raw sa paglalaba.
Hindi naman pahuhuli ang manok na laki raw sa hirap. Lagi siyang babad sa
init kaya ganoon na lamang kaitim ang kanyang balat. Napagkakamalan
siyang laging luto na kapag nakikita siya ng kanyang mga kapwa manok.
Pikunin naman siya kaya kung anu-anong mga patutsada ang kanyang mga
binibitiwan maipagtanggol lamang ang kanyang papasunog na balat.
Ang isa pang manok na kahit na nahuhuli ay siya namang pinakamtalino sa
lahat. Sa sobrang talino niya ay siya ang gumagawa ng lahat ng batas sa
kanilang bayan. Nakaimbento rin siya ng isang makinaryang kayang
makapagparami ng kanilang lahi. Ngunit nang minsan ay dinapuan ng sakit
ang manok na ito dahil sa matinding paggamit niya ng kanyang utak. Kahit
na ganoon ay patuloy parin siyang nakikipagsabayan sa apat na manok kahit
pa medyo nahuhuli na siya.
Wala namang ibang ginawa ang huling manok kundi ang magmura nang
magmura sa daan. Pati yata langgam ay hindi nakaligtas at napurga narin sa
kanyang mga sinasabi.

Ayan na sila. Nag-uunahan. Nagpapasikatan. Kanya-kanyang putak, patungo


sa mainit na kawa ng kumukulong tubig. Umaasang isa sakanila ay pipiliin

upang sa huli'y magiging isang masarap at malinamnam na putahe, o mas


angkop na tawaging putahe ng masa. Isang putaheng sasayad sa matinik na
panlasa ng sangkatauhan.

You might also like