You are on page 1of 8

W

Year of the Poor and Pope Francis

ala nang mas lilinaw pa sa mga panawagan at turo ng Santo Papa Francisco patungkol sa kahirapan,
upang tayo ay magsumikap na maging bahagi ng
solusyon at tugon para dito. Sinabi niya na isang
malaking iskandalo ang pananatili ng maraming naghihirap na tao, na
walang-wala kahit ang pinaka-pangunahing pangangailangan ng
isang tao, habang ang ilan naman ay sobra-sobra, aksaya at
itinatapon ang labis sa buhay nila. Hindi katanggap-tanggap na
walang tubig, pagkain, damit at tirahan ang ating kapwa, at tayo
naman ay waldas at abusado sa mga mayroon tayo. Hindi ito dapat
mangyari sa isang tunay na mananampalataya, hindi ito dapat makita
sa isang bayang sumasamba sa Diyos.
Ang Year of the Poor ay isa sa mga taon na kabilang sa
paghahanda natin para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo dito sa ating
bansa, ngunit ang layunin nitong bigyan pansin ang problema ng
kahirapan ay lagi rin namang laman ng mensahe at hamon ng Santo
Papa sa lahat ng Kristiyano. Tayo ay nasa isang sitwasyon at katotohanan ng kahirapan. Napaka-rami sa ating paligid,
at kahit sa ating tabi, ang nakakaranas ng kahirapan. Nakalulungkot na hindi na tayo nai-iskandalo sa harap ng mga ito.
Hindi na tayo naa-antig sa kalooban at damdamin. Marami sa atin ay manhid na.
Napaka-husay rin ng mga pagninilay na ibinahagi ng CBCP, sa pamamagitan ng Pangulo nito na si Archbishop
Socrates Villegas, DD, Obispo ng Lingayen, na huwag nating hayaan na tayo ay malimitahan, matakot, at magduda sa
pagtulong natin sa mga mahihirap. Maging matalino tayo, ngunit huwag nating hayaang wala tayong gagawin upang
tulungan sila. Nawa ang takot na tayo ay ma-isahan o mapag-samantalahan ay hindi maging dahilan na hindi na tayo
tutulong sa kapwa. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Hesus na ang magkait ng tulong sa mga maliliit na
ito, ay Ako na ang kanilang pinagkaitan.
Isang malaking kasalanan rin sa mga dukha ang maging mapag-aksaya at abusado sa ating mga kayamanang
kalikasan. Ang tubig, kuryente, pagkain, gamit, lugar, atbp., ay hindi lang pag-aari ng mga mayaman, nakaka-angat at
mayroon sa buhay. Obligasyon at responsibilidad ng bawat isa na alagaan ang yaman dito sa mundo upang maranasan
at mapa-kinabangan ng mga darating pang henerasyon.
Huwag nating hayaan na manatili ang ating tulong sa mga mahihirap sa pamamagitan lamang ng pag-aabot ng
tulong. Dapat nating turuan ang ating mga sarili na huwag masyadong maghangad at maghanap ng sarap at gaan ng
buhay. Huwag nating sanayin ang ating sarili sa kasaganahan. Maraming tao na ang sapat o kaunti ay isa nang
malaking biyaya, samantalang ang iba ay naghahangad lagi ng sobra. Bubukal sa mga puso nating mapag-pakumbaba,
simple at hindi maka-sarili ang isang tunay na malasakit sa mga dukha. Lilinaw ang ating mga mata para sa kanilang
pangangailangan at katayuan kung hindi lang ang mga sarili ang bibigyang pansin. Mag-aabot ang ating mga kamay ng
tulong kung hindi natin ito sasanaying kumamkam at mang-agaw.
Ang mga dukha ay laging nating kasama, sinabi iyan ng Panginoon, pero hindi
ibig sabihin na ito ay katanggap-tanggap, dahil ang isang mananampalataya ay dapat
may laging kalinga, puso, gawa at malasakit para sa kanila. Nakasama at pinaglingkuran ng Santo Papa Francisco ang mga dukha sa kanyang bayan, at ayaw niyang
sila ay makalimutan. Lagi natin silang kasama dahil sila ang dadalisay ng ating
tinatawag na pagsunod kay Hesus. Lagi natin silang kasama, ngunit hindi ibig sabihin
ay hindi na tayo mababagabag ng kanilang katayuan. Lagi natin silang kasama, ngunit
hindi ibig sabihin ay wala na tayong magagawa. At, dahil lagi natin silang kasama,
tayo ay may laging pagkakataon na patunayan ang ating pagtulad sa malasakit at pagibig ni Hesus sa mga maliliit at dukha. AMEN.

New Coordinators of Mandated Organizations & Ministries


Arnold Comperada

Cora Santos

Brother Arnold

Coordinator
Catholic Charismatic
Movement

Sister Cora
Coordinator
Catholic Womens
League

Loloy and Lucy Polinar

Rudy Marz

Brother Loloy & Sister Lucy

Coordinators
Couples for Christ

Brother Rudy
Coordinator
Extra-Ordinary Ministers
of the Holy Communion

Demetria Dimen

Arnold Belando

Sister Dems

Brother Arnold

Coordinator
Greeters and Collectors

Coordinator
Marshalls

Flor Calde

Ramonchito Broola
Brother RC

Sister Flor
Coordinator
Mother Butlers Guild

Acting Coordinator
Ministry of the Altar
Servers

Don June Cermence

Bonifacio Alastoy

Brother Don June

Brother Bon

Coordinator
Parish Youth Ministry

Coordinator
Music Ministry

Eugenia Cruz

Winnie Polea

Sister Gina

Sister Winnie

Coordinator
SSDM / Caritas

Coordinator
Pondo ng Pinoy

Jeizl Malabanan
Sister Jeizl
Coordinator
Catechist

Message...

From our Parish Priest

Ang Liwanag ng Muling Nabuhay na si Hesus


Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa ating lahat.

alayong mas maliwanag ang ating mundo kumpara sa mahabang nakaraang


kasaysayan ng mundo. Ang mundo ay may kakayahan ngayong
pagliwanagin ang anumang lugar, malaki man o maliit. Gayun din ang
kaalaman at ang isipan ng tao, ito ay malayong mas maraming tinatanggap na
paliwanag at katotohanan patungkol sa kanyang sarili at sa buhay, kumpara sa mga
naunang nabuhay na mga tao. Bawat aspeto at bahagi yata ng buhay ng tao ay may
paliwanag ang media, siyensya, atbp. Ngunit sa gitna ng lahat ng kakayahang ito, ang
tao sa panahon ngayon ay nasa mas madilim na katayuan.
Sa ngayon ay balot ng dilim ng kasakiman ang puso ng maraming tao. Sa muling pagkabuhay ni Hesus,
isiniwalat niya ang malasakit sa lahat. Balot ng dilim ng kalaswaan ang isip ng maraming tao. Sa muling
pagkabuhay ni Hesus, isiniwalat niya ang kalinisan at kadakilaan ng mga ugnayan at relasyon ng tao. Ang
liwanag ng muling pagkabuhay ni Hesus ay liwanag na hindi lamang nakakasilaw sa mga mata, kundi
nagpapahayag ng katotohanan. Hindi ito tulad ng liwanag ng mundo na nagpapahayag ng kasikatan, sa halip,
ang liwanag ni Hesus ay pag-aalay ng sarili at paghahandog ng buhay para sa iba.
Tingnan natin ang ating mga paligid at gamit sa buhay na madalas ay paliwanag nang paliwanag, o
patingkad nang patingkad ang silaw nito, kasabay nating bigyan pansin ang misteryo ng Muling Pagkabuhay,
at nawa ay mapili natin lagi ang tunay na liwanag na magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan.
Mag-ingat tayo sa ilaw na huwad, na madalas ay matingkad at kaaya-aya sa mga mata, ngunit mapanlinlang naman pala. Ang liwanag na mula kay Hesus ay magdadala sa atin sa katotohanan, sa pag-ibig, at sa
buhay na kasama ang Diyos. Ito ang liwanag na ating ipinagdiriwang ngayon. Alelluia, Alelluia, Alelluia!!!

Rev. Fr. Wilmer R. Rosario

Views and Opinions

By Bro. Lino Dela Cruz

Ano Ba Ang Ating Magagawa Sa Panahon Ng Kuwaresma at Mahal Na Araw?


Sa Panahon ng Kuwaresma at sa mga Mahal na Araw, tayo ay dapat magbigay
pansin sa mga bagay na may kinalaman sa ating buhay pananampalataya. Isa na rito ang
tunay at mataimtim na Pagsisisi sa mga kasalanan, na may kalakip na pag-aayuno,
pananalangin at pagkakawang-gawa. Marami tayong nakikitang mga kaugalian ng mga
namamanata sa panahong ito. Sa ating Parokya, nariyan ang mga naka-ugaliang Pabasa o
Pagbasa ng Pasyon, pagsasagawa ng Estasyon o Daan ng Krus, pagpapasan ng krus,
Senakulo o dula ng Pagpapakasakit, Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng Panginoong
Hesukristo.
Pinaaalalahanan tayo ng mga nagsasakripisyo sa panahong ito na ang mas kalugodlugod na gawain ay ang mangumpisal at magbalik loob sa Diyos. Ano ang saysay ng mga
pang-labas na sakripisyo at mga pasakit sa sarili kung hindi naman tayo nagpapakumbaba at
nagsisisi sa ating mga kasalanan, upang tuluyang mapatawad tayo ng Panginoon? May mga
Kumpisalang Bayan tayo sa ating parokya tuwing unang Biyernes ng buwan, pagkatapos ng
Banal na Misa sa ika-6:30 ng gabi. Lumapit po tayo sa napaka-halagang sakramentong ito.
Isang mahalagang atas ni Hesus, hindi lang sa panahong ito, higit pa sa pamamanata, ay ang pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga dukha. Ang pag-ibig sa kapwa ay mataas na uri ng
kabanalan kaysa sa personal na pa-mamanata. Tulad ng narinig na natin Huwag nating kaligtaan ang paggawa ng
kabutihan at pagtulong sa iba, sapagkat iyan ang kinalulugdan ng Diyos. Ang lahat ng itoy magdulot nawa sa atin
ng panibagong lakas at inspirasyon upang patuloy tayong maki-pagkaisa sa sakripisyo ng Panginoong Hesukristo sa
Krus. Gawin nating mataimtim at tunay ang ating ugnayan sa Diyos, sa pamamagitan ng pag-ibig sa kapwa.
3

Parish Activities
Bagong taon na muli, at sa buwan ng Enero, ang Kapistahan ng Sto. Nio ang isa sa
mga unang ipinagdiriwang. Marami sa ating mga Pilipino ang may malalim na debosyon
sa Imahen ng Batang si Hesus, o Sto. Nio . Bilang parangal sa Kanyang kapistahan, isang prusisyon ang naganap sa ating
parokya noong Enero 25, 2015. Bago magsimula ang prusisyon ay binasbasan ng pari sa loob ng simbahan ang mga imahen
ng Sto. Nio . Marami ang dumalo sa prusisyon na dala ang kani-kanilang imahen. May mga bahagi na umiindak rin ang mga
nasa prusisyon bilang parangal sa batang si Hesus. Viva! Sto. Nio !

Santo Nio Procession

Pebrero, Buwan ng Pag-ibig, at sa buwan na ito sa Araw ng


mga Puso, o Valentines Day ay muling idinaos ang Kasalang
Bayan. Muling nakipag-tulungan ang baranggay at ang lokal na pamahalaan sa naganap na
Kasalang Bayan. Mayroong 32 na pares ang humarap sa altar upang ipahayag ang kanilang pagiibigan. Marami sa kanilang ikinasal ay matagal nang nagsasama. Unang pagkakataon rin na may
isang negosyo ang naki-isa at nag-sponsor para sa mga ikinasal. Sa ABIS Gym ang salu-salo.

Kasalang Bayan

Isang malaking biyaya na tayo ay napa-unlakan ng isa sa mga hinahangaan


sa larangan ng pagbabahagi at pagninilay, si Rev. Fr. Hans Magdurulang.
Maraming parishioners ang nag-abang at nanabik sa araw ng Lenten Talk dahil madalas ring makita sa TV ang paring ito.
Naging buhay na buhay ang gabing iyon, ayon na rin sa inaasahan, dahil sa mga magagandang mensahe at pagninilay ni Fr.
Hans. Maraming salamat po!

Lenten Recollection

Sharing: Papal Visit 2015

By Sis. Lhen Cabral

Parish Youth Encounter with Pope Francis


Sunday/ 18 January 2015
Ika-walo ng gabi ng January 17 ang call-time namin para sa event na ito. Nineteen (19) kaming lahat na
nagkita-kita sa parokya mula sa ibat-ibang organizations ng simbahan. We are so blessed being the representatives
of the Parish Youth Ministry (hahaha kahit hindi na ako youth) kasi sigurado na may puwesto na kami sa UST
Grandstand and Open Field kung saan idadaos ang event. At sa ganap na ika-9 ng gabi, umalis na kami papuntang
UST. Nandoon na kami ng 10:00 pm. Medyo marami na
ring mga nakapila kaya pumila na rin kami sa gate 6 na
naka-designate sa mga ACY (Archdiocesan Commission
on the Youth) kung saan kabilang kami. Napaka organized
ng lugar na pagdarausan ng event, color coding ang
bawat quadrant at kami ay naka-pulang lahat dahil sa
Quadrant 1 kami kabilang. Matagal pa ang paghihintay
kaya natulog muna ako pero yung ibang kasama ko ay
naglalaro at nagka-katuwaan. Nagising ako ng ala-una ng
umaga at nagulat ako kasi sobrang dami na ng mga tao.
Alas kwatro ng madaling araw ay binuksan na ang mga
gates pero inabot kami ng isang oras sa pagpasok dahil
napa-kahigpit ng security. Nag-uumpisa na ang misa ng
kami ay makapasok sa open field. Naka-pwesto kami
malapit sa steel railing at umaasa na mas malapit naming Nagkita-kita sa Sacred Heart of Jesus Parish nung gabi ng January 17
makikita ang Santo Papa. Pagkatapos ng misa ay may
morning prayers at may kantahan habang naghihintay sa pagdating ni Pope Francis. At pagkatapos ng 11 oras na
paghihintay ay dumating na ang Santo Papa, napaka-lakas ng hiyawan, ang pagkanta ng Bienvenido Papa Francisco, mga gadgets na walang humpay sa pagkuha ng pictures
at videos. At lalong lumakas ang aming paghiyaw ng makita
namin ang Pope mobile na paparating na at palapit na sa
amin. Mga isang metro lang ang layo namin nang dumaan
ang Pope mobile at nakita namin ang Santo Papa. Balewala
lahat ang hirap at pagod, ang pagpila sa paggamit ng CR at
mga portalets, ang gutom at ang puyat.
Hindi ko alam kung papaano ko isasalarawan ang
naramdaman ko ng sandaling iyon. Ang kanyang mukha ay
nagliliwanag na may pag-ibig ni Hesus. Ang kanyang mga
mata ay nagsasalita ng awa ni Hesus. Ang kanyang ngiti ay
nagsasalita ng habag ni Hesus. Ang kanyang mga kulubot
sa mukha ay nagsasalita ng walang-hanggang karunungan
at kagalakan ni Hesus. Sa bawat salitang binitiwan ng Santo
Papa ay may malalim na kahulugan. It was inspiring and life
changing. Ang mga salita ng Santo Papa ay isang paala
Mga representatives ng Parish Youth Ministry ng ating parokya
-ala, na hindi lamang sa mga kabataan, kundi para sa ating
lahat na maging matatag tayo sa ating pananampalataya, at
ipagpatuloy ang gawa ng pag-ibig sa kapwa.

Si Pope Francis ay umikot sa loob ng UST Campus sakay ng pope mobile

Si Pope Francis paalis ng UST sakay ng pope mobile

Sharing

By Bro. Joel Lumigpit

Pope Francis: Inspirasyon ng mga Katoliko


Ang mga sumusunod ay ibat-ibang pagmumuni ng mga dumadalo sa Lay Formation na ginaganap tuwing Sabado sa loob ng
simbahan ng ating parokya sa ganap na ika-pito at kalahati ng gabi (7:30pm).
Tinalakay namin ang buhay ng ating Santo Papa na si Pope Francis. Mula pagkabata, maging pari at hanggang maging Santo
Papa. Lubhang mapagpakumbaba at malapit ang loob sa mga mahihirap. Kaya nagkaroon ng isang katanungan:

Paano mo gagawing inspirasyon ng buhay mo si Pope Francis?


Bro. Joey Mercado (CFC):
Lalo kong pagbutihin ang pagsilbi sa simbahan bilang isang lay minister
Tulungan ang pari sa tuwing may Banal na Misa
Maging simple
Tumulong sa mga kapus-palad
Maging maawain at mahabagin.
Anonymous:
Gagawin ko po siyang inspirasyon sa pagpapalaki ng aming mga
anak. Ituturo po namin kung anuman ang nakita namin sa kanya bilang
pinuno ng Simbahang Katoliko at mga tinuro niya sa atin bilang Kristyano.
Sis. Leth Mercado:
-pamumuhay ng simple
Source: http://news.asiaone.com
-pagiging maawain at mahabagin
-mas lalong maging mapagmahal sa kapwa lalo na sa mga mahihirap
-magmahal ng lubusan

Ana Rose M. Cristino:


Si Pope Francis ay aking inspirasyon dahil sa kanyang mga ginagawa. Siya ay mapagmahal sa kapwa, mabait,
matulungin at wala siyang tinitignan kung sino ka man, mahirap o mayaman ka man.
Danilo Mae B. Cabarles:
Inspirasyon ko si Pope Francis sa pamamagitan ng pagiging matulungin, mabait, maka-Diyos at iba pa.

Anonymous:
Tutularan po siya na maging simple ang aking pamumuhay.
Maging malapit sa mga tao, mayaman, dukha, matanda, bata, may kapansanan o wala.
Mapagmahal at mapagpakumbaba.
Maunawain at matulungin.
Higit sa lahat gawin nating inspirasyon ang lahat ng katangian niya, lalo na sa pagiging mapagmahal sa kapwa at pagibig niya sa Diyos. Ipagpapatuloy ko ang tawag ng Diyos na maging taga-paglingkod sa Kanya sa pagiging aktibo sa gawain
ng simbahan, o pagiging pastol.
Rosalie M. Saure CFC:
Napaka-laki po ng naging impluwensiya ng pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas bilang kinatawan ng Panginoong Hesus
sa akin. Bilang kahalili ni San Pedro, na pinuno ng simbahan, kakaibang kaligayahan po ang idinulot nito sa akin. Sa hanay niya
na pang 266 na Santo Papa, naging pang 267 naman po ako ka-lapit sa Panginoon. Personally nang ako po ay malapit sa Santo
Papa, pakiramdam ko po ay napaka-palad ko na mabigyan ng pambihirang pagkakataon na makalapit ng ganoon sa
Panginoong Hesus. Hinahangaan ko po ang Santo Papa ng sobra sa patuloy niyang pagtugon sa pagtawag ng Panginoon at
pagganap, pagpapatuloy sa gawain ng Panginoon na pagpapastol sa karamihan para sa ikaliligtas ng mga kaluluwa ng mga
nabubuhay pa dito sa ibabaw ng lupa.
Cyra Y. Manato:
Gagawin kong inspirasyon si Pope Francis sa pamamagitan ng pagiging mabait sa lahat ng tao, pagiging maka-Diyos,
matulungin at iba pang magagandang katangian ni Pope Francis.
Anonymous:
Bilang isang Kristiyano itinuturing kong isang malaking inspirasyon si Pope Francis, sapagkat siya ay isang mabuting
Kristiyano at mapag-pakumbaba tulad ni Kristo.
Ang kanyang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos ay nagtuturo sa akin na lalong sumampalataya at magmahal.
Para kay Pope Francis ang pagiging isang mahirap ay hindi hadlang upang lalong mapalapit sa Diyos. Sa halip ang
kahirapan ay maaaring maghatid sa atin sa tunay na kabanalan kay Kristo, sa ating Panginoon na isang mahirap. Kaya si Pope
Francis ay tunay na inspirasyon para sa lahat ng Kristiyano sa buong mundo.
Ikaw, bilang isang Katolikong Kristiyano, paano mo gagawing inspirasyon ng buhay mo si Pope Francis?

Reflections

By Bro. Nikki Du

Religiosity versus Spirituality


Sundays are always an obligation for us Catholics to hear mass, as it was written in one of the Ten Commandments.
Observe the Sabbath and keep it Holy. During the Spanish colonization of our country, Roman Catholic religion and
practices were introduced and taught to us by the colonizers. As of the present day, our country is considered having the
biggest number of Roman Catholics in Asia, averaging 80% of our population.
As a Roman Catholic, all of us receive the different Sacraments such as Baptism, Confirmation, Holy Communion, Matrimony and even the sacrament of Holy Order, if one becomes a priest. As Catholics, we may have different ways of professing our faith, with gestures like making the sign of the cross when we pass by a church, having religious images in our
homes. These are all right doings as we pay respect to our Lord Jesus Christ. However, some other practices and activities are sometimes done as a result of fear and superstitious beliefs. Misfortunes in life are sometimes attributed to these.
RELIGIOSITY may be used as a term for such. One may be religious but may not conform to the true sense of spirituality.
Religiosity or being religious might not save us without living a genuine spiritual life.
Studying and understanding the doctrine of the Roman Catholic Church will guide us to live a true Christian life. Let us
learn about our Lords life and teachings so that we may become good Christians and children of God.

MAY GOD BLESS US ALL!

Good News

Interviewed by Bro. Nikki Du


Newly Ordained Priest Fr. Lemuel Tibay
Rev. Fr. Lemuel Medina Celi Tibay was born on August 18, 1985 to the couple Santos Tibay and Mae Medina Celi Tibay. His parents were both bankers. His father
was connected with the Philippine National Bank and his mother was an employee of
Coconut Planters Bank. After their retirement, they migrated to the United States of
America.
Fr. Lemuel has 3 siblings, his eldest brother and 2 younger sisters. They now reside
at the Shaw Residencia in Mandaluyong City.

Fr. Lemuel finished both his grade school and secondary studies at Lourdes School
of Mandaluyong, while they were living in Cainta, Rizal at the time. His parents used
to fetch him after office hours at the SM Megamall along EDSA where he waited after
school. When he was on his sixth grade, he attended the 6:30 pm Mass at the
Chapel of the Eucharistic Lord in the
same mall. Since he had been attending Mass regularly from Monday to Saturday,
he decided to join the Ministry of Altar Boys. The family would also hear Mass in the
same Chapel on Sundays where he served as an altar boy. It was then that he
thought that being a priest was an easy task, a mass once a day and only for an
hour.
After graduating from high school, he entered the Lorenzo Mission Institute where his
formation lasted for 11 years. On January this year, when His Holiness Pope Francis
celebrated the Holy Mass at the Manila Cathedral, then, Reverend Lemuel was one
of the 3 deacons chosen to do the readings. On January 31, 2015, Fr. Lemuel was
ordained a priest, and he celebrated his first Mass of thanksgiving here in our parish.

Mass Schedules and Services


Masses
Weekdays
AM 6:00am (Everyday)
PM 6:30pm (Wednesday and Friday)
5:00pm (Saturday - Anticipated Mass)

Sunday
11:00am
11:30am

Sunday
AM

For candidates
For marriage

PM

6:00am
7:00am

8:00am
9:00am (Childrens Mass)

4:00pm
5:00pm

6:00pm

Blessing of Religious Articles


After every Mass - Please put the religious items to be
blessed on the table beside the sanctuary

Baptism
Pre-Sacramental Catechism
Sacramental Celebration
Confirmation
- By appointment
- By appointment

Confessions
Tuesday, Thursday and Saturday
after the 6:00am Mass
Kumpisalang Bayan
Every First Friday of the Month
(during the Holy Hour / Benediction)

Counseling
By appointment
Weddings
By appointment
Pre-Cana Seminar
(every Third Saturday of the month)
Funerals
By appointment
(no Funeral Mass on Sunday)
Sick Visitation
Every Wednesday afternoon
or by appointment
House Blessing
By appointment

Parish News Bulletin


Garden Renovation
Parish activities and events had most of the
time been held in our garden. During Lent, people flock
to our garden to meditate and pray the Stations of the
Cross. It was because of this that our Pastoral Council
decided to renovate the garden to give our parishioners
and visitors a more meditative ambiance to contemplate Old Garden
and pray. Part of the proceeds from our Bingo Social
last year is alloted for this renovation. New Stations of the Cross
donated by Sis. Chie Ong will be placed in the garden. We are praying
that it will be finished in time for our Lenten activities. Its blessing is
scheduled on April 2 after the Last Supper Mass. Please join us!

Garden under renovation

The Year of the Poor Logo Explained


CRUCIFIX: The Crucified Lord, the center of all our engagement with, in, for and to the
poor, gazing into us. On His Cross, Jesus is always with us stripped of His clothes, His dignity, His possessions, His power, His strength. By the poverty, Jesus saved us. He is fully with the
unwashed, the oppressed, the scorned, the powerless, the miserable and the outcast. Jesus is
calling us to SEE everyone as His beloveds to look at each other the way He gazes into us.
The Man Colored in Red: Red symbolizes Blood sacrifice of Christ to give Life of Redemption. We are reminded that our strength and passion must always be towards Life Giving sharing of Love
The Man colored in Red is lower than the Man colored in Blue, signifies the last, least and
the lost the poor. Though in poverty, the poor has same dignity with the Man colored in Blue
and also has the capacity to share Life and Love (No one is so poor that he cannot give)
The Man Colored in Blue: Blue symbolizes Royalty, of riches and Service to God and godly
living. It also signifies Light Hope. We are reminded that God in His Royalty gives us the perfect model of Service. And all of us are called to Serve God through our neighbors. We must be
the Light to others.
The Man Colored in Blue is higher (elevated) than of the Man colored in Red, represents those who are well-off, the powerful. Yet in their abundance the rich are reminded that all what they have are coming from God and they are commanded to
share and to be generous an act of gratefulness to the giver of graces - God. The rich are being challenged to share their gifts
especially to the poor. (the more you have, the more is expected from you.)
Man colored in Red and Blue LOOKING UP TO JESUS that forms a heart symbolizes peoples compassion to
follow Jesus and the commitment to be in solidarity with all to DO JUSTICE AND LOVE KINDNESS (Micah 6:8). Justice as the
right relationships restoration of what is due to all, not only of the majority It challenges us to be in correct relationship with
God and our neighbor. Love of neighbor, grounded in the love of God.
Source: Alay Kapwa Program, CBCP-NASSA, AK40 in YOP (http://nassa.org.ph/?p=3481)

Thanks to:

Sacred Heart of Jesus Parish

Welfareville Compound, Mandaluyong City


http://sacredheartmandaluyong.weebly.com/
Tel. Nos. 534-4331 531-8539

Email address: shjp_1979@yahoo.com

You might also like