You are on page 1of 2

Theories on Factors Affecting Motivation-Explanation

1.Attribution Theory-Ito ay tumatalakay sa tagumpay o kabiguan natin,dito sinasabi na kung


mabigo o magtagumpay man tayo walang ibang maygawa niyon kundi tayo o kaya ang ating
pamilya na sinasalamin natin. Ang kasikatan o kabiguan natin o ng ating mga magulang ay
maaaring makaapekto sa kanila,halimbawa na lang kung kilalang matalino ang angkan ninyo
maaring mas ma-engganyo kapa upang mag-aral,pero kung may ginawang mali ang mga
magulang sa iba maaring mahusgahan siya ng iba o kaya ng kanyang mga kaklase kung kaya't
siya ay mawawalan ng gana sa pag-aaral dahil doon.
2. Self Efficacy Theory-Ito ay tumatalakay sa pananaw ng mga estudyante kung kaya o hindi
nila kaya ang isang gawain. Kapag alam ng mga estudyante na madali lamang ang kanilang
gawain o actibidades ay mas may gana silang gawin ito,pero kung iniisip nila na hindi na nila
kaya iyon ay ay mawawalan sila ng gana upang aralin ito. Halimbawa sa asignaturang Math
iniisip ng mga estudyante na mahirap ito kung kaya't mawawalan sila ng gana upang aralin ito
dahil iniisip nila na mahihirapan lamang sila,kaya ibang bagay na lamang ang kanyang
pagtutuunan ng pansin.
3. Self-determination and Self-regulation Theory~Ito ay tumatalakay sa kagustuhan ng
estudyante,kaya niya ginagawa ang isang bagay dahil gusto niya hindi dahil mayroong
naguudyok o nagdidikta sa kanya kundi dahil determinado siya na matapos at maging maayos
ang kalabasan nito.Halimbawa kahit na marami mang pagsubok ang dumating ay hindi siya
susuko dahil determinado siya na matapos iyon.
4. Goal Theory~Ito ay tumatalakay sa kagustuhan ng estuyante na maabot ang kaniyang
pangarap ginagawa niya ang mga bagay-bagay hindi dahil gusto niya kundi dahil kailangan
niya upang maabot ang kanyang pangarap.Halimbawa kahit ayaw niya ang Math ay aaralin
parin niya ito dahil kailangan upang makapasa siya,mas tumitingin siya sa product kaysa
process.
5. Ito ay tumatalakay sa paguugali at asal ng mga estudyante,ginagawa niya ang isang bagay
dahil iyon ang pinili o pangangailangan niya.Halimbawa mas pinili niyang matulog sa klase
kaysa makinig dahil iyon ay kailangan niya dahil siya ay isang working student at siya ay
wala ng tulog,mahalaga dito ang tinatawag na self-control o Values.

Maslow's hierarchy of need-tungkol sa pangunahing pangangailangan


ng isang tao hindi lamang sa pisikal na anyo pati sa emosyonal at
mental.

Reflection-ipinapakita dito na dapat motivated ang ating


mga estudyante upang ibigay nila ang kanilang
makakaya para maabot ang kanilang nais makamit.

-Emily Sigua
BSED-2A

You might also like