You are on page 1of 3

Magandang hapon po!

Ako nga pala si Halcyon Zenith Deloso, at dedepensahan ko ngayon ang aking
pag-aaral na pinamagatang Sa Likod ng Tabing.
Ngayon, bakit nga ba Sa Likod ng Tabing ang aking piniling pamagat?
At unang-una, ano nga ba ang tabing?
Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino, ang tabing ay isang
nakabiting piraso ng tela na ginagamit bilang pansara ng
entablado. Ginagamit ito bilang senyas ng pagsisimula,
pagtatapos, o pagpapatuloy sa susunod na yugto ng isang dula.
Sa tingin ko po, angkop ang pamagat sa pag-aaral na ito dahil nais nitong
pananaliksik na suriin ang pagkakaiba o pagkakapareho ng wika na
ginagamit ng mga aktor sa loob at labas ng tanghalan. Nais ko rin
malaman kung nakaaapekto ba ang wikang ginagamit ng katauhan nila
sa isang dula sa tunay nilang pamimilipino o pananalita.
Para sa aking pag-aaral, sinuri ko bilang pangkat-wika ang Dulaang Sibol,
isang grupong pang-teatro ng Mataas na Paaralang Ateneo de Manila.
Binubuo ang Dulaang Sibol ng mga mag-aaral ng Ateneo Junior at
Senior High School na nakapasok sa organisasyong ito at isang
guro na nagsisilbing tagapamagitan ng organisasyon.
Bilang isang grupong pang-teatro, inaasahang madaling umangkop ang
mga aktor nito sa ibat ibang uri ng wika. Dahil dito, may nabubuong
sariling wika ang Dulaang Sibol, kung saan pinaghalo-halo ang ibat
ibang uri ng wika, kung kaya pinili ko ang organisasyong ito na maging
aking susuriing pangkat-wika.
Ninais ko ring suriin ang Dulaang Sibol dahil sa mga sumusunod na sipi
mula sa konstitusyon nito:
Because Dulaang Sibol is Atenean, it is Filipino in character.
For if theatre and music are valuable because they hold a mirror to
life, Dulaang Sibol will be doubly valuable if it holds a mirror
to Filipino life; if it aspires to illuminate the Filipino situation; if it
preserves, no, enriches the culture and tradition that God has
given us for our own.
Samakatuwid, pinahahalagahan ng Dulaang Sibol ang wikang Filipino na
sumasalamin sa buhay Pinoy at nagpapayaman sa ating kultura at
tradisyon.
Pasensya na po at nasa Ingles ang konstitusyong ito, sa kadahilanang nais
din nilang bigyang pansin ang wikang Ingles sa kabila ng pagpapahalaga
ng wikang Filipino at kulturang Pilipino.
Kung isinasakatuparan ng Dulaang Sibol ang posisyong ito, dapat
lamang suriin kung may impluwensiya ito sa ating wika at lipunan
sa labas ng tanghalan.

Upang kumalap ng datos, inobserbahan ko ang paggamit ng wikang Filipino ng


mga aktor ng Dulaang Sibol sa dula at sa totoong buhay at nakipanayam din sa
iilang mga aktor nito. Ginamit ko rin ang konstitusyon ng organisasyon bilang
sanggunian.
Unang-una, sa dula at sa labas, ano ang mas laganap na wika, Ingles o
Filipino?
Sa Dulaang Sibol, parehong Filipino at Ingles ang ginagamit sa mga
dula at pagtatanghal. Subalit, tulad ng naunang binanggit, mas
pinahahalagahan ng Dulaang Sibol ang wikang Filipino sa mga
pagtatanghal nito.
Sa labas, ginagamit din ng mga aktor ang Filipino at Ingles, at mas
ginagamit nila ang Filipino, ngunit mas pinahahalagahan nila ang
wikang Ingles dahil, ayon sa mga kinapanayam, tulay ito ng
kaisipang Pilipino at kaisipang pandaigdig.
Sa aspeto naman ng ugnayan, eksaherasyon o dramatikong
representasyon ng pangkaraniwang ugnayan ang ugnayan sa dula.
Sa kabilang banda, hindi masyadong dramatiko ang ugnayan sa
labas.
Dito naman sa aspeto ng pamimilipino ng mga aktor, may partikular
na uri ng wika na ginagamit sa ibat ibang sitwasyon.
Halimbawa, ginagamit ang pormal na rehistro ng
pamimilipino sa dula kapag may nagsasalaysay, kung
seryoso ang paksa ng isang dula, at kung klasikong dula ang
itinatanghal. Gumagamit din ng impormal na rehistro at ibat
ibang mga sosyolek ang mga tauhan ng isang bagong labas
na dula, o kung komedya ang dula, tulad ng Hervacio
Tubulan, isang dula kung saan itinatampok ang kakayahang
gumamit ng ibat ibang uri ng wika ang mga aktor. Sa dula,
hindi masyadong ginagamit ang dayalek.
Sa labas, ginagamit ang pormal na rehistro ng pamimilipino
sa pakikipagusap sa mga nakatatanda o nakatataas na
awtoridad. Ginagamit ang impormal na rehistro nito sa
pangaraw-araw na diskurso. Ang idyolek at sosyolek naman
ay ginagamit sa pangkaraniwang diskurso o upang
magpatawa. Tulad ng dula, walang masyadong gamit ang
dayalek.
Ingles o
Filipino?
Ugnayan
Uri ng
Pamimilipino

DULA
Filipino at Ingles, ngunit mas
pinahahalagahan ang wikang Filipino
eksaherasyon ng ugnayan sa totoong
buhay; dramatikong representasyon
Pormal na rehistro tagapagsalaysay at
mga tauhan ng mga klasiko at seryosong
dula (Kaharian ng Araw, Paa ng Kuwago)
Impormal na rehistro + ibat ibang mga
sosyolek (e.g. swardspeak o salitang beki,
salitang conyo) tauhan ng mga bagong
dula; madalas eksaherasyon ng pananalita
Walang gumagamit ng dayalek

SA LABAS
Filipino at Ingles, ngunit mas ginagamit ang
Filipino sa kabila ng pagpapahalaga sa
wikang Ingles
karaniwang tono ng diskurso; hindi
masyadong dramatiko ang ugnayan
Pormal na rehistro nakikipag-usap sa mga
nakatatanda o nakatataas na awtoridad
Impormal na rehistro ginagamit sa
pangaraw-araw na diskurso
Idyolek, Sosyolek ginagamit sa pangarawaraw na diskurso o upang magpatawa
Walang gumagamit ng dayalek

Balikan natin ngayon ang mga layunin ng pag-aaral na ito, at suriin natin
ngayon kung nasagot ang mga ito.
Masasabi natin na walang masyadong pagkakaiba ang wikang ginagamit ng
mga aktor sa dula at sa labas, maliban na lang sa eksaherasyon ng
pangkaraniwang komunikasyon ang ginagamit sa mga dula.
Masasabi rin natin na nakaaapekto ng wikang ginagamit sa labas ng
tanghalan ang wikang ginagamit sa loob. Naaalala ng mga aktor ang mga
salita at wikang natutunan nila mula sa dula, at inaangkop nila ang mga ito
sa pangkaraniwang diskurso. Halimbawa, ginamit ng isang aktor ang sosyolek na
swardspeak sa isang dula. Gagamitin niya rin ang sosyolek na ito sa pakikipagusap sa ibang mga tao o upang magpatawa.

You might also like