You are on page 1of 12

JUNE

KATAPATAN
Ang katapatan sa sarili, sa kapwa at
sa trabaho o gawain ay nagpapakita
ng matapat na pagmamahal sa
Diyos.

JULY
PAGPAPAHALAGA SA BUHAY
Ang pagpapahalaga sa buhay, bilang
tanda ng pagmamahal sa Diyos, ay
ipinakikita sa pamamagitan ng pagiingat sa kalusugan,pagmamalasakit
sa kapwa at sa kapaligiran.

AUGUST
DISIPLINA SA SARILI
Ang disiplina sa sarili ay naipakikita
sa kusa at mapanagutan ang
pagganap sa mga gawain at
tungkulin. Nagpapatingkad ito sa
kakayahan ng tao sa kanyang
pakikipag-ugnayan sa Diyos.

SEPTEMBER
PAGMAMAHAL
Ang pagmamahalan ang moral na
kalikasan ng tao sa kanyang pakikipagugnayan sa sarili, pamilya, bayan at sa
Diyos. Ito ay maaaring maipakita at
maipadama sa pagbibigay-galang,
pagmamalasakit at paglilingkod ng
walang hinihintay na kapalit.

OCTOBER
PAGGALANG
Ang paggalang ay nag-uugat sa
dignidad pantao na sanhi ng
pagpapahalaga sa mga pangunahing
karapatan ng tao. Ito ay naipakikita
sa pamamagitan ng kilos, ugali at
gawain sa pakikipamuhay sa kapwa.

NOVEMBER
PAGLILINGKOD/PAGMAMALASAKIT

Ang pagmamalasakit at paglilingkod


ay kusang pagbibigay ng ating
sariling kakayahan na maaaring
materyal, moral at ispiritwal sa ating
kapwa lalo na sa mga kapus-palad at
nangangailangan.

DECEMBER
PANANAGUTANG PANLIPUNAN
Ang pananagutang panlipunan ay
ang pagtugon sa adhikaing
makapagdudulot ng katarungan at
kabutihan ng lahat.

JANUARY
PAGPAPAHALAGA SA GAWAIN
Ang paggawa ay simbolo ng
karangalan at kaganapan ng pagkatao.
Nililinang nito ang mga talento at
kasanayang ipinagkaloob ng Diyos
upang maging higit na kapakipakinabang tayong lahat bilang kasapi
ng lipunan.

FEBRUARY
KALAYAAN AT PANANAGUTAN
Ang kalayaan ay pagpapahayag at
pagpapakita ng sa loobin sa mga
bagay-bagay na naaayon sa
katangian nito. Kaakibat ng
kalayaan ay ang pananagutan na
nasasaklaw nito.

MARCH
PANGANGALAGA SA KALIKASAN
Ang kalikasan ay kayamanang
biyaya ng Diyos sa tao. Mahalaga na
pangalagaan ito upang mapanatili
ang pinagkukunang yaman para sa
kabutihan ng kasalukuyan at sa mga
darating na henerasyon.

APRIL
KALUSUGAN
Ang kalusugan ay kayamanan ng
tao, pamilya at bayan. Kung
malusog ang mga kasapi ng pamilya
at mga mamamayan, malakas at
matatag ang mga tao sa pagharap
ng mga hamon sa buhay.

MAY
KALINISAN AT KAAYUSAN
Lahat ng mga nilikha ng Diyos ay
may likas na kalinisan at kaayusan.
Kaya ang tao ay likas rin na nahihilig
sa malinis at maayos na sarili at
kapaligiran. Mahalaga ang pananatili
nito sa bawat pagkakataon.

You might also like