You are on page 1of 1

SENADORA GRACE POE DINISKWALIPIKA NG

COMELEC FIRST DIVISION

PANIBAGONG hamon ang kinakaharap ngayon ni presidential aspirant at


Senador Grace Poe ngayon na isa pang disqualification case laban sa kanya
ang pinaboran ng Commission on Elections (Comelec).
Sa botong 2-1, idiniskwalipika ng Comelec First Division si Poe na makatakbo
sa darating na halalan,
Sa pagbasura ng Commission on Elections First Division sa kanyang
certificate of candidacy, muling iginiit ni Sen. Grace Poe na siya ay isang
Pilipino.
Sa isang pahayag, sinabi ni Poe na nasasaktan siya sa pagtanggi ng dibisyon
ng Comelec sa kayang pagkatao.
Ako po ay tunay na Pilipino mula sa pagkasilangnagkamalay bilang
Pilipino, pinalaki bilang Pilipino, nanirahan, nag-aral at kinasal sa Pilipinas at
nais maglingkod bilang Pilipino sa kapwa Pilipino, ani Poe.
Mistulang sinabi rin ni Poe na hindi naging patas ang Comelec dahil hindi
umano nito tinignan ang mga inihain niyang ebidensya na nagpapatunay na
siya ay isang Pilipino.
Nuong inilagak ang mga kaso laban sa akin, ang tangi kong hiniling ay isang
patas na pagtatasa.. Nakalulungkot po ang pagbalewala sa mga patunay
ng malinaw na katotohanan para lamang ipagkait sa akin ang pagkakataong
higit pang maglingkod sa mamamayan, at ipagkait din sa taumbayan ang
kanilang maaaring pagpilian sa isang bukas na halalan, dagdag pa ng
senadora.
Maghahain si Poe ng mosyon sa Comelec en banc at kung muling hindi
papalarin sa Korte Suprema para itaguyod ang katotohanan at tunay na diwa
at layunin ng Saligang Batas.
Umaasa naman si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe,
na mababaliktad ang desisyon kapag nakita ang kanilang mga punto sa
apela.
Kami po ay umaasa na magbabago pa ang desisyon ng mga commissioners
ng Comelec sa aming apela katulad ng pag-sang-ayon sa amin ni
Commissioner Robert Lim. Ang desisyon ay hindi naman unanimous, ani
Gatchalian.
Nauna ng diniskuwalipika ng Comelec Second Division sa hiwalay na kaso si
Poe sa dahilan na hindi ito umabot sa 10-year residency para makatakbo
bilang Pangulo sa Mayo 2016.

You might also like