You are on page 1of 1

PNoy sa kanyang retirement: Boracay, chibug, kasalan

Sa kanyang mga nalalabing buwan sa Malacaang, nagmumuni-muni na si


Pangulong Aquino sa kanyang buhay-retirado matapos ang kanyang anim na
taong termino bilang pinuno ng bansa.
At dahil wala sa kanyang diksyunaryo ang manatili sa poder nang
habambuhay, inihahanda ni PNoy ang listahan ng kanyang mga gagawin
pagbaba niya sa Malacaang, tulad ng pagkain sa mga fast food, bakasyon
sa Boracay Island, at hanapin ang babaeng kanyang pakakasalan.
Day One, I probably will get up sometime in the late afternoon. I will not
read any newspaper. I will enjoy or I will try to enjoy feeling no pressure
whatsoever on that day, pahayag ng Pangulo sa Bulong-Pulungan media
forum sa Pasay City.
Then, of course, I will have to try and touch base again with the old
neighborhood that resituated which probably means eating a lot of fast food
in the neighborhood area. Hopefully, I got all of them on the same day,
dagdag niya.
Excited na rin ang Punong Ehekutibo sa kanyang buhay-sibiliyan upang
maisakatuparan ang matagal na niyang pinapangarap na Bora experience.
Aaminin ko na. Nang makita ko ang Bora, hindi man lang ako nakatuntong
sa beach. Hindi ako nakalangoy. Kaya ngayon, kasama na yan sa plano,
dagdag niya.
Hinggil sa kanyang personal na buhay, umaasa pa rin ang 55-anyos na
binata na matatagpuan na rin niya ang kanyang lady love na ihahatid niya
sa dambana matapos ang anim na taon niyang pananatili sa Palasyo.
Ive always had plans. Siguro when I have more time, now that Im able to
go to St. Jude a lot more often, it might help, Aquino said. When were
alive, everybody should have hope.
Balak din niyang dumistansiya sa pulitika matapos siyang bumaba sa
puwesto.

You might also like