You are on page 1of 1

WIKA

Sa kasalukuyan, ang Pilipino ay nasa panahon na kung saan nakakaranas tayo ng mga pabagobago sa larangan ng paggamit natin ng
mga na-uusong lingwahe gamit ang teknolohiya, kagaya ng social media on internet. Aminin man natin o hindi sa isang paaralan lalo
na sa sekondarya, hindi ka in kung wala kang facebook account, twitter o e-mail address. Ang paggamit ng Pilipino bilang wikang
pambansa ay mahigpit na ipinatupad sa buong bansa. Ngunit dahil sa walang humpay na pag-unlad ng pakikisalamuha sa kapwa at
pakikipag-ugnayan, hindi lamang sa kapuwa Pilipino kundi gayundin sa ibat ibang lahi, ang impluwensya ng ibat ibang wika sa buong
sangkatauhan ay hindi maitatanggi. Ang paggamit ng wika ay hindi dapat limitahin o pigilan sa pag-usbong. Kailangan itong
payabungin at papagyamanin upang makaagapay na mapabilis ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan. Mayaman ang ating
wika at patuloy ang paraan ng pagpapadalisay at pagpapayaman dito. Hindi ito mapipigil sapagkat patuloy rin ang pagbabago at pagunlad ng buhay. Dapat tayong maging handa at laging bukas ang kaisipan sa anumang pagbabagong nagaganap at maaaring
maganap pa! Bilang tugon sa pagbabagong nagaganap sa ating wika ngayong kasalukuyang panahon,

You might also like