You are on page 1of 1

Mendoza, Jasiel Joy D.

10 Herschel
Kasama Siya
Oh kay gandang maglakbay ng kasama siya.
Maglakad sa gitna ng gabi, ng kaming dalawa,
Sa puso ng Pransiya, Paris ngang naturingan,
Kasabay ng pag-sinag ng buwan,
Na sa aming nadarama, ito ay nagbigay kinang.

Oh kay gandang maglakbay ng kasama siya.


Nang sumigaw ang aming puso ng iisa,
Sabay buhos dito ng alak,ng boses ay malusta.
Ito man ay mapait,
Matamis na kalinaw, sa aming lalamunan ay pumihit.

Oh kay gandang maglakbay ng kasama siya.


Ngunit mas maganda kung sa habang buhay ay kaantabay siya
At kailanman ay hindi niya ako malilimutan,
Dahil ang mga paru-paro sa kanyang tiyan,
ako ang naging dahilan.

Oh kay gandang mabuhay ng kasama siya,


Ngunit ang puso niya ay nakalaan sa iba.
May tinatangi siyang iba at doon nagtapos.
Silakbo ko'y gunita na lamang ng pusong nagapos.
Paalam, Aking Mahal...

Au revir, Mon Amor...

You might also like