You are on page 1of 3

Nang dahil sa dota:

pumayat ako.
napabayaan ko ang sarili ko. Halos di na ako kumain, makapagdota lang. Gastos pa
kasi yun, yung ikakain mu, ipandota mo nalang.
nagka eyebag
masasamang epekto ng DotA sa buhay ng isang batang estudyanteng katulad ko.
kasamang epekto ng pagpayat dahil sa pagpupuyat. Napupuyat ako kakalaro. Halos
gabi na lagi ako umuuwi paggaling ko sa pc shop. Di pa makatulog ng maayos,
kakaisip ng mga hero tactics.
naging anemic at insomniac ako, plus ulcer pa.
ayun nga siguro, dahil sa pagpapagutom. Masama din epekto nung lagi kang babad
sa monitor, sobrang exposure sa aircon. Grabeng sakit pag magkaulcer ka. Daig pa
epicenter.
lumabo mata ko
di na ako naawa sa mata ko. Laging pagod kakatitig sa monitor. Mahirap pag
lumalabo ang mata, disadvantage, talaga lalo na kung bata ka pa.
nawalan ako ng GF
ewan ko ba kung bakit laging pinagseselosan ng mga babae ang dota. Hiniwalayan
nya ako dahil wala na daw ako time para sa kanya, dahil payat at eyebagin na ako.
At hanggang ngayon, wala pa ring GF dahil sa paglalaro pa rin. Pag nagdodota ka
kasi, hindi mo mararamdaman o hahanapin yung feeling na may babaeng
lumalambing at nagmamahal, ang nasa isip mo lang, masarap pumatay,
magtrashtalk, at maging GodLike.
Nasira ang pag aaral ko.
Ako dapat ang Valedictorian namin. Kaya ko yun. Pero napabayaan ko ang pag aaral
ko dahil dito. Nawala ang pokus ko pagrerebyu. Ang nasa isip ko lang lagi ay
magisip ng hero builds at play. Nakakalimutan ko gumawa ng assignments at
projects. Pati ngayong college, bumababa ang grades ko. Araw araw na sa shop.
Wag sanang umabot sa point na bumagsak, madrop at maistop ako sa pagaaral ng
dahil dito.

Natuto akong magnakaw


Para makalaro lang. Nagawa kong iwithdraw at pabayaan ang ipon ko sa bangko.
Pangsustento sa adiksyon ko kung bakasyon. Natutunan ko ring sumungkit sa
alkansya ng kapatid ko, kupitan ang sukli ng mga binabayad sa school na galing sa
parents ko. Pero matagal ko na itong pinagsisihan, ikinumpisal, at ihinihngi ng
kapatawaran. Sa ngayon. Di na yan naulit, ni minsan.
Natuto akong umutang
Nangutang na ako sa may ari ng shop. Pwede naman. Nangutang sa classmate, sa
kapatid, at kung sino sino pa. May maipanglaro lang. Yung iba nabayaran ko, pero
madami ring bumaon na lang sa limot.
Natuto akong mamakla
hahah. Di noh. Ung iba jan siguro oo. Ginamit ko noon ang appeal ko para
makadiscount sa baklang bantay ng comp. shop. Pero di nya ako nahawakan. Kindat
lang at malalambing na salita. Ang 6 hours mo, naging 1&&1/2 hours na lang.Ayoss
kahit pweh!.
Natuto akong magsugal
Marunong na akong magsugal bago pa man ako matutong magdota. Pero yun yung
bumabase ka lang sa luck mo 100%. Ng dahil sa lage ako malas pag ganyan,
tinigilan, pero hindi ng makilala ko si dota. Syempre may mga pustahan, bayad pc,
tournaments. Pera mo ang nakataya. Para san pa nga namang nagpapakaaddict ka,
gumastos ng madame para gumaling tapos di mo rin pagkakakitaan?
Natutong magcutting at umabsent
High school pa lang. Hanggang ng magcollege ako. Nagcucutting pag may
pustahan. Ok lang maabsent maglalaro naman eh. Madami naman kayong
magkakakasama eh.
pinapagalitan sa bahay
di lang dahil sa mabababang grades, dahil din sa hatinggabe at madaling araw na
pag uwe. Di na nakakatulong sa gawaing bahay. Kaya yon. Lageng paktay sa tatay
at nanay.
Muntik na akong mamatay

Kami pala. Madami kaming natrap nung bagong taon sa shop ni Dumay ng biglang
pumasok ang nagaamok na si ka Tony may dalang divineRapier este itak. Lasing,
hinahanap ang anak. Sa awa ng Dyos, buhay pa rin ako. Sobrang takot ko. Kala ko
ma hoholy shit si ka Tony sa lakas nyang magcleave gamit yung itak.
Naubos ang pera ko.
Yung laman ng bank account ko, yung ipon ko. Yung baon ko. Lahat humahati sa
budget ng panDotA. Pati pang regalo/date sa babae. Pocket money sa mga galaan.
Pang load, lahat yun nabalewala ng dahil sa rent sa cafe.
Natuto akong magmura/trashtalk
di naman normal sa akin yun. At di ko rin gustong makarinig nun. Sakit talaga sa
tenga. Pero mga tagaGG eh. Sagana sila. Pati mga kashop mo. Mga expressions
lang. Nahawa na. Kaya para sa akin, normal na lang yun.

You might also like