You are on page 1of 1

300 Movie Review

Ang 300 ay isang napakagandang panoorin lalo na sa aming grade 8. Dahil navivisualize
naming yung mga pinagaaralan naming sa AP. Kung paano sila nanalo at natalo sa
labanan at mga taktikang ginamit ng Persia. May mga positibo at negatibong element sa
pelikula. Sa positibo, maganda ang naging storya nito dahil naipakita ang paglaki ni
Leonidas, kung paano sinasanay ang mga Spartans habang bata pa, at ang art of war. Sa
negatibo naman, napuno ng dugo ang buong pelikula. Isang dahilan kung bakit ito di
pinapanood sa mga bata ay dahil dito.
Napakagaling ng naging direktor ng 300. Kahit ang ibang mga scenes ay walang lohikal
na ekplanasyon, tulad na lamang ng pagbuhat kay Xerxes. Na binuhat si Xerxes simula
Persia hanggang Greece sakay ng isang trono na mas malaki pa sa hagdan ng templo sa
Forbidden City. At si Xerxes ay may taas na 8 at kalahating talampakan, na di
makatotohanan. Ngunit noon ay sadyang malalaki ang mga tao noon. Di mo rin
maipaliwanag kung paano nila napapaakaain ang napakadaming bataliyon ng mga
sundalo.
Sa unang tingin, ang katawan ng Spartans ay napaka muscular. Ngunit ito ay walang
katotohanan. Ito ay tinatawag na CGI (Computer Generated Imagery). Isang uri ng
makabagong teknolohiyang pangpelikula na ginagamit ang imahe ng isang tao upang
makabuo ng isang kopya nito. Lahat ng nakikita sa pelikula na di makatotohanan ay
ginagamitan ng CGI.
Sa pangkalahatan, ang pelikulang ito ay napakaganda. Maganda ang mga grapikong
ginamit, nakita ang kanilang mga tradisyon sa pelikula, at nakita sa peikula na hindi lang
lakas ang ginagamit sa pakikipaglaban, laging kasama ang utak.

You might also like