You are on page 1of 11

Unang Digmaang Pandaigdig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang


ensiklopedya

Puwersang Sentral
Alemanya Imperyong Aleman

Disambig colour.svg Nakakarga ang "Digmaang


Pandaigdig" dito. Para sa sumunod na digmaan,
tingnan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Austria Austriya-Unggarya

Unang Digmaang Pandaigdig

Bulgaria Bulgarya (19151918)

Imperyong Otomano Imperyong Otomano

WWImontage.jpg
Pakanan mula itaas: isang lugar sa Larangang
Kanluran; mga tangkeng Mark V ng Imperyong
Briton; barkong pandigmang HMS Irresistible na
lumulubog matapos makabangga ng mina sa
Labanan ng Dardanelles; mga tripulante ng isang
masinggang Vickers suot ang kani-kanilang
maskarang pang-gas, at mga eroplanong Albatros
D.III ng Imperyong Aleman

Komandante

Petsa 28 Hulyo 1914 11 Nobyembre 1918

Rusya Alejandro Kerensky

Kasunduang pangkapayapaan[ipakita]

Estados Unidos Woodrow Wilson

Pook Europa, Aprika, Gitnang Silangan, Kapuluang


Pasipiko, Tsina at sa mga katubigang malapit sa
Hilaga at Timog Amerika

Italya Victor Emmanuel III

Kinalabasan

Pagwawagi ng Alyadong Puwersa

Pagwawakas ng mga imperyong Aleman, AustroUnggaryo, Otomano at Ruso

Alyadong Puwersa
Pransiya Reymundo Poincare
United Kingdom Jorge V
Russian Empire Nicolas II

Imperyo ng Hapon Taish


Belgium Alberto I
Serbiya Pedro I
Kaharian ng Montenegro Nicolas I

Pagtatatag ng mga bagong bansa sa Europa at


Gitnang Silangan,

Kaharian ng Rumanya Fernando I

Paglilipat ng mga kolonya ng Imperyong Aleman at


mga rehiyon ng Imperyong Otomano sa mga
nagwaging bansa

Kaharian ng Gresya Eleftherios Venizelos

Portugal Bernardino Machado

Pagtatatag ng Liga ng mga Nasyon

Puwersang Sentral

(at marami pang iba...)

Alemanya Guillermo II

Naglalabanan

Austria Francis Jose I (191416)

Alyadong Puwersa

Austria Carlos I (191618)

Pransiya Pransiya

Imperyong Otomano Mehmed V

United Kingdom Imperyong Briton

Bulgaria Fernando I

Russian Empire Imperyong Ruso (191417)


Estados Unidos Estados Unidos

Biktima

(191718)

sa panig ng mga sundalo...

Italya Italya (191518)

Napatay:

Imperyo ng Hapon Imperyo ng Hapon

Mahigit 5 milyon

Belgium Belhika

Nasugatan:

Serbiya Serbiya

Mahigit 12 milyon

Kaharian ng Montenegro Montenegro

Nawawala:

Kaharian ng Rumanya Rumanya (191618)

Mahigit 4 na milyon

Portugal Portugal (191618)

Kabuuan:

Kaharian ng Gresya Gresya (191718)

Mahigit 22 milyon

...mga karagdagang detalye.


sundalo...

sa panig ng mga

Napatay:
Mahigit 4 na milyon
Nasugatan:
Mahigit 8 milyon
Nawawala:
Mahigit 3 milyon
Kabuuan:
Mahigit sa 16 milyon
...mga karagdagang detalye.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig (Ingles: World War
I o pinaikling WWI) ay isang pandaigdigang
digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na
kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa
mundo na noon ay napapangkat sa dalawang
magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa
(batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong
Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang
Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng
Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya).
Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang
digmaan sa kasaysayan.[1][2]

Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng


isang makabayang Serbiyo na nagngangalang
Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing
na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan.
Nagsimula ito noong ika-27 ng Hulyo 1914 nang
magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya
laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa
dalawang magkalabang alyansang nabanggit,
kasma na maging ang kani-kanilang kolonya, na
makibka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang
linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa
buong mundo.[3][4][5]

Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay


kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang
Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong
Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang
Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong
Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang
mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pagabante ng sandatahang Aleman patungong Paris ay
nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga
sagupaan doon na siya naman nagdulot upang
halos hindi na umusad ang magkabilang panig.
Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin
sa digmaan ang Imperyong Otomano, Italya,
Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba pa samantalang
bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang
Himagsikang Ruso noong 1917 na nagbigay daan
upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at
maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga

Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok


ang Estados Unidos sa digmaan. Sumuko ang
Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang
11 Nobyembre 1918 matapos ang isang
matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong
Puwersa.[6][7]

Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang


itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong
Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso.
Itinatag noon ang Liga ng mga Nasyon upang
pigilan ang anumang tunggaliang maaaring
maganap sa mundo. Ang mga kasunduang
itinadhana ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot
ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang
Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa
ang ilan sa mga dahilan upang muling sumiklab ang
isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang
1939.[8][9]

Mga nilalaman [itago]


1

Panuysuyan

Mga sanhi

Kronolohiya

3.1

1914: Mga unang sagupaan

3.2

1915: Ikalawang taon ng digmaan

3.3

1916: Mga pangyayari

3.4

1917: Ang pagpapatuloy ng digmaan

3.5
1918: Mga hulng opensiba at wakas ng
digmaan
4

Mga kinahinatnan

4.1

Pagbabago sa mga teritoryo

4.2

Mga pinsala at iba pang idinulot

4.3

Pag-unlad sa teknolohiya ng pakikidigma

4.4

Mga paggunita blang pag-alaala

Silipin din

5.1

Media

Mga talababa

Mga sanggunian

Mga panlabas na kawing

8.1

Mga pinasiglang mapa

Panuysuyan[baguhin | baguhin ang batayan]


Tinatawag noong "Dakilang Digmaan" (Ingles: Great
War) at "Digmaang Pandaigdig" (Ingles: World War)
ang digmaan bago sumiklab ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang digmaan ay kilal rin sa
mga katawagang "Ang Pandaigdigang Digmaan"
(The World War), "Ang Digmaan upang Wakasan ang

lahat ng mga Digmaan" (The War to End All Wars),


"Ang Digmaang Kaiser" (The Kaiser War), "Ang
Digmaan ng mga Nasyon" (The War of the Nations)
at "Ang Digmaan sa Europa" (The War in Europe).
Tinatawag naman itong La Guerre du Droit ("Ang
Digmaan para sa Katarungan") o La Guerre Pour la
Civilisation/de Oorlog tot de Beschaving ("Ang
Digmaan para Mapanatili ang Sibilisasyon") sa mga
medalya't bantayog sa Belhika't Pransiya.

Ang katawagang "Unang Pandaigdigang Digmaan"


ay unang ginamit nina Ernst Haeckel, isang
pilosopong Aleman, noong Setyembre, 1914 at ni
Carlos A. Repington, isang mamamahayag, noong
10 Setyembre 1918 sa kanilang isinulat na mga
talaarawan.[10]

Sa ngayon, ang pangalan ng digmaan na ginagamit


sa Nagkakaisang Kaharian at Kanada ay "Unang
Pandaigdigang Digmaan" (First World War)
samantalang "Unang Digmaang Pandaigdig" (World
War I) naman sa Estados Unidos.

Mga sanhi[baguhin | baguhin ang batayan]

mga alyansang Europeo


Noong 1870 ay sumiklab ang isang digmaan ng
Pransiya at ng mga estadong Aleman sa
pangunguna ng Prusya. Sa digmaang ito'y nasakop
ng mga Aleman ang malaking bahagi ng Pransiya
hanggang sa tuluyang mapipilan ang mga Pranses.
Nagbunsod ito sa pag-iisa-isa ng dating maliliit at
magkakahiwalay na mga estadong Aleman na
kalaunan ay tinawag blang Imperyong Aleman.
Napasakamay ng bagong imperyo ang Alsasya at
Lorena - mga teritoryong Pranses, samantalang buo
naman ang pasya ng Pransiya na mabawi ang mga
nasabing teritoryo. Mula noo'y lumakas at umunlad
ng gayon na lmang ang industriya't ekonomiya ng
bagong tatag na imperyo.[11][12]

Makalipas ang dalawang taon ay isang alyansang


tinatawag na Liga ng Tatlong Emperador ang
pinasinayahan ng mga imperyong Aleman, AustroUnggaryo at Ruso subalit hindi nagtagal nang may
namuong alitan sa dawalang hulng nabanggit
hinggil sa mga usapin sa Rehiyong Balkanika. Dahil
dito, noong 1879, ay bumuo ng sariling alyansa ang
Imperyong Aleman at Austro-Unggaryo na
tinaguriang Dalawahang Alyansa. Kalaunan nama'y
sumali ang Italya sa nasabing alyansa. Magmula
noong 1882, ang samahan ng mga imperyong
Aleman, Austro-Unggaryo at Kaharian ng Italya ay
kinilala bilang Tatluhang Alyansa. Sa kabilang
banda, nang mabuwag ang Liga ng Tatlong
Emperador, ay nakipag-alyansa ang Pransiya sa
Imperyong Ruso noong 1894 at nang mga sumunod

na taon ay makailang ulit na lumagda ng kasunduan


sa Imperyong Briton. Noon namang 1907 ay
nilagdaan ng mga imperyong Briton at Ruso ang
Kasunduang Angglo-Ruso. Ang mga pangyayaring
ito'y nagbunsod sa pagtatatag ng Tatluhang
Kasunduan ng mga imperyong Briton, Ruso at
Republikang Pranses. Noon din ay nagsimulang
magparami at magpalakas ng sandatahang lakas
ang bawat bansang nabanggit pangunahin na ng
Imperyong Briton at Aleman.[13][14][15]

ang Europa bago ang digmaan


Noon namang 1908 ay sinakop ng AustriyaUnggarya ang Bosniya at Hersegobina samantalang
nagpahayag ng kasarinlan ang Bulgarya mula sa
Imperyong Otomano. Ikinagalit ng Serbiya at ng
Imperyong Ruso ang naunang pangyayari sapagkat
ang nasabing lugar ay tahahan ng mga
mamamayang Eslabo na kanilang mga kalahi.
Pagsapit naman ng 1912 ay sinalakay ng Ligang
Balkanika na kinabibilangan ng Bulgarya, Gresya,
Montenegro at Serbiya ang Imperyong Otomano na
dating nakasasakop sa kanila. Naging matagumpay
ang nasabing liga at malaking bahagi ng teritoryo
ng Imperyong Otomano sa Rehiyong Balkanika ang
kanilang napasakamay subalit may namuong alitan
sa pagitan ng Bulgarya't Serbiya hinggil sa
isinagawang paghahati-hati ng liga sa Masedonya
samantalang kinilala naman ang pagtatatag ng
Albanya. Nang sumunod na taon ay sinalakay ng
Bulgarya ang Gresya't Serbiya subalit napipilan
samantalang sinamantala ito ng Imperyong
Otomano at Rumanya upang makakuha ng ilang
teritoryo sa Bulgarya.[11][16][17]

Noong 28 Hunyo 1914 ay binaril ni Gavrilo Princip,


isang makabayang Serbiyo, si Archduke Franz
Ferdinand, tagapagmana ng trono ng AustriyaUnggarya at ang asawa nitong si Sophia sa
Sarahebo, kabisera ng Bosniya at Hersegobina.
Naghain ng banta ang Austriya-Unggarya laban sa
Serbiya ukol sa nasabing pagpatay nang mapagalamang si Princip ay kasapi ng Black Hand, isang
kilusang Serbiyo-Bosnyo na naglalayon ng kalayaan
ng mga mamamayang Eslabo na nasasakop ng
imperyo. Nagpahayag ng pakikidigma ang AustriyaUnggarya laban sa Serbiya noong 28 Hulyo 1914,
nang hindi makontento ang nauna sa isinagawang
pagtugon ng hul sa naturang banta. Kinabukasan
ay iniutos ni Tsar Nikolas II ang bahagyang
paghahanda ng sandatahang Ruso. Sinagot ito ng
pakikidigma ng Imperyong Aleman laban sa
Imperyong Ruso noong 1 Agosto at noong 3 Agosto
laban sa Pransiya. Nagpahayag din ng pakikidigma
ang Imperyong Briton laban sa Imperyong Aleman
noong 4 Agosto nang sakupin ng huli ang Belhika
(na umapela naman ng tulong mula sa Imperyong
Briton) upang dumaan sa nasabing bansa
patungong Pransiya.[18][19][20]

Kronolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

mga bansang sangkot sa digmaan:


lunti - Alyadong Puwersa, at dilaw - Puwersang
Sentral
Nagsimula ang digmaan noong 28 Hulyo 1914 nang
magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya
laban sa Serbiya. Nang mga sumunod na araw ay
nagpahayag na rin ng pakikidigma laban sa isa't isa
ang iba pang mga bansa sa Europa.[5]

Ang digmaan ay nagwakas sa kanlurang Europa


noong 11 Nobyembre 1918 nang maipatupad ang
isang tigil-putkan samantalang nagpatuloy ito sa
iba't iba pang dako ng daigdig hanggang sa untiunti ring nagwakas. Nilagdaan noong 28 Hunyo
1919 ang Tratado ng Versalles, isang kasunduang
pangkapayapaan, na siyang ganap na nagbigaykatapusan sa digmaan.[21]

1914: Mga unang sagupaan[baguhin | baguhin ang


batayan]
Noon pa man ay nangako na ng tulong ang
Imperyong Aleman sa Austriya-Unggarya hinggil sa
pagsakop nitong huli sa Serbiya. Sang-ayon sa
tulong na nabanggit, inakala ng mga pinnong
Austro-Unggaryo na ipagtatanggol ng mga Aleman
ang kanilang imperyo laban sa mga Ruso
samantalang sinasalakay nila ang Serbiya. Sa
kabilng banda naman, inasahan ng Imperyong
Aleman na ibubuhos ng Austriya-Unggarya ang
malaking bahagi ng lakas nito laban sa Imperyong
Ruso samantalang sinasalakay niya ang Pransiya.
Bunga ng mga hindi pagkakaunawaan, napilitan ang
Austriya-Unggarya na hatiing mabuti ang
sandatahan nito laban sa mga Ruso at Serbiyo.[22]

mga unang sagupaan sa kanlurang Europa


Sa kanlurang Europa'y sinalakay ng sandatahang
Aleman, sang-ayon sa Planong Schlieffen, ang
Pransiya mula Belhika sa layuning masakop ang
Paris at mapalibutan ang malaking kabuuan ng
sandatahang Pranses. Kanilang napanalunan ang
Labanan ng mga Hangganan mula 1424 Agosto
ngunit napipilan sa Unang Labanan ng Marn, noong
512 Setyembre, ng pinagsamang sandatahang
Briton-Pranses. Bunga nito'y napilitang umatras ng
may 64 kilometro (40 milya) pahilaga ang
sandatahang Aleman papuntang Ilog Aisne.
Ipinagpatuloy naman ng magkalabang panig ang
kani-kanilang mga pagsalakay mula Champagne
papuntang dalampasigan ng timog Belhika na
kinikilala sa kasaysayan blang Habulan patungong

Dagat. Matapos nito'y kapwa naghukay ang


magkalabang panig ng mga bambang na
bumabagtas mula sa dalampasigang nabanggit
patungong hangganan ng Pransiya at Suwisa. Sa
ganoong pangyayari'y nagsimula ang
pakikidigmang pambambang sa kanlurang Europa
na naging dahilan upang halos hindi na umusad ang
magkabilng panig sa mga susunod pang taon ng
digmaan.[4]

Sa silangang Europa'y nagawa ng sandatahang


Aleman na pigilan ang anumang tangkang
pananakop ng sandatahang Ruso nang talunin nila
ang mga ito sa mga Labanan ng Tanenbergo at mga
Lawa ng Masuryo na naganap mula 17 Agosto
hanggang 2 Setyembre. Sa kabilng band ay bigo
naman ang sandatahang Austro-Unggaryo na
mapigilan ang pag-usad ng sandatahang Ruso
papasok ng Galisya.[23][24]

isang pagsalakay ng mga sundalong Pranses


Sa Rehiyong Balkanika ay sinalakay ng AustriyaUnggarya ang Serbiya subalit napipilan nang
maipanalo ng huli ang Labanan ng Ser noong 12
Agosto. Makalipas ang dalawa pang linggo, naitaboy
pabalik ang sandatahang Austro-Unggaryo na
nakapagtamo ng matitinding pagkatalo. Muling
sumalakay ang Austriya-Unggarya subalit muli ring
napipilan sa Labanan ng Kolubara noong 16
Nobyembre hanggang 15 Disyembre, at ang
Belgrade, kabisera ng Serbiya, na noo'y nasakop na
ng Austriya-Unggarya, ay muling nabawi ng
sandatahang Serbiyo.[25]

Lingid naman sa kaalaman ng Alyadong Puwersa,


nagkaroon ng lihim na kasunduan sa isa't isa ang
Imperyong Aleman at Otomano noong Agosto, 1914.
Hindi nagtagal ay lumahok na ang huli sa digmaan.
Pagsapit ng Disyembre'y sinalakay ng may Otomano
ang Bulubunduking Kawkasus na hawak ng mga
Ruso subalit nabigo sa Labanan ng Sarikamish.[26]
[27][28]

Sa katubigang malapit sa Tsile, Timog Amerika ay


nagsagupa ang plotang Aleman at Briton sa
Labanan ng Koronel noong 1 Nobyembre. Nagawang
manalo ng mga Aleman sa nasabing labanan ngunit
pagsapit ng 8 Disyembre ay halos nawasak naman
ang kanilang plota nang muling makasagupa ang
mga Briton sa Labanan ng mga Pulo ng Malvinas.
Sinimulan naman ng plotang Briton ang
pagsasagawa ng blokeo o panggigipit sa Dagat
Hilaga at Lagusang Ingles upang putulin ang
pagpasok ng suplay ng pagkain at munisyon sa
Imperyong Aleman. Kapagkadaka'y nagdulot ito ng
matinding taggutom sa mga mamamayang Aleman
nang sumunod na dalawang taon.[29][30]

ang paglubog ng RMS Lusitania

mga artilyerong Briton sa Kamerun, Aprika


Sa Aprika'y sinalakay ng pinagsamang sandatahang
Briton-Pranses ang Togolandiya, isang protektorado
ng Imperyong Aleman, noong 7 Agosto. Tatlong
araw makalipas, sumalakay naman ang mga Aleman
sa Timog Aprika. Sa Alemang Silangang Aprika'y
pinangunahan ni Koronel Pablo Emil von LettowVorbeck ang pakikidigmang panggerilyo laban sa
Alyadong Puwersa hanggang sa siya'y sumuko
dalawang linggo matapos maipatupad ang tigilputukan sa Europa.[31]

Sa kabilang panig ng mundo, sinalakay ng Bagong


Selanda ang Alemang Samoa noong 30 Agosto.
Nang sumunod na buwan ay sinalakay ng Australya
ang Alemang Bagong Ginea noong 11 Setyembre.
Sinakop naman ng Imperyo ng Hapon ang
Kapuluang Mikronesya na isa ring kolonya ng
Imperyong Aleman. Sinalakay din ng Imperyong
Briton at Hapon ang Tsingtao, isa ring teritoryong
Aleman sa Tsina mula 31 Oktubre hanggang 7
Nobyembre. Hindi nagtagal ay nasakop nang lahat
ng Alyadong Puwersa ang mga teritoryong Aleman
sa Asya't Pasipiko liban na lamang sa iilang lugar sa
Bagong Ginea.[32][33]

Sa pagtatapos ng 1914 ay tatlong pangunahing


larangan (o front sa Ingles) ng digmaan ang
nagbukas sa Europa: ito ay ang Larangang Kanluran
na matatagpuan sa timog Belhika at hilagang
Pransiya; Larangang Silangan sa silangang
Alemanya, hilagang-silangang Austriya-Unggarya at
kanlurang Rusya; at Larangang Serbiyo sa hilagang
Serbiya.[34]

1915: Ikalawang taon ng digmaan[baguhin |


baguhin ang batayan]
Noong 31 Enero 1915, sa kauna-unahang
pagkakataon ay gumamit ng nakalalasong gas, na
nagtataglay ng kloro, ang sandatahang Aleman
(bilang paglabag sa Mga Kumbensiyong Haya nang
1899 at 1907) laban sa mga Ruso sa Labanan ng
Bolimow sa Polonya. Muli itong ginamit ng mga
Aleman sa Ikalawang Labanan ng Ypres pagsapit
nang 22 Abril nang taon ding iyon. Ang epekto ng
nakalalasong gas ay nakalulunos sapagkat
nagdudulot ito ng masakit at mabagal na
pagkamatay. Bilang unang pangontra, ang mga
sundalo'y nagtatakip ng bulak o panyong binasa sa
ihi o sa soda sa kani-kanilang mukha. Hindi nagtagal
ay nilinang na ang paggamit ng higit na epektibong
maskarang pang-gas.[35]

Samantala, noong 7 Mayo ay mahigit 1,000 katao


ang nasawi nang palubugin ng isang submarinong
Aleman (sa pamamagitan ng pagpapatama ng
torpido) ang RMS Lusitania, isang pampasaherong
barko ng Nagkakaisang Kaharian, sa katubigang
malapit sa Irlanda. Nagprotesta ang Estados Unidos
laban sa Imperyong Aleman sapagkat 128 sa mga
pasaherong nasawi ay mga Amerikano. Bilang
tugon, nangako naman ang imperyo na hindi na
muling magsasagawa ng anumang pag-atake ang
kaniyang mga submarino laban sa mga neutral at
pampasaherong barko.[36]

Naglunsad naman ng sunod-sunod na opensiba ang


sandatahang Aleman at Austro-Unggaryo noong
tagsibol at tag-init nang taong iyon papasok ng
Rusya hanggang sa tuluyan nang maitaboy palabas
ng Polonya at Galisya ang sandatahang Ruso
kasabay ng pagbagsak ng kabisera nitong nauna,
ang Barsobya, noong 5 Agosto.[23]

Muling sumalakay ang Austriya-Unggarya, kasama


ang Imperyong Aleman, sa Serbiya noong 7
Oktubre. Walong araw makalipas ay nagpahayag ng
pakikidigma ang Bulgarya sa panig ng Puwersang
Sentral at sinalakay man din ang Serbiya. Walang
nagawa ang sandatahang Serbiyo sa sunod-sunod
na pagsalakay ng Puwersang Sentral kaya't ipinagutos ni Mariskal Radomir Putnik ang pag-atras ng
sandatahan patungong Albanya at Montenegro.[37]

isang pagsalakay ng mga Australyano sa Labanan


ng Gallipoli
Ang Italya na noon pa ma'y kasapi na ng Tatluhang
Alyansa ay tumangging makipaglaban nang
magsimula ang digmaan subalit nang mapangakuan
ng Alyadong Puwersa ng ilang teritoryo sa AustriyaUnggarya, nagpahayag ito ng pakikidigma laban sa
huli noong 23 Mayo at sa Imperyong Aleman nang
sumunod na taon. Nagbigay-daan ito upang tuluyan
ng magwakas ang Tatluhang Alyansa at magbukas
ang Larangang Italyano. Nang sumunod na buwan
ay naglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang
sandatahang Italyano sa kahabaan ng Ilog Isonso sa
kanlurang Eslobenya patungong hilagang-silangang
Italya.[34][38]

Naglunsad ng kampanya ang pinagsama-samang


sandatahan ng Nagkakaisang Kaharian, Pransiya,
Australya, Bagong Selanda, Kanada at Indiya laban
sa Imperyong Otomano noong 25 Abril sa Tangway
ng Galipoli sa layuning masakop ang Konstantinopla
(Istanbul ngayon) at makakuha ng daanang
pandagat patungong Imperyong Ruso subalit
nabigo. Sa kabilang banda, matagumpay namang

naitaboy ng sandatahang Ruso sa pangunguna ni


Heneral Nikolai Yudenich ang sandatahang Otomano
palabas ng timog Kawkasus.[27][39]

1916: Mga pangyayari[baguhin | baguhin ang


batayan]

ang pag-atras ng sandatahang Serbiyo patungong


Albanya
Nagpatuloy ang pag-atras ng sandatahang Serbiyo
patungong Albanya habang pansamantala namang
napipilan ang patuloy ding pagsalakay ng
Puwersang Sentral nang talunin sila ng sandatahang
Montenegrino sa Labanan ng Mojkovac noong 67
Enero 1916. Nang makarating naman ang
sandatahang Serbiyo sa dalampasigan ng Dagat
Adriyatiko sa Albanya ay kaagad silang dinala ng
mga barko ng Alyadong Puwersa patungong Gresya
pangunahin na sa Korpu. Sa kabilang banda, tuluyan
nang nasakop ng Puwersang Sentral ang buong
Serbiya at gayundin naman ang Montenegro na
sumuko noong 15 Enero.[37]

Matapos ang krisis pampolitika sa Gresya,


napapayag din ang mga Griyegong matapat kay
Punong Ministro Venizelos (na maka-Alyadong
Puwersa), laban kay Haring Konstantino I ng Gresya
(na maka-Puwersang Sentral naman), na
makipagtulungan sa Alyadong Puwersa. Lumunsad
sa Salonika, Gresya ang Alyadong Puwersa na
binubuo ng mga Briton at kolonya, Pranses at
kolonya, Italyano at Ruso. Matapos namang
mapagkapahinga't makapagsaayos ay muling
sumabak ang sandatahang Serbiyo sa digmaan at
kalauna'y lumunsad din sa Salonika. Nagbigay-daan
ito upang magbukas ang Larangang Masedonyo na
matatagpuan mula sa kahabaan ng timog Albanya,
Masedonya at hilagang Gresya. Nang sumunod na
taon ay opisyal na nagpahayag ng pakikidigma ang
Gresya laban sa Puwersang Sentral. Mula noon, sa
kabila ng mga opensibang isinagawa ng
magkalabang panig, ang Larangang Masendonyo ay
hindi na halos umusad hanggang Setyembre, 1918.
[40]

isang barkong pandigma ng Imperyong Aleman na


nagpapakawala ng torpedo sa Labanan ng
Hutlandiya
Mula naman 21 Pebrero hanggang 18 Disyembre ay
naglunsad ang mga Aleman sa pangunguna ni
Heneral Eric von Falkenhayn ng isang malawakang
opensiba laban sa mga Pranses na nakatalaga sa
Verdun, hilagang-silangang Pransiya subalit nabigo.
Ang naturang labanan ang siyang pinakamahaba sa
kasaysayan ng digmaan at kulang-kulang sa
600,000 sundalo ang nasawi rito.[41]

Sa katubigan ng Dagat Hilaga na malapit sa


Hutlandiya, Dinamarka ay nagsagupa ang kapwa
naglalakihang plota ng Imperyong Briton (sa
pangunguna ni Almirante Sir Juan Jellicoe) at Aleman
(sa pangunguna naman ni Bise Almirante Reinhard
Scheer) mula 31 Mayo hanggang 1 Hunyo. Bagaman
nagawa ng plotang Aleman na makapagdulot ng
higit na pinsala sa mga Briton, napanatili naman ng
huli ang dominansiya sa Dagat Hilaga hanggang sa
matapos ang digmaan.[42]

Samantala, upang maibsan ang lumalalang


sagupaan sa Verdun, kapwa naglunsad ng
matatagumpay na opensiba ang Imperyong Briton
at Ruso laban sa Puwersang Sentral. Ang mga Ruso
sa pangunguna ni Heneral Aleksei Brusilov ay
umatake sa sandatahang Austro-Unggaryo sa
Galisya noong 4 Hunyo samantalang ang mga Briton
naman sa pangunguna ni Mariskal Douglas Haig ay
sumugod sa kahabaan ng Ilog Som sa kanlurang
Pransiya noong 4 Hulyo. Naging madugo ang
dalawang opensibang nabanggit; ang Opensibang
Brusilov ay isa sa pinakamapinsalang labanan sa
kasaysayan samantalang mahigit sa 19,000 Briton
ang nasawi sa unang araw pa lamang ng Labanan
ng Som.[23][24][43]

mga sundalong Rumanyo


Sa kasagsagan naman ng dalawang opensibang
nabanggit, nagpahayag ang Rumanya ng
pakikidigma laban sa Puwersang Sentral noong 27
Agosto at sinalakay ang silangang AustriyaUnggarya upang mapasakamay ang Transilbanya.
Matagumpay namang nasakop ang malaking bahagi
ng teritoryong nabanggit subalit pagsapit nang 18
Setyembre ay naglunsad ng kontra-opensiba ang
pinagsama-samang sandatahang Aleman, AustroUnggaryo at Bulgaryo laban sa mga Rumanyo.
Nagpadala ng kaukulang tulong ang mga Ruso
subalit nagpatuloy ang pag-abante ng Puwersang
Sentral hanggang sa ang Bukarest, kabisera ng
Rumanya, ay tuluyan nang nasakop noong 6
Disyembre. Umatras ang sandatahang RumanyoRuso sa Moldabya upang duon magpalakas at upang
pigilan man din ang anumang pananakop na
maaaring isagawa ng Puwersang Sentral sa timogkanlurang Rusya.[44][45]

isang sagupaan ng mga sundalong Italyano at


Austro-Unggaryo sa Isonso, Eslobenya
Sa Larangang Italyano, naglunsad ng kontraopensiba ang Austriya-Unggarya sa Asyago noong
tagsibol ng 1916 bilang tugon sa sunod-sunod na
opensibang isinagawa ng Italya sa Ilog Isonso mula

nang nakaraang taon. Bilang ganti, sinalakay naman


ng sandatahang Italyano ang Gorisya pagsapit ng
tag-init. Tulad ng nangyari sa Larangang
Masedonyo, hindi rin halos umusad ang Larangang
Italyano hanggang 1917.[46]

Sumiklab naman ang Pag-aalsang Arabo noong


Hunyo, 1916 laban sa Imperyong Otomano sa
pangunguna ni Sherif Hussein at sa tulong na rin ng
mga Briton. Matapos ang matagumpay na Labanan
ng Meka, kinubkob ng Sandatahang Briton-Arabo
ang Medina. Tumagal hanggang Enero, 1919 ang
isinagawang pagkubkob.[47]

Sa pagtatapos ng 1916 ay nagpanukala ng isang


kasunduang pangkapayapaan ang Puwersang
Sentral sa Alyadong Puwersa datapwat nabigo ang
isinagawang negosasyon bunga na rin ng pagaalinlangan at kawalan ng pagtitiwala ng
magkabilang panig sa isa't isa.[48]

1917: Ang pagpapatuloy ng digmaan[baguhin |


baguhin ang batayan]
Bunga ng matamlay ng kampanya sa karagatan,
nagpasya ang sandatahang pandagat ng Imperyong
Aleman na maglunsad ng malayang pakikidigmang
pangsubmarino noong 31 Enero 1917. Bunga nito'y
daan-daang barko ng Nagkakaisang Kaharian at
maging ng mga bansang neutral, kapwa pandigma,
pangalakal at pampasahero, ang napalubog
hanggang sa ipatupad ng Alyadong Puwersa ang
sistemang komboy pagsapit ng Mayo nang taon
ding iyon na nakapagpahina sa pag-atake ng mga
submarinong Aleman.[49]

mga sundalong Australyano, suot ang kani-kanilang


maskarang pang-gas, sa isang bambang sa Ypres,
Belhika
Nagpahayag naman ng pakikidigma ang Estados
Unidos (bagaman hindi kaagad nagpadala ng
kaukulang sandatahan), sa panig ng Alyadong
Puwersa, laban sa Imperyong Aleman noong 6 Abril
matapos palubugin ng imperyong nabanggit ang
may pitong barkong pangalakal ng mga Amerikano
at nang maharang ng mga Briton ang Telegramang
Zimmermann na nagsasaad ng paghimok ng mga
Aleman sa mga Mehikano na magpahayag ng
pakikidigma sa Estados Unidos upang mabawi ang
Arisona, Bagong Mehiko at Teksas na dating mga
teritoryo ng Mehiko.[34][50][51]

Noong 3 Mayo ay nagsipag-alsa ang karamihan sa


mga sundalong Pranses matapos ang bigong
Opensibang Nivelle. Nang maisagawa ang mga pagaresto at kaukulang paglilitis ay napakiusapan din

ang mga sundalo na bumalik na sa kani-kanilang


bambang. Pinalitan naman ni Felipe Petain si
Roberto Nivelle bilang pangkalahatang komandante
ng sandatahang Pranses. Sa kabilang banda,
ipinagpatuloy ng Imperyong Briton ang mga
opensiba sa Larangang Kanluran sa mga Labanan
ng Aras, Kambray at Pashendaele.[52][53]

isang kaguluhan sa Petrograd (San Pedrosburgo


ngayon) noong Himagsikang Ruso
Lumaganap naman sa Imperyong Ruso ang
kawalang-kaayusan at himagsikan matapos maiwan
kina Emperatris Alejandra at Rasputin (ang huli ay
pinaslang kalaunan) ang pamamahala sa monarkiya
nang sumama si Tsar Nikolas II sa pakikidigma.
Noong 15 Marso ay napilitang bumaba sa trono ang
tsar at ang pamamahala sa Rusya ay napunta sa
mga republikano. Muling naglunsad ng opensiba ang
bagong tatag na pamahalaan sa ilalim ni Alejandro
Kerenski subalit nabigo. Tuluyan nang nawalan ng
sigla ang mga sundalo na makipaglaban
samantalang tumindi nang tumindi ang
paghihikahos ng mga mamamayang Ruso sapagkat
halos bumagsak na noon ang ekonomiya ng bansa
dahil na rin lumalaking gastusin para sa digmaan.
Nahulog sa kamay ng mga komunistang Bolshebik
sa pangunguna ni Vladimir Lenin ang pamahalaan
sa Petrograd (San Pedrosburgo ngayon at siya
noong kabisera ng Rusya) noong 7 Nobyembre.
Nang sumunod na buwan ay lumagda ng
kasunduang pangkapayapaan ang mga Bolshebik sa
Puwersang Sentral.[23][54][55]

Nakapagtamo naman ng matitinding pinsala ang


sandatahang Italyano matapos silang talunin ng
pinagsama-samang sandatahang Aleman at AustroUnggaryo sa Labanan ng Kaporeto mula 24 Oktubre
hanggang 9 Nobyembre. Napilitang umatras ang
sandatahang Italyano patungong Ilog Piave
samantalang nakiusap naman ang pamahalaan nito
ng boluntaryong pakikilahok sa digmaan ng lahat ng
kakakihang may 18 gulang pataas.[46]

Samantala sa Gitnang Silangan, bilang ganti sa


mapaminsalang Pagkubkob sa Kut, naglunsad ang
Imperyong Briton ng isang opensibang sumakop sa
Bagdad noong 11 Marso. Sa pagtatapos ng taon ay
bumagsak naman ang depensang Otomano sa
timog Palestina matapos ang Labanan ng
Herusalem.[56][57][58]

Lingid naman sa kaalaman ng mga Aleman ay nagalok ng isang kasunduang pangkapayapaan si


Emperador Carlos I ng Austriya-Unggarya kay
Punong Ministro Jorges Clemenceau ng Pransiya.
Nabigo ang pakikipagnegosasyon at ito'y nabunyag
sa mga Aleman na naging mitsa upang magkalamat

ang relasyon ng Imperyong Aleman at AustriyaUnggarya sa isa't isa.[59]

1918: Mga hulng opensiba at wakas ng


digmaan[baguhin | baguhin ang batayan]

ang Opensibang Tagsibol,


Marso-Hulyo, 1918
Noong 3 Marso 1918 ay muling lumagda ng isa pang
kasunduang pangkapayapaan ang mga Bolshebik sa
Puwersang Sentral. Isinaad sa bagong kasunduan
ang tuluyang pagkawala ng Rusya sa digmaan at
ang pagkakaloob nito ng mga teritoryo sa
Imperyong Aleman tulad ng Estonya, Letonya,
Litwanya, Pinlandiya, Polonya at Ukranya.[23][60]
[61]

Matapos ang kasunduan, nagpasya ang mga


Armenyo sa pamumuno ni Heneral Tovmas
Nazarbekian na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa
mga Otomano sa Bulubunduking Kawkasus.
Nagsagawa ng kontra-opensiba ang mga Armenyo
at kanilang tinalo ang sandatahang Otomano sa
Labanan ng Sardarabad 2129 Mayo, hanggang sa
lagdaan ng magkabilang panig ang Tratado ng
Batum nang sumunod na buwan.[62]

Ang paglabas naman ng Rusya sa digmaan ay


naging hudyat din upang tuluyan nang magwakas
ang Tatluhang Kasunduan. Sinimulan ng Imperyong
Aleman na sakupin ang mga teritoryong
ipinagkaloob sa kanila ng naturang kasunduan
samantalang nagpadala naman ng kaukulang
sandatahan ang Alyadong Puwersa sa Rusya upang
pigilan ito. Sa kabilang banda, ang malaking bilang
ng mga sundalong Aleman at Austro-Unggaryong
nakatalaga sa Larangang Silangan ay inilipat mula
roon patungong Larangang Kanluran sapagkat
nilayon ni Heneral Erik Ludendorff na
makapaglunsad ng opensibang makapagdudulot ng
matitinding pinsala sa sandatahan ng Alyadong
Puwersa sa Pransiya at gayundin naman upang
mapasuko ang mga ito bago pa man dumating ang
mga Amerikano.[63][64]

naturang opensiba kaya't idineklara ni Kayser


Guillermo II ang 24 Marso bilang isang pambansang
araw ng pagdiriwang. Makalipas pa ang ilang linggo
ay muling narating ng sandatahang Aleman ang Ilog
Marn at ang Paris ay kanilang pinaputukan ng
malalaking kanyong dambakal na nagdulot upang
lumikas ang mga sibilyan palayo ng nasabing
lungsod. Subalit nabigo ang mga Aleman na
makamit ang kanilang layunin sapagkat nanatili pa
ring epektibo ang pakikihamok ng Alyadong
Puwersa na lumakas pa nang dumating na ang
sandatahang Amerikano sa Pransiya. Sa pagtatapos
ng naturang opensiba noong 18 Hulyo ay mahigit sa
270,000 Aleman ang nasawi sa panig ng Puwersang
Sentral.[64][65][66]

Inilunsad ng Alyadong Puwersa ang Opensibang


Sandaang Araw noong 8 Agosto. Sabay-sabay na
sinalakay ng pinagsama-samang sandatahan ng
Belhika, Estados Unidos, Imperyong Briton at
kolonya, Pransiya at Portugal ang mga Aleman sa
Labanan ng Amyens at nakaabante ng may 12
kilometro (7 milya) sa loob lamang ng pitong oras.
Nang mga sumunod na araw ay muling
ipinagpatuloy ng Alyadong Puwersa ang pagsalakay
at pagsapit ng 2 Setyembre ay umatras ang
sandatahang Aleman sa Linyang Hindenburg upang
doon muling mag-ipon ng lakas.[67]

Muling ipinagpatuloy ng Alyadong Puwersa ang


pagsalakay at pagsapit ng 26 Setyembre ay
inilunsad ng sandatahang Amerikano-Pranses ang
Opensibang Meus-Argon. Ang Linyang Hinderburg
ay tuluyan nang napasok at naitaboy pabalik ng
Belhika ang sandatahang Aleman. Dala ng sunodsunod na pagkatalo, napagtanto ng mga
komandanteng Aleman na hindi na nila kaya pang
ipagpatuloy ang pakikidigma samantalang sumiklab
naman sa Imperyong Aleman ang isang
himagsikang pinangunahan ng mga komunista.
Nagsipag-alsa naman ang mga marinong Aleman
matapos tumangging makilahok sa isasagawa
sanang opensiba ng sandatahang pandagat ng
imperyo sa karagatan.[68][69][70]

ang paglagda ng tigil-putukan sa kagubatan ng


Compiegne, Pransiya,
11 Nobyembre 1918
mga huling opensiba,
Agosto-Nobyembre, 1918
Inilunsad ng mga Aleman ang Opensibang Tagbisol
(na binubuo ng apat na operasyon, ang Blcher &
Yorck, Gneisenau, Jorgette at Miguel) pagsapit nang
21 Marso 1918. Gamit ang mga taktikang paglagos,
kanilang napasok ang mga bambang ng Alyadong
Puwersa at nakaabante ng mahigit 60 kilometro (38
milya). Naging matagumpay ang simula ng

Nagsimula nang sumuko ang Puwersang Sentral


nang lumagda ng tigil-putkan ang Bulgarya noong
29 Setyembre sa Tesalonika matapos ang mga
mapaminsalang Labanan ng Dobro Pole at Doyran
sa Larangang Masedonyo nang buwan ding iyon.
Sunod namang lumagda ng tigil-putkan ang
Imperyong Otomano sa Mudros, Gresya noong 30
Oktubre matapos matalo ang sandatahan nito sa
Labanan ng Megido sa Palestina. Ang AustriyaUnggarya naman, sa kabilng band, ay lumagda

ng tigil-putkan sa Villa Giusti, hilagang Italya noong


3 Nobyembre nang tuluyan nang mapipilan ng mga
Italyano ang kanilang sandatahan sa Labanan ng
Vittorio Veneto noong araw ding iyon.[71]

Napilitan nang bumaba sa trono si Kayser Guillermo


II noong 9 Nobyembre at tumungo papuntang
Olanda. Noong araw ding iyon bumagsak ang
monarkiya samantalang itinatag ang Republikang
Weymar sa Alemanya na siya nang lumagda ng tigilputkan noong 11 Nobyembre sa kagubatan ng
Compiegne, Pransiya. Pagsapit ng 11:00 n.u. nang
araw na iyon ay ipinatupad ang tigil-putkan sa
buong Larangang Kanluran. Si Jorge Lorenzo Precio,
isang Kanadyano, ang itinuturing na kahuli-hulihang
sundalo ng Kanada na napatay noong digmaan
matapos siyang mabaril ng isang Alemang sniper sa
ganap na 10:57 n.u. at namatay nang sumunod na
minuto.[71][72]

sa Rumanya. Gayundin naman, ang Besarabya na


bahagi ng Imperyong Ruso ay napapunta rin sa
Rumanya samantalang ang mga mamamayang
Eslabo ng Bosniya at Hersegobina, Eslobenya at
Kroasya ay nakiisa sa Serbiya at Montenegro upang
itatag ang Yugoslabya. Gayundin noong kasagsagan
ng digmaan, taong 1917, ay itinatag ang mga
bansang Armenya, Aserbayan, at Heyorhiya subalit
nang maitatag sa Rusya ang Unyong Sobyet noong
1922 ay muling napasailalim ang mga ito sa
pamamahala ng mga Ruso nang sumunod na taon.
[73][75]

Ang mga teritoryo ng Imperyong Otomano, na


kinilala na sa pangalang Turkiya matapos ang
Tratado ng Lawsan, tulad ng Irak, Hordan at
Palestina ay napunta sa pamamahala ng
Nagkakaisang Kaharian samantalang ang Libano at
Sirya ay sa Pransiya. Naitatag din ang Arabyang
Sawdi at Yemen makalipas ang ilan pang taon.[73]
[75][76]

Mga kinahinatnan[baguhin | baguhin ang batayan]

mga bagong tatag na bansa sa Europa at Gitnang


Silangan
Pagbabago sa mga teritoryo[baguhin | baguhin ang
batayan]
Noong 28 Hunyo 1919 ay nilagdaan ng Alemanya at
ng Alyadong Puwersa na kinabibilangan ng Estados
Unidos, Hapon, Italya, Nagkakaisang Kaharian at
Pransiya ang Tratado ng Versalles. Itinadhana ng
tratadong ito ang pagsakop ng Alyadong Puwersa sa
Renanya at Saar, mga teritoryo sa kanlurang
Alemanya, sa loob ng 15 taon at paglilimita sa
kakanyahan ng sandatahang lakas ng Alemanya na
magparami at magpalakas. Kabilang din dito ang
pagkakaloob ng Alemanya ng mga teritoryot
kolonya nito sa Alyadong Puwersa, sapilitang bayadpinsala at pagtatatag ng Liga ng mga Nasyon.[8]
[73]

Ang mga teritoryo ng Alemanya ay napunta sa


Belhika, Dinamarka, Polonya, Tsekoslobakya at
Litwanya samantalang muling nabawi ng Pransiya
ang mga rehiyon ng Alsasya at Lorena. Ang mga
kolonya naman ng dating imperyo sa Aprika at
Karagatang Pasipiko ay pinaghati-hatian ng
Australya, Bagong Selanda, Belhika, Hapn,
Nagkakaisang Kaharian at Pransiya samantalang
napabalik naman sa Tsina ang lalawigan ng
Shandong.[73][74]

Mula naman sa labi ng mga imperyong AustroUnggaryo at Ruso ay itinatag ang makahiwalay na
bansang Austriya at Unggarya, Estonya, Letonya,
Litwanya, Pinlandiya, Polonya at Tsekoslobakya. Ang
ilang teritoryo ng Austriya-Unggarya tulad ng
Triyeste ay napunta sa Italya at ng Transilbanya ay

Mga pinsala at iba pang idinulot[baguhin | baguhin


ang batayan]

tsart ng mga nasawi noong digmaan


Sang-ayon sa pinakamababang pagtataya ay
mahigit sa 15 milyong sundalo at sibilyan ang
nasawi, nasugatan, nabaldado at nawala noong
kasagsagan ng digmaan samantalang mahigit sa 65
milyong naman sa pinakamataas na tantiya. Bahagi
rin ng kapinsalang idinulot ng digmaan ang
paglaganap ng mga epidemya gaya ng tipus sa
Serbiya noong 1914 at ng Trangkasong Espanyol
noong 1918; sistematikong paglipol ng lipi (o
genocide sa Ingles) na isinagawa ng Imperyong
Otomano laban sa mga Kristiyanong Armenyo na
kumitil ng kulang-kulang sa dalawang milyon katao;
mga taggutom na lumaganap sa Alemanya, Rusya
at Libano na nagtulak sa maraming bansa na
magrasyon ng pagkain; at mga maramihang
pagpatay tulad ng Paglapastangan sa Belhika na
kumitil ng 6,500 buhay.[30][77][78][79][80][81][82]
[83]

Mahigit naman sa 8 milyong sundalo ang nabihag o


di kayay sumuko sa mga labanan ang nabilanggo
noong digmaan. Sa kabuuan ay naging maayos ang
kondisyon ng mga bilanggo sa mga kulungan (liban
na lamang sa Rusya at Imperyong Otomano kung
saan hindi naging maganda ang pagtrato sa mga
bilanggo) sa tulong na rin ng Pandaigdigang Pulang
Krus at ng samahan ng mga manggagamot na
nagmula pa sa mga bansang neutral at dahil na rin
sa pagsunod ng mga bansang sangkot sa digmaan
sa Mga Kumbensiyong Haya ng 1899 at 1907 para
sa mabuting pakikitungo sa mga bilanggo.[84][85]
[86][87]

Matapos ang digmaan, ang mga bilanggong sundalo


ng Alyadong Puwersa ay kagyat na nakalaya.
Kabaligtaran naman ito para sa mga bilanggong
sundalo ng Puwersang Sentral na ang ibay sapilitan
munang pinagtrabaho sa mga kampong pantrabaho
bago nakalaya. Karamihan naman sa mga
sundalong pinalad mabuhay matapos ang digmaan
ay nakaranas ng matinding pagkagimal (o trauma
sa Ingles) matapos makauwi sa kani-kanilang
tahanan bunga na rin ng mga kahindik-hindik nilang
karanasang sa pakikipaglaban.[88][89]

monarkiya. Lumakas din ang ideolohiyang Nazismo


at pasismo sa pangunguna ng ilang makabayang
kilusan at ni Adolfo Hitler. Dumanas ang Alemanya
ng matinding paghihikahos hanggang sa tuluyan
nang malugmok ang ekonomiya nito paglipas pa ng
ilang taon. Halimbawa na lmang noong 1923, ang
halaga ng isang dolyar ay katumbas na ng 4.2
trilyong marko sa nasabing bansa. Nito lamang
nakaraang Oktubre, 2010 nang nabayaran nang
lahat ng Alemanya ang mga bayad-pinsala.[92][93]
[94][95]

Pag-unlad sa teknolohiya ng pakikidigma[baguhin |


baguhin ang batayan]
mga Armenyong pinaslang noong kasagsagan ng
Armenian Genocide
Sapagkat karamihan noon sa kalalakihan ay kusa o
hindi naman kayay sapilitang naglingkod sa
sandatahang lakas, ang kababaihan ang siyang
humalili sa mga hanapbuhay na itinuturing noon na
panlalaki lamang. Ang malaking papel na kanilang
ginampanan noong digmaan ay humantong sa
pakikipaglaban para sa karapatan ng kababaihan na
makaboto sa halalan.[66][90]

Lumakas noon ang mga kilusang makatao tulad na


lamang ng Liga ng mga Nasyon at ang idea ng
pasipismo na naglayong maglundo ng kapayapaan
sa daigdig sa pamamagitan ng mahinahong
pamamaraan. Sa kabilang banda naman ay lumakas
din ang idea ng pasismo na naglalayong magkamit
ng higit pang kapangyarihan sa pamamagitan ng
paggamit ng dahas.[91]

Lumawak naman ang kapangyarihan at


responsabilidad ng mga bansang nagwagi sa
digmaan. Ang pangkalahatang produktong
domestiko ng mga bansang Estados Unidos, Italya
at Nagkakaisang Kaharian ay tumaas samantalang
bumababa naman para sa mga bansang Alemanya,
Austriya-Unggarya, Imperyong Otomano, Olanda,
Pransiya at Rusya.

Samantala, ang mga kasunduang itinadhana sa


Tratado ng Versalles, pangunahin na ang
pagkakaloob ng Alemanya ng malaking bayadpinsala sa Alyadong Puwersa kung saan sinisi ang
dating imperyo bilang siyang responsable sa mga
kapinsalaang iniwan ng digmaan, ay nagdulot ng
kawalang-kasiyahan at pagtutol sa panig ng mga
mamamayang Aleman. Lumaganap noon sa
Alemanya ang Dolchstosslegende, isang
paniniwalang hindi natalo sa digmaan ang
sandatahang Aleman subalit pinagtaksilan naman
ng mga mamamayan nito, partikular na yaong mga
republikano at ng mga nasa pamahalaan na
lumagda sa armistisyo at nagpabagsak sa

ang masinggang Vickers


Ilan lmang ang awtomatikong riple, barkong
pandigma, eroplano, flamethrower, nakalalasong
gas, kanyon, masinggan, submarino at tangke sa
mga sandatang nilinang at nilikha noong digmaan.
Ang paggamit ng telepono at komunikasyong
walang kable man ay may malaki ring naitulong sa
pakikipagtalastasan ng mga sundalo. Sa kabilang
banda, ang pagpapairal ng pakikidigmang
pambambang noong digmaan ay isa naman sa mga
salik na nakapagpabagal sa pag-usad ng sinumang
naglalabang panig.[96][97][98]

Ang kaayusan ng impanterya ay nabago sapagkat


sa halip na 100 ay pito hanggang sampung sundalo
na lamang ang pangunahing pangkat ng maneobra
laban sa mga kaaway. Ang ibat ibang uri ng helmet
tulad ng Adrian ng mga Pranses, Brodie ng mga
Amerikano, Briton at kolonya at Stahlhelm ng mga
Aleman ay naimbento upang protektahan ang ulo
ng bawat sundalong lumalaban. Ang pistola, riple,
bayoneta at granada ay nanatili pa rin bilang
pangunahing sandata ng impanterya. Nang
malinang ang paggamit ng mga masinggan tulad ng
Vickers, at mga awtomatikong riple gaya ng BAR,
MP18 at Lewis, naging imposible na ang
maramihang harapang pagbabarilan sa digmaan.
[98]

mga sundalong Aleman sa isang pag-atake ng


nakalalasong gas
Sa pagsisimula ng digmaan, ang mga kanyon ay
karaniwang pinapuputok nang tuwiran sa anumang
puntirya. Sa sumunod na tatlong taon ay
pinapaputok na ang mga ito nang hindi tuwiran sa
mismong puntirya sang-ayon na rin sa iba't ibang
pamamaraang pinaiiral. Ibat ibang uri ng kanyon
tulad ng howitser, mortar at kanyong daambakal
ang naimbento gaya na lamang ng Minenwerfer at
ng Kanyong Paris na ginamit upang bombahin ang
Paris sa layo ng 100 kilometro (60 milya). Lubhang

nakalulunos ang mga pinsalang naidudulot ng mga


kanyon kayat naging karaniwan na noon ang
pagtugis sa kinaroroonan ng mga ito upang
wasakin.[99]

tangkeng Mark IV ng mga Briton sa isang muling


pagsasadula ng digmaan
Ang nakalalasong gas at flamethrower ay dalawa sa
mga kagimbal-gimbal na sandatang ginamit noong
digmaan na pawang nagdudulot ng masakit subalit
mabagal na pagkamatay, bagaman ang mga itoy
hindi naging epektibo upang maipanalo ang isang
partikular na sagupaan. Ang tatlong pangunahing
uri ng nakalalasong gas ay kloro, mustard at
phosgene samantalang ang flamethrower ay may
ibat ibang sukat at timbang. Ang nakalalasong gas
ay unang malawakang ginamit ng sandatahang
Aleman sa mga labanan ng Bolimow at Ypres
samantalang ang flamethrower naman ay sa Hooge,
Pransiya.[35][100]

Naimbento naman ng mga Briton ang tangke na


may kakayahang tumawid sa mga bambang at
wasakin ang mga alambreng bakod. Itoy unang
ginamit sa Labanan ng Som at malawakang ginamit
sa Labanan ng Kambray.[101]

ang Fokker Dr.I, isang eroplanong panlaban


Sa karagatan ay kapwa nanguna ang Alemanya at
ang Nagkakaisang Kaharian sa pagpapaunlad ng
mga barkong pandigma, krusero, submarino at
barkong panghatid-eroplano. Ilan sa mga ito ay ang
mga submarinong U-boat ng mga Aleman na
nakapagpalubog ng napakaraming barkong
pandigma at pangalakal ng Alyadong Puwersa, at
Wakamiya ng Imperyo ng Hapon na siyang kaunaunahang barkong naglunsad ng mga eroplanong
sumalakay sa mga Aleman sa Tsingtao, Tsina noong
1914.[102]

Ang mga eroplanong panlaban, pambomba at


pampamatyag ay nilinang at nilikha rin ng mga
pangunahing bansang sangkot sa digmaan. Ilan sa
mga ito ay ang Fokker Dr.I ng Alemanya, Nieuport
15 ng Pransiya, Sikorsky Ilya Muromets ng
Imperyong Ruso at Sopwith Camel ng Nagkakaisang

Kaharian. Ang mga Ruso ang kauna-unahang


nagsagawa ng malawakang pambobomba sa
digmaan samantalang ginamit naman ng mga
Aleman ang mga naglalakihang Sepelin upang
bombahin ang London. Ang mga obserbasyong lobo
naman ay ginamit sa mga misyong pagmamatyag.
[103][104][105]

Nagkaroon din ng pagbabago sa disenyo't kalidad


ng mga daambakal at tren sapagkat dito mabilis na
naipapadala ang mga sundalo, armas, munisyon,
pagkain at tubig sa mga pinaglalabanang lugar.
[106]

mga napanatiling bambang sa kasalukuyan


Mga paggunita blang pag-alaala[baguhin | baguhin
ang batayan]
Libo-libong bantayog, museo at libingan na nasa
pangangalaga ng ibat ibang ahensiya, ang itinayo
sa mga nayon at bayan sa Europa at maging sa
Estados Unidos blang pag-alala sa mga nasawi at
nawala noong digmaan.

Ipinagdiriwang sa Australya at Bagong Selanda ang


Araw ng Anzac tuwing 25 Abril kada taon blang
paggunita sa Labanan ng Galipoli. Samantala, ang
Araw ng Tigil-putukan at Araw ng Pag-alala ay
ginugunita sa Pransiya, Nagkakaisang Kaharian at
mga dting kolonya nito tuwing 11 Nobyembre ng
taon.[107][108]

Ang mga kahindik-hindik na pangyayaring


nakapaloob sa digmaan ay namalas ng mga
mambabsa sa mga talaarawan, tula at nobelang
isinulat ng mga sundalong nakipaglaban. Ilan sa
mga ito ay tanyag na Lahat ay Tahimik sa
Larangang Kanluran (o All Quiet on the Western
Front sa Ingles), nobela ng isang sundalong
Alemang si Eric Maria Remarque na makalawang ulit
na isinapelikula noong 1930 at muli noong 1979; at
ang tulang Sa Kaparangan ng Flanders" (o In
Flanders Field) ng Kanadyanong si Juan McCrae na
hanggang sa ngayon ay tinutula pa rin sa Araw ng
Pag-alala. Nakapagtal naman ang Museong
Pandigma ng Imperyong Briton ng mahigit sa 2,500
talaarawan ng mga sundalo na nirebisa ni Max
Arturo.[109][110][111]

You might also like