You are on page 1of 3

Ang Malaking Hakbang

Ni: Michelle Anne P. Gaddi

Maraming mga pagkakataon ang ating nakakamit sa buhay


Nakakakain, nakakatulog, nakakapag-aral at nakakasikhay
Nakakasikhay ng mga posibilidad na maaaring sumikhay
Kayat sa bawat sandali, ating nang hanapin ating rason nang buhay magkakulay

Nang akoy lumalaki, aking kinatakutan ang walang katiyakan


Dahil kailangan kong sumugal at umasa na hindi sana mahipan
Ng mabalasik na hangin ng mga pagsubok at kahirapan
Ngunit ngayon ang aking pangarapay maari ng makamtan
At ito ay ang pagpapatuloy ng nasimulan ng mga tagapagbukal ng kaalaman

Ang pagtuturo ay sadyang kahanga-hanga para sa akin


Dahil sa paglalakbay ng mga kabataan upang tamuhin
Ang mga kaalaman na dapat nating subukin
Upang sa mga problemang darating ay patuloy nitong lulutasin

Sa ating bawat pagtuturo ay dapat taos sa puso


Dahil kung itoy ginagawa lamang para sa sarili ay talaga namang matuturing na
tuso
Kaya naman lahat ng makakamit ay magiging buo
Ang pagkawala ay magiging parang isang gubat na inabo

Ngunit minsan akoy nakaramdam ng kawalan ng pakialam sa lipunan


Akoy nagtanong sa aking sarili kung dapat pa ba akong lumaban sa karapatan
Kung isa lamang akong ordinaryong taong takot na mawalan
Ito ang aking pag-iisip para sa aking sariling kaligtasan

Hindi maaaring ganito! Na palaging nagtatago


Sumasatsat nga ngunit hindi naman gumagawa ng pagbabago
Nais kong maging tulay nila sa kaalamang aking mapapalago
At maging bangka na papalaot sa mundo ng pagpapakatao

Nais ko silang bigyan ng lakas ng loob na mahirap makuha


Dahil sa mga Dahil sa mga negatibong kaisipan na sadyang humahawa
Ipapakita sa iba na mali sila dahil sa aking mga mag-aaral ay aking ipapaunawa
Na kung ibibigay nila ang lahat ng kanilang pagsisikap, sila ay lalabas sa mundo at
babaguhin ang madla

Nais ko silang bigyan ng katapangan na lalaban sa diskriminasyon


Sa mapanghusgang lipunan, sila ay may proteksyon
Sa bawat pagyurak na babasag sa kanilang emosyon
Lalaban akong kasama sila hanggang sa makamit ang tamang proporsyon

At sa huli, nais ko silang bigyan ng kapangyarihan ng obligasyon,


Sa kanilang sarili, sa mahal sa buhay at sa ating nasyon
Upang kumalat ang pag-asang susi ng kaunlaran sa ating henerasyon
At magbubunsod sa bawat isa ng oportunidad upang maging inspirasyon

Ito ang mga pangarap na nais kong mabuksan


At sa aking pagharap dito, ako sanay gabayan
Ng Maykapal at ng lahat ng aking kasamahan
Sa paglalakbay sa masukal na buhay ako sanay sabayan

Tingin koy ito na ang wakas


Na sa aking masasabi ito ay simula pa lamang para sa pagharap ng maalwas
Kayat sa makakabasa nito naway maging wagas

Ang alab ng pagmamahal natin sa pagtuturo na sana ay mag-iwan ng bakas para sa


ating bukas

You might also like