You are on page 1of 2

Vince Rowen S.

Reyes
Article
The Student Mission:
Why are you still here?
Busy ako sa school. Ang dami kayang projects at assignments. Kailangan
ko pang magreview. Di ko kayang magcell-group, baka ireject lang ako ng mga
kaklase ko. Baka mag-iba ang paningin nila sa akin. :( Bilang isang mag-aaral,
minsan bay nawalan ka na ng pag-asang magkaroon ng cell group? Sa dami ng
gawain sa school, naisip mo rin bang posible pa kayang makapagtayo ka pa ng cell
group sa mga kaklase mo? Kung gayon, mali ang iyong nasa isip, hindi pa huli ang
lahat kapatid para magkaroon ka ng cell group.
Last two years noong nagpasiya akong gusto kong magkaroon ng cell group.
Nagsimula akong manalangin noon para dito. Minsan pay nahihiya akong iapproach ang aking mga kaklase na magcell group kami. Sinubukan kong
magsimula muna sa aming tatlong magkakaibigan ngunit hanggang dalawang
meetings lang kami. Siguro ay mayroon pa akong problema sa aking spiritual na
pamumuhay at hindi ko pa naisurrender kay God anh lahat sa akin. Last year
naman, nalaman ko na dapat na maging maayos muna ang aking patotoo sa aking
mga kaklase upang makita nila ang Diyos sa aking buhay. Kahit na busy sa school
ay hindi dapat mawala ang pagpapaalala ko sa mga kaklase ko tungkol kay Lord.
Blessing pa ngang maituturing na tinawag nila akong pastor noon. Masasabing dito
nagsimula ang aking hakbang tungo sa pagkakaroon ng cell group sa campus. Hindi
man ako nagkaroon noon ng cell group ay patuloy pa rin ako sa pananalangin.
Ngayong ako ay Grade 11 na ay sobrang laki ng ginawa ng Diyos sa aking
mga panalangin. Talagang masasabing hindi naging pahirap ang pagkadagdag ng
dalawang taon sa pag-aaral. Pinatunayan ng Diyos na hindi pa huli ang lahat,
mayroon pa akong gagampanang ministry sa aming paaralan. Sa kagustuhan kong
magkaroon talaga ng cell group, sinimulan ko ito sa ibat ibang gawain namin sa
aming paaralan. Sa tuwing magrereport ako ay sinasamahan ko ito ng Bible verse.
Noong may sinalihan pa kaming sabayang pagbigkas, ako ang naglead ng prayer
bago kami magsimula at pagkatapos. Hinihikayat ko rin ang aking mga kaklase na
magdasal muna bago kumain. Hanggang noong August 11 ay nakapagtayo kami ng
cell group at talagang hindi ko inaasahan ang dami sa tuwing kami ay nagcecell
group, umabot pa nga sa 26 ang naturuan ko.
Iba talaga ang naibubunga ng tapat na panalangin at matagal na paghihintay
para sa Gods best. Hindi hadlang ang projects, assignments, o kung ano pa man sa
paglilingkod sa Diyos. Kung gusto, talagang may paraan at tutulungan pa tayo ng
Diyos. Bilang isang Kristiyanong mag-aaral, tayo ang pinili ng Diyos upang
makakakilala at maranasan din ng ating mga kaklase ang pagpapala ng Diyos sa

ating buhay. Ikaw, mananatili ka na lang bang nag-iisang Kristiyano sa inyong


classroom? Isurrender mo na yan at simulan mo nang manalangin.

You might also like