Professional Documents
Culture Documents
Filipino Thesis Sample
Filipino Thesis Sample
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Instruktor
Pinagtibay nina:
MEDINA R. OLLA
BSEd , Program Direktor
NHELIA P. ESMERALDA Ed.h
Dekana, Kolehiyo ng Edukayon
Pasasalamat
Taus-puso po ang aming pasasalamat sa mga taong walang
sawang sumoporta ,tumulong at gumabay sa amin para sa
ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.
Una sa lahat, sa aming pamilya, lalung-lalo na sa aming mga
magulang na sina G. at Gng. Arnold R. Parpan at G. at Gng.
Manuel V. Obia sa kanilang pagmamahal,suporta at pag-unawa
pati na rin sa suportang pinansyal na ibinibigay habang
isinasagawa ang pag-aaral na ito.
Sa aming mahal na instructor na si Bb. Joan A. Monforte sa
walang sawang pagwasto ng aming kamalian, paggabay at pagsuporta
para sa ikauunlad ng pag-aaral na ito.
Sa Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon na si Dr. Nehlia P.
Esmeralda at sa Program Chair ng BSED na si Gng. Medina R. Olla,
sa kanilang pahintulot at pagsuporta sa pagsasagawa ng
pananaliksik na ito.
Gusto rin naming pasalamatan ang kooperasyon na ibinigay ng
mga mag-aaral ng Ranggas-Ramos national High School ng nasa ikaapat na taon IV-Gold
at IV-Pearl.kung wala ang kanilang
kooperasyon hindi maisasakatuparan ang tagumpay ng pananaliksik
na ito.At lalung-lalo na sa principal ng paaralan na si Mr.
Wilhem A. Prila, sa kanyang pahintulot na makapagsagawa ng isang
sarbey sa kanyang nasasakupan.
Higit sa lahat, sa Poong Maykapal sa pagbigay ng kaalaman
at lakas, kalinawan sa pag-iisip at tatag ng loob para
ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.
Maraming Salamat Po!
Arland B. Parpan
Mike Angelo A. Obia
Mga Mananaliksik
Abstrak
Pamagat: Persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas-Ramos National
High School sa ika apat na taon tungkol sa Sintax Law.
Mga Mananaliksik:
Arland Bedes-Parpan
Mike Angelo Azaa-Obia
Akredited na Institusyon: Partido State University
Goa,Camarines Sur
Kolehiyo ng Edukasyon
Taunang Aral: 2012-2013
Ang pananaliksik na ito ay may pangkalahatang layunin
alamin ang persepsyon ng mga mag aaral ng Ranggas-Ramos National
High School sa ika apat na taon tungkol sa Sintax Law.Tiyak na
nilalayon din nito ang mga sumusunod:
1.Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang pamilyar sa
batas na ito.
2.Mabatid ang maaring bunga nito sa mga mag-aaral.
Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay ang anim na pung
(60) mag-aaral na nasa ika-apat na taon ng IV-Gold at IV-Pearl
na kasalukuyang nag-aaral sa Ranggas-Ramos National High
School,Calawit San Jose, Camarines Sur taunang aral 2012-2013.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng palarawan o deskriptiv
sarbey dahil sa paggamit ng talatanungan tseklist at
estatistika.Ang mga datos aysinuri sa pamamagitan ng pagkuha ng
weighted mean sa bawat aytem para malaman ang saloobin ng mga
mag-aaral sa Sintax Law.
Natukoy sa pag-aaral na ito na ang pangunahing
pananaw/saloobin ng mga mag-aaral ay ang makakatulong ang batas
na ito para mabawasan ang bisyo ng mga mag-aarallalong-lalo na
sa paninigarilyo. Mayroon itong weighted mean na 4.61.
Pumangalawa ang magkakaroon ng magandang buinga ang batas na
naipasa na may weighted mean na 4.38, pangatlo ay ang
mababawasan ang magkakasakit ng tuberculosis dulot ng
Paninigarilyo na may weighted mean na 4.33, pang-apat ay ang,
maaaring dina tangkilikin ang sigarilyo at alak dahil hindi na
kaya ang presyo nito na may weighted mean na 3.76, at ang
panghuli ay ang bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran ng
tobako na may weighted mean na 3.45.
TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat
1
Dahon ng
Pagpapatibay
2
Pasasalamat
3-4
Abstrak
5-7
Talaan ng
Nilalaman
8-9
Kabanata 1 Kaligiran ng Pag aaral at Suliranin
Kaligiran ng Pagaaral10
Paglalahad ng
Suliranin11
Hipotesis
12
Kahalagahan ng Pagaaral12
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral13
Mga Tala (Notes)
14
Kabanata II Mga kaugnay na literatura at Pag-aaral
Kaugnay na
Literatura15
Kaugnay na Pagaaral16
Mga Terminolohiya sa Pag-aaral1718
Mga Tala(Notes)
19
Kabanata III Disenyo ng Pananaliksik at Metodolohiya
Disenyo ng
Pananaliksik20
Ang mga tagatugon ng pag-aaral/Respondente20
Talahanayan
121
Paraan ng pagkuha ng
Datos22
Instrumento ng Pananaliksik
23
Istatistical
Tools24
Mga Tala (Notes)
25
B.
Talatanungan
38
C. Liham sa Pagsagawa ng Pag-aaral39
Bibliograpiya
.40
Kurikulum
Vitae41
Kurikulum
Vitae42
KABANATA 1
KALIGIRAN NG PAG-AARAL AT SULIRANIN
Sa panahon ngayon, hindi na nahuhuli ang mga kabataan
pagdating sa mga isyung panlipunan. Nakikiisa sila sa
pagbabagongnagaganap sa loob at labas ng bansa. Dahil sa
mga teknolohiyang katulad ng telebisyon,Radyo, kompyuter at
iba pa, hindi na talaga na pag-iiwananang mga kabataan
sapagkuhang mga napapanahong balita at impormasyon. Mga
impormasyong nagpapakitang kalagayan ng ating lipunan sa
ilalim ng ibat ibang administrasyon.Pati narin sa mga batas
na nabuo at ipinatupad sa ating bansa.Isa na rito ang Sin
tax Law, na dating Sin tax Bill.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Pangkalahatang Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang
persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas Ramos National High
School ng nasa ika-apat na taon tungkol sa sintax law.
Mga Tiyak na Suliranin
Layunin din ng pag-aaral na ito na alamin ang mga sumusunod
na suliranin:
1. Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang
pamilyar sa batas na ito?
2. Mabatid ang maaaring bunga nito sa mga mag-aaral?
HINUHA O HIPOTESIS
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang
alternatibong hipotesis na mayroong kaugnayan sa mga bisyo
ng mga estudyanteng nasa hayskul.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Estudyante/Mag-aaral.Ang pag aaral na ito ay magsisilbing
batayan kung lahat ban g mga mag-aaral ay nakakaalam at
pamilyar sa batas na ipinasa ng kamara.Mahalaga ang
pag-aaral na ito sa mga estudyante para maunawaan ang
maaring maging bunganito sa ating kalususgan.
Mga Guro. Sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral na ito,
malalaman ng mga guro kung gaano karami ng kabataan ang
nasasangkot sa ganitong klase ng bisyo.Ang pag-aaral na ito
ay malaki ang maitutulong sa mga guro at kung ano ang
kanilang gagamiting paraan para maiwas ang kanilang mga
estudyante sa ganitong klase ng bisyo.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Makikita sa bahging ito ang mga publikasyong may
kinalaman sa pag-aaral na ito. Kasama na ang mga pahayagan,
aklat at web page, gayundin ang ibang nmga kaugnay na
pag-aaral.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA SA SINTAX LAW
Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa
Kabuuangbilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong
nasa edad 7 hanggang 15,ang gunom na sa bisyo ng
paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000hanggang
50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo
bungang kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang
humpay na promosyonnito sa bansang
Pilipinas.Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na
nasamiddle age ang namamatay dahil dito.
MGA TALA(NOTES)
http://www.remate.ph/2012/12/sin-tax-law-nilagdaan-na-ni-pnoy/
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211
http://www.scribd.com/doc/46321313/Pananaliksik-ukol-sa-Epekto-Ng-PaninigarilyoPananaliksik
http://www.scribd.com/doc/28668998/ISANG-PAG-AARAL-UKOL-SA-PISIKAL-ATSIKOLOHIKAL-NA-EPEKTO-NG-PANINIGARILYO-SA-MGA-MAG-AARAL-NG-KOLEHIYO-NGNARSING-SA-UNIBERSIDAD-NG-SANTO-TOMAS
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sadisenyo at paraan
ng pangangalap ng datos sa pananaliksik. Nakapaloob dito
kung anong mga istrumento ang ginamit sa pangangalapng
datos, paraan ng pagkuha ng datos, at mga tagatugon ng
pag-aaral o respondente.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Gumamit ang mga mananaliksik ng diskriptibong
paglalahad ng mga datos na nakalap. Ginamit ito upang
matikoy ang pangunahing persepsyon ng mga mag-aaral hinggil
sa sintax law.
ANG MGA TAGATUGON NG PAG-AARAL/ RESPONDENTE
Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga magaaral ng Ranggas Ramos National High School,Kalawit San
jose Cam. Sur, sa ika-apat na taon sa taunang aralan 20122013. Ang mga respondente ay binubuo ng 60 mag-aaral na
hinati sa dalawang pangkat.Ang IV-Pearl na binubuo ng 31 o
51% respondent (12 lalaki at 19 babae) at ang IV-Gold na
may 29 o 49% ng Respondente (14 lalaki at 15 babae).
TALAHANAYAN 1
DISTRIBUSYON NG RESPONDENTE
RESPONDENTE
BABAE
LALAKI
KABUUAN
IV-GOLD
15 o 25%
14 o 24%
29 o 48.33%
IV-PEARL
19 o 29%
12 o 22%
31 o 51.66%
60 o 100%
KABANATA IV
PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS
Sa kabanatang ito,ipinapakita ang pagsusuri at
pagiinterpret ng mga datos na nakuha batay sa instrumentong
ginamit sa pag-aaral.ang mga datos ay inilarawan sa
pamamagitanng grapikal na paglalahad.
PERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL
Upang matukoy ang pangunahing persepsyon ng mga magaaral hinggil sa sintax law, ay gumawa ang mga mananaliksik
ng grap. Sa larawan, makikita na ang nasa x-axis ay binunuo
TALAHANAYAN 2
Kung saan:
P-1= makakatulong ang batas na ito para mabawasan ang bisyo
ng mga mag-aarallalong-lalo na sa paninigarilyo.
P-2= maaaring dina tanfkilikin ang sigarilyo at alak dahil
hindi na kaya ang presyo nito.
P-3= mababawasan ang mga magkakasakit ng tuberculosis dahil
sa paninigarilyo.
P-4= bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran ng tobako.
P-5= magkakaroon ng magandang bunga ang batas na ito.
TALAHANAYAN 3
PORSYENTO NG PAMILYAR AT DI-PAMILYAR SA SINTAX LAW
TALAHANAYAN 4
EDAD NG MGA TAGATUGON/RESPONDENTE
EDAD
BILANG NG RESPONDENTE
15
7
16
21
17
25
18
5
19 pataas
2
kabuuan
60
Sa talahanayan 4, ang edad ng mga respondent mula sa
edad 15 hanggang 19 pataas. Makikita na halos karamihan sa
mga repondente ay nasa edad 17. Sa anim na pung
respondente, 25 respondente o 42% ang nasa edad 17, 21 o
35% ang 16,5 o 8% ang 18, 7 o 12% ang 15, at 2 o 3% lamang
Ang nasa edad 19 pataas.
Ang resulta ng talahanayan 4 ay ngapapakita lamang na
ang mga respondent ay nasa kritikal na edad para matuto ng
bisyo.
Kabanata V
Lagom, Resulta, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng buod/lagom, resulta,
Suliranin #1
Masuri kung ilang porsyento ng mga mag-aaral ang pamilyar
sa batas na ito?
Resulta: Natukoy sa pag-aaral na ito na karamihan sa mga
mag-aaral ay alam ang ibig sabihin ng batas na ito. Sa 60
respondente 4 na estudyante lamang o 7% ang hindi pamilyar
sa batas samantalang nakakuha ng 93% o 56 katao ang
nagsasabing sila ay pamilyar at may alam sa bagong batas na
Sintax Law.
Konklusyon: Base sa pag-aaral na ito,nalaman ng mga
mananaliksik na karamihan sa mga estudyante ay alam ang
ibig sabihin ng batas na nakakuha ng 93% samantalang 7% ang
nagsasabing hindi sila pamilyar sa batas na ito.
Rekomendasyon: Iminungkahi ng mga mananaliksik sa mga hindi
nakakaalam na lagging magbasa ng mga dyaryong kapupulutan
ng mga makabagong impormasyon o kayay manood lagi ng
balita at makiisa/makialam sa mga pangyayaring nagaganap sa
ating paligid lalung-lalo na sa mga batas na ipinapatupad
ng pamahalaan.
Suliranin #2
Mabatid ang maaaring maging bunga nito sa mga mag-aaral?
Resulta:Sa pag-aaral na ito, nalaman ng mga mananaliksik
na maraming mga estudyante ang nagsasabi na ang batas ay
magkakaroon ng magandang bunga na nakakuha ng ng weighted
mean na 4.38.At ang panghuli ay ang bababa ang kita ng
pamahalaan sa kalakalan ng tobako na nakakuha ng ng
weighted mean na 3.45.
Konklusyon:Sa aming pag-aaral nalaman naming na maraming
estudyante ang nagsasabing magkakaroon ng magandang bunga
ang batas na ito na nakakuha ng weighted mean na 4.38 at
pumapangalawa sa sarbey.Sa paglalahat maraming nagsasabing
magkakaroon ito ng magandang bunga patungo sa maunlad na
ekonomiya.
Rekomendasyon: Iminungkahi ng mga mananaliksik na maging
mapanuri muna sa mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan at
magkaroon ng sapat na kaalaman bago ibigay ang paghuhusga
kung magkakaroon ng magandang bunga ang batas na ito.
APENDIKS
Sa mga Respondente,
Kami po ay kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino sa kursong
Bachelor of Secondary Education (BSED) ng Partido State University (PSU). Bilang
pagtugon sa pangangailangan ng asignatura, ang mga nakalagda ay kasalukuyang
gumagawa ng pananaliksik na pinamagatangPERSEPSYON NG MGA MAG-AARAL NG
RANGGAS RAMOS NATIONAL HIGH SCHOOL SA IKA-APAT NA TAON TUNGKOL SA
IPINASANG SINTAX LAW.
Kaugnay po nito ay nais naming pasagutan sa inyo ang talatanungan na
nasa ibaba. Ang inyong pagsuporta at pakikipagtulungan ay makakatulong ng
malaki sa ikatatagumpay n gaming pananaliksik.
Lubos na gumagalang,
ARLAND B. PARPAN
MIKE ANGELO A. OBIA
Mananaliksik
I.
Personal na Datos
Pangalan:______________________________________
Antas at Seksyon:_________________________
A.
Edad________
kasarian:lalaki( )babae( )
II. TALATANUNGAN
Lagyan ng tsek ang kumakatawan sa iyong sagot .
Ako ay pamilyar sa sintax law at alam ko ang nais ipabatid nito ( )
Hindi ko alam ang batas na ito ( )
B.
Persepsyon ng mag-aaral
Panuto: lagyan ng tsek (/) sa tapat ng bilang na kumakatawan sa iyong sagot.
I.
1.
Makakatulong ang batas na ito para mabawasan
Ang bisyo ng mga estudyante lalong-lalo na sa
paninigarilyo .
2.
Maaaring dina tangkilikin ang sigarilyo at alak
dahil hindi na kaya ang presyo nito.
3.
Mababawasan ang mga magkakasakit
ng tuberkolosis dulot ng paninigarilyo.
4.
Bababa ang kita ng pamahalaan sa kalakaran
ng tobako.
5.
Magkakaroon ng magandang bunga ang batas
na ito.
__ __ __ __
__ __ __ __
__
__
__ __ __ __ ___
__ __ __ __ ___
__ __ __ __ ___
G.Wilhem A. Prila
Punong Guro
Ranggas Ramos National High School
Calawit, Sanjose, Camarines Sur
Ginoo:
Magandang araw po!
Kami po ay mga mag-aaral na nasa unang taon sa Kursong Bachelor of Secondary
Education mula sa Partido State University.Kasalukuyang po kaming gumagawa ng
isang ppananaliksik na pinamagatang Persepsyon ng mga mag-aaral ng Ranggas
Ramos National High School sa ika-apat na taon tungkol sa Sintax Law. Ang
pananaliksik ay isang proyekto sa aming asignaturang Filipino.
Kaugnay po nito, nais naming hingin ang inyong pahintulot na makapagsagawa ng
isang sarbey sa inyong paaralan.
Ang inyong pahintulot ay aming kikilalanin at pasasalamatan.
Gumagalang,
Arland B. Parpan
Mike Angelo A. Obia
Mga Mananaliksik
Pinagtuunan ng pansin nina:
Joan A. Monforte
Guro sa Filipino
Nehlia P. Esmeralda, Ed. D
Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon
Pinagtibay:
Wilhem A. Prila
Punong Guro
BIBLIOGRAPIYA
AKLAT
Pagoso, C.M.,Garcia., and Guerero de Leon, C.R.,(1992),
Fundamental statistics with application for college
students.sinag-tal publisher,inc. manila
INTERNET
http://www.remate.ph/2012/12/sin-tax-law-nilagdaan-na-ni-pnoy/
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211
http://www.scribd.com/doc/46321313/Pananaliksik-ukol-sa-Epekto-Ng-PaninigarilyoPananaliksik
http://www.scribd.com/doc/28668998/ISANG-PAG-AARAL-UKOL-SA-PISIKAL-ATSIKOLOHIKAL-NA-EPEKTO-NG-PANINIGARILYO-SA-MGA-MAG-AARAL-NG-KOLEHIYO-NGNARSING-SA-UNIBERSIDAD-NG-SANTO-TOMAS
http://konseptong-papel-sa-filipino2.blogspot.com/
http://en.wikipedia.org/wiki/weightedmean
http://en.wikipedia.org/wiki/Sin_tax
http://konseptong-papel-sa-filipino2.blogspot.com/
Kurikulum Vitae
Mike Angelo A. Obia
Olas, Lagonoy, Camarines Sur
Personal na Datos
Edad:
17 taong gulang
Petsa ng kapanganakan:
Mayo 04, 1995
Lugar ng Kapanganakan:
Olas, Lagonoy, Camarines Sur
Kasarian:
Lalaki
Lahi:
Filipino
Wika/Diyalektong Sinasalita:
Bikol,Tagalog,Ingles
Edukasyong Natamo
Tersyarya:Kasalukuyang nasa unang taon sa kursong
Batsilyer sa Sekondarya ng Edukasyon.
Medyor sa Araling Panlipunan
Partido State University ( Goa Campus )
Goa, Camarines Sur
Sekondarya:Camarines Sur National High School
Naga City,4400
Taunang Antas 2008-2012
Elementarya:Olas Elementary School
Olas, Lagonoy Camarines Sur
Taunang Antas 2002-2008
Kurikulum Vitae
Arland B. Parpan
Tabgon,Goa, Camarines Sur
Personal na Datos
Edad:
17 taong gulang
Petsa ng kapanganakan:
Enero 12,1996
Lugar ng Kapanganakan:
Burabod, Lagonoy,
Camarines Sur
Kasarian:
Lalaki
Lahi:
Filipino
Wika/Diyalektong Sinasalita:
Bikol,Tagalog,Ingles
Edukasyong Natamo
Tersyarya:Kasalukuyang nasa unang taon sa kursong
Batsilyer sa Sekondarya ng Edukasyon.
Partido State University ( Goa Campus )
Goa, Camarines Sur
Sekondarya:Tabgon National High School
Goa Cam. Sur
Taunang Antas 2008-2012
Elementarya:Tabgon Elementary School
Tabgon, Goa Camarines Sur
Taunang Antas 2002-2008