You are on page 1of 2

REPORMA HINDI ABOLISYON!

Hindi mikakailang madumi at bulok ang sistemang politikal ng ating bansa, sapagkat
halos lahat ay binubuo ng mga TRAPO o Tradisyonal Politicians na walang alam gawin kundi ang
mangurakot at magpayaman, at dahil sa kanila ay tuluyan ng nababarahan ang magandang
kinabukasan para sa ating bansa. Ang mga matatandang opisyal na ito ay mga walang silbi
kayat sa ganang akin sino pa nga ba ang dapat asahan, hindi bat ang kabataan?
SK o Sangguniang Kabataan itinatag noong 1991 upang turuan at ihanda ang kabataang
edad (15) labing lima hanggang 17 sa pamumuno bilang kasapi ng kanilang baranggay,
hinahalal tuwing (5) ika-limang taon. Para sa akin ito ay isang magandang batas sapagkat ang
kabataan ay nagkaroon ng karapatang makialam sa mga anomalyang ginagawa ng mga walang
silbing opisyal ng pamahalaan o sa bawat baranggay, at nakatutulong ito upang ang kabataan ay
magkaroon ng tinig para sa ikagaganda ng bansa. subalit imbis na lumutag ang kagandahan ng
batas na ito ay kabaligtaran ang nangyayari, sapgkat dahil lang naman sa mga TRAPO na
ginagawang Trainig Ground ang SK para sa personal na hangarin at ang masama, ginagamit
ang SK upang pagtakpan ang mga kabalastugang ginagawa nila. Dahil dito ay bulto-bultong sisi
na ng korapsyon at kasamaan ang natatnggap ng SK at ngayon ay gusto pa itong alisin at
tuluyang buwagin! Hindi SK ang dapat sisihin! Mas makatwiran pa kung ipupukol natin ag sisi sa
mga matatandang opisyal na ito ng silay magising. Hindi natin maikakaila na may korapsyon
ngang nagaganap, subalit maling lahatin natin sila, sapagkat hindi SK ang pasimuno nito , Hindi
SK ang nagkamali , hindi SK ang nagkulang kung may mali man ay ang mga humahawak sa
kanila. Wika nga ni Marvi Padasas na isang nanalong SK president sa Area G ng Sapang Palay,
napakarami nilang magagandang batas at propaganda, subalit ang mga ito ay nalilista na
lamang sa tubig sa dami ng mga dinadaanang, tao, at isa pa wika niya may pondo nga sila
subalit ang tunay na may hawak ay hindi sila kundi ang baranggay na humahawak sa kanila.
Hindi bat napakalinaw? Hindi SK ang dapat sisihin, wika ng ilang nais itong alisin
Natututo ang kabataaan na magbenta ng boto totoo aminado ang iilan na may ganitong
pangyayari subalit ang totoo naiipit lamang ang mga kawawang batang ito ng mga magulang
nilang politiko, o ng mga nakaluklok sa kanilang lugar na may masasamang layunin, sila ay
pinipilit at tinuturuan ng mali. Ayon pa sa isang argumentong nais alisin ang SK, may
pangyayaring ikinukulong o kinikidnap ang mga botante at dinadala sa isang bahay upang
masigurong hindi ito boboto sa kabilang panig at ayon sa akda SK ang may gawa nito, isipin mo,
kaya ba itong gawin ng mga simpleng bata? Hindi! Mga malalaking politiko lamang ang may
kayang gawin ito.
Karagdagan pa, ayon sa ating katunggali na si Jarius Bandoc sa kanyang artikulong
Sangguniang Kabataan dapat ng Buwagin, nagiging daan lamang daw ang SK upang matuto
ang mga kabataan sa Political Dynasty , wika nya na nilalahukan ng mga partido ang halalan
kung ang kandidato ay anak ng politiko. Sa ganang akin kung dahil sa dinastiya kaya bubuwagin
ang SK bakit hindi buwagin ang ilang pamunuan na nagsasagawa nito.hindi bat talamak ang
pangyayaring ito sa maraming lugar sa bansa? At alam natin na ang pasimuno nito ay ang ilang
mga walang pusong makabayan na politiko. Wag ibunton ang sisi sa SK, karagdagan kung dahil
lang din sa korapsyon kaya bubuwagin ang SK edi matagal na din sanang binuwag ang
sistemang politikal natin.
Naghain ang isang konggresista na si Valenzuela Rep. magtanggol Gunigundo ng mga
panukalang batas na naglalayong susugin ang ilang batas na may kinalaman sa SK, ayon sa
kanya reporma lamang ang kailangan ng SK at hindi abolisyon sangayon ako dito! Inihain nya
ang House bill (HB) No. 1333, na naglalayong alisin ang inilalaang 10% alokasyon ng Internal
Revenue Allotent ng baranggay para sa SK, sa tulong nito makaktipid ng P9.25 bilyon ang bansa
at matitigil na ang paggamit ng mga politiko sa SK sa pangungurakot, ikalawa nais nyang itaas
ang edad ng mga maaaring maging opisyal na kasapi ng SK, gagawin na itong 18-21 sa dating

15-17, sa pangyayaring ito mas matibay na ang pangunawa ng mga kabataan kung sakaling
isabak na siya sa pamumuno at paikot-ikutin siya ng mga TRAPO. Karagdagan ang tatakbong
kandidato ay kailangang (1) isang taon ng residente sa barangay, at ang boboto ay kailangang
(6) anim na buwan ng residente ng barangay, sa tulong nito maiiwasan ang pagbebenta ng boto
at panggigipit. Ikatlo, ang SK Federation ay aalisin at gagawin na bilang opisyal na miyembro ng
legislatibong kinatawan ng local na pamahalaan tulad ng sangguniang panglungsod, at
sangguniang panlalawigan, ika-apat, naglaan siya ng batas na nagtakdang sa pagsisimula ng
termino ng SK nakasaad dito, Nobyembre 30 ang simula at may limang taong termino.
Magaganda ang mga panukalang ito ni Gunigundo, dapat natin itong suportahan. Kayat sa
kabuuan hindi ang pag-aabolisyon sa SK ang solusyon!
Sa planong pag-aalis sa SK ay katulad narin ng planong pag-aalis ng dila ng kabataan,
wag tayong pumayag na alisan tayo ng boses sa pamahalaan. Ilang beses na bang may
nagsabing patungo tayo sa tuwid na daan? Panahon na para magising baluktot ang daanan
natin! Ang Sk ay siyang paraan nating mga kabataan upang mangialam, ang kabataan ay
isinilang upang manindigan sa tama at umunawa. Wika nga tayo ang pag-asa kayat dapat
natin itong ipakita! Panindigan mo hanggat alam mong tama, pangatwiranan mo hanggat alam
mong mali. Kabataan isulong ang SK! Reporma hindi Abolisyon!.

You might also like