You are on page 1of 1

EDITORIAL: Kapayapaan sa gitna ng mga karahasan

Sa pakikidigma sa ilegal na droga, ang Pangulong Rodrigo Digong Duterte ay may iiisa lang na layunin. Ito ay ang
sugpuin ang malawakang salot na dulot ng droga na sa ating pag-aakala ay hindi ganito katindi. Sa loob ng dalawang
buwan na panunungkulan bilang pangulo, malayo na ang pakikidigmang ito na nagdudulot ng katiwasayan at
kapayapaan sa mga Filipino bagamat may mga mangilan-ilan na tumutuligsa nito dahil sa karapatang pantao.
Sa isinasagawang Operation Double Barrel na kinabibilangan ng Operation Tokhang, mahigit ng 700,000 na
gumagamit at nagtutulak ng droga ang sumurender. May kabuuang mahigit na 1,700 naman ang namamatay, 700 dito
ay galing sa lehitimong operasyon ng Philippine National Police (PNP) at ang 1,000 ay kagagawan diumano ng mga
vigilantes. Sa mga nakalipas na mga linggo, madugo ang pakikidigma ng pamahalaan sa ilegal na droga. May mga
pinangalanan na ring mga pulitiko na sangkot dito kabilang ang mga heneral ng PNP at mga hukom.
Ang kapayapaan sa ngayon ay tila mailap bagamat ginagawa ni Pangulong Duterte ang mga nararapat na hakbangin
patungo dito. Mayroon ng peace talks na isinagawa sa Oslo, Norway sa Communist Party of the Philippines (CPP),
Natonal Democratic Front (NDF) at New Peoples Army (NPA). May mga konkretong pinag-usapan tungo sa
kapayapaan ng ating bansa gaya ng tigil putukan sa pagitan ng ating Hukbong Sandatahan at NPA.
Sa kabilang dako naman, ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ay idiniin ni Pangulong Duterte na tuwirang
buwagin. Inutusan niya ang Hukbong Sandatahan na lipulin ang mga kasapi nito sa Basilan at Sulu. Naging madugo
ang bakbakan ng magkabilang panig. Labing limang sundalo ang nalagas sa hanay ng pamahalaan na nagpaigting ng
desisyon ni Pangulong Duterte na ibayuhin ang pakikidigma dito.
Ang ASG ay mga bandidong nagsasagawa ng kidnap for ransom at ang kanilang mga biktima ay pinupugutan ng
mga ulo kung hindi makapagbigay ng ransom na hinihingi. Sa maikling salita, ang ASG ay isang grupong terorista.
Walang mga prinsipiyong ipinaglalaban ang ASG na di gaya ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro
National Liberation Front (MNLF). Magkakaroon din ng usaping pangkapayapaan ang pamahalaan sa MILF at
MNLF.
Noong Setyembre 2, binomba ng ASG ang isang palengke sa Davao City na kung saan may mga nasawing 16 na
katao at 67 ang naiulat na nasugatan. Dahil dito, iprinoklama ni Pangulong Duterte ang buong Pilipinas sa ilalim ng
State of Lawlessness o State of Lawless Violence upang mapigilan ang mga susunod pang mga insidente gaya ng
nangyari sa Davao City at ang patuloy na pagpatay ng mga vigilantes sa mga suspek sa ilegal na droga na iniuugnay
sa mga kapulisan. Nilinaw ng pangulo na ang kanyang direktiba ay hindi Martial Law at ang writ of habeas corpus
ay hindi sinuspende.
Sa aksyon na ito ni Pangulong Duterte, ano ang mga inaasahan? Magkakaroon ng mga itatalagang check points sa
mga daan at ang mga sundalo at mga kapulisan ay may mga karapatang mangapkap pero di lalabag sa karapatang
pantao. Dito ay makikita natin kung gaano binibigyan ng importansiya ang kapayaan kontra sa karahasan. Madugo
ang sinimulang pagbabago. Para itong isang ina na nanganganak na bagamat mahapdi sa simula, paglabas ng sanggol
ay nagdudulot ng kaginhawaan at kapayapaan.
Kailangan lang tayong mapagmatyag.

You might also like