You are on page 1of 5

GABAY

KALUSUGAN HANDOG
NG FNA-ROME
Rome - Ang mga ngipin
ang ilan sa mga
pinakanatatangi at
pangmatagalang bahagi ng
mga espesyeng mamalya.
Ginagamit ng mga
paleontologo ang mga
ngipin para makilala ang
mga espesye batay sa mga
kusilba (fossil) at malaman
ang kanilang kaugnayan.
Ang mga tao ay
dipiyodonta, na
nangangahulugang
nagkakaroon sila ng
dalawang uri ng ngipin.
Ang kumpol ng mga
ngiping pangbata na
karaniwang lumilitaw sa
gulang na anim na buwan,
at ngipin ng pangbagongsilang (ngipin ng sanggol
na kaluluwal pa lamang).
Humihinto ang pagtubo ng
ngipin ng isang tao kapag
malapit na ng 20 anyos o
bago mag-25 anyos.
Paano ingatan ang mga
ngipin
Nagsisimula ang malusog
na ngipin sa kinakain mo.
Ang balanseng pagkain na

may kalsyum at
bitamina A, C, at D ay
makatutulong na mabuo
ang mga ngipin, mula sa
sinapupunan hanggang sa
lubusan na itong
mabuo. Ang maiinam na
kaugalian sa pagkain ay
makatutulong sa iyo na
maingatan ang malulusog
na ngipin, pero mag-ingat
sa pagkaing mayaman sa
asukal! Lalong
nanganganib na masira ang
ngipin dahil dito.
Ang pagkasira ng ngipin
ay sanhi ng dalawang uri
ng baktiryamutans
streptococci at lactobacilli
na nagiging bahagi
ng plaque, isang malagkit
na suson ng baktirya at
tirang pagkain na
namumuo sa ngipin.
Kinakain ng baktirya
ng plaque ang asukal at
ginagawa itong
mapaminsalang mga asido
na sumisira sa ngipin. Ang
ilang uri ng asukal ay mas
madaling nagiging asido o
mas madaling kumakapit
sa ngipin, anupat bumibilis
ang pagsira ng plaque sa
ngipin. Ang plaque na
hindi natanggal ay
maaaring tumigas at
maging calculus, o tartar,

sa pagitan ng ngipin at
gilagid.
Napakahalaga na
makontrol ang plaque at
lalo na ang
baktiryang mutans
streptococciupang
maiwasan ang pagkasira
ng ngipin. Kaya kung
gusto mong maingatan ang
iyong ngiti, kailangan
mong pangalagaan ang
iyong ngipin at gilagid
araw-araw. Ganito ang
sinabi ng Columbia
University School of
Dental and Oral Surgery:
Ang pagsisipilyo, kasama
na ang paggamit
ng floss, ang
pinakamahalagang bagay
na magagawa mo upang
mapanatiling malusog at
matibay ang iyong ngipin
at ang mga kalamnan na
umaalalay rito. Maaaring
magrekomenda ang iyong
dentista ng iba pang mga
kagamitan at pamamaraan
na tutulong sa iyo na
mabisang linisin ang iyong
ngipin. Natuklasan ng mga
dentista na ang Xylitol,
isang likas na asukal, ay
napatunayang
nakatutulong sa pagkontrol
sa nakapipinsalang
baktirya ng plaque na
nagdudulot ng pagkasira

ng ngipin. May xylitol ang


ibang chewing gum.
Ang paulit-ulit na pagkapit
ng asido ay nagdudulot
ng demineralization, o
paglambot ng enamel ng
ngipin. Napatunayan na
ang fluoride ay patuloy na
nakatutulong sa pag-iwas
ng pagkasira ng ngipin
dahil naibabalik nito ang
nawalang mineral sa
ngipin. Kaya bagaman
maaaring kumalat ang
pagkasira sa iba pang mga
ngipin, maiaayos din ito
kung taglay ng ngipin ang
ilang substansiya, gaya
ng fluoride.

Sa isang surbey kung saan


hiniling sa mga tao na itala
ang mga bagay na kanilang
kinatatakutan,
pumapangalawa ang
pagpapatingin sa dentista
sa pagsasalita sa madla. Sa
mauunlad na bansa, ang
mabibilis na barena ng
ngipin at mga anestisyang
ipinapahid at itinuturok ay
tumutulong na ngayon sa
mga dentista na isagawa
ang kanilang paggagamot
nang walang gaanong kirot
o hirap sa pasyente. Ang
pagiging pamilyar sa
bawat hakbang ng
paggagamot ay maaaring
makabawas sa iyong mga
pangamba.
Maaaring nasasangkot sa
pagpapatingin sa dentista
ang lubusang paglilinis ng
isang hygienist sa iyong
ngipin. Sa prosesong ito,
tinatanggal ang tartar
at plaque na hindi maabot
ng sipilyo at ng dental
floss. Pagkatapos ay
pinakikintab ang ngipin
upang mapigilan ang
pagdami ng plaque at
inaalis ang mga mantsa na
makasisira sa iyong ngiti.
Yamang napatunayan na
nakababawas sa panganib
ng pagkasira ng ngipin
ang mineral

flouride, madalas itong


inilalagay ng dentista
bilang gel, solusyon, o
pamahid sa ngipin ng mga
bata. Masusumpungan din
ang fluoride sa
pampublikong suplay ng
tubig sa maraming lupain,
at kadalasan nang
may fluoride ang
mga toothpaste bilang
karagdagang proteksiyon
laban sa pagkasira ng
ngipin. Higit na sinasanay
ang mga dentista na
gumamit ng mga
pamamaraan upang
maiwasan at mabawasan
ang pinsalang dulot
ng demineralization. Kung
maaagapan ang maliliit na
sira sa ngipin, kadalasang
naaayos pa ito. Subalit
kung mananatili sa ngipin
ang asidong ginawa
ng plaque, magdudulot ito
ng pagkasira ng ngipin.
Kung hindi ito pipigilan,
maaaring mabutas ang
ngipin. Kung hindi pa
umaabot ang pagkasira
sa pulp, ang kinaroroonan
ng mga nerbiyo ng ngipin,
karaniwan nang
pinapastahan ang ngipin.
Gumagamit ng barena ang
dentista upang linisin ang
butas sa ngipin at ihanda
ito sa pagpapasta.
Pagkatapos ay papastahan

ang butas. Ang mga


pastang amalgam ay
mabilis na tumitigas at
hinuhulma, samantalang
ang mga
pastang composite resin ay
pinatitigas sa pamamagitan
ng blue fiber-optic
light. Kung pababayaan
ang butas anupat kumalat
ang pagkasira sa pulp ng
ngipin, baka kailangang
magsagawa ng root-canal
therapy o bunutin pa nga
ang ngipin. Maaaring hindi
na kailangan pang bunutin
ang ngipin kung isasagawa
ang root-canal
therapy, yamang kasama sa
prosesong ito ang
pagpapasta at pagsasara
sa root canal ng nabubulok
na ngipin. Ginagamit ang
mga crown upang takpan
ang mga ngiping nasira
nang husto, at ginagamit
naman ang mga pustiso
upang palitan ang mga
ngipin.
Marahil ay nag-aatubili ka
pa ring magpatingin sa
dentista. Kung gayon,
banggitin mo sa iyong
dentista ang ikinababahala
mo. Bago magpasimula
ang paggamot sa iyo,
pagpasiyahan kung ano
ang isesenyas mo (gaya ng
pagtaas ng kamay) sa
iyong dentista kapag

nasasaktan ka. Itanong sa


kaniya kung ano ang
nasasangkot sa bawat
hakbang ng paggamot sa
iyo. Makatutulong ka rin
na maingatan ang
kalusugan ng ngipin ng
iyong anak sa
pamamagitan ng
pagbanggit ng positibong
mga bagay hinggil sa pagiingat sa kaniyang ngipin
at huwag mong gamitin
ang pagpapatingin sa
dentista bilang panakot sa
kaniyang kalikutan.
Ganito ang sinabi ni
Dr. Daniel Kandelman,
propesor sa Department of
Oral Health ng University
of Montreal: Posible na
ngayon na maabot ang
mahalagang tunguhing ito
hinggil sa kalusugan ng
ngipin: ang maingatan ang
iyong malusog, at natural
na ngipin, taglay ang isang
maganda at kumukutikutitap na ngiti
habambuhay.
Ang pagpapabaya sa bibig
ay maaaring humantong sa
ilang mga kondisyon na
tiyak na makaaapekto sa
kalidad ng pamumuhay,
mga pagkain na makakain,
kabuuang kalusugan, at
pakikisalamuha sa ibang
tao. Kabilang dito ang mga
sumusunod:

Pagkabulok o
pagkasira ng mga
ngipin
Mga kondisyon sa
gilagid
Mabahong amoy ng
hininga

PAANO
MAPAPANGALAGAAN
ANG KALUSUGAN NG
BIBIG?
Ang kalusugan ng bibig ay
nakadepende sa mga uri ng
pagkain ng kinakain,
wastong pamamaraan ng
pagkain, at pagmementena
sa mismong bibig.
Kaugnay nito, maaaring
sundin ang sumusunod na
mga hakbang:
1. Regular na
pagsesepilyo.
Ang regular na
pagsesepilyo ng mga
ngipin ang pangunahing
paraan ng pagpapanatiling
malinis ng bibig. Sa tulong
nito, maaalis ang mga
nakasiksik na pagkain sa
ngipin na siyang
pinamumugaran ng
bacteria na siya namang
sanhi ng pagkasira ng
ngipin. Ugaliin ang
pagsesepilyo nang hindi
bababa sa 2 beses sa isang
araw. Kung maaari, gawin
ito lagi pagkatapos
kumain. Siguraduhin ding
gumagamit ng maayos na
sepilyo at epektibong
toothpaste.
2. Iba pang pamamaraan
ng paglilinis sa bibig.

Bukod sa pagsesepilyo ng
ngipin, siguraduhin ding
malilinis ang iba pang
bahagi ng bibig gaya ng
dila at mga gilagid.
Maaaring gumamit ng
mouthwash upang
mabawasan ang mga
bacteria sa bibig, o kaya ay
gumamit din ng dental
floss upang lubos na
maalis ang mga nakasiksik
sa pagitan ng mga ngipin.
Makatutulong din ang
pagnguya ng chewing gum
sapagkat nagpaparami ito
ng laway na tumutulong
naman sa pag-iwas ng
pagdami ng bacteria sa
bibig.
Basahin ang mga
alternatibong paraan ng
paglilinis sa
ngipin: Alternatibong
panlinis ng ngipin.
3. Pagpapatingin sa
dentista.
Ugaliin ang pagbisita sa
dentista upang matignan
kung may kailangang
ayusin sa ngipin at
maagapan na kaagad ang
tuluyang pagkasira nito.
Huwag nang hintayin pang
makaramdam ng pananakit
at pangingilo sa ngipin
bago magpatingin. Kung
maaari, gawi nang 2
hanggang 3 beses sa isang
taon ang pagpapa-check-up
sa dentista.
4. Pagbabantay sa mga
iniinom at kinakain.
Limitahan ang dami ng
mga pagkain at inuming
may mataas na lebel

asukal, lalo na kung


walang sapat na panahon
sa paglilinis ng ngipin.
Ang mga naiiwang asukal
sa bibig ang siyang
pangunahing sanhi ng
pagkasira ng ngipin.
Bawasan din ang mga
pagkain at inumin na
acidic sapagkat maaari
itong makasira sa tibay ng
ngipin.
5. Pag-iwas sa
paninigarilyo at sobrang
pag-inom ng alak.
Ang paninigarilyo ay isa sa
mga nangungunang
dahilan ng pagkasira ng
kalusugan ng bibig. Dahil
ito sa ilang mga mga
kemikal pumapasok sa
bibig sa bawat paghigop ng
usok mula sa sigarilyo.
Ang tar na kasamang
lumalabas sa usok ng
sigarilyo ay maaaring
kumapit at magdulot ng
paninilaw sa ngipin na
mahirap maalis. Ang alak
naman na may mataas na
lebel ng asido ay nakasisira
din sa kalusugan ng bibig.

Pagsisipilyo sa Iyong
Ngipin
May ilang paraan ng
pagsisipilyo, pero magingat - gumamit lamang ng
kaunting toothpaste. Maga
spang ang toothpaste at
maaaring daan-daang
beses na mas matigas

kaysa sa likas na kayarian


ng ngipin. i) I-anggulo
ang sipilyo nang mga
45 digri sa pagitan ng
iyong gilagid at ngipin.
Huwag magsipilyo nang
mariin. Sa pamamagitan ng
maiikling hagod,
magsipilyo mula sa pagitan
ng gilagid at ngipin
patungo sa ibabaw ng
ngipin. Tiyaking linisin
ang loob at labas ng
ngipin. ii) Sa pamamagitan
ng maiikli at palabas na
hagod, linisin ang ibabaw
ng ngipin. iii) Upang
linisin ang likuran ng
iyong mga ngipin sa harap,
hawakan ang sipilyo nang
halos patayo. Magsipilyo
mula sa pagitan ng iyong
gilagid at ngipin hanggang
sa ibabaw
ng ngipin. iv) Sipilyuhin
ang dila at ngalangala.
Paggamit ng Floss sa
Iyong Ngipin
Inirerekomenda ng mga
dentista ang paggamit
ng floss araw-araw at
palaging pagsisipilyo ng
iyong ngipin pagkatapos
kumain. i) Itali ang isang
hibla ng floss sa hinlalato
ng bawat kamay, anupat
nag-iiwan ng maliit na
puwang sa pagitan ng mga
daliri. ii) Sa pamamagitan

ng hinlalaki at hintuturo ng
kamay, batakin
ang floss. Para maisingit
ang floss sa ngipin, hilahin
ito nang pasulong at
paatras. iii) Ikaskas

ang floss nang pataas at


pababa sa gilid ng bawat
ngipin. Maingat na isingit
ang floss sa pagitan ng
gilagid at ngipin, pero
huwag itong idiin o iatras-

abante sa mismong gilagid.


(ni: Loralaine R. - FNA
Rome)

You might also like