You are on page 1of 11

Pag-ibig Ng Taga-ilog At Laong Laan Sa Bayang Kinalimutan

ni:
JOSE:
El amigo! Buenos dias Antonio! Mainit nanaman ang ulo mo.
ANTONIO:
Jose, Jose, Jose. Alam mo namang nag-iinit ang dugo ko tuwing nakikita kita.
Yayakapin ni Jose si Antonio.
JOSE:
Alam ko namang inaasahan mo ang aking pagdating. Ang pinakamagaling na ilustradong
naririto ngayon sa Madrid
ANTONIO:
Mag hinay-hinay ka sa iyong sinasabi Jose dahil ang kaibigang nasa harapan mo
mas matapang at mas magaling. .

*S 1 s

ang

JOSE:
(aakbayan si Antonio) Kung mas magaling ka sa akin, patunayan mo ngayon. Ano ang
pamagat ng kantang iyan Antonio? Ang unang kantang Nepolito na isinalin sa Italiano
Napakagandang awitin?
ANTONIO:
Huwag mo akong dinadaan sa ganiyan Jose. Alam kong mas matalino ka ngunit
JOSE:
Gracias! Inamin mo ring mas matalino ako kesa sa iyo Antonio. Santa Lucia ang pamagat
ng awiting iyan. Ang paborito kong awiting isinalin ni Teodoro Cottrau.
Mare si placido, vento si caro, Scordar fa i triboli al marinaro. E va gridando con allegria,
Santa Lucia! Santa Lucia!
ANTONIO:
Ang dagat ay payapa, ang hangin ay maningas. Kalimutan ang anumang ligalig at
bumabagabag. Lumabas ka at sumigaw ng may galak. Santa Lucia! Santa Lucia!
Papalakpak si Jose.
JOSE:
Mahusay Antonio!
ANTONIO:
Darating pa kaya ang kapayapaan sa ating inang bayan Jose? Kailan kaya natin
makakalimutan ang poot na bumabagabag sa bawat isa sa atin? Ang dahilan kung bakit tayo
naririto sa Europa.
JOSE:
Masasagot ko yan kung tatangapin mong mas matalino ako.
ANTONIO:
Kailan kaya ang panahong di na tayo magtatago pa? Ang panahong lalabas na lamang
tayo. Sisigaw ng walang humpay na kagalakan. Mahal kong Pilipinas!
JOSE:
Alam mo ba kung paano pinatay si Santa Lucia?
ANTONIO:

Binulag ang kaniyang mga mata.


JOSE:
Ahhh Isang martir.
ANTONIO:
Sa ginagawa natin dito sa Europa, ang pagtulak natin ng La Ginagawa na nating martir
ang ating mga sarili.
JOSE:
Baka ito na rin ang magdadala sa atin sa kamatayan. (tutungo) HAHAHAHA
Magtatawanan ang dalawa.
JOSE:
Teka nga lamang. Nasaan ba ang Dona Juliana?
ANTONIO:
Ang biyanan ng kapatid kong si Juan.
JOSE:
Sino pa nga ba? (tatawagin ang ginang) Dona Juliana! Dona Goricho! Kanina pa kami dito,
maari bang timplahan niyo kami ng tsokolate ni Antonio?
BABAE 1: Buenos dias!
BABAE 2: Magandang araw Antonio.
BABAE 3:
(kay Antonio) Gusto mo bang magkape sa bagong cafe dito sa Madrid?
Patuloy na maririnig ang halakhak ng mga kababaihang nagtutulakan palabas habang
bakas ang ngiti at galak sa namumulang mga pisngi ng mga ito.
JOSE:
Kamusta naman ang paninirahan niyo ng kapatid mong si Juan dito sa tahanan ng Dona?
ANTONIO:
Dona Goricho. Ang mayaman na angkan ng mga Goricho at Pardo de Tavera. Mga
prominenteng Espanyol! Maniniwala ka ba sa akin Jose kung sasabihin kong kinamumuhian ko
ang Madrid. Ang Espana!
JOSE:
Ang akala kong sasabihin mo ay kinamumuhian mo ang mga kababaihang iyon.
(ituturo ang direksyon ng mga kababaihan saka tatawa)
ANTONIO:
Hindi naman kagandahan ang Espana Jose. Ngunit marami sa ating mga kababayan ang
nasasabik at humahanga sa lugar na ito.
JOSE:
Ang mga makikitid na utak nila ay patuloy na pinagsasamantalaan ng mga prayle, kaya
ganoon na lamang ang pagkamuhi nila sa ating bayan. Lavar el cerebro Pilipino! Alam mo ba
kung paano pinatay si Santa Lucia? lnalis ang magandang mga mata nito dahil sa kaniyang
pagmamahal sa kaniyang pananampalataya. Ganito rin ang nangyayari sa ating bayan Antonio.
Patuloy na nabubulag o di kaya ay nagbubulag-bulagan na lamang.
ANTONIO:

Nakita mo ba ang mga gusaling nagkulang sa ganda at arkitektura dito sa Madrid? Ang
mga daang hinulma ng matutulis na bato. Ang ilang lapag ng mga esterong paupahan na tila
bahay ng mga nagsisiksikang kalapati.
JOSE:
Mas salaula pa kumpara sa mga likas na bahay kubo sa Pilipinas.
ANTONIO:
Ang ilusyon at pag-asa ay naglaho na lamang bigla.
JOSE:
Esperansa!
Papasok ang isang babae may pasa ang mukha. Maaring ito ay gating sa ikalawang palapag.
MARIA DE LA PAZ:
Magandang umaga. (kay Antonio) Narinig kita kaya naman nagdala ako ng mainit na
tsokolate. Ako ang nagbukas ng salon ng mama.
ANTONIO:
(titignan ang pasa sa mukha) Nasaan si Juan?
JOSE:
Nasaan ang mainiting asawa mo Maria?
Maririnig mula sa gilid ng tanghalan o ikalawang palapag si Juan.
JUAN:
Maria! La Mierda! Maria!
MARIA:
(kakabahan at mag-aalinlangan) Ang mama ay tulog pa. Alas dose pasado na nang
matapos ang kasiyahan at salo-salo dito sa salon kagabi. Madalas parin ang aming pagtatalo
dahil sa kaniyang patuloy na pagiging seloso.
JOSE:
Kung bakit kasi kayong mga kababaihan ay mabilis na nahuhumaling sa aming mga
makikisig at matipunong kalalakihan.
Papasok si Juan.
JUAN:
La Mierda! Bumalik ka sa itaas! (kay Maria)
ANTONIO:
(kay Juan) Kabsat huminahon ka!
JUAN:
Ading, ang mga babaeng katulad ni Maria ay kailangang gisingin katotohan.
MARIA:
Halika na Juan, (mapapahiya)
JUAN:
Kinahihiya mo ba ang ginawa mo? Nakipagtagpuan ka nanaman sa matandang Pranses?
May nakakita sayo Maria. Sino si Monsieur Dussaq?
MARIA:

Walang katotohanan iyan.


Ipatutugtog ang Maria Mari ni Alfie Boe.
ANTONIO:
Manong huminahon ka. Ang babae ay rinerespeto at inuunawa. Pag-usapan niyo yan ng
maayos.
JOSE:
Hindi mapagkakaila at namana ng kapatid mo ang pagkamainitin ng ulo mo Antonio,
(pabulong)
JUAN:
Mapapatay kita! (sasampalin nito ang asawa) MARIA: Tama na Juan. Nasasaktan ako.
Papasok si Doiia Julianna.
DONA JULIANNA:
Dios Mio! Dejame eiia solo! Unica hija!
ANTONIO:
Juan! Tama na!
DONA JULIANNA:
La Mierda! Pareho kayong magkapatid! (Kay Antonio)
Hahatakin ni Juan ang asawa palabas ng tanghalan habang maririnig ang koro ng Maria Mari.
JOSE:
Kumukulo nanaman ang dugo ng Dona sa inyong magkapatid.
ANTONIO:
(kay Jose, pabulong) Tama ang aking sinabi Jose. Ang Madrid o Espana ay maihahalintulad
mo sa isang mapusok na dilag. Sakit lamang ito sa ating mga kalalakihan. Sakit lamang ng
lipunan.
JOSE:
Hindi lamang kinakamkam at ninanakaw ng Espanya ang ating bayan Antonio. Pati ang
ating mga irog. Ang mga rosas ng ating hardin. Ang tinatagong yaman ni Maria .
ANTONIO:
Kawawang Juan.
JOSE:
Masisisi mo ba ang lahi niyo? Ke gwapo!
Hahalikan ni Jose ang pisngi ng kaibigang si Antonio.
Mainitin ang ulo! Caliente templado!

JOSE:
Natikman mo na ba ng tsokolate ni Maria?
Magtatawanan. Aabutan ni Antonio si Jose ng isang mainit na tasa ng tsokolate mula sa tsarera.
ANTONIO:

Narinig ko sa aking ina na noon pa ay nahilig na ang mga Espanyol sa tsokolate.


JOSE:
Antonio, noong panahon ay ginawa rin ng mga Espanyol bilang salapi ang bawat butil ng
kakaw.
ANTONIO:
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit naakit ang mga Espanyol sa kayumanggi at malatsokolate nating kulay.
Muling magtatawanan.
Minsan ay naglalakad ako dito sa Madrid.
Mag-iiba ang kulay ng tanghalan. Papasok ang ilang kababaihan at sasalubungin si
Antonio. Babalikan ng tingin ang kayumanging si Antonio ng dalawa o tatlong beses.
BABAE 1: Hesus! Que Horroroso!
BABAE 2: Es un Chino! Es un Chino!
BABAE 3: Es un Igorot!
BABAE 1: Chino! BABAE 2: Chiiniitooo!
Magtatalo ang mga kababaihan habang pabalik-balik ang tingin kay Antonio hangang sa
mawawala sila sa paningin ng mga manonood. Magbabalik ang kulay ng tanghalan.
Magtatawanan si Jose at Antonio.
ANTONIO:
Mga mangmang!
JOSE:
Que idiota!
ANTONIO:
Mga walang alam at ignoramus! Sa pagkakaalam nila ay iisa ang Intsik, Igorot at Pilipino.
Mahal kong Pilipinas, kung alam niyo lang ang tunay na larawan ng Espanya! Ang tunay na
mukha ng mga dayuhan.
JOSE:
Kaya sapat lamang na ipagmalaki natin ang ating mga sarili bilang mga Pilipinong
ilustrador dito sa Europa. Mapa-Madrid man yan, Paris o Barcelona.
ANTONIO:
Bilang mga dayuhan dito sa Europa ay dapat iamang na ipagmalaki natin ang pagiging
isang Pilipino. Kung hindi mo maipagmamalaki ang sarili mo bilang Pilipino ay bakit ka pa naririto
at ipinaglalaban ang mga karapatan ng iyong mga kababayan?
JOSE:
Ang mga hangarin ng La Solidaridad. Ang pagkilala sa Pilipinas bilang isang probinsya ng
Espanya.
ANTONIO:
Pagsasabatas ng pantay karapatan sa mga Pilipino at Espanyol.
JOSE:
Pantay na karapatan ng Pilipino at Espanyol na pumasok at magsilbi sa pamahalaan.
ANTONIO:

Bigyang garantiya ang kalayaan ng pamamahayag.

JOSE:
Pagpawi ng systema na tanging ang mga Pilipino lamang ang mga mangagawa.
ANTONIO:
Ang polo at vandala.
JOSE:
Paglikha ng mga pampublikong paaralang hindi pinamumunuan ng mga prayle.
ANTONIO:
Pagkilala sa mga karapatang pantao.
JOSE:
Ano Antonio? Sino ngayon ang mas matalino sa atin?
ANTONIO:
Sabihin na nating patas lamang tayo.
Magtatawanan.
JOSE:
(aakbay )Ngunit aminin mong mas matinik ako sa babae Antonio.
ANTONIO:
Hindi ko iyan matatangap Jose.
JOSE:
Naalala ko ang kuwento me ukol sa isang magandang babaeng nakapareha mo sa isang
sayawan.
ANTONIO:
Sino sa kanila?
JOSE:
Yung isang mangmang ngunit marikit na binibini noong ginanap ang pagtatanghal ng
Pilipinas taong mil ochocientos ochenta y siete.

ANTONIO: Si Angela dahil pinagmulan ito ng pangungutya mula sa mga dayuhan. Dahilan
upang
makipagsapalaran ako na alalayan at ipagmalaki ang integridad ng aking pagkatao bilang
Pilipino.
Magiiba ang ilaw ng tanghalan.
Sa Kaliwang bahagi ng tanghalan ay magkakaroon ng pagtatanghal ang ilang Igorot sa kanilang
tradisyunal na kasuotan. Maaring sila y pares lamang o kaya ay grupo. Ang mga mananayaw ay
iilawan. Ilang saglit pa mapapalitan ang tugtog ng isang awiting balse, ang Mussetas Waltz.
Isasayaw ni Antonio ang isang dilag. Maaaring ang dilag ay kaniyang susunduin mula sa mga
upuan ng manonood.
ANGELA:
(may pagaalinlangan) Do the people dance in your country like we do? ANTONIO: Yes.
senorita, we are very fond of dancing.
ANGELA:

But I thought you did not, because I have seen the dances of those of your people in the
Philippine Exposition, (titingin sa mga mananayaw na Igorot)
Maaapakan ng dalaga ang paa ni Antonio dahilan upang maantala ang kanilang
pagsasayaw. Aayusin ni Antonio ang damit. Muli silang magsasayaw ngunit si Antonio
ay magiging mapagmalaki at mapanuya sa dalaga.
ANTONIO:
Angela, I admit that you are more civilized and more educated than most of the Filipino
women.
ANGELA:
Of course Antonio. I studied in the Sisters of Charity and I am also skilled in terms of home
decorations, beads and embroideries.
ANTONIO:
Ngunit hindi ka marunong magprito ng itlog!
ANGELA:
I could interpret your type of songs in the piano if you want. Whether its a fantasy, waltz,
polka... (maaantala)
ANTONIO:
Ngunit hindi ka marunong magsalita o magsulat ng tamang balarila ng lengguwaheng
Espanyol!
ANGELA:
And by the way, I observed that Filipino women have a dark complexion with flatter nose
and are generally shy.
ANTONIO:
Ngunit hindi sila panay satsat lamang.
ANGELA:
And they are too sensitive and too demure.
ANTONIO:
Ngunit hindi sila bungangera!
ANGELA:
Are you telling something Antonio?
ANTONIO:
The soul of Filipina woman says what it means and feels what it says. Kumbaga ikaw ay
isang tula lamang binibini. Ngunit ang dalagang Filipina ay isang magandang awitin.
ANGELA:
Are you speaking Espanyol? No entiendo! (I dont understand)
Sa di sinasadya ay maaapakan ni Antonio angpaa ng dalaga.
Que lastima! (It hurts)
ANTONIO:
Perdon por pisarte el pie. (Im sorry for stepping your foot) Dahil masyado ka nang
maraming satsat!

Babalik ang ilaw ng tanghalan.


ANTONIO:
Sadiyang ang ating mga kababaihan ay maramdamin, tapat, mahinahon at marupok
kumpara sa mga kababaihan dito sa Europa. Ngunit ito rin ang nagpapatibay ng ating
pagkamakabayan.
JOSE:
Ang ating amor propio! Respeto sa sarili.
ANTONIO:
Gaya ng ating inang bayan at ng ating mga kababaihan, sila may hindi pa ganoon kaedukado ngunit darating ang panahon na mapapahusay nila ang kanilang mga sarili at malinang
ang karunungang taglay.
JOSE:
Dahil ang mga kababaihang ito ang responsable sa paglinang sa edukasj'on ng ating mga
kabataan, ang hinaharap ng ating inang bayan.
ANTONIO:
Ang kagustuhan ko lang naman para sa aking sarili at sa aking bayan ay tanawin at
makilala ito bilang positibo at pasulong na bansa. Ngunit hindi ko matatangap ang dilag at
marikit na si Angela. Isang mapanghusgang mangmang!
JOSE:
Pareho kayo ni Juan, ng iyong kapatid. Walang kaswerteswerte sa babae.
Papasok si Dona Julianna.
DONA JULIANA:
Pagsabihan mo ang kapatid mo Antonio!
ANTONIO:
Dona, maraming nakakakita na lumalabas ang inyong anak kasama ang Dussaq na yon.
DONA JULIANA:
Kung alam ko lang na ganiyan ang kahihinatnan ng aking unica hija ay di ako pumayag na
ikasal siya sa kapatid mong si Juan.
JOSE:
Dahil sa pag-ibig Dona!
ANTONIO:
Kung alam ko lang na pagtataksilan ni Maria ang aking kapatid ay hindi ako pumayag na
sumama siya dito sa Europa.
DONA JULIANA:
Pinayagan ko kayong manirahan sa aking pamamahay dito sa Madrid. Pati na rin sa Paris.
Kinupkop ko kayong magkapatid. Kayong mga ilustrador!
ANTONIO:
Ngunit hindi yan ang dahilan upang saktan niyo ang damdamin ng aking kapatid. D
DONA JULIANA:
Seloso ang kapatid mo Antonio. Mainitin ang ulo gaya mo. Sa aking unica hija. Sino ba
ang hindi magsasawa sa isang tulad niyang mapagmalabis sa asawa?
ANTONIO:

Ako rin man ay sawa na sa pagmamalabis ng mga Espanyol, sa aking pag-ibig sa bayan.
DONA
JULIANA:
Sabihin mo kay Juan na hiwalayan na ang aking anak!
JOSE:
Ngunit nagmamahalan sila.
ANTONIO:
(kay Dona) Kung hihiwalayan ng Espanya ang pagkakatali nito sa aking bayan.
DONA JULIANA:
Hindi na mahal ng aking unica hija ang iyong kapatid Antonio.
ANTONIO:
Kailanman ay di ko mamahaling agawin ng mga dayuhan ang aking bayan.
DONA JULIANA:
Tangapin niyo nang bigo siya sa pag-ibig ng aking anak. Gaya ng bigo niyong pag-iibigan
ni Nelly Boustead.
Babaling ng tingin si Antonio na tila walang narinig.
Dahil mas mahal ni Nelly si Jose. Hindi ikaw ang iniibig ng dalaga. Bigo ka rin sa pag-ibig
Antonio!
ANTONIO:
Gaya ng pagkabigo ng aking kababayan sa kanyang pamahalaan.
DONA JULIANA:
Bastos ka. Verde! Wala kang galang Antonio.
ANTONIO:
Ang pag-ibig ng aking kapatid ay dalisay. Ngunit ang pag-ibig ng taksil na si Maria kay Juan
ay isang hangal. Estupido!
DONA JULIANA:
Hijo de puta! (sasampalin si Antonio)
ANTONIO:
Kasalanan ba ang umibig sa isang dilag? Puta ba ang umibig sa bayan?
DONA JULIANA:
(muling sasampalin si Antonio) Bastardo! Pareho kayo ng kapatid mo! Indio!
Aalis ang nanggagalaiting Dona. Aayusin ni Antonio ang kaniyang sarili.
JOSE:
Ayos ka lang ba kaibigan?
ANTONIO:
Daig pa nang di pag-ibig sa bayan ang anumang suntok o sampal.
JOSE:
Ako man ay walang balak na pasaktan ka Antonio. Nagmamahalan kami ni Nelly.
ANTONIO:

Ang pag-ibig sa isang babae ay balakid lamang sa ating mga hangarin sa ating inang
bayan.
JOSE:
Tulad mo ay mahal ko rin ang ating bayan.
ANTONIO:
Babaero ka Jose. Marami ka na ring mga sinaktan.
JOSE:
Hindi ko hangaring manakit ng damdamin Antonio. At hindi ko sasaktan ang babaeng
pareho nating iniirog.
ANTONIO:
Tinanong kita noon ng paulit-ulit kung mahal mo ba si Nelly. Ngunit sumagot ka ng hindi.
JOSE:
Hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa kaniya Antonio. Kapalaran na lamang ang
nagudyok upang paglapitin ang aming mga puso. Gaya ng pagmamahal natin sa ating bayan.
Kapalaran ang nagdala sa atin dito Antonio. Dahil ang puso ang nagdidikta sa pagmamahal natin
sa ating lupang tinubuan.
Tanging si Antonio ang iilawan.
ANTONIO:
Kaibigan kita Jose. At sa totoo lang, sa tingin koy walang namamagitan sa amin ni Nelly
maliban sa pagkakaibigang nabuo dahil sa kami ay magkababayan lamang. Sa palagay koy iyon
lang ang hanganan. Maginoo ako Jose gaya mo. Meron akong isang salita. Gusto ko siya dahil
siya ay karapatdapat ngunit may mga tagpong sadyang di mapipigilan at ang ligayang
naramdaman ay bigla na lamang maglalaho. Naniniwala akong mapapaligaya niyo ang isat isa
dahil sa taglay niyong pagmamahalan at pagtitinginan. Naalala ko tuloy ang naudlot nating
duwelo Jose dahil sa isang babae. Jose, handa ka na ba? Para sa pag-ibig natin sa iisang dalaga.
Imaheng ilalabas nito ang isang baril at maghahanda. Tatalikod ito sa salamin na
animo y nasa duwelo. Makikita si Jose sa loob ng kwadradong salamin gaya ng postura
ni Antonio. Ang dalawa ay magkatalikod. Para sa pag-ibig natin sa iisang bansa.
Biglang haharap si Antonio sa salamin at itututok ang baril samantalang manantili si
Jose sa kaniyang posisyon. Ilang saglit pa ay haharap si Jose habang siya ay ginagapos
ng ilang kawal.
JOSE:
(kakausapin si Antonio mula sa loob ng lewadradong salamin) Kaibigan, Ipinaglaban
lamang natin ang ating nararamdaman sa isang binibing ipinalagay natiy natatangi,
karapatdapat at may kabuluhang pagtalunan para sa isang karangalan.
ANTONIO:
Gaya ng pagmamahal at pagtingin natin sa ating inang bayan.
JOSE:
Ang mahalin ang inang bayan ay isang malaking karangalan. Ipinagkaloob sa atin ng
bayan ang katiting na pag-asa Antonio. Kapag linustay natin pagkakataong ito, tayoy
makikipagbunuan na lamang sa inutil at walang kabuluhang ilusyon.
ANTONIO:
Ako ngayoy nagsusumamo para sa ating pag-ibig sa bayang kinalimutan. Bigyang
patunay na tayo ay mas mataas pa sa anumang kasawian sa ating bayan.
JOSE:
Na tayo ay di mapapahamak. Upang ang ating marangal at dakilang damdamin ay di
mauuwi sa mahimbing na pagkatulog dulot ng kabulukan at katiwalian.

ANTONIO:
Dahil ang pag-ibig ay isang duwelo at tila isang rebolusyon Jose. May nanalo may natatalo.
Maririnig ang isangputok. Hudyat ngpagkasawi ni Jose. Ibababa ni Antonio ang kamay
na nagmistulang baril at siyas mapapaluhod. Siya ay iilawan.
ANTONIO:
Sa aking mahal na bayan, huwag tayong patatangay sa kanta ng sirena, sa mataas na
lipad ng mga hiraya at guni-guni dahil ang pagkabigo ay kakilakilabot. Ang pag-ibig sa
kapangyarihan ay nakasisilaw. Huwag natin itong ilagay sa rurok. Dahil kapag kumupas ang mga
guni-guni sa harap ng init ng katotohanan, ang pagkabigong mararamdaman ay nakasasawi.
Papasok ang isang lalaki, si Juan.
JUAN: Makakalabas ka na dito Ading. Makakabalik na tayo sa Pilipinas.
Pagmamasdan ni Antonio ang kabuuan ng tanghalan. Maririnig ang awiting Filipinas ng Trio Los
Panchos.
Magsasara ang tabing.

You might also like