You are on page 1of 5

A five-minute newscast usually has three to four stories: one banner story and three shorter stories.

Here are four story samples from dzmm radio of ABS-CBN News.
Rotational brownout dahil sa TRO vs power rate hike, malabong mangyari - Petilla
By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 05:19 PM 01/11/2014

Kumpiyansa si Energy Secretary Jericho Petilla na hindi mauuwi sa rotational brownout ang 60-araw
na pagpigil ng Supreme Court (SC) sa malaking taas-singil ng Manila Electric Company (Meralco).

Sa panayam ng ABS-CBN News Channel (ANC), binigyang diin ng kalihim na hindi naman suplay
ang isyu kundi bayarin.

"We're not talking about lack of supply here, we're talking about commercial issues between Meralco
and power producers."

Sa hiwalay na panayam ng DZMM, inihayag ni Petilla, "I don't think it will come to the point na
sasabihin [ng producer], 'Ayoko nang mag-supply sa 'yo Meralco... hindi ka nagbabayad."

"Hindi [dahil] may demand letter e magkakasubukan na at magkaka-brownout."

Sabi ni Petilla, tiyak na maayos na pag-uusapan ng Meralco at power producers ang TRO na siyang
idinadahilan ng una sa mababang koleksyon ng bayad sa kuryente.

Naniniwala rin siyang irerespeto ng mga ito ang magiging desisyon ng Korte Suprema bilang mga
negosyante.

Isa pa anya, ikokonsidera ng dalawa ang matagal nang relasyon sa negosyo.

Nilinaw pa ni Petilla, "We're talking about two months - November and December or for billing,
December and January, we're not talking about Malampaya being out of service for the rest of the
year."

Gayunman, ani Petilla, posible pa ring magkaproblema at matuloy ang brownout kung matagal na hindi
mababayaran ang generation fuel.

Sabi niya sa DZMM, "As long as 'yung fuel charges are covered, ang Meralco at generators... I believe
they can wait for any decision... I just want to make sure na 'yung fuel nila is covered para tuloy-tuloy
ang takbo ng mga planta."

Una nang ibinabala ng Meralco ang nakaambang rotational brownout sa Luzon dahil sinasalo nila
ngayon ang generation, transmission at iba pang pass-through charges na dapat ay sinasagot ng mga
konsyumer.

4 suspek sa pamamaril sa apo ni Willie Nepomuceno, kinasuhan


By Bianca Antalan, dzmm.com.ph | 02:17 PM 01/11/2014

Kinasuhan na ang mga suspek sa pamamaril sa apo ng komedyanteng si Willie Nepomuceno.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Marikina City Police Chief Senior Superintendent Reynaldo Jagmis
na kabilang dito si Mark Bersilla, 30-anyos, na una nang naaresto at na-inquest.

Kinasuhan pero pinaghahanap pa rin ang dalawang "John Doe" pati ang isa pang suspek na nakilala na
ng awtoridad pero hindi pa pinangalanan sa media.

Kampante ang pulisya na nasa bansa pa rin ang tatlong suspek.

Patuloy pa rin nilang pinaghahanap ang Ford Fiesta (TIO-181) na ginamit ng mga suspek.

Enero 9, Huwebes ng madaling araw, nang pagbabarilin si Sean Nepomuceno at mga kaibigan nito.

Patuloy pa ring nagpapagaling ang biktima.

UP at DLSU, tabla sa pagsisimula ng 2nd round ng UAAP men's football; FEU, nangunguna
By dzmm.com.ph | 02:31 PM 01/10/2014

Nagsimula na ang second round ng men's football sa UAAP season 76 sa FEU-FERN Football Field.

Wagi ang University of the Philippines sa National Unversity, 5-1 upang magtabla kasama ang Green
Booters sa 12 puntos.

Pinangunahan ni Carlos Monfort ang ika-19 na minuto para sa unang iskor ng Maroons at dinoble ang
kalamangan sa ika-31 minuto ni Jinggoy Valmayor mula sa asiste ni Daniel Gadia.

Sa ika-59 minuto, umiskor sa isang long shot si Alfonso Ignacio Ancheta bago ang dalawa pang goal ni
Gadia sa ika-79 at ika-88 minuto sa UP.

Nag-iisang naka-goal para sa Bulldogs si Francis Jay Abalunan sa ika-81 minuto.

Samantala, napagtagumpayan ng DLSU ang UST, 3-2 kung saan sinimulan ni Matthew Nierras sa ika-8
minuto ang unang goal para sa La Salle.

Sa ika-50 minuto, naitabla ni Jean Clarino ng UST ang laban ngunit nagkaroon ng penalty shot si Noel
Timothy Brago sa ika-65 at nagdagdag si Charleston Uy ng isang goal para sa ika-74 minuto upang
muling lumamang ang Green Booters.

Sa kabuuan, nangunguna pa rin ang FEU sa torneo na may 18 puntos.

KC Concepcion, pansamantalang mawawala sa showbiz


By dzmm.com.ph | 03:59 PM 01/11/2014
Matapos ang pagpapalabas sa pelikulang "Boy Golden" na kabilang sa 2013 Metro Manila Film
Festival (MMFF), pansamantalang mawawala muna si KC Concepcion sa showbiz.

Inihayag ng aktres sa kanyang Twitter account na aalis muna sya sa Pilipinas para mag-aral sa ibang
bansa.

"As I've announced as early as December 2013, I will be leaving the country to study short courses
I'll miss you, but I will be back soon!," ani KC.

Pinakahuling ginawa na proyekto ni Concepcion sa telebisyon ay ang kanyang primetime series na


"Huwag Ka Lang Mawawala" kasama sina Judy Ann Santos at Sam Milby.

"After doing a teleserye & a movie last year, together with my new endorsements, I realized there's SO
MUCH more I can still learn about this industry. After getting pneumonia, I decided to take the jump &
do something new for myself. I'm still a Kapamilya & will be back!."

Samantala, humingi rin ng paumanhin si Concepcion sa kanyang fans na umaasang gaganap sya bilang
"Dyesebel," isa sa mga obra ni Mars Ravelo na gagawing teleserye ng ABS-CBN.

"Hi guys, I'm sorry to disappoint, but I will NOT be playing 'Dyesebel' I'll be studying abroad for the
first quarter of the year," banggit pa ni Concepcion.

You might also like