You are on page 1of 7

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG MUNTINLUPA

Brgy. Poblacion, Lungsod ng Muntinlupa

ANG MGA EPEKTO NG PAGLALARO NG LEAGUE OF LEGENDS O LOL SA MGA


PILING MAG-AARAL SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG MUNTINLUPASENIOR HIGH
PANURUANG TAON 2016-2017

Isang Panimulang Pananaliksik


na Iniharap sa Senior High School
Mataas na Paaralang Pambansa ng Muntinlupa

Bilang bahagi ng Patupad


sa mga kinakailangangan sa kursong
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang at Kulturang Pilipino

Nina:
DELPAN, NORBERTO JR.
JIMENA, JO MARIE D.
GUIMBA, KRISTINE P.
OBTINA, JANESSA FLOR
DULLAVIN, HANNA
MORFIEL, MIKEE LYN
STEM 1106-21
2016

I. PAMAGAT
ANG MGA EPEKTO NG PAGLALARO NG LEAGUE OF LEGENDS O LOL SA MGA
PILING MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG MUNTINLUPASENIOR HIGH PANURUANG TAON 2016-2017
II. PANIMULA
Ang League of Legends o LOL ay lubos na kilala sa mga kabataan. Isa ito sa
mga larong umusbong ngayong lumalawak ang kaalaman ng mga tao sa teknolohiya.
Ang Larong League of Legends (LOL) ay lubos nang kinahuhumalingan at
kinaaadikan ng mga piling mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa ng
Muntinlupa-Senior High. Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa mga maaaring epekto
ng paglalaro ng League of Legends (LOL) sa mga piling mag-aaral.
Ang paglalaro ng Online games na ito ay mayroong positibo at negatibong
epekto batay sa aming nalalaman at nakikita sa pang-araw-araw nana pakikisalamuha
sa mga piling mag-aaral o kabataan na naglalaro nito.
Ang oras ng mag-aaral ay dapat nilalaan sa pag-aaral o dapat may oras na
nakalaan lamang sa pag-aaral. Ngunit dahil sa labis na pagkahumaling ng mag-aaral,
ang oras para sa paglalaro ng Online games na LOL. Nagdudulot ito ng
prokrastinasyon o pagsasantabi ng mga takdang aralin kapag isinasaaraw-araw ito ng
mag-aaral.

III. PAGLALAHAD NG SULIRANIN


Nilalayon ng pananaliksik na ito ay matukoy at maisa-isa ang mga epektong
kinakaharapng mga piling mag-aaral sapagkahumaling nila sa paglalaro ng Kompyuter
games na League of Legends (LOL) sa Mataas na Paaralang Pambansa ng
Muntinlupa-Senior High.
Sasagutin din sa pag-aaral na itoang mga sumusunod na tiyak na suliranin.
1. Ang Demograpikong Pagkakilanlanng mga respondent batay sa :
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Buwang kita ng Pamilya
2. Ano ang kadahilanan kung bakit nahuhumaling ang mga mag-aaral sa paglalaro
ng LOL?
3. Ano-ano ang positibong epekto sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa larong
LOL?
4. Ano-ano ang negatibong epekto sa pagkahumaling ng mga mag-aaral sa larong
LOL?

IV. PAMAMARAAN

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamaraang sarbey. Ang mga


mananaliksik ay naghanda ng mga ilang katanungan o mga sarbey kwestyuner na
magiging sangkap upang makakakalap ng mga datos o ipormasyon baray sa paksa ng
pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik ang pamamaraang sarbey dahil ito ay isang
mahalagang kasangkapan dahil sa pamamagitan nito ay makakakalap ng sapat na
datos na kailangan ng mananaliksik sa mga mag-aaral. Ang talatanungan mag-aaral ay
naglalaman ng mga kinakailangang sagutan at kung gaano naaapektuhan ang mga
respondent sa paglalaro ng LOL ng mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralang
Pambansa ng Muntinlupa- Senior High Panuruang Taon 2016-2017.
V. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay malaki rin ang kahalagahan nito sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pananaliksik na ito ay mabibigyan ng sapat na impormasyon ang
isang mag-aaral upang malaman nya ang kahalagahan ng hindi paghuhumaling sa
anumang gawain na maraming negatibong epektong maidudulot nito sa kaniya.
VI. INAASAHANG RESULTA
Ang inaasahang resulta ay makakalap ang sapat na datos ay nakapagtutugon ng
postibo at negatibong epekto sa mga piling mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng
Muntinlupa. Pagtapos naming mangalap ng datos ninais naming magbahagi ng Flyers
sa mga mag-aaral ng Senior High sa Mataas na Paaralan ng Muntinlupa. Nakapaloob
sa mga Flyers ang lahat ng aming natuklasan tungkol sa Pagkahumaling sa paglalaro
ng LOL. Isasaad din sa Flyers ang positibo at negatibong epekto nito sa manlalaro.
VII. MGA SANGGUNIAN

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_epekto_ng_computer_games_sa_mga_magaaral_ngayon.
http://tl.answers.com/Q/Epekto_ng_computer_games_sa_mag-aaral.
http://www.studymode.com/essays/online-gaming-sa-filipino-620974.html

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG MUNTINLUPA


Brgy. Poblacion, Lungsod ng Muntinlupa

Mahal naming Respondente,


Magandang araw!
Kami po ang mga mananaliksik mula sa STEM 1106 ay kasalukuyang
nagsasagawa ng isang pananaiksik na tungkol sa Mga Epekto ng Pagkahumaling sa
larong League of Legends sa mga Piling Mag-aaral sa Mataas na Paaralang Pambansa
ng Muntinlupa Panuruang Taon 2016-2017.
Ang aming pangkat ay naghanda ng ilang katanungan ukol sa aming napiling
paksa. Naway inyong sagutan ang aming mga katanungan na ibibigay nang tapat at
taos-pusong paglalahad upang makalap namin ang tamang impormasyon at datos na
aming kinakailangan para sa aming panimulang pananaliksik.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon.
Lubos na gumagalang,
Pangkat 2 ng STEM 1106-21
Panuto: Punan ang angkop na impormasyon ang mga patlang.
I.

II.

Demograpikong Pagkakakianlan
Pangalan (Opsiyonal):
Kasarian:
Edad:
Taon/Seksiyon:
Mga Dahilan ng Paglalaro ng LOL
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod batay sa iyong sariling pananaw.
Lagyan ng tsek (/) ang kahon base sa mga sumusunod.

4- Lubhang Sumasang-ayon
3- Sumasang-ayon
2- Hindi Sumasang-ayon
1- Lubhang Hindi Sumasang-ayon
Mga Dahilan ng Pagkahumaling sa Larong LOL

You might also like