You are on page 1of 5

Alejandro ang Dakila

Si Alejandro III ng Macedon (20/21 Hulyo 356 10/11 Hunyo 323 BCE)
na kilala bilang Alejandro ang Dakila. Ang hari ng Macedonia na isang
estado ng hilagaang Sinaunang Gresya. Siya ay ipinanganak sa Pella
noong 356 BCE. Siya ay inaralan ni Aristoteles hanggang sa edad na 16.
Sa edad na 30, kanyang nilikha ang isa sa pinakamalaking imperyo sa
sinaunang daigdig na sumasaklaw mula sa Dagat Ionian hanggang sa
mga Himalaya.[1] Siya ay hindi natalo sa digmaan at itinuturing sa
kasaysayan na isa sa mga pinakamatagumpay na mga komander,
nagtatag siya ng imperyo ba sumakop sa kabuuan ng Kanlurang asya,
Egypt at India.
Hinalinhan sa trono ni Alejandro ang kanyang amang si Felipe II ng
Macedon noong 336 BCE pagkatapos paslanging si Felipe II. Sa
kamatayan ni Felipe, namana ni Alejandro ang isang malakas na
kaharian at may karanasang hukbo. Siya ay ginawaran ng
pagkaheneral ng Gresya at gumamit sa kapangyarihang ito upang
ilusan ang mga planong pagpapalawig na pang-hukbo ng kanyang ama.
Noong 334 BCE, kanyang sinakop ang pinamunuan ng Persia na Asya
Menor at nagpasimula ng mga sunod sunod pakikidigma na tumagal ng
10 taon. Binali ni Alejandro ang kapangyarihan ng Persia sa sunod
sunod na nagwaging digmaan na kinabibilangan ng Labanan sa Issus at
Labanan sa Gaugamela. Kalaunan niyang pinatalsik ang haring Persa
(Persian) na si Dario III at sumakop sa kabuuan ng Imperyong
Akemenida. Sa puntong iyon, ang kanyang imperyo ay sumaklaw mula
sa dagat Adriatiko hanggang sa Ilog Indus. Sa paghahangad niyang
maabot ang "mga dulo ng mundo at ang dakilang panlabas na dagat",
kanyang sinakop ang India noong 326 BCE ngunit kalaunang napaurong
sa paghiling ng kanyang mga hukbo. Namatay si Alejandro sa
Babilonya sa edad na 32 noong 323 BCE nang hindi nagsagawa ng
sunod sunod na planadong mga pakikidigma na nagsimula sa kanyang
pananakop ng Arabia. Sa mga sumunod na taon pagkatapos ng
kanyang kamatayan, ang sunod sunod na mga digmaang sibil ang
naghati sa kanyang imperyo na humantong sa ilang mga estadong
pinamunuan ng Diadochi na mga natitirang heneral ni Alejandro at mga
tagapagmana. Ang kanyang pamana ay kinabibilangan ang pagkalat ng
kultura na dinulot ng kanyang mga pananakop. Kanyang itinatag ang
mga 20 siyudad na ipinangalan sa kanya na ang pinakakilala ang
Alehandriya sa Ehipto. Ang pagtira ng ng mga kolonistang Griyego ni
Alejandro at ang nagresultang pagkalat ng kulturang Griyego sa
silangan ay nagresulta sa isang bagong kabihasnang Helenistiko na
ang mga aspeto ay makikita pa rin sa mga tradisyon ng Imperyong
Bizantino noong gitnang ika-15 siglo CE. Si Alejandro ay naging

maalamat bilang isang klasikong bayani sa molde ni Achilles. Siya ay


prominenteng makikita sa kasaysayan at mitong Griyego at mga
kulturang hindi Griyego. Siya ay naging sukatan na pinaghahambingan
sa sarili ng mga pinunong militar at ang mga akademiyang militar sa
buong mundo ay nagtuturo pa rin ng kanyang mga taktika.

PHALAN
X

ANG HUKBO NA TINUTURING NA PHALANX AY


KARANIWANG BINUBUO NA HANGGANG 16 NA HANAY
NG MGA MANDIRIGMA. KAPAG NAMATAY ANG MGA
SUNDALO SA UNANG HANAY, ITO AY MABILIS NA
SINASALITAN NG SUSUNOD PANG HANAY. ANG
PHALANX AY HINDI MGA BAYARANG MANDIRIGMA, SILA
AY TAGAPAGTANGGOL NG KANILANG POLIS.

ACROPOLIS

Acropolis ay nangangahulugang gilid ng isang


bayan o isang mataas na lungsod. Ang katagang
acropolis ay ginagamit din sa paglalarawan ng
panggitna o sentrong kompleks (kasalimuotan) ng
nagkakapatung-patong na mga kayarian, katulad
ng mga plasa at mga piramide sa maraming mga
lungsod na Mayano, kabilang na ang Tikal at ang
Copn.

You might also like