You are on page 1of 5

Emergency power kay Duterte, oks sa LP

KINATIGAN ng ilang lider ng Liberal Party (LP) sa Malaking Kapulungan ng Kongreso ang
panukalang bigyan ng emergency power si president-elect Duterte upang solusyonan ang krisis
sa trapiko sa Kamaynilaan.
Suportado ni House Speaker Feliciano Belmonte ang mungkahing bigyan ng emergency powers
ang susunod na pangulo upang ganap na tapusin ang problema sa trapiko.
Sinabi ni Belmonte, kailangan ng emergency powers ng presidente dahil masyado nang mabigat
ang dagok na idinudulot ng suliraning ito sa bansa kasama na ang mahigit P2.4-bilyong
nawawala sa bansa araw-araw.
Ngunit kailangan aniyang maging malinaw kung para saan at ano ang sakop ng emergency
powers na mapapasakamay ni Duterte.
Sinang-ayunan din ni Belmonte na maipasakop sa emergency powers ang pagsuspinde ng
proseso ng bidding para sa mga inrastructure projects sa metro manila ngunit kailangang lantad
sa publiko ang transaksyon nito.
Sa panig naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo, tanging halal na pangulo na lamang ang
dapat na maging traffic czar dahil aniya sa laki ng kalugihang dulot nito sa taumbayan.

Need presidential intervention because this problem caused international embarassment, ani
Castelo.
Ngunit para aniya magawa ang lahat ng panukala ng pangulo ay dapat itong pagkalaooban ng
Kongreso ng emergency powers. MELIZA MALUNTAG

Dalagita nireyp ng bagitong pulis


KALABOSO ang isang 25-anyos na pulis matapos ireklamo ng panggagahasa ng mga magulang
ng isang 13-anyos na dalagita sa Valenzuela City kaninang madaling-araw, Hunyo 21.
Positibong kinilala ng biktimang itinago sa pangalang Gina, grade 8 student, ang suspek na si
PO1 Jasper Bulaon, ng 121 Arthur St., Bgy. Marulas na nanghalay sa kanya habang siya at
kanyang kaibigan ay natutulog sa loob ng bahay sa Gumamela St., Bgy. Gen. T. de Leon.
Ayon sa ulat ng Valenzuela Police Women and Childrens Protection Desk (WCPD), naimbitahan
ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa isang pagtitipon sa Palo Alto St., Marulas kung
saan nakilala ng mga ito si Bulaon na nag-alok sa kanila ng alak.
Nang makaubos ng ilang bote, muling niyaya ni Bulaon ang biktima at kanyang kaibigan na
nakilala lang sa alyas na Jericho sa isang bahay sa 3110 Gumamela St., Bgy., Gen. T. de Leon
kung saan nagdesisyon na matulog ang mga ito.
Dakong 3:00 ng madaling-araw, nagising ang biktima nang maramdamang may humahalik at
humahawak sa kanyang maselang parte ng katawan at nang imulat nito ang mga mata ay nakilala
niya ang suspek kaya sinubukan nitong itulak palayo sa kanya subalit hindi nito kinaya ang lakas
at bigat ng lalaki.
Walang nagawa ang biktima nang sapilitang ibaba ng suspek ang kanyang suot na short at
underwear hanggang sa magawa itong mahalay ng lalaki.
Dakong 8:00 ng umaga nang payagan ng suspek ang biktima na umuwi ng kanilang bahay
subalit, hindi nito ipinaalam sa kanyang ina ang ginawa sa kanya ng suspek at sa halip ay sa
kanyang boyfriend ipinagtapat ang insidente.
Kaagad namang ipinaalam ng boyfriend ng dalagita sa ina ng kanyang gilfriend ang insidente
kaya agad na humingi ng tulong ang mga ito sa mga tauhan ng Valenzuela Police Community
Precinct (PCP) 3 na naging dahilan upang arestuhin ang suspek at sinampahan ng kaukulang
kaso. RENE MANAHAN

DUTERTE BIBIGYANG-SOLUSYON ANG


KAHIRAPAN
NAKAHANDA na ang plano at programa ni President-elect Rodrigo Duterte sa pagsisimula nito
ng kanyang administrasyon at isa sa tututukan nito ay ang pagsugpo sa kahirapan na matagal na
ring nararanasan ng ating mga kababayan.
Isa kasi sa pangako ni Duterte noong panahon ng kampanya ay ang pagbibigay ng maayos na
programa para sa mahihirap nating kababayan nang sa gayon ay mabago na ang kabuhayan ng
mga ito.
Kabilang sa mga palalawiging programa ang 4Ps na isa sa inaasahan ng mahihirap nating
kababayan at iba pang proyekto tulad ng pagbibigay ng sapat na pagkakakitaan sa nagdarahop na
pamilya.
Kabi-kabila rin ang programang ilalaan ni Duterte upang maibsan na ang nararanasang kahirapan
ng mga Filipino.
Ang gagawing pagsugpo sa korapsyon sa gobyerno ay isa rin sa paraan ni Duterte upang
mawakasan na ang kahirapan dahil sa halip na mapunta sa mga kababayan natin ang pera ng
taumbayan ay sa ilang tiwali lamang ito napupunta.
Kapag may sapat na pagkakakitaan na ang mga naghihirap nating kababayan ay mababawasan
na rin ang krimen sa bansa dahil hindi na maaaring ikatwiran ng ilan na kaya lamang sila
nakapagnakaw ay upang may maipakain sa kanyang pamilya.
Kung inyong mapapansin, kahirapan ang punot dulo ng mga nangyayaring krimen sa bansa
kaya kapag nabigyan na ng solusyon ni Duterte ang tungkol sa problemang ito ay malamang na
mas magiging madali ang pagsugpo sa krimen.
Kailangan din sigurong makipagtulungan ang bawat isa sa atin upang masugpo ang kahirapan.
Hindi naman kasi uunlad ang kabuhayan natin kung iaasa lamang natin ito sa gobyerno.
Tulungan din natin ang ating mga sarili upang mapaunlad natin ang ating kabuhayan sa
pamamagitan ng pagiging masipag at malikhain.
Ito ang nakikita nating solusyon upang mabawasan na o tuluyang mawala ang mga mahihirap
nating kababayan. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO
http://www.remate.ph/2016/06/duterte-bibigyang-solusyon-ang-kahirapan/

Michael V karangalan ng Pilipinas!


KARANGALAN para sa Pilipinas ang tinanggap na Certificate for Creative Excellence ng
programang Pepito Manaloto ni Michael V sa GMA 7 mula sa 2016 US International Film and
Video Festival na ginagaganap sa New York City.
Nagbubunga na ang pagsisikap ni Michael V bilang creative director at pangunahing comedian
ng Pepito Manalo nang muli na namang bigyang parangal ang programa niyang kinaaaniban.
Ilanbg beses nang tumanggap ng awards ang Pepito Manaloto sa local at international award
giving bodies sa buong mundo. Ang katatanggap nilang award mula sa USA ay tanda ng
magaling na concept ni Bitoy sa anomang programa niyang sinasalihan.
Tuwing Saturday early evening ipinalalabas ang Pepito Manaloto. May ibat ibang istorya ng
buhay ang ipinalalabas sa show.
Tulad ngayong Saturday ay tampok ang istoryang Balae War. Sa istorya, napansin ni Pepito
(Michael V.) na panay ang overtime ni Janice (Chariz Solomon). Inaabuso na ng mga kaopisinakay Janice nila pinapasa ang trabaho. Napansin naman ni Elsa (Manilyn Reynes) na
panay ang tambay ni Patrick (John Feir) sa mansion ng mga Manaloto. Mukhang ayaw umuwi
nina Patrick at Janice sa kanila dahil halinhinang nagbabantay kina Janrick at Patrice ang mga
nanay nila. Ang mas masaklap pa, magkaiba ng paniniwala sa pag-alaga ng bata ang mag-balae.
Kung maraming pamahiin si Nanay Mercy, ang nanay ni Janice, kontra naman sa mga pamahiin
si Nanay Rosa, ang nanay ni Patrick. At mukhang malapit nang sumabog ang butse ng magbalae. Matulungan kaya nina Pepito at Elsa sina Patrick at Janice sa kanilang problema?
***
BUBBLE GANG MORE THAN 20 YEARS NA SA ERE, NAMAMAYAGPAG PA RIN
Wala nang papantay pa sa Bubble Gang show na tampok si Michael V bilang pangunahing
comedian. Bukod sa more than 20 years na sa telebisyon, patuloy pa rin nabibigyan ng parangal.
Sinasabi na ngayong most-awarded comedy show ito dahil sa tagal na ere, nagkaka-award pa rin.
Mahihilera na ang Bubble Gang sa Hall of Famer sa mga awards giving bodies. Tulad sa Star
Awards for TV, Hall of Famer na ang gag show fours years ago na.
Nasabi noon ni dating GMA Entertainment Head na si Ms. Wilma Galvante, na ang Bubble Gang
hindi malalaos sa mga nonood dahil ang ipinakikitang portion ay laging bago. Inaayon sa
napapanahong pangyayari. Kung anong uso ngayon sa telebisyon o pinag-uusapan ng marami,
iyon ang kanilang ginagawan ng gags. Kaya naman di pwedeng hindi maging no.1 ang
programa sa lahat ng mga comedy show sa bansa.

MARK HERRAS ISNABER NA SA IBANG BABAE, KAY WYNWYN LANG


NAKATUTOK
Huling babae na raw sa buhay ni Mark Herras si Wynwyn Marquez. Two years from now ay
pakakasalan na niya ito. Gusto niyang makaipon na agad ng pera para sa pagpapakasal nila. 30years old na ngayon si Mark.
Anyway, inagkaguluhan si Mark sa presscon ng Sa Piling Ni Nanay ng entertainment press at
ang tanong sa kanya ay tungkol sa love life nila ni Wynwyn. Happy naman siya na sumagot sa
maaanghang na tanong ng press.
Ayon kay Mark, dalawang beses siyang binasted ni Wynwyn, pero nagtiyaga siya nang husto sa
pangliligaw. Kinausap na niyang pareho sina Joey Marquez at Alma Moreno, ang mga magulang
ni Wynwyn.
Tungkol sa pag-aasawa, malapit na raw. Dalawang taon nga ang ibinigay na timetable ni Mark
para pakasalan si Wynwyn. Nakita na raw ni niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap na
maging katuwang sa buhay.
Ikinatutuwa rin ni Mark na magkasundo sina Wynwyn at ang kanyang anak na si Ada. Madalas
silang tatlo na mag-bonding pag may oras silang dalawa.
Seryoso na raw si Mark sa kanyang buhay ngayon. Inaatupag niya ang kanyang anak at career,
siyempre, bukod kay Wynwyn.
Laking pasalamat niya na pinagkatiwalaan muli siya bilang bida sa soap na Sa Piling Ni Nanay.
Ditoy makakasama niya ang co-StarStruck Batch 1 niyang sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili.
Bale reunion ng tatlo ang soap opera na magiging kapalit sa afternoon soap na The Millionaires
Wife na malapit nang matapos. Ang Sa Piling Ni Nanay ay ipalalabas simula sa June 27. Si Gil
Tejada ang director ng soap. ON THE SET/NOEL ASINAS
Singil sa kuryente bababa ngayong buwan
INAASAHANG magtutuloy-tuloy pa ang pagbaba ng singil sa kuryente ng Meralco
kasunod ng pagbaba ng singil ngayong buwan.
Ayon sa power company, asahan ang P0.13 na bawas sa kada kilowatt hour
ngayong Hunyo.
Katumbas ito ng P25.00 sa buwanang bayad ng isang consumer na kumukonsumo
ng 200-kilowat thour kada buwan.
Ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunsod ng pagbaba ng generation charge sa
kasalukuyan.

Una rito, bumaba rin ang bentahan ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM)
ng P0.98 bawat kilowat thour noong Mayo. MARJORIE DACORO

You might also like