You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Tayabas Western Academy


Candelaria, Quezon
Taong Panuruan 2013 2014

I.

Layunin
-

II.

Naipapakita ang pag unawa ng pagiging kasapi ng Katipunan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga
tanong sa modyul, pagpili ng pangalan, at panunumpa bilang katipunero.
Naibabahagi ang damdamin at nabibigyang interpretasyon ang Kartilya batay sa kasalukuyan.
Nasusuri ang mga gampanin at simbolo sa larawan kaugnay sa pagsapi sa Katipunan.
Nahihinuha ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas: noon, kasalukuyan at sa hinaharap.
Naipapaliwanag ang dahilan ng pagkakatatag ng Katipunan maging ang pagtuklas ng himagsikang
Pilipino.

Nilalaman
Paksa:
Mailalang sesyon na gugugulin:
Batayang aklat:
Electronic Reference(s):

III.

Himagsikan para sa Kalayaan


2 araw
Kasaysayan ng Pilipinas (Cruz et.al.)
Pahina 195 200
www.kartilya katipunan.blogspot.com

Pamamaraan

A. Paghahanda
-

Panalangin
Pagbati
Pagtatala ng may liban sa klase

B. Mga Gawain (Activities)


Gawain 1. Kahapon, Kasalukuyan, at Kinabukasan saKatipunan
Gawain 2. Pagsusuri sa Simbolo
Gawain 3. Paglalahad damdamin ukol Kartilya (with video presentation)
Gawain 4. Ako bilang Katipunero sa pamamagitan ng graphic organizer.
C. Paunlarin (Analysis)
Pagbibigay ng pinaka - akmang pangyayari o nagresulta sa kondisyon.ng sumusunod. (magbigay lang ng isang
pahayag bawat bilang).
1. Ano ang naging posibleng dahilan ng pagpunit ng sedula ng mga katipunero?
2. Ano ang relasyon ng mga salitang Politikal, Moral, at Sibika sa samahang Katipunan?
D. Pagnilayan at Unawain (Abstraction)
1. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa bayan noong panahon ng himagsikan?
2. Kung ikaw ang Katipunero na si Teodoro Patio gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagtatapat sa
samahan?
3. Paano mo paninidigan ang pagsapi sa samahang K.K.K.? magbigay ng ilang gawain na isasaalang alang
mo.
E. Isabuhay (Application)
Tula para sa Bayan. Ngayong higit na nauunawan ng mga mag aaral ang mga nag udyok sa himagsikan at
tungkol sa pagmamahal sa bayan, pagkakataon mo na upang kumatha ng sariling tula (May tatlo hanggang
limang saknong) tungkol sa iyong pagmamahal sa sariling bayan.

IV.

Pagtataya
A. Knowledge
Ibigay ang sumusunod:
1. Ano ang acronym ng K.K.K. o Katipunan?
2. Anong petsa binuo ang samahang himagsikang KKK?
3. Ibigay ang tatlong layunin ng KKK?
B. Process
Bigyan ng pahayag ang mga sumusunod na tanong:
1. Para saan ang Kartilya na ginawa ni Emilio Jacinto?
2. Ano ang pakahulugan ng mga salitang Politika, Moral at Sibika patungkol sa Katipunan?
C. Understanding
Bigyan ng pagpapaliwanag ang mga piling sipi sa Kartilya.
1. Ang taong may hiya, salita'y panunumpa.
2. Ang taong matalino'y ang may pagiingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat
ipaglihim.
3. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patugot ng asawa't mga anak: kung ang umaakay ay
tungo sa masama, ang pagtutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.

V.

Kasunduan
1. Sa kontemporaryong panahon, paano mo ihahambing ang KATIPUNAN sa ating gobyerno?
2. Sinu sino ang mga dakilang KATIPUNERO sa kasalukuyang henerasyon?

*RUBRIC PARA SA PAGMAMARKA NG TULA


Pamantayan
Mensahe
Nilalaman
Estilo ng Pagsulat

Deskripsyon

Puntos

Nakatuon ang mensahe ng tula sa pagmamahal ng may akda sa


bayan.
Wasto ang nilalaman ng tula. Gumagamit ng mga primarya at
sekondaryang sanggunian upang maging kapani paniwala ang mga
binanggt na datos.
Madaling maunawaan ang tula dahil sa mga ginamit na salita.
Makahulugan ang nabuong tula.
KABUUAN

Nakuhang
Puntos

40
40
20
100

*gamitin sa letrang E. Isabuhay o paggawa ng tula.

Inihanda ni: Gn. Carie Justine P. Estrellado

You might also like