You are on page 1of 2

ANG SIGWA

ni German Villanueva Gervacio

Nanginginig, nangangatog, nagungurog


Nanginginig, nangangatog, nangungurog
Nanginginig, nangangatog, nangungurog

Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen


Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dooooonggggg.

Pati tuktok at tadyang ng matikas na burol


Bundok, tulay, moske, simbahan, mansyon

Hwoooshhhh! Hwooossshhhh! Hwoooshhhh!


WzzzzzooozzzzzWzzzooooozzz
Wzzzooooozzzzzzz

Iniluwa ng lupa maging ang nangungunyapit


na ugat
Mga ilog ay dugong bumubulwak-bulwak

Hindi iyon dumating nang walang babala


May tanda, may tanda! Kamiy magigiba
Nawindang ang malay lahat ay tulala
Pumiglas ang puso, isip ay luluwa

Ang langit ay tila bulkang pumutok


Rumagasa ang lapok, lapok, lapok!

Babala,
Babala,
Babala,
Babala,

babala:
babala:
babala:
babala:

babaha, babaha!
babaha, babaha!
gigiba, gigiba!
gigiba, gigiba!

Napabalikwas tayo noong gabing iyon


Ang unay isang napakalakas na haplit ng
hangin
Na sinundan ng pagkidlat at pagkulog
Kumabog, kumabog
Ang lupat dibdib, nayugyog
Nag-unahan ang libong sibat ng langit
Lumangitngit, lumangitngit
Bahay at buhay nabibingit
Wala tayong nagawa kundi ang pagmasdan
Kung paano
tumana
Kung paano
halaman
Kung paano
ng bahay
Kung paano
kabuhayan
Kung paano
asa
Kung paano
bukas

labusawin ng hangin at ulan ang


yugyugin ang punongkahoy at
haplitin ang marupok na dibdib

Hindi tayo makapaniwala sa nasasaksihan ng


balintataw
Kinakalikaw, nilalabusaw, binabalisawsaw
Umaalingawngaw ang halakhak ni Maria
Cacao
Haw haw de karabaw
Utok namo nakutaw
Haw haw de karabaw
Pag-asay di matanaw
Haw haw de karabaw
Lulubog, lilitaw
Lulubog, lilitaw
Lulubog, lilitaw
Awawawawwwww!
Naagnas sa kumukulong tsokolate ang ref,
tv, washing machine
Kompyuter, PSP, Xbox, Wii, Wii, Wii
Nabaklas ang tinaliang haligi, bubong at
hagdanan
Ihit ng sanggol ay nakatarak sa dibdib nating
subyang
Pakakak ni Kamatayan ang pumapailanlang

dayukdukin ang ating yaman at


nakawin ang pangarap at pagburahin ang kahapon, ngayon at

Bukas, bukasbukas
Huwassssshwasssssh.hwwwwasssshhhhh
Huwassssshwasssssh.hwwwwasssshhhhh
Buhok na hinangin ang nakuratang mandala
Nagpipingkiang kampilan ang talahib sa
tagliran ng lambak
Matutulis na kuko ang along gumagalos sa
baybay
Padabog ang mga trosong bumundol sa
tadyang ng bahay
Tuyong dahong tinangay ang mga baka,
baboy, aso, pusa, kalabaw
Balahibo ng manok na hinipan ang mga
sasakyan, kural at poste
Mga langgam na sinabuyan ng tubig ang
mga buhay at bangkay

Hindi na natin matiyak kung ano ang troso o


braso
Hindi na natin matiyak kung ano ang luha o
ulan
Hindi na natin matiyak kung sino ang buhay
o patay
Tayong lahat ay humihinga-hinga pang
bangkay
Bangkay.bangkay.bangkay!
Hilong talilong ang mabubulaklak-ang-dilang
politiko
Noynoying ang may hang-over pang nasa
Palasyo
Kampanteng-kampante at walang paki
Kinikilig sa napanaginipang si Grace Lee
Hugas-kamay ang PAG-ASA at lokal na
pamahalaan
Parang Makapiling turuan nang turuan
Ala-Harry Potter ang mga ganid at tuso!
Madyikerat madyikero kanya-kanyang akto
Hokus pokus doon, hokus pokus dito
Binulsa ang konsyensya, nagpagamit sa
demonyo!

Dahil bakit ang corned beef ay naging


tinapa?
Ang imported na kumot ay naging
mumurahing katsa?
Ang relief goods ay naimbak sa aparador ng
iba
Milyong piso at dolyar, nakaninong bulsa?
Batid kaya nila ang pakiramdam ng isang
nagpikit ng mata
Ng sanggol na hinugutan ng hininga sa
kanilang kandungan?
Batid kaya nila ang pakiramdam ng sumalo
Ng basag na bungo ng kaibigan?
Batid kaya nila ang lamig ng huling pisil
Ng isang kapatid?
Batid kaya nila ang pakla sa puso
Ng isiping hindi natin kaya,
Hindi natin kayang yakapin
Lahat ang humuhulagpos na hininga
Ng ating mahal sa buhay,
At kailangan natin sila bilang karamay
At hindi bantay-salakay?
Subalit tanto rin nating lagi na lamang
Sa lupa tayo'y makadudulog
Sa
Sa
Sa
Sa

lupang
lupang
lupang
lupang

inabuso ng pagtotroso
ginahasa ng pagmimina
ginahaman ng plantasyon
tanging kakampi natin ngayon!

Natikman ng basang lupa ang alat ng ating


luha
Natikman niya ang anta ng ating paghikbi
Natikman niya ang lansa ng ating uhog
Natikman niya ang aplod ng nangungurog
nating tuhod
Natikman niya ang pait ng mga dibdib nating
giba
Natikman niya ang asim ng pagngiwi ng
ating mukha
Natikman niya, ay! natikman niya!
At kanyang naunawaan

Kayamukat nating sinuhayan ang mga


nabaling haligi
Kayamukat nating sinuhayan ang mga
nabaling buto
Kayamukat mnating sinuhayan ang mga
nabaling pananalig
Kayamukat nating sinuhayan ang mga
nabaling kaluluwa
Kayamukat nating sinuhayan ang mga
nabaling suhay
At sa gitna ng tikatik ng luha at ulan
Nakasilip panandali si Pag-asa
Mga bituing nangangako ng panibagong
panaginip
Buwang sumasalamin sa mga nagampanang
pagtataguyod
Nalimutan na tayong tipanin ng araw
Subalit hindi tayo nililisan ng silahis sa ating
mata
At sa pakpak ng mga aninipot muling
isinakay ang lagablab ng pangarap
Kung kailan maihahatid sa pinakamalapit sa
pinakamalapit na bituin,
Ay hindi na mahalaga
Ang mahalaga'y
mangarap
Ang mahalaga'y
ating kaluluwa
Ang mahalaga'y
ating ugat
Ang mahalaga'y
ating sarili
Ang mahalaga'y
puso't hininga

pinili nating muli ang


natukuran nating muli ang
hindi napatid ang bigkis ng
hindi naigupo ang tiwala sa
may init pa rin ang ating

Ang mahalaga'y tanto pa rin natin ang


siyang pinakamahalaga.
Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dooooonggggg.

You might also like