You are on page 1of 2

18 July, 2010

To Jonathan
Kahit anong salita ay hindi nakapagpapaliwanag ng nararamdan ko ngayon Jonathan. Kung
tatlong taon pa ang nakakalipas maaaring may magsasabi sa akin kung ano ang susuotin ko sa
ating date o kaya ay magdamag akong gising kaiisip tungkol dito. Pero alam mo na iyon ang
nangyari ngayon. Ginugol mo ang oras ko para isipin kung ano ang isusuot ko. Alam mong bago
ito ay hindi manlang ako nagdalawang isip tungkol sa itsura ko pero ngayon tatlong oras akong
nakatingin sa salamin. Kinakabahan ako pero gusto kong makita ka.

Sigurado akong malalate ka ngayon tulad ng dati pero di ko inasahang darating ka sa eksaktong
oras. Napakagwapo mo noong nakita kitang nakatayo sa harapan ko. Nakasuot ng dark blue
buttoned down at sa unang pagkakataon sa aking buhay masaya ako at bumagay ang suot kong
bestida. Ang sabi mo napakaganda ko at hindi na ako makatanggi pa, sa paraan ng pagkakasabi
mo ng pangalan ko ay parang napakahalaga ko sayo. Ang berde mong mata ay nakatitig lang sa
aking katawan at dahil doon ay naramdaman kong napakaganda ko.

Ginugol ko ang aking oras nitong mga nakaraang araw sa pag-iisip kung saan mo ako dadalhin sa
ating unang paglabas. Sa palagay ko ay nagpursigi kang magtrabaho para payagan ka ni Mrs.
Bennet na gamitin ang kanyang magandang hardin sa may lawa at dahil doon nakuha mo ang
respeto ko dahil kahit sinong tao ay walang lakas ng loob para tanungin si Mrs. Bennet.
Napakaganda roon, ang mga puno ay mayroong maniningning na ilaw; naghanda ka pa ng mga
paborito kong pagkain. Para akong nasa panaginip. At aaminin kong hindi masarap ang mga
tinapay na gawa mo. Pero alam mo Jonathan, ito ang napakaespesyal na date na nadaluhan ko at
nang dahil dito lalo ko pang naramdaman na totoo ang lahat ng ito.

Alam kong hindi ka yung tipo ng lalaking sweet, hindi ka sanay na nagseset-up ng mga date pero
yung gagawin mo ang lahat para lang sa date natin, na parang isa itong date na katulad sa mga
romantic novels kong nabasa ay sapat na sakin. Yung mga novels, hindi makatotohanan, sobrang
magical na it let us live the story through characters. At parang itong date na to ang perfect para
sa mga novels na nabasa ko, it wouldnt have seemed as real as me as it does now. Maaaring
hindi ko na maalala ang magandang swan-shapped boat pero Im sure that Ill remember the
sound of our laughter noong nahulog tayo sa malamig na tubig ng lawa.

Its not the way which we spend our time that counts but what matters is with whom we spend
time. A guy could have taken me to moon for a date pero pipiliin ko pa din ang date natin dahil
lahat ay nagiging worth it pag kasama kita.

Hinatid mo ko sa pintuan sa pag-aakala kong tapos na ang date natin ngunit nasupresa ako sa
pagbibigay mo ng librong Pride and Prejudice. Sinabi mo na dapat ay bibigyan mo ako ng
bulaklak pero naisip mo na mas maaapreciate ko yung libro and you were right. Ngayon sa
tuwing nababasa ko ang libro ay naaalala kita. Wala pang nakapagbibigay sa akin ng ganitong
klase ng regalo. You have a way of making me feel special Jonathan, making me feel that
although I am not perfect to the world I am still perfect to you.

I have replayed the memory of our date nearly thousand times now at sobrang kinikilig parin ako
noong nakita kong nagblush ka habang nakatitig sa aking mata. My skin still tingles where your
lips had touched my the back of my hands.

Napakagandang umupo sa labas na nakatingin sa alapaap, tumitig sa mga nagniningning na


bituin at inaalala ang lahat ng pangyayari. Ang kurba ng mukha mo ang nagpapanatili sa aking
gising ngayon at wala nang pagdududa kung hindi na talaga ako makatulog pa ngunit kung
makatulog man ako, alam kong makikita parin kita sa panaginip ko ang I hope you will be
dreaming about me too.
Habangbuhay na nagmamahal sayo,
Yours and only yours,
Liza

You might also like