You are on page 1of 1

AKALA KO LANG PALA

Isang araw ng katanghalian


Paligid ay maalinsangan
Mga sangay nagsasayawan
Sumasabay sa agos ng kapaligiran
Tayong dalaway naglalakad sa hardin na
puno ng bulakbulak
Buhok moy sabay na lumilipad sa hangin at
humahalimuyak.
Sisimulan ko kung saan una tayong nagkita
Sa araw na tayong dalawa ay hindi pa
magkakilala,
Dumaan ang mga araw at gabi ng masasaya
habang kapiling kita
Saya na ngayon ko lang naramdaman,
Saya na ikaw lang ang nagparamdam,
Saya na animoy wala ni isang problemang
dinarama, .
At halos akalain, na ikaw na nga talaga

Ngunit, Akala ko lang pala


Akala, ko lang pala
Akala ko lang pala

Akala ko na masaya na tayo


Akala na, akala ko sapat na ang mga ginawa

para sayo,
Akala na kuntento kana sa nabuong Ikaw at
ako, na ginawa nating mundo.
Pero Mali pala ako ,
Akala ko lang pala, dahil iniwan mo ako.
Iniwan mo kong nag-iisa, durog at walang
-wala.
Habang inaalala kong muli,
ang masayang araw noon,
kasabay ng mga sakit na nadarama ngayon
at siya ring pagpatak ng mga luha sa aking
pisngi
Sa mga panahong nagdaan di parin
malinawanagan, kumakapit sa mga kataga ,
sambit ng iyong mga dila, umaasa , akala ,
akala, paulit-ulit na salita , sana matapos na
ito ng hindi na maging akala.

Pipilittin kong tumayo,


Pipilitin kong kalimutan at itapon ang mga
akala na nabuo.
At pipilitin kong buuin aang buhay ko na
nasira dahil sa mga akala ko noon.

Ito ngayon ako, sa pagbabalik sa mundong


parehas nating ginagalawan. Sa mundo kong
nabuo ng dahil sayo.
Sa bawat paggising ko bawat hinagpis na
dulot mo ay siyang nagtulak sa kin tungo sa
kinalalagyan ko.

You might also like