Professional Documents
Culture Documents
Street Foods
Street Foods
ni
Origines, Glorie Terr C.
Ika-17 ng Oktubre, 2016
Konseptong Papel
Masasabing isang phenomenon ang mga pagkain kalye. Saang sulok man ng
bansa - sa siyudad man o probinsya, napakaraming tao mayaman, may kaya at salat sa
pera ang nabubuhay, ginagawang hanapbuhay at tumatangkilik sa mga ito. Dito sa
Pilipinas, hindi lamang ito maituturing na isang uso datapwat ito ay naging bahagi na
ng kultura at ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Bagamat nakabubusog, ang
karamihan sa mga pagkaing ito kung hindi malinis at mapangalaga sa kalusugan ay may
dalang panganib sa kalusugan ng sinumang kakain nito. Sa loob ng mahabang panahon,
napakarami nang mga pag-aaral ang nagawa ukol sa mga peligro sa kalusugan na dulot
nito at makailang ulit nang binalaan ng mga eksperto ang mga tao ukol sa mga sakit na
maaaring makuha rito ngunit hanggang sa ngayon, patuloy pa rin itong tinatangkilik ng
mga tao at tuloy-tuloy pa rin ang paglago ng industriya ng pagtitinda nito. Sa ganitong
kadahilanan, mahalagang malaman at masuri ang mga epekto ng pagtangkilik ng mga
Pilipino sa mga pagkaing ito na talaga namang nanapakahalaga bilang bahagi ng
kabuhayang Pilipino.
Layunin
Pangkalahatang Layunin
Alamin, talakayin at suriin ang mga sanhi at bunga ng pagtangkilik ng
Pilipino sa mga pagkaing kalye.
Tiyak na Layunin
1. Ibigay ang kahulugan at saklaw na pagkain ng mga pagkaing kalye at
magbigay ng halimbawa ng ilan sa mga pagkaing ito na kinagigiliwan ng
mga Pilipino.
2. Ilarawan ang paraan ng paghahanda, presentasyon, at lugar kung saan ito
pangkaraniwang makikita o mabibili at ang mga taong tumatangkilik rito.
3. Tukuyin ang mga sanhi at bunga ng pagtangkilik ng mga pagkaing ito sa
kalusugan, kabuhayan o ekonomiya, at kultura ng bansa.
4. Makapagmungkahi ng paraan upang mapanatiling sa kulturang Pilipino at
mapalago ang mga pagkaing kalye upang mas maging angkop na kainin
ng mga tumatangkilik nito.
Metodolohiya
Maaring kumuha ng ilang datos mula sa mga artikulo sa dyaryo at journal sa mga
aklatan, ilang artikulo at pahina sa internet, at abstrakto ng mga tesis ukol sa pagkaing
kalye at epekto nito sa kultura, kalusugan at ekonomiya ng isang bansa. Sa ganitong
paraan, maaring gamitin ang paraang hemenyutika sa pagsusuri ng mga datos at
makahalaw ng ilang eksplanasyon mula sa mga ito.
Inaasahang Output
Isang 20 35 pahinang papel ang inaasahang mabubuo mula sa mga datos ng
pananaliksik. Bahagi ng papel na ito ang bibliograpi.
Balangkas
Paksang Diwa:
Ang mga pagkain kalye ay isang nang bahagi ng kulturang Pilipino at
pamumuhay ng mga Pilipino, at di ito maikakaila. May masama man itong dulot, may
buti rin naman itong hatid - kayat ating ating itaguyod ang isang tunay na markang
Pinoy.
Ang mga pagkaing kalye ay isang malaking penomenon sa buong mundo. May
mga hinala na ito ay nag-umpisa noong mga panahong wala pang mga permanenteng
pamilihan at kinakailangan ng mga nagtitinda na magpalilipat-lipat ng lugar at
maglako. Datapwat sa paglitaw ng mga sentral at permanenteng lugar ng kalakalan,
ang mga pagkaing kalye ay naging isang natatanging kategorya naging isang
kultura sa sarili nitong pamamaraan. Kaya naman ang mga pagkaing kalye sa ibat
ibang lugar ay naging paraan na ng pagpapahayag ng katangian, ng pagpapakita ng
kultural at heograpikal na pinagmulan ng naninirahan rito.
Ang mga pagkaing kalye ay maaari ring isang testamento ng mga lagalag na
ninuno ng mga tao ang mga tao ay likas na manlalakbay, at ang mga pagkain sa
kalye ay nagbibigay ng isang abot-kayang uri ng pagkukunang sustansya kahit saan
man mapadpad. Ngunit kadalasan ang mga paglago ng industriya ng pagkaing ito ay
isang tanda ng di mapagkakamalang kahinaan ng ekonomiya isang pahiwatig na
parami ng parami ang umaasa sa mga di gaanong masustansiyang pagkain sapagkat
ito lamang ang kanilang makakayanang bilhin.
Sa Pilipinas, ang mga pagkaing ito ay isang lifestyle. Para sa mga Pilipino, ang
mga pagkain sa kalye ay kadalasang isang paraan ng pang-aaliw sa sarili. Sapagkat
maraming Pilipino ang nabubuhay sa mga pagkaing kalye.1
Mula sa mga musmos hanggang sa mga matatanda; mayaman man, middle class o
salat sa pera, purong Pilipino, dayuhan, o naturalisadong Pilipino sino nga ba
naman ang hindi nakakakilala sa mga pagkain kalye?
1
F.G. Winarno and A. Allain, Street Foods in Developing Countries: Lessons from Asia, FAO Corporate
Document Repository, n.d., FAO - WHO, http://www.fao.org/docrep/U3550t/u3550t08.htm#TopOfPage.
3
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street
Foods are Sold All-Over, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4.
4
Grace Uddin, Pedestrian Delights, Bulatlat (Davao Today.com) 5, no. 45, (18-25 Dec. 2007), Alipato
Pub Quezon City Philippines, http://www.bulatlat.com/news/5-45-delights.htm.
5
Street
Food,
Wikipedia:
the
Free
Encyclopedia,
Janaury
17,
2007,Wiki.org,
http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.
6
Ibid.
Ang penoy naman ay ang mas batang balut, o iyong wala pang
11
12
Ibid.
Ibid.
10
13
[Kai], LP III: Street Food in Daet, Bucaio, October 24, 2005, Blogger,
http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html.
14
Street
Food,
Wikipedia:
the
Free
Encyclopedia,
Janaury
17,
2007,Wiki.org,
http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.
15
Uddin, op. cit.
16
Ibid.
11
Nilaga, adobo, mixed nuts, kornik, kasuy ilan lang ito sa mga
kutkutin na talaga namang patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino binibenta man ito sa kariton o nilalako sa mga bus. Masasabi na ngang ito ay
isang panghabambuhay na paborito ng madlang Pilipno.17
Pal
Ito ang tawag sa piniritong pakpak ng manok.18
Pampalamig
Buko, orange, gulaman o sago - ito ay mga inuming tunay na
makakapawi ng uhaw ng kahit sino.
Prutas
Sinong nagsasabing hindi maaaring makamtam ang magandang kutis
sa mababang halaga? Hindi imposibleng makakain ng sariwa at masustanya sa
bitamina C na prutas sa mababang halaga 5 piso hanggang 10 piso lamang
sapagkat ang mga prutas na binalatan, maging nakasupot lamang o nakatuhog,
ay hindi mawawala sa mga abalang kalye at lugar malapit sa terminal o
sakayan ng mga pampublikong sasakyan. Ang mga prutas na kadalasang
itinitinda ay mga papaya, pinya, bayabas at mangga.19
Squid balls
Ang squidball ay halos katulad ng fishballs, ngunit ito ay mas bilog at
mas malaki. Batay nga sa pangalan nito, ito ay gawa sa hinimay na laman ng
pusit na ihinalo sa arina tulad ng sa paggawa ng fishball.
17
Ibid.
Alegre, op. cit., 71.
19
Uddin, loc.cit.
18
12
Taho
Ang taho ay bean curd, isang malambot na pagkain na parang tokwa,
na gawa sa soya. Ang inilalakong taho sa kalye ay ang pinaghalong taho,
arnibal ang maitim na pampatamis na gawa sa tinunaw na asukal, at sago.
Turon
Turon na ube, maruya, turon na saging, pinaypay, ginanggang. Ano
mang luto ng saging o ube ang naisin mo, ito ay siguradong perpektong pang
merienda. Kadalasan, ang turon ay tumutukoy sa piniritong saging na saba, na
nakabalot sa wrapper ng lumpia at asukal.20
Waffle
Sa halip na tinapay at palaman, may mga alternatibong waffle na
itinitinda na mayroong ibat-ibang palaman, ang pinakakaraniwan ay keso o
hotdog.
Walkman
Ito ang tawag sa tainga ng baboy na inihihaw sa kalye at kadalasang
kasama ng isaw, adidas at betamax. Ito ay isa sa mga masasarap na
pampulutan.21
Tunay nang napakaraming klase ng pagkaing kalye ang mabibili, ngunit higit pa
sa dami ng pagkain itinitinda ang dami ng nagtitinda at mabibilhan ng mga pagkain
ito.
20
Likha Cuevas, Special Report: Food Safety: Food Condemned to Eat Unsafe Food. The Manila Times
(The Sunday Times), July 2, 2006,
http://www.manilatimes.net/national/2006/july/02/yehey/top_stories/20060702top1.html.
21
Uddin, loc. cit.
13
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street
Foods are Sold All-Over, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4.
23
Winarno and Allain, op. cit.
24
Bernadette Carreas, DOH Issues Warning vs. Peddled Food, Malaya, Oct. 31, 2000, 2.
25
Winarno and Allain, op. cit.
26
Street
Food,
Wikipedia:
the
Free
Encyclopedia,
Janaury
17,
2007,Wiki.org,
http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.
27
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street
Foods are Sold All-Over, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4 + 2.
14
32
Sa lugar ng mga
eskwater, may makikita na mga talon na nakatakip sa mga lamesat upuan kung saan
maaaring kumain ang mga manggagawa. Meron ding mga babaeng nagtitinda sa
ilalim ng lilim ng mga puno. 33 Sa paglilibot sa ilang unibersidad, kolehiyo o paaralan,
28
Ibid.
Ibid.
30
Ibid.
31
Ibid.
32
Ibid.
33
Ibid.
29
15
maaaninag din ang mga nagtitinda ang iba ay lisensiyado, ang iba ay hindi na
nagsisilbi p/ara sa mga estudyante sa kanilang munting estante.34
May tatlong paraan nang pagkain ng mga pagkaing kalye. Ang una ay bilhin ang
pagkaing kalye at kainin ito habang naglalakad tulad ng pagkain sa mani, at
bananacue. Ang ikalawa ay ang carenderia-type, kung saan ang isang tao ay
kumakain nang gumagamit ng plato at mga kubyertos, kawangis ng pagkain sa isang
restawran o cantina. At ang ikatlo paraan, ang mamimili ay kinakailangang huminto
at tumayo sa tapat ng karitong binilhan tulad ng sa pagkain ng fishball at iba pang
ihaw-ihaw sapagkat ang mga pagkain ay nangangailangan ng sawsawan.35
Makikitang ang mga pagkaing kalye, sa paraan kung papaano ito ipinagbibili, ay
nagbibigay-kaginhawaan sa mga tagatangkilik nito. Ang pagiging madaling makuha
at aksisible, manapa ang indibidwal na kita at antas ng kaaunlaran ng estado ang
makapagdidikta ng balangkas ng pagkonsumo ng mga pagkaing kalye. 36
Para sa mga Pilipino hindi lamang doon sa mga maituturing na nasa ibaba ng
poverty line; ngunit maging sa mga nabubuhay at sumusweldo nang mababa, at sa
kanilang mga binubuhay na pamilya, ang mga pagkaing kalye, kasama ang kanin, ay
isa nang mayos na pagkain. Ang dalawang tuhog ng pagkaing kalye at isang tasang
kanin, ay higit pa sa sapat na itinuturing na kumpletong pagkain (tanghalian) ng ilang
trabahador sa konstruksyon.37
Para sa may mabababang kita, mahalaga ang mga pagkaing kalye at merienda.
Ang mga mangagawa, gayundin ang mga estudyante na wala pang kita ay kumakain
ng pagkaing kalye para sa kanilang almusal. Ang ilang pag-aaral ukol sa nutrisyonal
34
Ibid.
Alegre, op. cit. 70.
36
Winarno and Allain, op. cit.
37
Cuevas, op. cit.
35
16
38
17
42
Christian Esguerra, As Sweet as Anything Forbidden, Philippine Daily Inquirer, 2 July 2000, 15.
Ibid.
44
Uddin, op. cit.
45
Dabet Castaeda, Poor Mans Diet: Of Noodles, Chicken Skin and Isaw, Bulatlat IV, no. 39, (31 Oct.
6 Nov. 2004), Alipato Pub Quezon City Philippines, http://www.bulatlat.com/news/4-39/ 4-39-diet.html.
46
Winarno and Allain, op. cit.
43
18
dikriminasyon ang mga bansang Hapon, Timog Korea at Gran Britanya ay walang
ganitong pag-uuri.47
At ang huli at pinakapangunahing dahilan ng pagtangkilik sa mga pagkaing kalye:
syempre, ang mababa at abot-kaya nitong presyo sa halagang P3 hanggang P25
bawat araw, makakabili na ng pang-ulam na makakasasapat sa isang buong pamilya 48
o isang tasang kanin at ulam para sa tanghalian 49. Ayon kay Capili, mahalaga sa mga
Pilipino ang bilang at kung ang paguusapan ay pagkaing kalye, sa unting halaga ay
marami nang mabibili at minsan ay may pasobra pa na bigay ng suking tindero/a.50
Alam na nang mga tao na ang mga pagkaing ito ay maaaring magdulot ng sakit.
Ngunit, nananaig pa rin ang paniniwalang kapag naluto na ang pagkain, mamamatay
na ang mga mikrobiyo. Ayon kay Aguilar, Basta mainit at dumaan sa apoy Ok na
iyon sa mga Pilipino.51
Sa mga nakalipas na taon, patuloy na binabalaan ng mga kalihim ng kalusugan
ang mga tao ukol sa kontaminasyon ng mga pagkaing kalye at mga bakterya na
maaaring makuha ng mga tao rito.
Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and
Technology (DOST) ay nagpahayag na ang halagang pang-nutrisyon ng ilang
pagkaing di maayos ang pagkakahanda at itinitinda sa mga lansangan ay higit na
mababa kumpara sa mga mapanganib nitong sangkap. Sa madaling sabi, ang
pakikinabang ng bituka ang magiging sanhi ng paghina ng kalusugan. 52
47
19
55
din ng FAO na ang ilang kanser sa atay ay dulot ng pagkaing kalyeng nabubugahan
ng mga usok ng sasakyan. 56 Ang mga siyentipiko at eksperto sa kalusugan ay
nagsasabi rin na ang mga pagkaing inihanda sa hindi maayos na paraan at kondisyon
ay nagdudulot ng mga bulate sa tiyan at mga sakit tulad ng diarrhea o pagtatae
hanggang sa mas malalalang sakit tulad ng kolera, tipus at hepatitis A. Ang mga
pagkaing ito ay maaari ring magdulot ng pagkalason, sakit na panghabambuhay, o
kamatayan. Ang ilang pag-aaral ay nagpakita na rin na ang ilang pagkain ay
nagsisilbing medium ng paghahawahan ng mga sakit. 57
Sa kabuuan, ang panganib na dulot ng mga pagkaing kalye ay sanhi ng
kakulangan sa pangunahing imprastraktura at serbisyo tulad ng malinis na tubig,
kahirapan sa pangangasiwa ng malaking bahagi ng mga nagtitinda ng pagkaing kalye
dahil sa kanilang pagkakaiba-iba, mobilidad at di permanenteng kalikasan,
kakulangan sa kagamitan para sa pag-iinspeksyon at pagsusuri sa laboratoryo,
53
Ibid.
Eddee R.H. Castro,Street Foods, Good Foods: As Protein Source, Manila Bulletin, 31 Oct. 2000, 2.
55
Carreas, loc. cit.
56
Ibid.
57
Cuevas, op. cit.
54
20
Essential Safety Requirements for Street Vended Foods, Eldis (1996), World Health Organization
Department of Food Safety, http://www.eldis.org/static/DOC12145.
59
Minerva Jane G. Del Rosario, Knowledge and Options on Streetfood Vending Policies and Regulations
of Vendors in Metro Manila, Journal of PAHESCU (2005): 40.
21
60
FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small Entrepreneurs, Big
Business, Food and Agriculture Organization of the United Nations (21 April 1997),
http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm.
61
Ibid.
62*
Nakapaloob sa Kabanata III ng Koda ng Sanitasyon sa Pilipinas ang mga alituntuning kailangang punan
ng mga establisyamento ng pagkain. Ang Seksyon 32.e ng batas ay nakatuon sa pagtitinda ng pagkaing
kalye. Ayon sa batas: (1) Ang mga maaari lamang itinda ay ang mga deboteng inumin, biskuwit, at
matatamis; at (2) Ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga pagkaing nangangailangan ng paggamit ng mga
kubyertos.
Ibid.
22
23
66
24
71
72
25
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street
Foods are Sold All-Over, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4.
74
Essential Safety Requirements for Street Vended Foods, Eldis (1996), World Health Organization
Department of Food Safety, http://www.eldis.org/static/DOC12145.
75
Alegre, op. cit., 71.
76
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street
Foods are Sold All-Over, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2.
26
na ito ay hindi kasing mahal ng ibang pagkain kayat ang dikta sa pagpapanatili ng
buhay sa isang bansang third world ay napupunan.77
Ang mga pagkaing kalyeng maayos na naihanda at naibenta ng malinis at nasa
maayos na kondisyon ay mainam na pagkukunan ng mga sustansya lalo na ng mga
mamimili may mabababang kita ayon sa pag-aaral ng DOST. Napag-alaman ng mga
eksperto na ang mga pinirito at inihaw na pagkaing kalye ay nagtataglay ng protina, 78
dagdag pa na mayroon ding mga prutas na itinitinda sa lansangan na nagtataglay ng
mga bitamina. 79
Makakakuha ng 19.1 gramong protina mula sa inihaw na dugo ng baka o baboy
(betamax) at 32.9 gramong protina mula sa bituka ng manok (isaw) na katumbas ng
33 hanggang 55 porsyento ng Recommended Dietary Allowance (RDA) ng isang
normal na Pilipino. Ang piniritong sisiw ay napag-alamang nagtataglay ng maraming
calcium at phosporus. Ang isaw ay napag-alamang nagtataglay ng pinakamaraming
riboflavin at niacin samantalang ang betamax ang may pinakamaraming iron, 47.6mg,
na humigit sa halos apat na beses na pangangailangan ng malusog na lalaking Pinoy o
dalawa-katlong bahagi ng pangangailangan ng iron ng isang malusog ng Pinay. Ang
fishball ang nagtataglay ng pinakamaraming carbohydrates, 32.8g. Lahat ng pagkaing
kalye ay nagpag-alamang mataas sa fats.80
Ang mga pagkaing madaling kainin na itinitinda sa kalye ng mga papalagong
bansa tulad ng Pilipinas ay makabuluhang nakapag-aambag sa seguridad na may
makakain at nutrisyon ng mamamayan. Ang mga pagkaing kalye ay pisikal at
ekonomikal na madaling makuha ng nakararami kayat makakatulong sa pagtagpo ng
77
27
FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small Entrepreneurs, Big
Business, Food and Agriculture Organization of the United Nations (21 April 1997),
http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm.
82
Ibid.
83
Winarno and Allain, op. cit.
28
itinitinda. Ang maliliit na negosyanteng ito ay kapwa babae at lalaki, ang kanilang
kita ay halos kapantay na rin ng kita ng mga regular na trabahador. 84
Ang mababang capital sa pagtataguyod ng negosyo sa pagkaing kalye ay isa sa
mga panghikayat para sa ilang pamilya na pasukin ang ganitong negosyo. Bukod pa
rito, ang mga magtitinda ay makakapili ng oras kung kailan nila nais magtrabaho at
kaunti lamang ang sasagabal sa kanilang pagkilos sapagkat walang amo na mag-uutos
sa kanila. Sa kabilang banda, maaari ring magtrabaho nang mahabang oras ang mga
tindero/a ng pagkaing kalye maging sa mahihirap na kondisyon (tulad ng pagtitinda
kahit bumabagyo) kahit direktang maapektuhan ang kanilang sarili; o kaya ay
maaaring makaharap ang mga nagtitinda ng problema ukol sa mga opsiyal ng lokal na
pamahalaan o mga sindikato.85
Ang mga pagkaing kalye kadalasang sumasalamin sa lokal na kultura. 86 Sa
katunayan, karamihan sa mga itinitindang pagkaing kalye ay mga tradisyunal na
pagkain na nangangailangan ng mahabang oras ng paghahanda. Sa pamamagitan ng
mga pagkaing kalye, nakikilala at nagiging pamilyar ang mga tao sa mga tradisyunal
na pagkain ibat-ibang lugar sa Pilipinas at higit sa lahat, natitikman at nakakain nila
ang mga ito.87 Sa lawak ng sakop na pagkain ng mga pagkaing kalye, naipapakita rin
ng mga ito ang ibat-ibang mga pangkat at lahi na umimpluwensiya sa kultura n
gating bansa. Sa kabuuan, naipapakita ng mga pagkaing kalye ang walang kaparis na
sining ng paghahanda ng pagkain ng mga Pilipno.88
84
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street
Foods are Sold All-Over, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2.
85
Winarno and Allain, loc. cit.
86
Ibid.
87
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street
Foods are Sold All-Over, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2.
88
[Kai], op. cit.
29
Konklusyon at Rekomendasyon
Napakalawak ng impluwensiya ng mga pagkaing kalye sa kabuhayan ng mga
Pilipino. Hindi kulong sa kultura ang impluwensiya ng mga pagkaing kalye, bagkus
naiimpluwensiyahan rin nito ang pagkakaisa, kalusugan, ekonomiya at maging ang
pagpapatakbo ng pamahalaan ng Pilipinas.
Sapagkat tahasang nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino, ang mga pagkaing
kalye ay marapat na mabigyang pansin nang sa gayon ay mas mapaayos ang kalidad
ang mga ito at masulit ng husto ang mga benepisyong makukuha sa mga pagkaing ito.
Hindi sapat na ang pamahalaan lamang ang kumilos upang mapabuti ang
kalagayan ng mga pagkaing kalye sa Pilipinas. Upang magkaroon ng pag-unlad,
kinakailangan ang pagtutulungan at responsibilidad ng lahat ng bawat Pilipino. Ang
mga mga opisyal at tauhan ng mga ahensiya ng pamahalaan ay dapat umaksyon,
89
30
samantalang ang mga nagtitinda at ang mga mamimili ay dapat magkaroon ng sapat
na kaalaman ukol sa mga benepisyo at suliraning dulot ng mga pagkaing kalye at
kumilos nang akma ukol sa kinakailangang gawin sa mga pagkaing kalye.
Ang mga mamimili ay dapat matutong kumilatis ng mga pagkaing kalye na
bibilhin. Dapat nilang malaman ang mga tama at masusustansyang kumbinasyon ng
pagkaing kalye. Hindi masamang bumili, kumain o tumangkilik sa mga pagkaing
kalye subalit kailangang matiyak na maayos ang bibilhing pagkain, at hanggang
maaari, hindi ito gawing pang-araw-araw. Higit na kakailanganin ang pakikialam ng
mga konsyumer at mamimimili ukol sa mga isyu kinahaharap ng mga pagkain kalye.
Kapag nagising ang kamalayan ng mga konsyumer sa tamang pamimili, mas
madaling maiiwasan ang mga suliraning (pangkalusugan) na hatid ng mga pagkaing
kalye.
Ang mga nagtitinda naman ay dapat maging responsable at magkaroon ng
pananagutan sa mga pagkaing kanilang itinitinda. Ang pagsunod sa kaunting mga
batas na gawa ng pamahalaan ukol sa pagtitinda ng pagkaing kalye ay hindi naman
makakaapekto ng husto sa kita ng mga tindahan nito, bagkus maaaring makahikayat
pa ng maraming mamimili ang pagsunod sa mga batas na ito. Dapat magkaroon ang
mga nagtitinda ng konsiderasyon para sa kanilang mamimili at dapat isama nila sa
kanilang layunin ang maayos na serbisyo sa kanilang mga tagatangkilik, at hindi
lamang ang kanilang kikitain ang pagtuunan ng pansin.
Makakatulong rin kung makikisangkot ng ilang pribado at pampublikong mga
institusyon upang maging mas maigting ang pagpapabuti ng mga pagkain kalye.
Kung ang mga institusyong direkta at hindi direktang naapektuhan ng sektor ng
31
32
33
B I B L I O G R AP I YA
Alegre, Edilberto N. Fast Food and Mobile Stand-up Sit-down Food Stalls. Mr. & Ms.,
21 Oct. 1986. 70-71.
Carreas, Bernadette. DOH Issues Warning vs. Peddled Food. Malaya, Oct. 31, 2000, 2.
Castaeda, Dabet. Poor Mans Diet: Of Noodles, Chicken Skin and Isaw. Bulatlat IV,
no. 39 (31 Oct. 6 Nov. 2004). Alipato Pub Quezon City Philippines.
<http://www.bulatlat.com/news/4-39/ 4-39-diet.html>.
Castro, Eddee R.H. Street Foods, Good Foods: As Protein Source. Manila Bulletin, 31
Oct. 2000, 2.
Cuevas, Likha. Special Report: Food Safety: Food Condemned to Eat Unsafe Food.
The Manila Times (The Sunday Times), July 2, 2006.
<http://www.manilatimes.net/national/2006/july/02/yehey/top_stories/20060702to
p1.html.>
Del Rosario, Minerva Jane G. Knowledge and Options on Streetfood Vending Policies
and Regulations of Vendors in Metro Manila. Journal of PAHESCU (2005): 40.
Esguerra, Christian. As Sweet as Anything Forbidden. Philippine Daily Inquirer, 2 July
2000, 15.
Essential Safety Requirements for Street Vended Foods. Eldis (1996). World Health
Organization Department of Food Safety.
<http://www.eldis.org/static/DOC12145>.
Everybodys Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing
Countries: Street Foods are Sold All-Over. The Earthman Society: Science News
Service. (November 5, 1986): 4 + 2.
34
FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small
Entrepreneurs, Big Business. Food and Agriculture Organization of the United
Nations (21 April 1997). <http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm>.
Garafil, Cheloy V. Street Food Vendor to Train on Sanitation. Malaya, 5 Jul. 2000, 2.
[Kai]. LP III: Pinoy Street Food. Bucaio. (October 07, 2005). Blogger.
<http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html>.
[Kai]. LP III: Street Food in Daet. Bucaio (October 24, 2005). Blogger.
<http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html>.
Lacuarta, Gerald and Pazzibugan, Donna. What Can You Buy With P20? Adobong
Mani. Philippine Daily Inquirer, 13 Oct. 1999, 1.
Mamanglu, Shianee. Experts Warn Folk on Street Food. Manila Bulletin, 11 December
1996, 32.
Street Food. Wikipedia: the Free Encyclopedia. (Janaury 17, 2007) Wiki.org.
<http://en.wikipedia.org/wiki/street_food>.
Uddin, Grace. Pedestrian Delights. Bulatlat (Davao Today.com) 5, no. 45 (18-25 Dec.
2007). Alipato Pub Quezon City Philippines.
<http://www.bulatlat.com/news/5-45-delights.htm>.
Winarno, F.G. and Allain, A. Street Foods in Developing Countries: Lessons from
Asia. FAO Corporate Document Repository. (n.d.). FAO WHO.
<http://www.fao.org/docrep/U3550t/u3550t08.htm#TopOfPage>.
35