You are on page 1of 1

Christian Imperial

BSBA-HRDM 2-6N
Reaction paper: Oras Na

Ang dokyumentayong ito ay tungkol sa kasalukuyang lagay ng kalikasan at sa


walang hanggang pagkunsumo ng mga tao sa yaman nito. Tinalakay dito ang mga
maaring mangyari sa hinaharap tulad ng pagkaubos ng halos lahat na likas na
yaman kung magpapatuloy sa ganitong lebel ang pagkunsumo ng mga tao rito.
Ayon sa pag-aaral sa dokyumetaryong ito sa taong 2025 maaring ang lahat
na puno sa Pilipinas ay maglaho na, maaring maubos na rin ang lahat ng
pagkukuhanan ng malinis na tubig sa ating bansa. Isa sa pinaka malaking
problemang hinaharap ng mundo ay ang tuluyang pag ka ubos ng yamang dagat nu
mundo. Sa bilang na 7 billion na tao sa mundo 100 million ditto ay matatagpuan sa
Pilipinas. Isda ang pangunahin nating pinagkukuhaan ng pagkain kayat hindi na
nakakapagtaka kung aabot sa puntong tuluyang itong mauubos. Malaking problema
rin ang pagkaubos ng pagkukuhanan ng malinis na tubig. Karamihan sa dating
pinakukunan nito ay tuluyan ng nasira dahil sa polusyon, tinatayang sa taong 2020
77 milyong buhay ang mawawala sa dahilan ng kontaminasyon mula rito. Ang
mabilis na pagkaubos ng mga puno sa Pilipinas buhat ng modernisasyon ay
malaking banta rin sa kalikasan. Tinatayang 8% na lamang ang natitira sa orihinal
na bilang ng kagubatan sa Pilipinas. Ang tuluyang pagkaubos nito ay magdadala ng
maraming problema para sa atin. Tulad ng mas malalakas na pag baha, kamatayan
ng mga hayop na nakatira rito at marami pang iba.
Sinusubukan ng dokyumentaryong ito na imulat ang mata ng mga tao sa
kasalukuyang nangyayari sa ating mundo na maging higit na mapagagmatyag at
mapangalagaan ang ating likas na yaman. Dahil tulad ng buhay ng tao darating rin
sa puntong mamatay ant tuluyang mauubos ang lahat na yaman na kayang
ihandog ng inang kalikasan para sa atin. Malaki man o maliit mayroon tayong lahat
na magagawa upang makatulong at mapabagal ang tuluyang pagpanaw nito.

You might also like