You are on page 1of 34

The Most Beautiful Mistake

By: Anonymous

Nagising ako sa tunog ng pag-bagsak ng sapatos sa sahig.

"Hey, I'm leaving soon. Just lock the room before you leave." Sabi sakin ng isang di
ko kilalang boses.

Pagbukas ng mata ko, nakita ko ang isang lalake na nakabihis ng pantalon na slacks
at walang damit. Maganda ang hubog ng katawan at medyo may itsura. Ang totoo,
gwapo siya. Sinwerte yata ako kagabi.

"Sino ka?" tanong ko sa kanya, kahit alam ko na.

"So you get amnesia on the day after?" sagot niya habang nagpupunas ng buhok.

"What time is it?" Hindi ko na sinagot ang tanong niya.

"Quarter past two." Biglang nagising ang diwa ko. Naalala ko ang kasal ng kapatid
ko.

"Shit!" Sabay bango ko sa pagkakahiga a dali-daling pinulot ang damit ko sa sahig


at nagbihis. "Shit! Shit! Shit!"

"Ano, natatae ka?" nang-asar pa ang gago habang tumatawa sa sinabi nya. Hindi ko
na pinansin at nagmadiling umalis.

"Matteo." sabi niya sakin bago makarating sa pinto.

"Ano?"

"Matteo ang pangalan ko. But my mum calls me Pikoy." Natawa ako sa sinabi niya.
Alam niya kaya na titi ang tawag sa kanya ng mama niya?

Inisip ko na parang tugma naman, base sa nangyari kagabi. "What's so funny?"

"Forget it." Sabi ko bago tuluyang lumabas sa pinto. "Bye, Pikoy."


Tawa ko sa sarili ko. Ilang segundo pa lang ako nakalabas ng pinto ng bumalik ako
sa kwarto niya.

"Where's my car?" tanong ko sa kanya

"Alchemy. We used my car last night. If you want I can" Kabog ng pinto na ang
nagpatahimik sa kanya.

Matagal na ako sa sirkulasyon, `di na bago sakin ang magising sakama ng isang
estranghero. Di ko na inaalam ang pangalan, wala ng

usapan. Walang kakabit ng tali. May pagka-abnormal yata ako. O malamang, kahit
hindi ko maamin sa sarili ko, takot lang talaga ako.

Naranasan ko na. Matagal na panahon na rin pero ayaw ko na ulitin. Hindi na ako
natuto sa nakita ko sa mummy at daddy ko. O kaya sa mga kapatid nila. O sa mga
napapanood ko sa peikula. Walang katuturan ang relasyon. Walang kauturan ang
kasal. Pero kahit ilang ulit kong sabihin yun sa nakababata kong kapatid na babae,
hindi parin siya nakinig sakin. Ikakasal siya ngayong araw. Lintik. Basta sinabi ko na
lang sa kana na wag akong sisihin sa hindi magandang mangyayari.

Dali-dali na lang akong kumuha ng cab sa ibaba ng condo niya. Hindi mahirap
makakuha, sa Eastwood siya nakatira. Hindi ko namalayan yun kagabi. Pagkakuha
ko ng kotse, direcho na ako ng unit ko sa Ortigas, mabilis na paligo, konting
pabango. Nahirapan lang ako sa pagsuot ng ribbon sa leeg. Hindi ako marunong
kaya tsumaba na lang ako. Kung pwede lang sanang mag t-shirt na lang.

Thirty minutes bago magsimula nakaratig na ako sa pagdadausan ng kasal isang


maliit na chapel sa New Manila. Mabuti na lang pala

hindi ako nag t-shirt kung hindi magmumukha akong basurero sa gitna ng mga
taong ito. Pagkalabas lang ng kotse ko, naramdaman ko ang

cellphone sa bulsa. Si bunso tumatawag. "BB?" pambungad sakin ng kapatid ko. BB


ang tawag nya sakin, ibig sabihin big brother.

Nahilig yata masyado sa Pinoy Big Brother `tong kapatid ko. Merong iba sa boses
niya. Malungkot. Umiiyak.

"Nasan ka?" tanong ko sa kanya.

"Sa room dito sa likod."

"Punta na ako diyan. Hintayin mo ako."

Nadatnan ko si Kelly na umiiyak sa harap ng salamin. Suot na ang kanyang traje-deboda, maayos na ang buhok, mejo magulo ng konti ang

make-up dahil sa kakapunas ng luha. Biglang ngiti pagkakita nya sakin. Agad ko
syang nilapitan at niyakap.

"What's wrong?" tanong ko. Natatakot ako sa isasagot niya.

"You look better than I do on my wedding day!" Pabiro niyang sabi habang
humihikib. Hindi ko na napigilan ngumiti. Akala ko sasabihn

niya sakin na hindi na tuloy and kasal. Masyado yata talaga akong nanunuod ng
pelikula. "I miss you."

"Miss me? Eh di naman ako nawala ah!" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang
luha nya.

"`Di naman kelangan wala para ma-miss." Alam ko ang ibig sabihin ni Kelly. Magaasawa na siya. Natural lang ang umiyak. "And I miss dad.

Sana nandito siya."

"Kelly" Hindi ko na ala ang susunod kong sasabihin. Siguro nga, ganoon talaga
kahalaga sa isang babae ng ilakad sa altar ng kanyang

ama. "Kelly, it's all right. I'll walk you down that aisle. Tahan na, wag ka ng umiyak.
Tingnan mo ang pangit-pangit mo na oh. Para

kang punk diyan sa mascara mong sabog." Tumahan na rin siya sa pag-iyak at
tumawa. "Let's fix you up, okay?"

"You're always so good at that," sabi niya sakin. Habang tinatanggal ang ribbon sa
leeg ko para ayusin.

"And I always will be. I'm you're big brother, that's what I do."
Kami lang ni Kelly and magkapatid. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya pero kahit
ganoon, naging malapit parin kami sa isa't-isa.

Dala na rin siguro ng pagigi naming ulila sa ama kaya ako na ang nagsilbing gabay
sa kanya. Nandiyan ang mummy namin pero iba parin

ang may lalake na tumitingin sayo habang lumalaki ka. Wala kaming sikreto sa isa't
isa ni Kelly, alam nia ang pagkatao ko at ni minsan

ay hindi niya pinaramdam sakin na nag-iba ang turing niya mula nung malaman
niya. Ang naaalala ko lang nung malaman niya, sabi niya may mag-lilinis na ng mga
kuko niya ng libre. Sabay tawa. Noong nagdadalaga si Kelly, ako parin ang bantay
niya tagahatid sa

gimik, taga-sundo sa school, taga-screen ng boyfriend. Si Macky ang naging pinakamatino sa naging nobyo niya. Kaya siguro hindi niya

siya nagdalawang- isip nung nag-propose ito sa kanya. At nagpropose pa talaga ang
mokong sa kapatid ko habang nandun ako. Sa isang

banda, dahil sa ginawa niyang iyon, naisip ko na sincere nga siya sa kapatid ko.
Utos kapatid ko na lang, huwag na huwag sasaktan ang

bunso ko kung hindi hukay ang katapat niya.

"BB, umamin ka sakin." sabi ni Kelly habang inaayos ang ribbon.

"Ano yun?"

"Crush mo si Macky dati, noh?"

"HA?! Si Macky? Kadiri!"

"Asuuus! Kadiri ka pa diyan! Kala mo ba hindi ko nahalata? Lagkit mo kaya


makatingin! Parang kakainin mo eh!"

"Ah. Hehe." Buking! Baka sakalin ako ng ribbon ko. "Sarap nyang tingnan eh!" Sabi
ko ng pabulong.

"Masarap talaga! Pero ikakasal na kami at inaalisan na kita ng karapatan na


masarapan!" Sabay ngiti sa sinabi. "Ask me bakit ako

pumayag magpakasal." Tanong niya sakin.

"O sige, bakit?"

"Kasi dati nararamdaman ko, malapit ka na niyang patulan! Parang may tendency,
alam mo yun?. Baka makawala pa eh!" Sabay tawanan kami ng malakas. Bruhang

to! Kung hindi sana naglandi eh sakin sana si Macky! "Kelly?" Sabi ng isang pamilyar
na boses mula sa bumubukang pintuan. Si Mummy.

"Mummy!" Sabi ni Kelly sabay yakap kay Mummy, naiiyak ulit.

Pagkatapos naming maayos ang make-up niya!

"Oras na, baby." Sabi ng mummy ko.

"Oh sige, mi!" sabi ni Kelly habang nagpupunas ng luha. "Lalabas na kami sandali
na lang." Tumango sakin at umalis na si mummy.

"Isn't she ging to give you "The Talk"? tanong ko kay Kelly.

"Tapos na. Kagabi pa."

"Hmm convenient. Para di na masira make-up mo." Inayos ko na ang belo ni Kelly.
Bumukas ang pinto at pumasok si Nina, and bestfriend

ni Kelly sabay tili ganun din si bunso.

"Ang ganda-ganda mo, friend?" sabi ni Nina. Itim ang kulay ng kasal ni Kelly kaya
itim ang suot ni Nina at may bulaklak sa puti sa

tenga. Si Kelly lamang ang naka suot ng puti. Inabot ni Nina ang isang pirasong
bughaw na tulip kay Kelly, and kanyang boquet.

"I know!" sabi naman ni Kelly habang nagpo-pose ala-modelo sabay pakingdatkindat na mata. Tumawa na lang ako sa dalawa. Naging

malapit nadin saakin si Nina dahil sa madalas pagpunta niya sa bahay namin nung
doon pa ako sa amin nakatira. Magka-classmate sila ni

Kelly mula pre-school at di na naghiwalay ang dalawa. Akala ko dati susunod si Kelly
sakin at magiging lesbiana. Mabuti na lang hindi,

gusto ko ng pamangkin dahil alam ko wala akong magiging anak.

"Tara na! Dalawang `to para kayong mga ewan diyan" sabi ko. Hindi nagtagal
tumugtog na sa loob ng chapel.

Natapos ng maglakad ang lahat, nagsimula ng tugtugin ang Bride's Chorus, hudyat
ng paglakad ko kay Kelly sa altar. Totoong pinaka-

maganda ang babae sa kanyang kasal. Hindi maitago ni Kelly ang saya, ito na ang
pinakamalaking ngiti na kakita ko sa kanya. Nagsitayo na

ang lahat. Nakita ko si Macky sa harap, talagang napaka-gwapo ng magiging bayaw


ko. Nainis ulit ako kay Kelly. Mang-aagaw na bruha!

Sino yung nasa tabi ni Macky? Best man, natural, pero ngayon ko lang siya nakita.
habang papalapit kami sa altar unti-unti kong naaninag

ang mukha ng best man nila. Shit! Shit! Shit! Mali ako, nakita ko na pala siya. Si
Pikoy.

Nahalata ni Kelly ang mukha ko, nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.

"Okay ka lang, BB? Parang ikaw ang ikakasal ah!" Mahinang sabi niya sakin.

"I'm just I'm just so happy for you." Okay na sa sagot na yun si Kelly, iniabot ko na
siya kay Macky habang pilit na umiiwas sa

tingin ni Matteo. Alam ko na namumukhaan niya ako, ang laki ng ngiti niya saakin.
Halos may kasama pang tawa. Hanggang matapos ang

sermonya, hindi ako mapakali. Tingin ng tingin sakin si Matteo. Ramdam kong
naubusan ako ng dugo sa mukha. Iniisip ko, eh ano

ngayon? Pero hindi nakatulong.

Nang matapos ang kasal, dumirecho agad ako sa kotse para pumunta sa reception
sa clubhouse ng village na tinitirahan ngayon ni mummy. Pagkabukas ko ng pinto
nakita ko ang reflection ni Matteo sa salamin ng pintuan.

"What?" Tanong ko sa kanya na parang wala lang.

"What did you say your name was again?" Sabi niya ng nakangiti.

"I didn't tell you my name." Sagot ko sa tanong niya.

"Oh yeah, you didn't. So what is it? What's your name?"

Pagpupumilit niya sakin.

"Hindi mo na kailangan malaman." Pumasok na ako at sinimulang paandarin ang


kotse. Hindi pa nakakaandar ay hinarangan niya ang

kotse ko. Binuksan ko ulit ang pinto at bumaba.

"What do you want?" Asar na taong ko sa kanya.

"A ride. My friend took my car and there's no one else around." Sabi niya. Napansin
ko nga, wala na lahat ng sasakyan. Walang dumadaan na taxi dito. Naasar ako sa
kanya pero naawa din ako. Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kahit gaano ko
kaasar, pinapasok ko na lang siya sa kabilang pinto. "Thanks," wika niya
pagkapasok sa pinto. Hindi ako sumagot. Naging napaka awkward ng sandali kaya
nagsimula ulit siyang magtanong, "So are you like Kelly's father?" Tumingin na

lang ako sa kanya na gustong kong sabihin na napaka-tanga ng tanong niya.


"Oookay Hindi ka naman ganun katanda ang itsura mo." Tahimik parin ako.
"Marunong ka naman magsalita, diba?"

"Oo." Yun lang ang naging sagot ko sa kanya. Nakarating na rin kami sa wakas sa
clubhouse. Sa akin lang parang limang oras ang nilakbay

ko.

"That was a nice conversation. " Sabi niya.Nakangiti parin siya sakin, walang bahid
ng pagka-inis sa mukha niya. Maganda ang ngiti

ni Matteo. Maganda ang labi niya, ang mga ngipin, ang mga guhit sa tabi ng labi.
Naalala ko bigla kagabi noong nakapatong ang mga

labing yun sa labi ko. Ibang klase kung humalik si Matteo, mabagal, sensual,
matamis. Napakagat ako ng labi. Nakatingin parin siya sakin

na parang nang-aakit. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, mabilis na inabot ko sa


leeg nya ang kamay ko at hinila ko ang leeg niya

papunta sakin. Mabilis naman nagpatong ang labi namin. Pero hindi siya humahalik.
Oo nga't nakapatong ang labi niya pero hindi

gumalaw. Tang ina, napahiya ako! Inalis ko na ang labi ko at bumalik sa


pagkakaupo.

"Thanks for the ride." Binuksan na niya ang pinto at lumakad papunta ng clubhouse.

Ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa manibela. Ang tanga-tanga ko!

Shit! Pero kasalanan niya! Nang-aakit siya eh! Ang mokong na `to!

Nanliit ako, di ko alam kung pano ko ipapakita ko mukha ko sa kanya mamaya.


Paglabas ng ko ng kotse ay nakapagsindi muna ako ng dalawang yosi para magipon
ng lakas ng loob.

Sa loob nakita ko agad si Mummy at Macky nagsasayaw, ang ama naman ni Macky
at si Kelly. Hindi ko nakita si Matteo. Mabuti naman.

Lumapit ako sa ama ni Macky at Kelly.

"May I, Mr. Santana?" Tanong ko sa ama ni Macky.

"Of course." Sabay abot sakin ng todo-ngiting si Kelly. "You have a wonderful sister"

"I know, sir. Thank you." Ngumiti ako sa kanya at umalis na din para umupo. "So
Mrs. Santana" napangiti kami pareho ni Kelly. "Of

course I know you're wonderful, you're my sister."

"Mana-mana yan, diba, BB?"

"You know it! Bunso, pwede ba akong sumama sa honeymoon niyo?"

pabirong tanong ko kay Kelly. "Para matikman ko man lang si Macky."

"Ay sorry ka, hindi pwede! Dapat ginahasa mo siya nung di pa kami kasal. Off-limits
na siya ngayon."

"Malas." Nagsabay kami sa isang malakas na tawa ni Kelly hanggang ma tumapik sa


balikat ko. Pag lingon ko nakita ko si Matteo. Shit ulit!

"Matt!" Sabi ni Kelly kay Matteo. "Oh, I haven't introduced you yet.

Matt, meet the most wonderful brother in the whole wide world, Kiros."

"Well, it's certainly a rare occassion to meet the most wonderful brother in the
world." Inabot niya sakin ang kama niya sabay ngiti.

Lintik na ngiti yan pinahiya ako kanina. At aktor ang mokong na ito.

Makikisakay na lang ako.

"Matt is Macky's brother," sabi ni Kelly. Double Shit!

"Ah yes I'm Mack's brother. I'm sorry I didn't tell you," sabi sakin ni Matt na todo
ang ngiti, halatang natatawa.

"Wait, so you know each other?" Tanong ni Kelly kaw Matt.

"Yeah well, not really. Sinakyan ko siya kanina." Parang nawalan ako ng hininga sa
sinabi niya. "I mean, nakisakay ako sa kotse niya

papunta dito."

"Ahhh." sabi ni Kelly na halatang iba ang inisip sa sinabi niya.

"Uhm.. she's yours. I gotta get myself a drink." Umalis ako sa

kinatatayuan ko at lumapit sa pinakamalapit na waiter na may dalang champaigne


at inubos sa isang lagok.

Bago umalis ang waiter, kumuha ulit ako ng isa at lumabas sa may kotse ko,
nagsindi ng yosi. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas si

Kelly, nababahala ang mukha niya.

"Okay ka lang, BB?"

"I slept with Matt!" Biglang bukas ng bibig ko, hindi ko na napigilan. Hindi ko alam
kung bakit ko sinabi yun bigla pero wala na

ako magagawa, nakalabas na. Siguro dahil mapagkakatiwalaan ko si Kelly.

"YOU" Gulat na sabi ni Kelly. "You slept with Matt?!!!" Hininaan niya ang boses
niya.

"Who slept with who?" Sabi ni Macky paputa sa kinaroroonan namin.

Narinig niya kaya? Tang ina, so much for trusting Kelly.

"Yeah, who slept with who? Si Matt, kasunod sa yapak ni Macky.

"Excuse me, this is a private conversation, God! And my sex life is none of your
business!!!" Galit na sabi ko sa dalawang dumating.

"May boyfriend si Kiros." Sabi ni Kelly kay Macky, sabay tingin kay Matt na nakangiti.

"I DON'T HAVE A BOYFRIEND!" Asar na asar na talaga ako!

"May boyfriend si Kiros?" Sabay na tanong nila Macky at Matteo.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" Asaaaaar!

"Honey, I think the guests are calling for us." Sabi ni Kelly kay Macky habang hinihila
pabalik sa loob. "BB, mamaya na tayo magusap!"

"KELLY!" Tawag ko sa kanya. "KELLY BUMALIK KA DITO!" Hindi na siya nakinig.

"So you have a boyfriend?" Nagulat ako, nakalimutan ko na nandito pa pala si


Matteo. Inubos ko ang natitirang champaigne, tinapon ang

yosi at nagsindi ng bago. Hindi ko sinagot ang tanong niya. "You slept with me and
you didn't tell me you have a boyfriend?" May

bahid ng konting galit sa boses niya. "Is that why you're avoiding me?"

"I don't have a boyfriend, she meant you," kalmado na ako ngayon.

"So I'm your boyfriend?" Nakangiti na ngayon ang engot.

"NO!!! Hindi kita boyfriend, wala akong boyfriend at definitely ayaw kong magkaboyfriend! "

"Talaga lang ha"

"Talaga, now leave me alone!"

"So you told Kelly about us?" Lumapit siya sa akin at sumandal din sa kotse ko
katabi ko.

"Look, there's no `us,' Matt!"

"Ahu.okay so you told Kelly about you and me?" Tinitigan ko na lang siya sa
mata. Gusto ko na siyang sakalin. "Oookay let me

rephrase that, you told Kelly about what HAPPENED between you and, separately,
me?"

"Oo." Kinuha niya ang sigarilyo ko.

"You are so into me, aren't you?" Pabirong sabi niya sakin at binuga ang yosi ko.

"Gago!"

"Alam mo sa tigin ko, may gusto ko sakin. Sinunggaban mo nga ako ng halik kanina
eh."

"Walang ibig sabihin `yun," namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Okay lang. `Di din naman kita gusto eh."

"Good! That's good." Aray. mokong na `to. Nasaktan ako sa sinabi niya ah! Hindi ko
alam kung bakit, siguro nasaktan ang ego ko.

"But I bet, magkakagusto ka sakin! Pero hindi ako papatol sayo kahit akitin mo pa
ako."

"Hahaha!" Natawa ako sa sinabi niya pero sinadya kong lumakas ang tawa ko.
"Never gonna happen."

"We'll see about that, BB!" Tinapon na niya ang yosi at naglakad paputang
clubhouse.

"You're on, Pikoy!"

Kinaumagahan, nagising ako sa ring ng telepono, si Kelly tumatawag.

"BB," pambungad nyang bati.

"Kelly ang aga pa!"

"BB may utang ka saking kwento."

"Masyado ka pang bata."

"Pag-kinwento mo sakin, ikukwento ko sayo nangyari samin kagabi ni Macky."

"Salamat na lang."

"Che! Bahala ka nga diyan," mabuti na lang umalis na si Kelly sa piaguusapan


namin. "BB, remember ha! You promised me you'll take us

to the airport." Ngayon nga pala ang alis ni Kelly at Macky para sa honeymoon nila.
Ako ang nagregalo kay Kelly noon, isang linggo sa

Hawaii.

"Yeah, yeah, I remember."

"We're all packed up na, punta ka na dito."

"Sige, shower na ako."

Hinatid ko si Kelly at Macky sa airport. Ibinilin sakin ni Kelly ang bahay. Dun muna
daw ako tumira para alagaan ang kanilang aso, si

Legazpi. Napaka-istupidong pangalan para sa aso kung ako tatanungin mo, pero
gusto ko na rin si Zap, tawag ko sa aso. Pumayag na ako.

Pero pina-sumpa niya ako na doon ako matutulog hanggang dumating sila next
week. Sabi ko walang problema.

Pagkagaling ng airport, dumirecho na ako sa bahay nila para pakainin si Zap.


Nabigla ako ng nakita kong bukas ag pinto, kahol ng kahol

ang aso. May magnanakaw yata. Kumuha ako ng tubo na malapit sa may pintuan
bago pumasok, inutusan ko ang sarili ko na itanong kay Kelly kung bakit may tubo
dun. Napaka out-of-place. Hindi ako gumawa ng ingay, baka malaman ng
magnanakaw na may tao at tumakbo. Walang magulo, walang nakuha sa sala, ang
tv nandun parin at nakabukas. Siguro alam ng magnanakaw na matagal bago
bumalik and may-ari ng bahay. Nasa kusina si Zap kumakahol. Kumakahol si Zap sa
ref. Pagtingin ko, may lalakeng naka-dungaw at may kinukuha sa loob.

"You have got to be kidding me!" sabi ko at nahulog ang tubo na dala ko.
Napalingon si Matteo sa ingay ng tubo ng nahulog.

"O, Kiros! Anong ginagawa mo dito?" Nilagay niya ang gatas na kinuha sa ref at
binuhos sa lalagyan ni Zap.

"I was going to ask you the same thing."

"Well, Kelly asked me to stay here 'till they get back. You? What's

your excuse? Sinusundan mo ako `no?" Ngumiti siya sa akin habang hinihimas ang
ulo ng aso.

"Remind me to kill Kelly when she gets back." Wika ko sa kanya.

"Okay, I will."

Pagkatapos noon umuwi na ako para kumuha ng mga damit sa gagamitin.

Habang nasa byahe, nag-ring ang telepono ko.

"Hello?"

"Kiros? It's Matt."

"Where did you get my number?"

"Kelly gave it to me."

"Remind me to kill her twice."

Natawa siya sa sinabi ko.

"Hey, listen, can you pick up a food for Legazpi on your way back."

"What makes you think I'm coming back?"

"Because I'm here. And I know you want to see me again."

Puki ng ina! Ayaw niya talaga akong tigilan! Napaka aroganteng litsugas! Binagsak
ko ang telepono. Pagkalipas ng tatlong oras

nakabalik na ako sa bahay nila Kelly dala ang isang sakong pagkain

ni Zap. Binuksan ni Matteo ang pinto.

"You can't get enough of me, can you?" tanong ni Matt sakin.

Sinubsob ko sa dibdib niya ang dogfood na dala ko.

"Matt, listen, I have some rules." sabi ko sa kanya.

"Bakit? Di naman ikaw may-ari ng bahay ah!" protesta niya.

"Number one! Sa sala ka matutulog, sakin ang guest room."

"Fine by me."

"Two, salitan tayo maghuhugas ng pinggan. At three, bawal ka magdala ng lalake


dito"

"Gusto mo lang akong solohin."


Dumirecho ako sa guest room dala ng mga gamit ko. Hindi ko alam ang tumatakbo
sa utak ni Kelly pero hindi ako natutuwa. Ang lalake, pang isang gabihan lang. Akala
ko sinwerte ako kay Matt nung inuwi niya ako sa bahay niya noong isang gabi. Mali.
Pagkatapos kong maligo bumaba ako. Naamoy ko ang masarap na niluluto sa
kusina.

"Are you sure you can cook?" Tanong ko kay Matt.

"I'm a chef!"

"Hindi ko tinatanong kung anong trabaho mo, oo o hindi lang."

"We're having Couscous-Stuffed Pork Chops." sabi niya.

"Gusto ko ng sardinas."

"Oh that is so rude!"

"Baka may gayuma yang niluluto mo."

Binigyan niya ako ng dirty finger. Kumuha ako ng softdrinks sa ref ni Kelly.

"Get the wine, this will be finish soon."

"Wine-wine ka dyan! Wag ka maarte. Couscous pork chop. Ha! Kuskusin ko yang
mukha mo eh!" Nilaro ko si Zap hanggang makapag-handa si Matt ng mesa. Siya na
rin ang kumuha ng wine. Inaamin ko, sa amoy at tingin ng niluto niya parang
nagutom ako bigla. Chef-chefan nga si pota. Tinawag na niya ako para kumain. Ang
gara ng pagkakaayos ng mesa, may kandila pa.

"We're not on a date, you know!" sabi ko sa kanya. "Wag mong sindihan ang
kandilang yan at lalong wag mong patayin ang ilaw."

"It's called fine dining, Kiros. Get with the program."

Hindi sinindihan ag kandila, bukas lang ang ilaw. Hindi ko maipagkakailang masarap
talaga ang luto niya. Mga tipong tig-iisang

libo ang bawat subo. Tahimik lang ako at nakatingin sa pagkain. Si Matt tingin ng
tingin sakin hanggang di mapigilan magsalita.

"We could at least be friends, you know."

"I have enough friends." Sagot ko sa kanya.

"Ano bang meron sayo, ha? Ganyan ka ba talaga? Pagkatapos ng isang gabi sa
lalake, bale wala na sayo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya

at inatupag ang pagkain ko. Napailing na lang ang ulo niya at bumalik sa pagkain.

"Ba't parang apektado ka?" tanong ko sa kanya.

"You know why I even bothered talking to you that night? Kasi kita sa mata mo na
malungkot ka. Nakatawa ka pero malungkot ka. Parang

dapat may kumausap sayo kung hindi magpapakamatay ka."

"Well, hindi ako malungkot, alright?" Naramdaman kong nagagalit sa kanya. Parang
tinamaan ako.

"Whatever you say. But I honestly thought you were going to be different."

Kinuha niya ang pinagkainan at nilagay sa lababo at iniwan niya akong kumain ng
mag-isa. Natahimik ako sa sinabi niya. Tahimik ang

buong bahay bigla. Si Zap lang at ang kanyang dila sa gatas ang tanging ingay
hanggang narinig kong buksan ni Matt ang tv.

Pagkatapos ng paghugas ko ng pinggan, kumuha ako ng dalawang baso at nilagyan


ng wine. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko na kailangan kong
humingi ng patawad sa kanya. Mahirap sakin ang paghingi ng tawad. Pano niya
nagawang mapilit sakin yun?

Naabutan ko si Matt na natutulog na sa sala habang bukas ang tv. Natigilan ako sa
nakita ko. Si Matt lang naman. Pero parang iba ang

Matt na to. Mas maamo ang kanyang mukha. Mas tahimik. Gumalaw ang labi niya
na parang may nginunguya. Parang bata. Malalim ang pahinga niya. Medyo mahaba
ang buhok ni Matteo, ilang piraso nito bumabagsak sa mukha niya. Isang kamay
niya nasa tiyan, ang isa naman sa tabi hawak ang remote. Parang gusto kong
hawiin ang buhok niya, hawakan ang labi niya at halikan ang mata niya.
Naramdaman ko na kumirot ag puso ko. Shit! Di pwede `to!

Binaba ko ang baso sa salamin na mesa sa sala. Anong gagawin mo, Kiros? Tanong
ko sa sarili ko. Hindi ko gagawin ang gusto kong

gawin. Hindi ako matatalo sa pustahan. Umalis ako sa sala at pumunta ng kwarto.
Nahiga pero hindi makatulog. Iniisip ko si Matt at noong

gabi na magkakilala kami. Hindi ko natatandaang sinabi niya ang pangalan niya
pero ang alam ko 24 ang edad niya. Tinanong ko silang

lahat ng edad nila. Twenty-five ako, hindi magkalayo ang edad namin. Tinanong niya
kung pwede daw siya tumambay sa kinatatayuan ko. Sabi ko walang problema
basta walang magagalit na nakikipag-usap siya saakin. Sa tagal ko na sa
sirkulasyon, alam ko na ang gusto niyag

mangyari.

Hindi ako tatanggi. Biyaya na, aayawan ko pa ba?

Hindi ko maalala ang pinag-usapan namin pero alam ko na marami. Mukha naman
siyang matalino, may sense kausap. Marami na rin ang nainom ko pero ayaw ko
pang tumigil. Sabi niya, sa condo niya na lang daw kami uminom para kung sakaling
makatulog eh may higaan. Pumayag ako. Gegewang-gewang na din ako kaya
inalalayan niya ako. Nakatulog ako sa biyahe, kahit papano nagbalik ang ulirat ko.
Pero hindi naalis ang libog ko sa kanya. Hindi pa tuluyang sarado ang pinto tinulak
ko na siya sa likod nito at hinalikan sa labi. Hindi niya ako binigo at humalik naman
pabalik. Habang pinupuno ko ng halik ang kanyang labi, sinimula kong hubarin ang
suot niyang polo. Ganun din ang ginawa niya sakin.

At nangyari nga ang nangyari. Isa si Matt sa pinakamagaling na nakatalik ko. Ibang
klase siyang gumalaw. Nakakalibog ang kanyang

boses habang nagpapahiwatig ng sarap. Mainit ang hinga niya sa batok ko. Marahan
ang kanyang pag-indayog. Marunong siyang magpaligaya at alam niya ang dapat
gawin para magpaligaya. Walang salita, alam namin pareho ang dapat gawin.
Matapos `yun, binuksan ko ang bintana at nagsindi ng yosi. Natulog na si Matt.
Malamig ang hangin ng Disyembre lalo na dahil naka-boxers lang ako. Habang
nakatingin sa mga ilaw sa baba, hindi ko namalayan ang luhang tumulo galing sa
mata ko. Hindi na bago sakin ang umiyak matapos gawin yun. Sa bawat
pagkakataon tinatanong ko sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko.
Anong makukuha ko dito. Oo nga't masarap pero nasasaktan ako pagkatapos. At
hindi matumbasan ng sarap ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung

bakit ako nasasaktan. Ayaw kong masaktan pero ayaw ko din timigil. Napukaw ako
ng gumalaw si Matt, tulog parin. Pinunasan ko ang luha ko at bumalik sa kama.
Tumalikod sa lalakeng yun at pinilit na matulog.
Nagising ako sa tahol ni Zap sa garden. Paglabas ko sa porch nakita kong nilalaro ni
Matt ang aso ng frisbee sa garden. Nakangiti si

Matt, iba sa itsura niya nung huli kaming mag-usap kagabi. Sana kinalimutan niya
na yun. Ayaw kong pag-usapan. Pumunta ako sa kusina

at gumawa ng kape, nilagay ko sa dalawang tasa. Paglabas ko nasa pool na sina


Matt at ang aso. Nakita ako ni Matt at umahon, lumapit

sa mesang pinaglagyan ko ng kape habang umupo naman ako. Walang suot ng tshirt si Matt. Maganda talaga ang hubog ng katawan niya. Mas maganda pa dahil sa
kumikintab sa araw na mga patak ng tubig dito.

"Is that for me?" turo niya sa isang tasa ng kape. Umupo siya sa harap ko.

"That's for Zap," birong sagot ko sa kanya.

"Kanino?" tanong niya sakin. Hindi niya nga pala alam na Zap ang tawag ko kay
Legazpi. Tinuro ko ang aso. "I thought his name's

Legazpi?"

"It is. But it's a stupid name so I call him Zap." sabi ko sa kanya.

"Ah! Ako nagpangalan sa kanya." sabi niya sakin habang tinitingnan ang aso na
inaalis ang tubig sa katawan.

"Kaya pala." sabi ko sa kanya. "Sayo yang kape"

"Thanks. Ako nag bigay kay Macky niyan bago pa sila ikasal ni Kelly.

May alaga din akong pug, si Villalobos." Natawa ako ng malakas sa sinabi niya.
"Bakit?"

"And pangit mo magbigay pangalan sa aso."

"Ganun ah! Eh ikaw nga diyan eh. Zap? Ano yun? parang kinuryente."

Ngumiti kaming pareho, nagsalubong ang mata namin. Natahimik.

"Sa tingin mo ba talaga malungkot ako?" tanong ko sa kanya. Shit!

Sabi ko ayaw ko ng pag-usapan bakit ako pa ang nagsimula? Yumuko si Matt at


ngumiti sa sarili.

"Sa tingin ko? Oo. Kitang kita sa mata mo. Kahit gaano mo itago, makikita at
makikita parin sa mata. Hindi ka magaling

magsinungaling, kita lahat. Kung masaya ka, kung malungkot" Nawalan ako ng
sasabihin dahil sa sinabi niya. "Pero

kung sinasabi mong hindi ka malungkot e di hindi!" ngumiti siya sakin ng


matamis. Napakagat ako ng labi.

"Do you believe in love?" biglang lumabas sa bibig ko. Ano ba `tong
pinagtatatanong ko sa kanya?

"Sabi ko na nga ba in love ka sakin." wika niya at mas lumawak pa ang ngiti niya.
Yung wine kagabi, `tong kape nagpapa-cute ka pa

palagi." "May napakagsabi na ba sayo na napaka-arogante mong tao?" inis na


tanong ko sa kanya.

"I was just kidding! Where are these questions coming from anyway?

Kaaga-aga nag e-emote-emote ka a diyan!"

"My parents, they they divorced when I was 15, Kelly was 12. Mgatito at tita ko,
lahat, kung hindi divorced, hindi nag-asawa.

Natatakot ako para kay Kelly."

"Natatakot kang masaktan."

"Ha? Ah hindi, hindi sabi ko si Kelly."

"`Di ba sabi ko sayo, hindi ka marunong mag-sinungaling? " Tumayo si Matt at


naglakad papasok ng bahay. Tumigil siya sa may pinto at

lumigon sakin. "Wag kang mag-alala. Hindi hindi kita sasaktan."

Pagka-uwi ko sa bahay galing sa trabaho narinig kong kumakahol si Zap at nagriring ang telepono. Wala yata si Matteo.

"Hello?" sabi ko sa telepono.

"BB?" Si Kelly.

"Kelly! Oh kumusta? How's Hawaii?"

"BB ang ganda, sobra! Thanks thanks thanks talaga!"

"Enjoy it while you can kasi papatayin kita pag-balik mo dito!"

"Oh! What did I do?"

"Matteo!"

"Oh.. haha! BB naman, okay lang `yun no! Ano ka ba? Hindi ka ba natutuwa?

"Mukha ba akong natutuwa. Kelly? I mean what are you doing? He's your brother-inlaw who I slept with!"

"Slept with? Past tense yun, BB ah! You mean you're not sleeping with him?"

"God no! It was a mistake, okay? I was drunk and that's what drunk people do!"

"BB he was the one who asked me if you could stay with him. I thought you two
are dating." Natigilan ako sa sinabi ni Kelly. Si

Matt ang nag-request kay Kelly na dito ako tumira kasama niya?

"BB? Are you okay?"

"I'm I'm fine, Kelly. I I have to go now. Kinda busy."

"Okay. Tawag na lang ulit ako, ha! Bye BB, love you"

"I love you, too, Kelly." Binaba ko na ang telepono.

"Was that Kelly?" Nabigla ako. Nasa may pintuan si Matteo. Hindi ko alam kung gano
na siya katagal dun at kung ano ang narinig niya.

Hindi pa ako nakakasagot, nag-ring ulit ang telepono.

"Hello?" Sabi ng kabilang linya. Hindi si Kelly yun pero babae. "Is Teo there?" Inisip
ko kung sino si Teo, akala ko wrong number

hanggang naalala ko na Matteo nga pala si Matt. "You mean Matt? Yeah he's, he's
here." Inabot ko ang telepono kay

Matt at umalis na rin ako paakyat ng kwarto pero narinig ko parin ang una niyang
sinabi "Hello, baby!"

Sinarado ko ng malakas ang pintuan ng kwarto at napasandal sa likod. Hindi ko


alam kung anong iisipin. Una nalaman ko na si Matt ang may gustong magkasama
kami. Hindi ko alam kung maagalit ako sa kanya dahil sinet-up niya to o matutuwa
dahil kahit papano gumagaan na ang loob ko sa kanya. Tapos bigla kong marinig
siya sa telepono kausap ang isang babae tapos babatiin niya ng ganun? Nalilito ako.

Sumasakit ang ulo ko at biglang nag-tubig ang mata ko. Nagseselos ba ako? Naiinis
ako sa kanya pero hindi ko siya magawang kainisan ng

labis labis. Tuluyan ng lumuha ang mata ko. `Tang ina kaya ayaw ko ng ganito eh.

Nagtangka akong kontrahin ang nararamdaman ko. Bakit ako umiiyak e ako na
mismo ang nagsabi na ayaw ko sa kanya, na ayaw ko ng ganito. Ano naman sakin
kung may karelasyon siya? Hindi gumana. Tuloy tuloy ang luha ko. Matagal din
siguro ako sa ganung lagay ng biglang may kumatok sa pinto.

"Kiros?" Tawag ni Matt sakin. Ayaw kong magpakita sa kanya na ganun. Pinunasan
ko ang luha ko at nagpag-pag ng sarili tapos pinilit ngumiti. Tumayo ak sa
pagkakaupo at binuksan ang pinto.

"Oh, Matt? Bakit?"

"Anong bakit? Ako dapat yata magtanong sayo niyan! Bakit ka umiiyak?"

"Ah di ako umiiyak," sabay punay sa mata ko. "Napuwing lang ako."

Inabot ni Matt ang kamay niya sa mukha ko, akmang pupunasan and luha ko.
Umatras ako ng hindi niya maabot.

"Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sakin? Kailan mo ba ako


pagkakatiwalaan? "

Umalis si Matt at humiga naman ako sa kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na


pala ako. Hindi na ako nakapag-bihis o naligo man lang.

Nang nagising ako, nakita ko sa relo na alas dos-y-medya na ng madaling araw.


Nagugutom ako kaya bumaba para kumain. Nadaanan ko si

Matt na nakahiga sa may sala, ang tv bukas. Nakita kong may natatakpang pagkain
sa mesa at binuksan yun. Sardinas.

Kung sa ibang pagkakataon, iisipin kong napaka-sweet at naghanda siya nga


sardinas para sakin pero nalala kong bigla ang narinig ko

sa telepono kahapon. Kumuha ako ng kanin sa may rice cooker at nagsimulang


kumain.

"Ayos ka na ba?" Nabigla ako at napalingon sa kinatatayuan ni Matt. Hindi ko


sinagot ang tanong niya at nagpatuloy sa pagkain. "Tumawag

ulit si Kelly. Alam mo na pala."

"Ang alin?"

"Alam ko agad na ikaw yun nung makita kita sa kasal. Gustong gusto kitang
makilala. Kinausap ako ni Kelly sa reception, nagtanong siya

kung papayag akong magbantay ng bahay at sa aso. Sabi ko papayag ako kung
kasama kita."

"Ah talaga?" sabi ko na nagkukunwaring walang pakialam. hindi ko makuhang


tingnan siya kaya pinagpauloy ko lang ang pagkain. Naglakad siya papunta sa mesa
at naupo sa katabing na upuan ko. Hinawakan niya ang bisig ko. "I just want to
know you better."

"Bakit? May gusto ka ba sakin?" Sinabi ko sa kanya ng maypagka-sarcastic. "Gusto


mo rin ba yung kausap mo sa telepono kanina?"

"Nagseselos ka ba? Is that what this is all about?" Medyo galit ang tono niya. "I was
talking to my daughter!" Napatingin ako sa kanya.

Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. "And you talked to her mother."

"You didn't tell me you had a daughter." Nag-aasta parin akong hindi interesado at
nagpatuloy sa pagkain.

"How can I if you're closing everything on me! You wouldn't let your guard down!
Natatakot ka sakin! You don't trust me! I'm just a

mistake to you, `di ba yan ang sabi mo kay Kelly?" Tumayo siya at naglakad
papalayo pero tumigil at nagsalita. "I didn't want to think

YOU were a mistake. Now I can't help it."

Sinadya kong tumagal sa kusina, ayaw kong maabutan na gising si Matteo sa sala.
Hingasan ko ang plato at lahat ng ng makita kong

madumi. Nang dumaan ako sa sala para umakyat nakita ko si Matt sa sala, sarado
na ang tv at natutulog na siya, nakaakap sa sarili at

nilalamig. Walang kumot sa sala, naka-sando lang siya. Dali-dali akong umakyat sa
kwarto at kumuha ng kumot. Tinakpan ko siya ng

kumot na yun at tipong aakyat na ng narinig ko siyang magpasalamat.

Wala na si Matt ng magising ako ng alas-10. Sa kusina may malamig na french


toast. Kinain ko ng malamig ang agahan at pumasok sa opisina. Wala parin si Matt
ng makauwi ako ng gabi. Pagkatapos mag-luto at kumain, nanood ako ng tv sa sala,
wala parin si Matt, hanggang nagising ako ng alas-dos ng madaling araw. Naisip ko
kung nasaan na si Matt ng ganung oras at kung ano na ang nangyari sa kanya.
Lumabas ako sa may pool para magpalamig at nakita si Matt na nakahandusay sa
may upuan malapit sa pool. Gising si Matt at umiinom galing sa bote, sa baba ng
upuan may tatlong bote ng Red Horse na ubos na at meron pang dalawa na hindi
bukas. Halatang lasing na si Matt, malakas ang amoy ng alkohol sa kanya.

"Tama na yan," sabi ko sa kanya akmang kukunin ang beer sa kamay. "I love the
way you said that. It almost sounds like you care." sabi

ni Matt. Hinayaan nyang kunin ko ang beer sa kamay nya. "Pumasok ka na sa loob.
Malamig dito."

"Another one! Ha! This must be my lucky day!" "Matt, marami ka ng nainom."

"Why do you care? I mean I'm a mistake, right? Why do you care about your
mistakes?"

"Is that what this is about? Kaya ka umiinom dahil sakin?"

"You'd like that, wouldn't you? But rest easy, I'm drinking because I made a mistake,
a really bad mistake, the worst mistake I ever

made." tumayo si Matt sa harap ko at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Tumingin
siya sa mata ko at tumahimik. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Ayaw ko
siyang itulak baka matumba sa kalasingan. "You, Kiros you're the most beautiful
mistake I ever

made."

Naglakad si Matt papasok ng bahay at iniwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Hindi
ko na pinansin ang lamig kahit naninigas na

ang katawan ko na parang nagyeyelo. Hindi ko alam kung hangin ang nagdala
nun o si Matt. Pagkarinig ko ng pagsarado ng pinto saka

tumulo ang malakas na luha. Nandyan na naman sila. Ayaw na naman papigil.
Sumabay sa pagbuhos ng luha ko ang pagbuhos ng ulan pero

hindi ko magalaw ang paa ko para sumilong. Parang napako sa lupa hanggang
tuluyan na akong mabasa ng ulan.

Pagka-umaga nagising ako na may lagnat. Sa lahat ba naman kasi ng lugar na


pwedeng pagdramahan, dun pa ko sa umuulan. Umuulan pa din sa mga oras na
yun. Hindi ako papasok. Nagreklamo ang tiyan ko sa gutom. Mag-aalas 8 pa lang. Sa
kusina kumakain si Matt ng oatmeal. Pagkatapos tumingin sakin binalikan ang
pagkain niya at nagkunwaring wala ako sa paligid. Nagbuhos ako ng kape sa tasa at
umupo sa upuan na katapat ng kinauupuan niya. Wala akong magawa kung hindi
titigan siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Maliban sa pulang mata, aakalain ko
na nasa harap ko ang pinakamagandang nilalang. Biglang kumirot and puso ko at
lumakas ang tibok. Sabi ko na nga ba. Mukhang matatalo ako sa pustahan.

"Bakit?" tanong niya sakin. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.

"Tell me about your daughter," sabi ko sa kanya. Ngumiti din siya.

"Anong gusto mong malaman?"

"Kung anong gusto mong sabihin."

Tumahimik siya ng sandali, nagiisip kung anong sasabihin.

"Her name is Nicole Nikki. She's 3. Kasama ng mama niya sa Australia. Dun ako
tumira dati until two years ago when her mum and

I when her mum and I decided that we have to stop living a lie."

"Anong ibig mong sabihin?" Tumahimik na naman siya para makapag-isip.

"Hindi ko mahal ang mummy ni Nicole," simula niya, "hindi rin niya ako mahal.
Nagsama lang kami para sa bata. Nicole came out of

nowhere, unexpectedly. Isang inuman ng magbabarkada, the next thing you know,
her parents and my parents have agreed on a wedding. Ayaw naming pumayag. Her
name was Celine, she was my bestfriend. Kilala namin ang isa't-isa. Alam ni Celine
kung ano ako. At alam naming hindi kasal ang gusto namin. We went to Australia
para tumakas sa kasal. We were practically prisoners. Ang bahay, pagkain, lahat

bigay lang ng pamilya at mga barkada. Wala akong ginagawa dun. Celine met a
new guy and fell in love kaya kailangan ko siyang

bigyan ng space. Pumayag akong iwan sa kanya si Nikki with the promise that I will
still be recognized as his father. Bumibisita

ako dun once in a while and they call me."

Natahimik ako sa pagkukwento niya, akala ko may karugtong pa.

"Yun lang." dagdag niya.

"I'm sure she's a beautiful kid." sabi ko sa kanya.

"I'm her father, of course she's beautiful."

"Yabang" Ngumiti siya at nawalan ulit kami ng pinaguusapan hanggang tanungin


ko siya. "Did you mean what you said yesterday? Do you really think I'm a mistake?"

Tumingin siya ng matagal sakin bago nagsalita. Ulan lang sa labas ang naririnig
namin.

"I don't know what to think."

"Because I think I'm in love with you."

Fuck! Sinabi ko ba yun sa kanya o sa isip ko lang? Parang hindi ko na napigilan,


bigla na lang lumabas sa bibig ko. Tumahimik siya.

Tang ina, sinabi ko nga yun, di ko inisip lang. Ngumiti siya sakin at walang sinabi.
"Pwede ba magsalita ka, para akong gago dito."

"What do you want me to say?"

"I don't know. Maybe you can tell me it's all a mistake. Diba favorite word mo yun?
Maybe you can tell me it's just an illusion or

something." Wala parin siyang sinabi.

Dinala niya ang pinagkainan sa lababo at hinugasan habang nakatingin lang ako sa
kape ko na nangangarap na sana malunod na lang ako dito. Nangyari na ang
kinatatakutan ko, ang magmahal. At hindi pa nga nagtatagal nasasaktan na ako
agad. `Yun ang isang bagay kaya wala

akong hinayaan na lumapit sakin ng ganito. Nabibigyan sila ng pagkakataon para


saktan ka.

Hindi ako iiyak, sabi ko sa sarili ko. Kung hindi niya man ako gusto gaya ng
pagkagusto ko sa kanya, wala na akong pakialam. Mabuti ng

matapos `to bago pa masimulan.

"You're so stupid!" Sabi ko sa sarili ko ng malakas.

"Don't blame yourself. I'm just irrisistable. " Putang ina nang-inis pa.

"You think this is a joke? God! Ikaw ang nagsabi sakin na masyado akong matigas,
na di kita pinapatuloy, " umiiyak na ako sa mga

sandaling yun. "Then you take my defenses away, make me fall in love with you so
bad and now you're laughing at me? Putang ina, anong

tingin mo sakin, ha? Laruan?" Lumapit ako sa kanya at pinaikot para magkaharap
kami. "Look at me! Am I a toy to you, Matt?" Hindi siya

nagsalita ng matagal hanggang

"Are you really in love with me, Kiros?"

"Bingi ka ba?"

"Kiros, mahal mo ba talaga ako?" Hinawakan nya ang pisngi ko. Tumango ako bilang
sagot sa tanong niya. Lumakas ang buhos ng luha

ko. Natakpan ng tubig ang paningin ko. Sunod naramdaman ko na lang ang labi ni
Matt sa labi ko. Isang malambot na halik. Niyakap niya

ako at bumulong sa tenga. "I knew I loved you the first time I ever laid eyes on you.
I know that sounds crazy but well, I'm crazy. And

I'm crazy in love with you."

Natawa ako sa sinabi niya. "Ang korni mo. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang
sinabi ko."

Bulong ko sa kanya.

"You know that's not true."

"Yeah I know."

Niyakap niya ako ng mahigpit na sinuklian ko ng mas mahigpit na yakap. Hindi ako
makapaniwalang sa iilang araw pa lang na

magkakilala kami, ganito na ang mararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ako
nagsisisi. Nawala ang takot ko sa kahit ano. Hindi ko

maipaliwanag ang nararamdaman ko. At alam ko na ngayong gabi, hindi na ako


iiyak.
ENDmi, ganito na ang mararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ako nagsisisi.
Nawala ang takot ko sa kahit ano. Hindi ko

maipaliwanag ang nararamdaman ko. At alam ko na ngayong gabi, hindi na ako


iiyak.

The End

You might also like